Share

The Billionaire Slut
The Billionaire Slut
Author: Moonstone13

Chapter 1

Warning:

Mature content. It contains violence not suitable for minor readers. Read at your own risk.

"Tao po.., Cherry.. Tao po!" sigaw ni Annika sa labas ng bakuran nila Cherry.

Lumabas naman mula sa likod bahay ang ina ng kaibigan niya ng marinig siguro ang pagtawag niya.

"Naku Annika, ikaw pala yan! Pumasok ka na muna at baka nasa silid pa n'ya si Cherry ko."

"Hindi na po Nay Lourdes, palabas na rin po ata si Cherry. Dito na lamang po ako maghihintay."

"O s'ya sige ikaw ang bahala kung ayaw mong pumasok." saad ni aling Lourdes na hindi na namilit pa.

"Cherry, Lumabas ka na nga d'yan at nandito si Annika. Kanina ka pa nagbibihis, di ka pa rin ba tapos sa ginagawa mo?!" pasigaw na pagtawag ni aling Lourdes sa anak.

"Nariyan na po!" pasigaw rin na sagot ni Cherry sa ina. At nagmadaling hinablot ang kanyang bag pack na nasa ibabaw ng kanyang higaan at agad na ring lumabas ng pintuan ng bahay.

"Annika!" tawag ni Cherry sa bestfriend niya at kinawayan siya nito at nagsenyas na lumabas na ng bakuran ng bahay nila.

"Nay, aalis na po kami!" paalam ni Cherry sa ina.

"Sige, mag iingat kayong dalawa at wag kayong papagabi ng uwe." bilin naman ni aling Lourdes sa kanya.

Sumimangot si Cherry sa sinabi ng ina.

"Nay naman eh! Baon ko po. Pamasahe lang ang pera ko dito. Nakakahiya naman kay Annika kung magpapalibre na naman ako." maktol ni Cherry..

Tinititigan siya ni aling Lourdes habang may kinukuha sa bulsa ng suot na short pants.

"Tipiran mo yan ha!" sabi ng ina niya na inaabot sa kamay niya ang isang daang piso.

"Opo nay, hindi na ko kakain. Magtutubig na lang ako." biro ni Cherry sa ina na ibinubulsa ang perang ibinigay sa kanya.

"Oy Cherry Lou, isang daan yan ha! Pasaway kang bata ka. Bumili ka ng kahit na banana cue, sobra pa naman yan kung kakainin lang ang bibilhin mo." singhal ng ina n'yang napikon na naman sa kanya.

"Joke lang, Nay. Thank you po! Alis na kami ni Annika, Nay." paalam muli ni Cherry sa sa ina.

"Tara na, Annika!" aya na niya sa kaibigan na sumunod sa paglalakad niya.

"Na double check mo ba ang lahat ng mga requirements mo?" tanong ni Annika sa kanya habang naglalakad na patungong labasan, sa paradahan ng tricycle sa lugar nila sa bayan ng Pangasinan.

Malayo kase ang high way sa lugar nila. Sobrang mahal ang magiging pamasahe kung diretsong pahatid sa bayan. Kaya mula sa paradahan sa kanila ay sasakay sila ng tricycle hanggang sa daanan ng jeep patungong bayan.

Kakagraduate lang nila ng highschool at maghahanap sila ng trabaho ngayon sa pinakabayan nila habang bakasyon. Napag-usapan kase nilang dalawa na mag ipon ng pera para may ipangdagdag sila sa tuition fee para sa darating na pasukan sa kolehiyo.

Mahirap lang ang pamilya nila Cherry Lou. Mas nakakaahon naman na sa buhay sina Annika dahil sa ibang bansa nagtatrabaho ang ate nito. Dahil sa bunsong anak naman si Annika ay hindi nakaranas ng hirap ang kaibigan mula pagkabata nila.

Simple lang ang kaibigan niya at mabait. Maganda rin ito pero marami ang nagsasabi na mas maganda siya sa kaibigan, mas matangkad din siya at kahit na disisyete pa lamang siya ay napagkakamalan na siyang nasa bente na ang edad dahil sa malaking bulas nga raw siya kaysa kay Annika na halatang menor de edad pa rin.

