Mag-log inPOV: Karen Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang tumakbo si Angela papunta sa kinatatayuan ko. Huminto siya sa harap ko at ngumiti. "Ate... Ate Karen," mahina ngunit masaya niyang bati. "Kinagagalak kitang makilala." Hindi ako agad nakapagsalita. Bago pa man ako makapag-react, niyakap niya ako. Sa yakap na iyon, unti-unting nawala ang kaba sa dibdib ko. Akala ko... galit siya sa akin. Akala ko, sisisihin niya ako sa lahat ng nangyari. Pero mali pala ako. Mahina kong ibinalik ang yakap niya. Nang lingunin ko sina Mama at Papa, nakita ko ang mga ngiti sa kanilang mga labi. "Napakabuti talaga ni Angela," emosyonal na sabi ni Mama. "Kahit labing-anim na taon siyang nawalay sa atin, wala siyang kahit katiting na galit kay Karen." Napangiti ako. Marahil... Magiging maayos din ang lahat. Ngunit sa mismong sandaling iyon, naramdaman kong lalo pang humigpit ang yakap ni Angela. Lumapit ang labi niya sa aking tainga. At sa mahinang boses na kami lang ang makakarinig, bu
POV: Karen Saglit akong napatigil sa pag-akyat sa hagdan nang marinig ko ang usapan nina Mama at Papa sa sala. Hindi ko sana papansinin, ngunit may kung anong kaba ang biglang sumiksik sa dibdib ko. Tahimik akong nanatili sa kinatatayuan ko, pilit na pinakikinggan ang kanilang usapan. "Paano ba natin sasabihin sa kanya?" puno ng pag-aalalang tanong ni Mama. Napakagat ako sa labi. Tungkol saan? Sino ang tinutukoy nila? Napahigpit ang hawak ko sa railings nang marinig ko ang sagot ni Papa. "Hindi siya ang tunay nating anak... at si Angela ang tunay nating anak." Parang biglang tumigil ang mundo ko. Nawalan ako ng marinig. Nawalan ako ng maramdaman. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon. Hindi siya ang tunay nating anak. Si Angela ang tunay nating anak. Ako ba ang tinutukoy nila? Ako? Ang anak na labingwalong taon nilang pinalaki? Ang anak na buong buhay na naniwalang siya ang tunay na anak ng pamilyang ito? Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla
Humahagupit ang malakas na hangin habang walang tigil ang pagbuhos ng ulan. Ang mga puno sa labas ay halos mabali sa lakas ng bagyo, at ang kalangitan ay paulit-ulit na nililiwanagan ng nakakasilaw na kidlat. Sa gitna ng nagngangalit na panahon, abala ang mga doktor at nars sa loob ng isang pribadong ospital. “Dok, walong sentimetro na ang bukas ng cervix!” sigaw ng isang nars habang mabilis na itinutulak ang stretcher papunta sa delivery room. Sunod-sunod ang pag-ugong ng kulog na tila nakikisabay sa mga daing ng mga babaeng manganganak. Sa kabilang dulo ng ospital ay naroon si Victoria Monteverde, ang asawa ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Nakasuot siya ng mamahaling hospital gown habang napapalibutan ng mga doktor at personal na nars. “Konti na lang, Ma'am Victoria. Malapit na po,” pagpapakalma ng doktor. Sa kabilang banda naman ng parehong palapag ay naroon si Aling Rosa, isang simpleng tindera ng gulay na halos walang pambayad sa ospital. Basa pa ang kanyang da
Habang unti-unting lumulubog ang araw sa likod ng hardin ng mansyon, mas lalong naging payapa ang paligid. Ang hangin ay banayad, at tila pati ang mundo ay nakisama sa katahimikan ng bagong yugto ng kanilang buhay. Tahimik na pinagmamasdan ni Alexander ang mag-ina niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Theariza habang karga ang maliit na si Baby Thearonna. “Hindi ko akalaing darating tayo sa puntong ito,” mahina niyang saad, may halong pag-igting ng emosyon sa kaniyang boses. Ngumiti si Theariza habang marahang hinaplos ang pisngi ng kanilang anak. “Dumaan tayo sa napakaraming sakit, Alexander… pero tingnan mo ngayon,” sagot niya, puno ng luha ang mga mata ngunit masaya. Sa hindi kalayuan, tahimik na nakatanaw si Master Rereio. Hindi na mababakas ang dating galit sa kaniyang mukha, kundi puro kapanatagan na lamang. “Minsan, ang mga pagkakamali ang nagdadala sa atin sa tamang landas,” mahinang sabi niya sa sarili bago bahagyang ngumiti. Lumapit si Althea, may bakas
