تسجيل الدخولParang gumuho ang mundo ni Mrs. Montale. Napaatras siya ng bahagya, halos mawalan ng balanse habang napakapit sa malamig na pader sa gilid ng hallway. Nanlalamig ang kanyang mga kamay, at ang dibdib niya ay mabilis ang pag-angat-baba. Hindi niya alam kung ano ang paniniwalaan—o kung ano ang susunod niyang gagawin. “Bakit ngayon mo lang sinabi?!” nanginginig ang boses niya, pilit pinipigilan ang pagkaputol nito. “Nasaan na ngayon ang babaeng ‘yon?!” “Mama?!” Biglang naputol ang sandali. Napalingon si Mrs. Montale—at doon niya nakita si Theariza sa kanyang likuran… nakangisi. Isang ngiting pilit na maamo, ngunit may kakaibang lamig na hindi niya maipaliwanag. “Mama, may problema ba?” tanong nito, kunwaring nag-aalala. “Kailangan na kayo sa Board…” “Ano…?” halos hindi makapagsalita si Mrs. Montale, litong-lito. “Anong problema, mama?!” bahagyang tumaas ang boses ni Theariza, ngunit may halong kaba sa loob. Sht… sino kaya kausap niya? Hindi pwede… hindi pwedeng si Detective Alvin
“Tama ang anak ko.” malamig ngunit matigas na sambit ni Mrs. Montale habang dahan-dahang pumapasok sa boardroom, suot ang kanyang mamahaling bestida at may mapangmataas na tingin sa lahat. Agad na napatayo ang ilang directors. “Madam Montale… naparito po kayo?” medyo alanganing tanong ng isa, halatang kinakabahan. Hindi siya ngumiti. Sa halip ay tinaasan niya lang ito ng kilay. “Hindi ba’t dapat lang?” sagot niya, may halong panghahamak. “Narito ako para itama ang pagkakamali ninyo. Ang anak ko ang karapat-dapat pumalit sa posisyon ng CEO ng Motellana Group.” Nagkatinginan ang mga directors. May ilan na tila sang-ayon, ngunit may ilan ding nag-aalinlangan. Biglang bumukas ang pinto. BANG! Pumasok ang isang lalaking may matalim na titig—si Atty. “Anong karapatan ninyo—” malakas at buo ang boses niya, “—na basta na lang alisin ang kasalukuyang CEO ng Motellana Group?!” Natahimik ang buong silid. Naglakad siya papasok, bawat hakbang ay may bigat. “Sigurado na ba k
“Mama… thank you so much po talaga sa pagtulong ninyo para mahalal ako bilang CEO ng Motellana Group,” masayang saad ni Theariza habang mahigpit na yumayakap kay Mrs. Montale. Halata sa kanyang boses ang tuwa—ngunit sa ilalim nito, may bahid ng sabik na ambisyon. Marahang tinapik ni Mrs. Montale ang likod ng anak at bahagyang lumayo upang titigan ito. “Iha… huwag muna tayong makampante,” seryoso niyang saad. “Oo, sinabi kong tutulungan kitang mahalal bilang CEO—gagamitin ko ang pangalan at impluwensya ko. Pero tandaan mo… nasa Board of Directors pa rin ang huling desisyon.” Saglit na natahimik si Theariza, ngunit agad din siyang ngumiti—kumpiyansa, halos may halong paniniguro. “Alam ko po ‘yon, mama,” sagot niya. “At alam din nila kung gaano kabigat ang pangalan mo sa industriya. Isa kang respetadong CEO sa sarili nating kumpanya… at ngayon, tinutulungan mo lang ang Motellana. Hindi ba’t sapat na ‘yon para pumabor sila sa a
