Nagising si Cherry Lou dahil sa tindi ng sikat ng araw. Hindi pa niya maidilat ng maayos ang kanyang mga mata dahil sa nasisilaw siya sa sinag ng araw.
Masakit ang buong katawan at masakit ang ulo niya ng magising s'ya kaya napahawak pa siya sa kanyang ulo habang nakapikit pa rin. Pakiramdam niya ay nabugbog siya at pinagsasabunutan sa sobrang sakit na nararamdaman.Idinilat niya na ng dahan-dahan ang kanyang mga mata at inilibot ang paningin sa paligid.Napaawang ang labi niya ng makita sa kanyang tabi si Annika na bakas ang mga pasa sa mukha nito at may sugat pa ang gilid ng labi.Nasa talahiban sila ni Annika at ang mga saplot nilang pang ibaba ay nasa tabi nila pati na rin ang bag pack niya at bag ng kaibigan. Ganun na rin ang flat shoes nila.Napansin din niyang sira sira ang damit pang itaas na suot ni Annika na halatang pinagpupunit at ang dami ring pasa ng kaibigan sa ibang parte ng katawan nito.Tumulo ang luha ni Cherry Lou nang magbalik sa ala-ala niya ang nangyare sa kanila ni Annika kagabi. At sa kanyang nakikita sa matalik na kaibigan ay mas pinahirapan ng mga lalaki ang katawan ni Annika."A- Anikka, Anikka.. " natatakot na nanginginig na sambit niya sa pangalan ng kaibigan. Sinuri niya ang palapulsuhan nito at tinapat niya ang isa niyang tainga sa kaliwang dibdib nito upang siguraduhin kung may pulso pa ba at kung tumitibok pa ang puso ni Annika.Kumalma lang siya ng mapagtantong buhay pa ang kaibigan niya."Salamat Anikka.., at buhay ka!" naiiyak na wika ni Cherry. Iniyugyog niya ang katawan ni Annika upang magising ito. "Anikka.. Anikka.."Umungol si Annika, tanda na nagigising na ang dalaga. "Che-rry.., Cherry.. " sambit ni Annika na dahan-dahan na iminumulat ang mga mata.Nang makita ni Annika ang mukha ni Cherry ay humagulhol na ng iyak ang dalawa at nagyakapan."Shhh.. Tama na Annika, tama na!. Huwag na tayong umiyak tapos na, nangyare na!. Pasalamat tayo at buhay tayong dalawa. Huwag ka nang matakot, okay?! Wala na sila, iniwan na nila tayo rito. Ayusin mo ang sarili mo, pupunta tayo ng presinto, magsusumbong tayo sa mga pulis, irereport natin ang ginawa ng mga hayup na yon sa ating dalawa." saad ni Cherry kay Annika."M- may nakilala ka ba sa kanilang apat, Cherry?" humihikbing tanong ni Annika sa kanya na nagpailing ng ulo niya."Hindi ko nakita ang mga mukha nilang apat pero yung unang humalay sa akin may palatandaan ako sa kanya. May tattoo siya sa kanang hita niya, at natatandaan ko ang markang iyon Annika!. Ikaw ba, wala ka rin bang nakita o nakilala kahit isa sa mga hayup na nang gahasa sa atin?" tanong ni Cherry kay Annika na pinapahid pa ang luha na dumadaloy sa pisngi niya.Umiiyak na umiling ang kaibigan. "Paano natin sila maipapakulong Cherry, kung wala naman tayong nakilala isa man sa mga demonyong yon!?" Tanong naman ni Annika sa kaibigan."Che- Cherry, pwede bang ilihim na lang natin ang nangyare sa atin kagabi? Ayokong malaman nila mama at papa na ginahasa ako. May sakit sa puso ang mama ko at ang papa ko ay baka magwala kapag nalaman. Ayoko ring mapag usapan ng mga tao. Cherry, please sa ating dalawa na lang 'to!" pakiusap ni Annika na umiiyak sa harapan ng kaibigan habang nakikiusap.Kung si Cherry ang masusunod ay gusto niya ng hustisya, pero sa pakiusap ng kaibigan kahit na labag