“Ano bang ginagawa ninyong dalawa diyan?” galit na saad ni Master Rereio. “Itigil niyo na ang lapastangan ninyong relasyon!” Napayuko sina Alexander at Althea sa mga katagang binitawan niya. Ngunit ilang sandali pa’y napabuntong-hininga si Master Rereio bago muling nagsalita. “Dahil si Theariza ay anak ko talaga… at hindi totoong nagsinungaling sa akin ang asawa ko.” Bahagyang nanginig ang kaniyang boses habang nakatingin sa dalawa. “Kaya ngayon… wala na kayong ibang dapat sundin kundi ang mga puso niyo.” Tahimik na napaluha si Althea habang si Alexander ay hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. “Patawad…” mahinang saad ni Master Rereio kina Alexander at Althea. “Magbagong-buhay ka na, Althea… hindi pa huli ang lahat,” biglang sabat naman ni Theariza habang bakas sa kaniyang mukha ang awa at pag-unawa. Napaluha nalang si Althea at tahimik na yumuko. “At si Alexander…” pagpapatuloy ni Theariza habang mahigpit nitong hinawakan ang kamay ng lalaki. “Bubuo na kami ng sari
9 Months Later… “Lalabas na ang baby natin, ALEXANDER!” sigaw ni Theariza habang mahigpit na sinasabunutan ang buhok nito na kasalukuyang nakahiga pa sa kama. Pasado alas-nuwebe na ng gabi nang biglang pumutok ang panubigan niya. “ALEXANDER!” muli niyang sigaw, puno ng sakit at takot. Agad napabangon si Alexander mula sa pagkakahiga. Tarantang-taranta ito at halos hindi malaman ang gagawin. “T-Thea… sandali… huminga ka muna…” nanginginig nitong saad habang nagmamadaling kumuha ng tuwalya at susi ng sasakyan. “Anong huminga?! Manganganak na ako!” galit ngunit nanghihinang sigaw ni Theariza habang napapapikit sa matinding sakit ng paghilab ng tiyan niya. Dahil sa sobrang kaba, nahulog pa ni Alexander ang cellphone niya sa sahig. “Damn it!” mabilis niya iyong pinulot bago inalalayan si Theariza. “Alexander… natatakot ako…” mahinang saad ni Theariza habang napapaluha. Agad hinawakan ni Alexander ang mukha nito. “Hindi kita iiwan. Ako ang bahala sa’yo at sa baby natin, naiintindih
“Ang asawa ko nasa loob ng kwartong iyan kasama ang kabit niya,” mariing saad ni Theariza habang nakatayo sa harap ng pinto ng VIP room. Katabi niya si SPO1 Gabriel Fernandez, nakauniporme at seryosong nakatingin sa pintuan. May isa pa itong kasamang pulis na tahimik lamang na nakamasid sa paligi
Hindi niya maialis ang tingin kay Theariza na nakayakap pa kay Alexander ilang sandali ang nakalipas. “Bakit ganyan ka makatingin, Theariza?” Parang may kakaiba sa mga mata niya. Para bang alam niya ang lahat. “Alam kaya niya na may relasyon kami ng asawa niya?” dagdag pa niya habang hindi si
Nasaan na sila? Bakit bigla silang nawala?" “Saan ka pupunta, Theariza?” tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran niya. Biglang napahinto si Theariza sa kanyang pagmamasid. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig habang dahan-dahan siyang lumingon. “H-Huh?” bahagya siyang napaatras
Isang pamilyar na boses ang biglang pumutol sa lahat. Unti-unting naglaho ang bangin. Ang malamig na hangin ay napalitan ng malamig na hangin ng air-conditioned na silid. “Best friend, nananaginip ka.” Dahan-dahang namulat ang mga mata ni Theariza habang mabilis ang kanyang paghinga. Ang







