Share

KABANATA 98

Author: Mhiekyezha
last update Last Updated: 2025-08-21 17:52:01
Huminto ang motor sa mismong harapan ni Isabelle, kasabay ng malakas na ugong ng makina na halos ikabingi niya. Napaatras siya sa gulat at tuluyang bumagsak sa malamig na lupa.

Nanlaki ang mga mata niya habang pilit na bumabangon, ngunit nanginginig ang tuhod at halos hindi siya makagalaw. Ang liwanag ng ilaw mula sa motor ay tumama diretso sa kaniya, para bang isang spotlight na walang kawala.

“Magandang binibini…” malamig at mabagal ang tinig ng lalaking bumaba mula sa motor, mabigat ang bawat yabag papalapit. Ang bota nito’y kumalabog sa sementadong kalsada, parang martilyong dumadagundong sa tenga ni Isabelle. “Saan ang punta mo? Gabing-gabi na at mag-isa ka lang dito. Gusto mo bang ihatid kita?”

Pinilit ni Isabelle ang sarili na huminga nang maayos, kahit pakiramdam niya’y tinutuhog ng malamig na hangin ang kaniyang dibdib. Ayaw niyang ipakita ang takot. Dahan-dahan siyang tumayo, pinupunasan ang alikabok sa kaniyang palad kahit nanginginig pa ang mga ito.

“M-magandang gab
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lina Palpallatoc
thanks miss A..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 107

    Kanina pa paulit-ulit na tinatawagan ni Leon si Isabelle, pero puro mahabang ring lang ang isinasagot ng linya bago tuluyang maputol.Kakarating lang niya mula ospital at ngayon lang niya nahawakan ang cellphone—naiwan niya kasi ito sa drawer ng silid kanina. Hindi na rin niya nagawang utusan sino man sa tauhan niya dahil ang mga mata ni Roman ay hindi nito inaalis sa kanila. Tila ba, may pagdududa ito. Agad siyang sumulyap sa screen. Walang bagong notification. Walang reply sa alinman sa mga naunang message niya. Ni “seen” wala. Muli siyang nagpadala ng message. 'Mahal, anong ginagawa mo? Busy ka ba?' Ilang sandali pa siyang naghintay ngunit katulad kanina ay wala pa rin itong reply. Napakunot ang noo niya. This isn’t normal. Hindi kailanman ginawa ni Isabelle na balewalain siya nang ganito kahit gaano ito ka-busy. Kahit na nasa OJT ito ay nakakapag-message naman ito sa kaniya. Usually, paggising pa lang niya ay may bungad nang mensahe ito—minsan simpleng good morning, minsan s

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 106

    Nagising si Isabelle na mabigat ang ulo, parang may nakadagan sa dibdib niya. Holiday at long weekend naman kaya gusto niyang magkulong sa kuwarto, matulog nang matulog hanggang makalimutan niya ang lahat. Ewan, pero nakakaramdam siya ng tampo sa asawa. “Ate, Ate!” masiglang tawag ni Shann mula sa labas ng kuwarto nila ni Leon. Sunod-sunod na katok ang umalingawngaw. “Ate, gising na. ’Di ba sabi mo, pupunta tayo sa ospital at maghapon tayong magbabantay…” Napangiwi si Isabelle at agad hinila ang unan para itakip sa mukha. Gusto niyang magbingi-bingihan, gusto niyang magpanggap na tulog pa siya. Tinatamad siyang bumangon at lumabas. “Ate…” muling katok ni Shann, mas banayad pero nananabik pa rin. Humugot ng malalim na hininga si Isabelle. Ngunit bago pa siya makasagot, narinig niya ang boses ni Cosme mula sa labas. “Shann, sa tingin ko, tulog pa ate mo. Sumama ka na lang sa akin.” Napapikit si Isabelle at nakiramdam, naghintay ng sagot ng kapatid. “Pero… papaa