Samantalang si Cherry Lou naman ay panganay sa magkakapatid. Tatlo silang anak at dalawang lalaki ang mga sumunod sa kanya. Tanging ang ama lamang niya ang nagtatrabaho para sa kanila.

Kaya kinumbinsi niya si Annika na samahan siyang maghanap ng mapapasukang trabaho na sinang ayunan ang naisip niya kaya imbes na siya lang ang mag a apply ay dalawa na sila.

"Seryoso ka ba na gusto mo ring mag trabaho, Annika? Hindi mo naman kailangan gawin 'to dahil lang sa gusto ko. Hindi ka naman sanay sa hirap na katulad ko." tanong ni Cherry kay Annika na sinamangutan na siya.

"Gusto ko lang din naman subukan Cherry. Kung matatanggap ako sa trabaho e di okay magkakaroon ako ng working experience. Tulungan mo na lang ako sakaling matanggap din ako. Kung hindi naman ay okay lang din, gusto ko lang i try talaga bestfriend." saad ni Annika.

"Oo na nga! Bilisan na natin baka mamaya wala na tayong maabutang job hiring sa bayan." wika ni Cherry.

Nang nasa bayan na sila Cherry Lou ay nagsimula na silang mag job hunting ni Annika. IIang agency rin ang pinuntahan nila at pinag submit-an ng resume nila.

Ang sabi lang ng empleyado sa agency sa kanila ay tatawagan na lamang sila kapag may nahanap ng fit na trabaho para sa kanilang dalawa.

Nagtanghalian lang sila ni Annika sa gotohan kanina at nung hapon naman ay nagmeryenda lang din sila ng softdrinks at turon para makatipid si Cherry. Gusto sana ni Annika na mag fastfood na lang sila sa jabee pero humindi si Cherry at sinabi ngang kailangan niyang magtipid at ayaw naman magpalibre kay Annika. Kaya bumagsak silang pareho sa gotohan.

Naglibot-libot pa sina Cherry at Annika sa bayan. Naisip rin nilang pumasok sa simbahan at magdasal at ng matapos ay napadaan sila sa plaza na may mga nagpapractice ng sayaw. Ang iba naman ay nag i skate board. Naaliw silang magkaibigan sa panonood at hindi nila namalayan na ginabi na pala silang dalawa.

Medyo malayo pa naman ang lugar nila sa bayan. At dahil nasa liblib ang kabahayan sa lugar nila ay madalang ang dumaraan na tricycle lalo na sa gabi kaya matagal ang hihintayin bago pa makasakay.

Hindi naman sila natatakot na umuwi ng gabi sa kanila dahil sanay na rin naman sila sa lugar nila.

Sumakay na sila ng jeep at nakarating sila sa lugar nila na mag aalas otso na ng gabi. Pagkababa nila ay wala nang nakaparadang tricycle sa paradahan.

Matiyaga silang naghihintay habang nagkukwentuhan ng may tumigil na isang itim na van sa kanilang tapat.

Natigilan sina Cherry at Annika sa pag uusap at hinintay nilang bumaba ang bintana ng sasakyan sa driver seat sa pag aakalang baka magtatanong lang ang nasa loob ng sasakyan, pero imbes na bintana ang bumukas ay ang pinto ng van sa passenger seat ang bumukas at nakita nila ang tatlong lalaking n*******d ang pang itaas at natatakluban ng tela ang mga mukha na mabilis na lumabas at hinawakan silang dalawa.

Nagpumiglas silang magkaibigan para makawala, pero nagawa pa rin silang maipasok sa loob ng sasakyan. Sa takot ay napaiyak na si Annika, si Cherry naman ay naglalaban pa rin sa lalaking may hawak sa kanya.

"Sino kayo? Anong kailangan ninyo sa amin? Pakawalan n'yo kami!" aning sigaw ni Cherry Lou sa mga lalaking kumidnap sa kanila ni Annika.