“Maraming salamat sa inyo, Atty. Aalis na kami… at huwag kayong mag-alala kay Darryl. Ako na ang bahala sa kanya hanggang sa tuluyan siyang gumaling.” “Umaasa kami sa inyo, Madam CEO.” “Ang anak ko… paano siya?” biglang napahinto si Zamarha, tila kinurot ang kanyang puso. “Alam kong hahanapin niya ako…” saglit siyang natahimik, saka marahang napabuntong-hininga. “Pero mas makakabuti kung mananatili muna siya sa mansion habang nag-aaral. May tiwala ako sa inyo, Atty. Alam kong hindi ninyo pababayaan ang anak ko.” “Tama po kayo, Madam CEO. Kami na po ang bahala sa bata. At huwag na rin po kayong mag-alala kay Thearonna—may tatlo po siyang batikang bodyguard. Anumang oras, kaya nila siyang protektahan.” “Maraming salamat… Sige na, umalis na kayo. Baka abutan pa kayo ng mga pulis dito.” Ilang sandali pa ang lumipas… Unti-unting lumayo ang barko, tinatahak ang malawak na karagatan patungo sa Isla Mujeres—ang pribadong isla na pagmamay-ari ng pamilya ni Raven Darry Montellana. Ilang
“Mama, alam niyo na ba ang balita?” tanong ni Theariza, hindi maitago ang pananabik sa kanyang boses. “Maganda ba ang balitang nasagap mo?” malamig ngunit matalim ang sagot ng kanyang ina. “Oo, mama… sobrang ganda. Mas maganda pa sa inaasahan natin.” “Kung gano’n, huwag mo nang patagalin, Althea. Ayoko ng paikot-ikot.” “Tumakas si Zamarha.” bahagyang bumaba ang boses ni Theariza, ngunit ramdam ang saya. “At sa pagtakas niya… mas pinatunayan lang niya na isa siyang impostor at isang murderer.” “Hmm…” mahinang tugon ng ina. “Hindi siya kasing talino ng inaakala ko.” “Mas lalala ang kaso niya, mama. Wala na siyang kawala ngayon. Habang tumatagal siyang nagtatago, mas lalo siyang lulubog. Ito na ang pagkakataon natin…” bahagyang ngumiti si Theariza, “para mamili ng papalit sa Motellana Group.” “Tama ka.” sagot ng kanyang ina, mas naging seryoso ang tono. “Matagal na nating hinihintay ang pagkakataong ‘to. At ngayon… k
Sa loob ng presinto, biglang nabasag ang katahimikan. “Sir! Nawawala po si Zamarha!” Napalingon ang lahat. Agad tumayo ang imbestigador mula sa kanyang upuan. “Anong ibig mong sabihin na nawawala?!” mariing tanong niya. “Pagbalik po namin sa detention room… wala na po siya! Bukas ang selda pero walang bakas ng sapilitang paglabas,” hingal na ulat ng pulis. “Imposible!” singhal niya. “May naka-duty doon, ‘di ba?! Nasaan ang mga bantay?!” “Sir… nandoon pa rin po sila. Ayon sa report, inilipat daw po si Madam Zamarha para sa follow-up questioning—” “Sinong nag-utos?!” putol niyang tanong. Saglit na natahimik ang pulis. “Wala pong malinaw na pangalan sa logbook, sir… pero may entry po ng transfer.” Lalong sumama ang timpla ng imbestigador. Agad siyang naglakad palabas ng opisina. “Check the CCTV. Lahat ng entry at
“CHEERS…” Pagkababa ng mga baso, muling nagsalita si Althea—mas malamig na ang kanyang boses. “Mula ngayon…” saad niya, “hindi na hiwa-hiwalay ang galaw natin.” Tumingin siya sa bawat isa. “Ang Huston Company… Montale Corporation… at kayong mga investors…” Bahagya siyang ngumiti. “Iisan
“May problema ba, mahal kong asawa?” malumanay nitong tanong, may halong pag-aalala sa boses. Saglit na natigilan si Darryl, pero mabilis din siyang nakabawi. “Ahh… wala naman,” sagot niya, pilit pinapakalma ang sarili. “Tumawag l
“Normal lang ’yan,” sabi ni Darryl. “Tatlong buwan kang walang malay. Natural lang na magulo pa ang pakiramdam mo.” Tahimik na tumango si Zamarha. “Siguro nga…” mahina niyang sagot. Sandali siyang napatingin sa kanyang mga kamay, tila may hinahanap na alaala sa kanyang isipan ngunit wala siyang
“Oo… may anak tayo,” mahinahong sagot ni Darryl habang nakaupo sa tabi ng kama. Nakatitig siya kay Zamarha na bagong gising mula sa mahabang pagkaka-coma. “At naghihintay siya sa pagbabalik natin,” dagdag pa niya. Napakunot ang noo ni Zamarha.