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 105

    Natulala na lang si Isabelle nang tuluyang mawala sa kanilang linya si Leon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing tatawag ito sa kaniya ay may halong pagmamadali at tila walang oras para makinig. At kapag siya naman ang tumatawag, madalas hindi nito sinasagot—laging nakapatay ang cellphone, laging may idinadahilan. “Naiwan ko,” O, 'di kaya “lowbat.” Paulit-ulit na dahilan at parang nakakasawa ang ganoong palusot nito. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago marahang inilapag ang cellphone sa nightstand. Sa katahimikan ng silid, tanging ang mabilis at hindi mapakaling tibok ng puso niya ang maririnig.“Leon… ano ba talaga ang problema?” bulong niya, halos pumikit na ang tinig.Humiga siya at hinila ang isang unan kung saan isinuksok niya ang puting polo ng asawa—ang damit na madalas nitong suotin kapag nasa bahay. Idinikit niya ang mukha roon, mariing pumikit na para bang kaya nitong ibalik ang init ng mga yakap ni Leon.Amoy niya pa rin ang pinaghalon

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 104

    “(Grazie a Dio! Sei vivo, nipote mio.)” (Thank God! You’re alive, my nephew.) Mahigpit ang yakap ni Roman nang sa wakas ay makita si Mr. Z.Halos mangilid ang luha sa mga mata niya nang bumitiw siya mula sa pagkakayakap. Ngunit si Mr. Z ay nanatiling walang reaksyon, malamig ang tingin habang nakatuon lamang sa Uncle Roman niya.Pagkatapos, agad lumipat ang atensyon ni Roman kay Maxine, na nasa likuran, nakaalalay sa ama nitong si Zahir.“(Oh, signorina Graziano. Sono felice di vederti ancora al fianco di mio nipote, a prenderti cura di lui.)” (Oh, Ms. Graziano. I’m glad to see you still by my nephew’s side, taking care of him.)Nagulat si Maxine, ngunit nagpakita ng magaan na ngiti at tinanggap ang yakap ni Roman.“(Papà, la prossima volta non andare da nessuna parte. Mi preoccupo troppo.)” (Dad, next time don’t go anywhere. I worry too much.) seryosong sabi ni Roman, bahagyang nakakunot ang noo habang hinarap ang kanyang ama.Si Mr. Zahir, ngayon ay nasa edad na seventy-three, ay ha

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 103

    “Ma’am Isabelle, hindi ba kayo kakain?” muling tanong ni Manang Ising, nakasilip mula sa may pinto ng kuwarto nila ni Leon.Sa kanila na ito ngayon tumutuloy mula nang umalis si Leon, para may makasama siya sa bahay at hindi tuluyang lamunin ng katahimikan ang gabi.Pasado alas otso na, at para kay Isabelle, parang lalo lang bumabagal ang pag-ikot ng oras kapag wala ang asawa niya. Ang bawat minuto ay parang oras, at ang bawat gabi ay parang walang katapusang paghihintay. Inuubos niya ang oras sa Ojt, school at sa pagtatanim ng halaman sa harapan. “Ma’am?” tawag ulit ng matanda.Umiling siya, pinilit magpakawala ng maliit na ngiti habang nakatutok sa laptop at sa mga pahina ng thesis na pilit niyang tinatapos. “Mamaya na ho, baka tumawag si Leon…”“Ma’am, bilin ni Sir—kumain kayo sa tamang oras. Gusto n’yo ba dalhan ko na lang kayo dito?”Umiling muli si Isabelle, mahina pero mariin. “Huwag na ho, Manang Ising. Ako na ang bahala sa sarili ko.”“Ma’am…” may pag-aalangan pa rin sa tini

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 102

    Iyak nang iyak si Isabelle habang yakap-yakap ang asawa. Ayaw niyang bumitaw, parang kung kakalas siya ay baka tuluyan na itong mawala sa piling niya.Dalawang linggo na rin ang lumipas mula nang makalabas siya ng ospital. Sa mga panahong iyon, hindi siya pinayagang lumabas ni Leon. Hands on ito sa lahat—pag-aalaga sa kaniya, kay Shann, at maging kay Mama Ana. Hindi na niya maintindihan kung papaano nahahati ng asawa ang sarili araw-araw, pero ang alam niya lang, hindi siya pinapabayaan nito.Pasalamat siya dahil mali ang tingin niya noon. Buong akala niya, isang walang patutunguhang lalaki ang napasagot niya—isang sanggano lang na walang maipagmamalaki. Pero mali siya. Iyon pala, mas marami itong kayang gawin kaysa sa inaakala niya. Hindi man nakaupo sa loob ng opisina gaya ng iba, pero madiskarte si Leon. Marunong sa lupa, sa pagtatanim, at lahat ng bagay na napapakinabangan.Binibenta nito ang mga tanim na gulay sa Z’ Oasis Hotel and Casino. Noon lang niya nalaman na si Leon pala a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status