sa loob ay tumango na lang siya at humugot ng malalim na paghinga."Sure ka ba sa gusto mong mangyare, Annika? Ayaw mo bang magkaroon ng hustisya ang ginawa ng mga hayup na yun sa atin? Binaboy nila tayo Annika, nawala na ang pinakaiingatan natin at pwersahan nila iyong kinuha at pinagpasapasahan pa nila ang katawan natin. Tapos ganun na lang yon! pagkatapos ng nangyare sa atin, gusto mo na ilihim na lang natin talaga? Tignan mo ang sarili mo, tignan mo ko Annika. Binaboy nila tayong dalawa!" mahabang litanya ni Cherry sa kaibigan."Alam ko Cherry, alam ko! Pero natatakot ako na balikan pa nila tayo. Bago nila tayo iwan ay pinagbantaan pa nila tayo na wag magsusumbong sa mga pulis dahil kung gagawin natin 'yon ay babalik sila para kitilan tayo ng buhay. Wala ka ng malay nun bago pa nila tayo iwan rito, kaya hindi mo na alam ang mga sumunod na pangyayare.Tinutukan pa ko ng baril ng isa sa kanila, nakiusap lang ako na wag nila tayong patayin Cherry. Naiintindihan mo ba? Ayoko pang mamatay Cherry, marami pa akong pangarap sa buhay. Ayokong balikan nila tayong dalawa. Please Cherry.., nakikiusap ako sa'yo na ilihim na lang natin ang nangyare." matinding pakiusap ni Annika kay Cherry.Nakipagtitigan si Cherry Lou sa mga mata ng kaibigan. Kita niya ang takot at pangamba sa mga mata nito."Sige na, sige na..!. Pangako walang ibang makakaalam sa nangyare sa ating dalawa." nasambit na lang ni Cherry dahil naiintindihan na niya ang takot na nadarama ni Annika.Yumakap si Annika kay Cherry ng mahigpit. Matagal sila sa ganoong ayos ng maisipan na nilang tumayo at ayusin ang mga sarili nila upang umuwi. Alam nilang nag aalala na ang mga pamilya nila sa kanilang magkaibigan.Nakauwi silang dalawa sa kani-kanilang bahay na wala man lang nakahalata nang nangyari sa kanila.Napagsabihan lang sila ni aling Lourdes dahil hindi sila nakauwi ng gabi at tanghali na kinabukasan nakabalik ng bahay.Napansin din ni aling Lourdes ang mga pasa ni Cherry at Annika dahil doon sa kanila unang tumuloy ang kaibigan upang makapagpalit ng maayos na damit bago ito umuwi sa bahay nila.Sinabi nilang nakipag away sila sa mga grupo ng babaeng humarang sa kanila sa plaza kagabi. Hindi sila agad nakauwi dahil na dala sila sa barangay at pinagwalis sa kalsada at ibang lugar na sakop ng barangay bilang parusa at pinauwi sila ay magtatanghali na.Yun ang ginawa nilang rason para malusutan nila ang gabing hindi sila nakauwi ng bahay.Bago pa sila naglakad palabas ng talahiban ay gumawa muna sila ng plano upang hindi sila pag isipan o pagtakhan ng mga magulang nila kapag nagtanong ang mga ito sa kanila.Napagsabihan pa sila ni Aling Lourdes na hindi na nila ininda pa dahil nagsinungaling naman sila. Nagkakasulyapan na lang silang magkaibigan kanina dahil sa pagbubunganga ng ina ni Cherry.Dalawang araw ang lumipas na hindi sila nagkitang magkaibigan buhat ng makauwi sila ng bahay dahil sa pareho silang nagkasakit.Nabalitaan na lang ni Cherry sa ina ng pasukin siya nito sa kanyang silid at sabihin nitong nakasalubong ang ina ni Annika sa daan at dalawang araw na nga raw na nagkukulong sa kwarto ang kaibigan niya. Ang sabi raw ni Annika sa magulang ay masama ang pakiramdam nito kaya ayaw lumabas ng bahay.Kinabukasan ay nagpasya si Cherry na puntahan si Annika sa