"Parang awa na ninyo pakawalan n'yo na po kami. Hindi po kami magsusumbong pakawalan n'yo lang kami." ani naman ni Annika na yakap-yakap na ni Cherry.

"Pakakawalan namin kayo, wag kayong mag alala, pagkatapos ninyo kaming paligayahin." wika ng lalaking nagmamaneho na tulad ng tatlong lalaki ay may taklob rin ang mukha at n*******d ang katawan.

Nagtawanan ang mga kasama ng nagsalita na nasa tabi lang nilang magkaibigan.

"Cherry, natatakot na ko!. Anong gagawin nila sa atin Cherry?" mahinang tanong ni Annika na mababanaag ang takot sa mga mata ng kaibigan.

"Hindi ko alam Annika, hindi ko alam. Ang alam ko lang delikado tayo sa kanila dahil mukhang mga nakadrugs ang mga 'yan." sagot niya dahil kahit siya ay pinanghihinaan na ng loob.

"Malayo pa ba?" tanong ng lalaking nasa bandang kaliwa ni Cherry.

"Hindi na ba makapaghintay yang alaga mo at inip na inip ka na? Kung sabagay sa ganda ng katabi mo ay hindi kita masisi pare." tanong ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan.

"Itabi mo na lang d'yan. Pwede na siguro dito wala ng makakakita pa sa atin dito at wala ring makakarinig." wika naman ng katabi ni Annika.

"Sure pare, sabi mo eh!" at ipinasok nga nito sa mataas na talahiban ang sasakyan.

Gumapang ang kaba at takot sa buong katawan ni Cherry na sa tingin niya ay ganoon din kay Annika na lalong nagsumiksik sa katawan niya.

"A-Anong gagawin ninyo!? Parang awa n'yo na wag ninyong gawin. Maawa kayo sa amin ng kaibigan ko. Pakiusap pakawalan n'yo na kami."

Tanong ni Cherry kahit na alam niya na sa isip niya ang binabalak ng apat na lalaki sa kanilang dalawa ni Annika.

Paulit-ulit na nakiusap si Cherry na hinigpitan pa ang pagkakayakap kay Annika.

"Halika rito!" hila ng isang lalaki kay Annika ng tumigil na ang sasakyan at buksan nito ang pintuan ng van.

"Huwag, wag.., huwag.. Parang awa n'yo na please... wag..!!" sigaw na pag awat ni Cherry sa humihila kay Annika.

"Ayoko.., ayoko.. Cherry, Cherry.., Ayoko...! Bitiwa mo ko, ayoko...!!" natatakot na iyak ni Annika na ayaw bumitaw sa katawan ni Cherry na mahigpit ding hinahawakan ni Cherry ang kaibigan.

"Masyadong maingay ang mga yan, baka may makarinig sa atin rito. Busalan ninyo na muna ang mga bibig ng dalawang yan." saad ng lalaking bumaba na sa drivers seat.

"Mga hayup kayo! Ang hahayup n'yo! Uhmmm uhmm.." paasik na wika ni Cherry na hindi na natuloy ang pagsigaw dahil nabusalan na ng panyo ang bibig niya.

Nanlaki ang mga mata ni Cherry Lou ng magawa na ng dalawang lalaki na mailayo sa katawan niya si Annika. A-nni-ka umm.. umm." umiling ng umiling ang ulo ni Cherry na nakatingin kay Annika habang hinihila pa rin ang kaibigan niya palayo.

Kitang kita niya na nagpupumiglas pa rin si Annika na sinusubukan na makawala sa dalawang lalaki na may hawak sa kaibigan niya. Binuhat na ng isang lalaki ang katawan ni Annika at pinagsusuntok ni Annika ang bahaging likuran ng bumuhat sa kanya. Naglakad pa palayo sa sasakyan ang dalawang lalaki na bitbit ang kaibigan n'ya at hindi na nakita ni Cherry si Annika.

