Share

KABANATA 70

Penulis: Mhiekyezha
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-15 09:22:23

Pinili ni Isabelle ang mag-alarm ng cellphone para umaga pa lang ay makadalaw sila sa Mama Ana niya. Alas sais ng umaga ang set niya sa alarm.

"Leon, gising," panggigising niya sa asawa ng marinig ang alarm.

"Hmmm.." Hindi ito nagmulat ng mata bagkus hinapit siya nito pakabig at nagsumiksik sa ulo nito sa leeg niya.

Natawa siya nang mahina dahil sa kiliti pero kaagad din niyang pinigilan.

"Leon, kailangan na natin bumangon, pupunta pa tayo kay mama, hindi ba?"

"Hindi ba puwedeng mamayang hapon na lang tayo na pumunta kay mama?" inaantok na wika ni Leon. Nakapikit pa rin ito at mas sumiksik sa kaniya. "Sulitin natin ang pag-stay natin dito."

Hindi napigilan ni Isabelle na mapangiti dahil pakiramdam niya tanggap na tanggap na ni Leon ang pamilya niya.

"Pero, papaano kung magising si Mama?"

"Belle, may mga doctor doon, kung may mangyayari kay mama, itatawag naman iyon sa atin."

"Ayaw mo ba talaga?"

Dumilat si Leon at kapagkuwan hinapit siya nito.

"Hindi naman tayo palaging nasa ganito ka
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 70

    Pinili ni Isabelle ang mag-alarm ng cellphone para umaga pa lang ay makadalaw sila sa Mama Ana niya. Alas sais ng umaga ang set niya sa alarm."Leon, gising," panggigising niya sa asawa ng marinig ang alarm."Hmmm.." Hindi ito nagmulat ng mata bagkus hinapit siya nito pakabig at nagsumiksik sa ulo nito sa leeg niya.Natawa siya nang mahina dahil sa kiliti pero kaagad din niyang pinigilan."Leon, kailangan na natin bumangon, pupunta pa tayo kay mama, hindi ba?""Hindi ba puwedeng mamayang hapon na lang tayo na pumunta kay mama?" inaantok na wika ni Leon. Nakapikit pa rin ito at mas sumiksik sa kaniya. "Sulitin natin ang pag-stay natin dito."Hindi napigilan ni Isabelle na mapangiti dahil pakiramdam niya tanggap na tanggap na ni Leon ang pamilya niya."Pero, papaano kung magising si Mama?""Belle, may mga doctor doon, kung may mangyayari kay mama, itatawag naman iyon sa atin.""Ayaw mo ba talaga?"Dumilat si Leon at kapagkuwan hinapit siya nito."Hindi naman tayo palaging nasa ganito ka

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 69

    Nagising si Isabelle nang makaramdam siya ng panunubig. Dahan-dahan niyang nilingon ang kabilang espasyo ng kama ngunit maayos ang pagkakalagay ng unan na nakahilera sa gilid niya na tila sinadya iyon ilagay para hindi siya siguro magising. Kumunot ang noo niya at lumingon sa orasan na nasa itaas ng malaking TV. Pasado ala una na ng madaling araw at tila hinintay lang ni Leon na makatulog siya.Bumangon siya at kinuha ang silk robe na nakapatong sa upuan. "Leon!" May kalakasan niyang tawag nang lumabas siya sa kuwarto, ang tinig niya'y umaalingawngaw sa tahimik na kuwarto.'Nasaan kaya ang lalaking iyon?' tanong niya sa sarili habang naglakad siya pahayon sa kuwarto ng kapatid. Maingat na binuksan niya ang pinto ngunit hindi niya nakita roon ang asawa. Ang kama ni Shann ay maayos, walang bakas ng paggalaw.'Lumabas kaya siya?' tanong niya ulit sa sarili, ang kaba sa dibdib niya'y unti-unting lumalakas. Bumalik siya sa kuwarto at nagsuot ng jacket para hanapin si Leon sa hotel. Na