bahay nito."Nay, aalis po ako, pupuntahan ko po si Annika."Paalam ni Cherry sa ina."Wala ka na bang lagnat? Baka hindi pa kaya ng katawan mo Cherry!" tanong ng ina niya sa kanya."Maayos na po ako nay, hindi naman po ako magtatagal kina Annika, dadalawin ko lang po siya." wika pa niya sa ina."Bahala ka ngang bata ka! Basta umuwi ka kaagad ha. Dapat bago magtanghalian ay narito ka na. Pupuntahan ko ang Tita Lea mo sa ospital at nanganak na raw ang sabi ng Tito Robert mo. Dadalhan ko ng tinola para makahigop ng mainit na sabaw." habilin pa ni aling Lourdes sa kanya."Opo nay, babalik po agad ako." aniya sa ina at nagtuloy ng lumabas ng bahay nila.Nakarating si Cherry sa bahay nila Annika. Nang makita siya ng ama ng kaibigan ay agad siyang pinapasok nito."Magandang umaga po, Mang Henry. Nandiyan po ba si Annika?""Oo iha, nasa kwarto niya at nagkukulong pa rin. Ano bang nagyayare diyan sa kaibigan mo? Nagkatampuhan ba kayong magkaibigan? Aba ay magmula ng umuwe yan ng hindi dito natulog ng isang gabi pagkauwe ay lagi ng nagkukulong sa kanyang kwarto. Lalabas lang kapag kakain at magbabanyo. Hindi naman ganyan yang si Annika. Gusto ngang kausapin ng ate niya sa cellphone ay ayaw naman makipag-usap." pahayag ng ama ni Annika sa kanya."Ganun po ba? Baka po may dinaramdam lang. Pwede ko po ba siyang makausap sa loob Mang Henry?" saad ni Cherry."Mabuti pa nga, sige pasukin mo na sa silid niya at tanungin mo kung anong problema ng kaibigan mong 'yan? Nag aalala na kami ng ina niya sa kanya. Kapag nagpatuloy siyang ganyan ipapacheck up ko na siya sa doctor." pahabol pang wika sa kanya ni Mang Henry."Sige po Mang Henry, sasabihin ko po sa anak ninyo na nag aalala na po kayo sa kanya. Tuloy na po ako sa kwarto ni Annika." sagot naman ni Cherry at naglakad na patungo sa silid ng kaibigan.Nasa harapan na ng pintuan ng silid ni Annika si Cherry. Huminto muna siya panandalian at nagbuntong hininga bago kumatok sa pinto."Annika.., Annika si Cherry to! pwede bang pumasok? Mag usap tayo, please..! " wika ni Cherry na inulit ulit pa ang pagkatok sa pinto.Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya sa labas ng pintuan ng silid ng kaibigan ng buksan ni Annika ang pinto at hinila siya papasok sa silid nito at agad din na isinara."Bakit ka narito? Pinapunta ka ba dito nila papa?"Tanong ng kaibigan sa kanya."H-hindi, kusa akong nagtungo rito. Gusto ko lang kamustahin ka Annika." aniya."Cherry, pinipilit kong kalimutan ang mga nangyare sa atin. Pero pabalik-balik naman sa panaginip ko lahat ang lahat ng ginawa nila sa akin. Natatakot akong makatulog dahil ayoko ng makita sa panaginip ko ang mga kawalang hiyaan ng mga hayup na yon." naluluhang saad ni Annika.Niyakap ni Cherry ang kaibigan dahil alam niya ang pinagdadaanan nito dahil pareho lang silang nakararanas ng ganoon.Ma