Tumulo ang mga luha ni Cherry sa kanyang mga pisngi dahil hindi niya matulungan si Annika dahil sa pinipigilan siya ng lalaking nasa tabi niya na makalabas ng sasakyan.

"Sinisimulan na nila ang pagpapaligaya sa kaibigan mo. Kami naman, don't worry miss i will make you scream hindi dahil sa takot kundi sa sarap." saad ng lalaking katabi niya.

Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Kusang tumigil sa pagluha ang kanyang mga mata. Nagpupuyos sa galit ang kanyang kalooban.

"Hawakan mo sa kamay yan, ako ang mauuna." utos ng lalaking nagmamaneho kanina ng sasakyan.

"Paalala ko lang pare, baka masarapan ka huwag mong papaputukan sa loob ha! gagamitin ko pa yan." rinig ni Cherry na sinabi ng lalaking inutusan na hawakan ang mga kamay niya.

"Tsk.., kailan ka pa naging maselan?!" nakangising sambit ng lalaking gusto makauna kay Cherry.

"Nag iingat lang." sagot ng lalaking nakahawak sa mga kamay ng dalaga.

Nakita ni Cherry na naghuhubad na ang lalaki ng suot nitong pantalon at sa liwanag ng buwan ay nakita niya ang tattoo nito sa tagiliran ng kanang hita ng lalaki. Tinandaan niya ang palatandaan na 'yon.

Nang lapitan na siya ng lalaki sa loob ng van ay bigla siyang naghysterical, naglalaban siya pero malakas ang lalaki at nagawa rin nitong hubarin ang mga pang ibaba niyang saplot.

Nasipa ni Cherry ang lalaking nasa paanan niya kaya sa galit nito ay sinuntok ang kanyang tiyan. Biglang nanghina si Cherry at wala na siyang nagawa ng tuluyan nawarak ang iniingatan niya. Sa sakit na nararamdan ay tahimik na lang na umiyak si Cherry. Hindi na niya kayang maglaban pa at hinayaan na lang niyang babuyin ng lalaki ang katawan niya hanggang sa matapos ito sa kanya.

Wala pang ilang minutong natapos ang paghalay sa kanya ay ang lalaking humawak naman sa kamay niya kanina ang umibabaw sa katawan niya pagkatapos siyang iayos ng higa nito. Nagpalit lang ng pwesto ang dalawang lalaki kaya hindi pa rin makagalaw si Cherry.

Sa bawat pag ulos ng lalaki sa kanyang pagkababae ay napapapikit siya dahil sa pagsagad ng alaga nito sa kanyang kaloob-looban. Nasasaktan siya sa bawat pagbayo nito sa kanya ng sagad. Gusto niyang sumigaw ng malakas pero hindi niya magawa dahil sa may busal ang kanyang bibig. Nag ipon ng lakas si Cherry at nagawa niyang matuhuran ang lalaking nasa ibabaw niya. Nasaktan ang lalaki at napahawak sa alaga nito.

Natawa ang lalaking nakahawak sa kamay niya. Napikon naman ang lalaking tinuhod niya, kaya ginantihan siya ng lalaki at malakas siyang sinuntok sa sikmura. Napaubo si Cherry sa sakit, hanggang sa lumupaypay na ang katawan niya at wala na siyang maramdaman pa, bigla siyang namanhid. Naging tuod siya sa ilalim ng katawan ng lalaking nagpapakasasa sa kanyang katawan.

Hindi na alam ni Cherry kung ano ang mga sumunod na nangyare at paano natapos ng lalaki ang pambababoy sa kanya dahil nawalan na siya ng malay.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Moonstone13
Susan Manidlangan at Aeron Buhi. Hanapin nyo si Joannarissa sa peysbuk ...
goodnovel comment avatar
Moonstone13
Girly de Tomas, Joanna, Amy Allinares, Jossa, Gemma Arellanes Causon. yung sa top gem sa run away fiancee ko. contact me may bibigay ako ... pa ty lang.
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
naghanap lang nmn sila ng trabaho bakit ganyan kawawa nmn sila dlawa...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status