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 68

    "Thank God, the legendary Mr. Z has finally arrived."Napaayos ng upo si Jace Lichauco sa malambot na sofa nang sa wakas ay makita niyang pumasok si Zillion Craig Russo, mas kilala ng mga taong nakakaalam bilang Mr. Z—at ngayon ay nagpapanggap bilang Leon Montenegro. Mag-aalas onse na ng gabi. Halos maubos na ang alak sa private bar ng penthouse, pero ang tensyon, lalong tumitindi habang patuloy ang paghihintay. Pero ngayon, andiyan na siya.Simple lang ang suot ni Leon—black shirt, leather jacket, dark jeans—malayo sa karaniwang three-piece suit na sinusuot niya sa mga business engagements. Pero kahit pa ganoon, hindi nabawasan ang aura ng kapangyarihan sa bawat hakbang niya."You've nearly emptied the bar, and you're still complaining?"Sambit ni Leon habang papasok, malamig pero may bahid ng pagod ang boses."I'm not complaining," sagot ni Jace sabay angat ng baso. "But you could have at least warned us about the wait. We were starting to think you got abducted or something."Tahi

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 67

    Gustong nanginig ng kalamnan ni Leon ng mga sandaling iyon. Habang yakap-yakap niya si Isabelle mula sa likod. Ang kamay niya ay hindi na niya alam kung saan ipipirmi. Kung paakyat ba o pababa ang gagawin niya.Fuck! Naninigas na ata ang buong kalamnan niya habang nakasandal ang ulo ni Isabelle sa kaniya. The scent of her shampoo filled his senses, and he inhaled deeply, trying to ground himself. He cursed himself silently. Kahit na may nangyari na sa kanila ni Isabelle pero ang pananabik niya ay ganoon pa rin. Para bang dinala siya ulit sa pagka-teenager na ngayon pa lang makakatikim ng babae. Napahinga siya nang malalim. He want to stay calm pero ang hirap magpigil ng ganito lalo na't ganito ang nakikita niya. Damn! Nagiging addict na ata siya mula ng matikman na niya si Isabelle. "Leon.... Hindi ba puwede-" mahinang bulong ang boses ni Isabelle, may bahid ng pangamba. Hinawakan pa nito ang kamay niya na para bang gusto siyang pigilan na parang hindi. Sa tingin niya gustong m

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 66

    Leon couldn't believe what he was seeing. Every movement Isabelle made in the water was art—fluid, ethereal, as if she were born of the ocean. She wasn’t just swimming. She was dancing, gliding with such grace that it stole the breath from his lungs. A living water goddess, glowing under the soft shimmer of pool lights and the silver kiss of the moon.Her long hair trailed behind her like silk in the wind. Her face, calm and radiant, made his chest tighten. The water sparkled around her, reflecting her beauty back at him, amplifying the magnetic pull she had over his senses.Parang hindi totoo ang nakikita niya. His heart thudded—hard, fast, reckless. The world fell away until it was just them, suspended in stillness and moonlight.Parang dinala siya sa panahon na una niyang nakita si Isabelle. The clumsy, innocent girl who bumped into him outside the church in Milan five years ago. Now? She was a vision. A dangerous kind of beautiful. Every curve, every smile, every subtle glance

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 65

    Huminga nang malalim si Isabelle habang pinagmamasdan ang sarili sa harapan ng salamin.Kulay itim ang two-piece na ibinigay sa kaniya ng hotel. High waisted bikini. Medyo daring ang swimsuit pero tamang-tama sa kaniyang katawan, at ang push-up bra ay nagbigay-diin sa kaniyang magandang hubog. Pakiramdam niya maliit ang bra dahil ipit na ipit ang dibdib niya.Gumalaw siya at tumalon-talon para makita kung umaalog ba ang dibdib niya. Nang masiguro na hindi naman ay nakahinga siya nang maluwag."Isabelle."Napapitlag siya at napatingin sa pinto na nakasarado. “B-bakit?”“Matagal ka pa ba?" tanong ni Leon, halatang naiinip na."Sandali lang!" sagot niya, medyo nanginginig ang boses. "Sandali lang, may ginagawa pa ako."Muling tumingin si Isabelle sa salamin, kinakabahan siya. Kahit na may nangyayari na sa kanila ni Leon hindi naman siya nito nakita na ganoon ang suot.Ano na lang ang iisipin nito? Hindi ba malaswaan si Leon sa suot niya?"Isabelle," muli na naman tawag ni Leon sa kaniya.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status