Pagkarating niya sa maynila ay bumaba siya sa mismong terminal ng bus sa Cubao.Ang sabi ng kanyang inay bago pa man siya makasakay ng bus ay tumawag ang kaibigan nito at ang sabi ay susunduin na lamang daw siya sa mismong terminal at baka maligaw pa raw siya at kung saan pa mapadpad sa maynila.Kaya ganoon na nga ang ginawa niya at mahigit isang oras na nga siyang naghihintay sa terminal ay wala pa ring lumalapit sa kanyang babae na magpapakilala raw na Joyce at magtatali raw ng panyong puti sa palapulsuhan nito upang makilala niya ang kaibigan ng ina.Wala kase siyang cellphone kaya iyon ang naisip ni Joyce na pagkakakilanlan niya sa babae. Si Cherry naman ay babanggitin lang ang pangalan ng kanyang ina.Mataman siyang nagpasulyap-sulyap sa mga taong pumapasok ng terminal at nagbabakasali na may babaeng lumapit na sa kanya at magtanong.Naupo na siya sa waiting area ng mga pasaherong papaalis. Kanina pa kase siya nakatayo at nangangalay na ang kanyang mga paa sa kakatayo sa paghihin
Kinabukasan ay sinimulan na ni Cherry Lou ang paghahanap ng trabaho. Isinabay siya ni aling Joyce sa pag alis hanggang sa makarating sila sa pinapasukan nitong kumpanya bilang janitress.Dahil hindi siya allowed na makapasok sa building ay pinaglakad lakad na muna siya ng ginang sa labas at sinabing magkita na lang uli sila mamayang uwian para sabay na rin silang makabalik ng bahay.Kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang masimulan ang paghahanap ng trabaho. Tinandaan na lamang niya ang bawat kalsada na madaanan niya upang hindi siya maligaw sa pagbalik niya mamaya kay aling Joyce.Lumipas ang oras na maghapon siyang naghanap pero wala siyang napala sa buong araw at dahil hapon na nga at ang alam niya ay ala singko ang labas ni aling Joyce ay bumalik na siya sa labas ng building kung saan siya iniwan kanina ng ginang.Habang naglalakad na pabalik si Cherry ay hindi niya maiwasan ang mag isip unang araw pa lang ng paghahanap niya ng trabaho ay parang nahihirapan na siya. Tinitipid n
"Cherry, ito oh! suotin mo na. Yan ang uniporme nating mga waitress dito." utos ni Tinay kay Cherry pagkapasok nila sa locker room.Kinuha naman ni Cherry ang iniabot sa kanya ni Tinay. "Mauna ka na magbihis sa loob ng banyo." utos ni Tinay sa kanya. Tumango siya at nagtungo na nga sa banyo. Sakto namang may lumabas roon na kakatapos lang atang magpalit ng damit. Napansin siya nito at ngumiti sa kanya.Nagbalik ngiti naman siya sa babae. "Bago ka?" tanong sa kanya ng babae."Oo, kasama ako ni Tinay. Cherry nga pala!" sagot at pagpapakilala niya sa sarili."Ah! ako si Maricel, waitress ka din dito?" muling tanong nito sa kanya pagkatapos magpakilala.Tumango siya. "Nice meeting you, Maricel. Magpapalit lang muna ako." aniya na ipinakita pa ang hawak niyang uniporme nila."Ay sorry, sige magpalit ka na muna." wika ni Maricel at nilapitan na si Tinay.Sa loob ng banyo ay tinignan ni Cherry ang isusuot niyang uniform na binigay sa kanya ni Tinay. Napansin niya kase ang suot ni Maricel
"Kumusta ang unang sabak sa pagwiwaitress, Cherry?" bungad na tanong sa kanya ni aling Joyce ng makauwi na sila ng bahay ni Tinay."Good morning po, Tiyang." bati niya muna sa ginang at dumiretso sila ng upo ni Tinay sa mahabang upuan."Ay naku tiyang, medyo nahirapan akong protektahan si Cherry sa mga costumer sa club. Masyado siyang pansinin dahil sa ganda niya." wika ni Tinay na tumayo sa pagkakaupo at kumuha ng tuwalya at inayos ang pamalit na damit upang asikasuhin ang sarili."Bakit, anong nangyari?" pag aalalang tanong ng ginang na nakatingin kay Cherry."Masasanay din po ako sa trabaho. Pansamantala lang naman din po ito kapag may ipon na po ako at kapag pwede na ko mag apply sa iba, kahit po tagalinis ng banyo ay papasukin ko po." aniya kay aling Joyce."Ikaw ang bahala Cherry, basta palagi kang mag iingat sa trabaho sa club. Hindi maiiwasan don ang inggitan iha lalo na at sinabi ni Tinay na pansinin ka roon. Sabagay sa ganda mong iyan napakaimposible talaga na walang costume
May isang buwan na rin magmula ng tumuntong ng manila si Cherry Lou. At sa isang buwan na yun ay marami na rin siyang pinalagpas na pambabastos sa kanya sa club na madalas ay binabalewala na lang niya.May naipon na siya dahil sa mga tip ng costumer na natatanggap niya bukod sa sinasahod niya sa pagiging waitress na kada linggo ay naipapadala niya sa pamilya niya sa probinsiya at nakakapag ambag na rin siya kina aling Joyce at Tinay para sa bahay.Malapit na ang kanyang ikalabing walong kaarawan kaya naman nag iipon siya ng panghanda man lang para sa araw ng kanyang kapanganakan.At higit sa lahat ay masaya siya na malapit na niyang iwan ang pag wi waitress sa club na inilihim niya sa kanyang ama't ina.Ang alam kase ng kanyang inay ay naipasok siyang Janitress sa pinapasukang trabaho ng kaibigan nitong si aling Joyce. Kilala kase niya ang ina na hindi papayag na mag trabaho siya sa club kaya kinuntsaba niya pa noon ang kaibigan ng ina na naiintindihan naman siya.Hindi kase niya alam
Ika labing walong kaarawan ni Cherry Lou na sila lang ni aling Joyce ang nag celebrate nang araw na iyon.Nagpadala lang siya sa kanyang pamilya ng pera upang may ipanghanda ang mga ito para sa maliit na salu salo para sa kanya.Tuwang tuwa ang kanyang mga kapatid na ng makita niya sa videocall ang iniluto at biniling cake ng inay niya para sa kanyang kaarawan.Naluluha naman siyang natutuwa rin sa kanyang nakikita sa pamilya niya na kumpleto roon habang siya ay nasa malayo naman. Mas naramdaman niya pa ang pagka miss sa pamilya.Madalang lang kase ang may pa cake at maraming handa kapag may birthday sa kanilang mag anak. Kaya naman ang makitang masaya ang mga nakababatang kapatid ay sobrang kagalakan na sa kanyang puso.Nagpapasalamat siya kay aling Joyce na sinamahan siya nitong mamasyal kahit na alam niyang nalulungkot pa rin ito sa pagkawala ng pamangkin at pinipilit na magmukhang okay sa kanyang harapan.Kung nabubuhay pa rin sana si Tinay ay mas masaya sana ang kanyang kaarawan.
"Annika.." pagtawag ni Cherry sa pangalan ng kaibigan na nakatayo sa isang sulok ng terminal ng bus."Cherry Lou.." bigkas rin ni Annika sa kanyang pangalan."Kanina ka pa ba rito o kakarating mo lang din?" tanong ni Cherry kay Annika."Kanina kanina lang. Siguro ay kulang kalahating oras na rin ng dumating ang bus na sinakyan ko patungo rito. Natuluyang nalowbat ang phone ko kaya hindi na ko nakapag chat sayo." sagot ni Annika sa kanya."Mabuti at dito ka sa puwestong ito naghintay, madali kitang nakita. Pagbaba ko pa lang ng jeep namataan na agad kita." ani ni Cherry na tinanguan ni Annika na tipid na ngumiti pa sa kaibigan."Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain na muna tayo sa fastfood na malapit dito?" muling tanong ni Cherry."Hindi pa naman ako gutom Cherry Lou baka pwedeng dalhin mo na ko sa bahay nyo. Napagod ata ako sa byahe, mas gusto kong magpahinga. Okay lang ba!?" ani ni Annika na mukha ngang namumutla pa."Oo naman okay lang! Tara, doon tayo sasakay sa sakayan ng jeep pau