Share

Chapter 147

Author: Batino
last update publish date: 2026-04-16 05:00:07

“Puro kayo kapalpakan! Wala na ba kayong magandang maitutulong sa akin?!” malakas na sigaw ni Althea, umalingawngaw sa buong conference room ng Montale Corporation.

Napayuko ang lahat ng naroon. Walang sinuman ang naglakas-loob na sumagot agad. Ramdam ang bigat ng galit na bumabalot sa paligid—tila anumang maling salita ay maaaring maging sanhi ng mas malaking pagsabog.

Nakatayo si Althea sa dulo ng mahabang mesa, nakapamewang, matalim ang tingin sa bawat isa. Halos manginig ang ilan sa kanya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
jessa navarro
thanks for update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 189

    “Nakahanda na po ang lahat Madam Theariza. Aalis na po ba tayo?” tanong ng Montellana Guard, bahagyang kinakabahan habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo. Huminga nang malalim si Theariza, ngunit hindi nito napawi ang kakaibang sikip na bumabalot sa kanyang dibdib. Marahan siyang tumango, pinipilit maging kalmado kahit tila may unos na unti-unting nabubuo sa loob niya. “Yes, para naman maaga tayong makarating sa Holding's Company!” sagot niya, nakahanda na rin ba ang lahat ng mga tauhan?” Saglit na nag-alangan ang guwardiya, tila may gustong sabihin ngunit natatakot.Yes madam… “Pero Madam… meron lang akong mahalagang bagay na natuklasan at kailangan niyo itong malaman,” dagdag niya, mas mababa ang boses, halos pabulong. Unti-unting kumunot ang noo ni Theariza. May kung anong kaba ang gumapang sa kanyang sistema. “Ano ’yon?” tanong niya, mas naging malamig at mabigat ang kanyang tono. “Nabalitaan ko po na ang Rereio Holdings Company ay dating pagmamayari pala ng inyong tu

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 188

    “Kinabukasan, maagang umalis si Alexander, kasama ang ilang mga tauhan ni Master Rereio upang protektahan siya, dahil isa na siyang bahagi ng Rereio Holding Company. “Uhmmmmm! Hindi ko na kailangang sundin ang sinasabi ni Master Rereio. Dahil kahit bali-baliktarin pa niya ang mundo, ako na ang may-ari ng Holdings Company!” bulong ni Alexander sa sarili, habang may bahid ng malamig na ngiti ang kanyang mga labi. Sabay kumpas ng kanyang kamay upang palapitin ang kanyang mga tauhan. “Alam niyo na ang gagawin kay Rereio!” malamig ngunit matigas ang kanyang tinig. Balak ni Alexander na wakasan na rin ang buhay ni Rereio, dahil sa kanyang paningin ay wala na itong halaga. “Masusunod po, Master!” sabay-sabay na sagot ng kanyang mga tauhan, puno ng takot ngunit may halong katapatan. Samantala, sa ospital kung saan naroon si Theariza—na kagigising lamang mula sa mahabang pagkaka-coma—ay nagpasya siyang lumabas at asikasuhin ang mga bagay na napabayaan ni Darryl dahil sa nangyari sa kan

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 187

    “DOC! Sa kabilang kwarto, naghihingalo si Sir Darryl!” sigaw ng nurse, bakas ang matinding takot at pagmamadali sa kanyang boses habang halos hindi na ito makahinga sa kakatakbo. D-Darryl? B-buhay si Darryl? Gusto kong puntahan si Darryl! nanginginig na wika ni Theariza, tila hindi makapaniwala, sabay pilit na tumayo kahit nanghihina ang kanyang katawan. “Mommy, magpahinga na lang po kayo. Hindi tayo iiwan ni Daddy. Si Daddy Darryl, alam kong hindi niya tayo iiwan!” saad ni Thearonna, pinipigilan ang sariling luha habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng kanyang ina. “A-anak koooo!” sambit lang niya, halos mawalan ng lakas, saka dahan-dahang ibinaling ang tingin sa kararating lang na si Secretary Susan, na may seryoso at mabigat na ekspresyon sa mukha. Kasalanan nilang lahat ito! Kasalanan nilang lahat ito! sambit niya, nag-aalab ang galit at poot na matagal nang kinikimkim. “Anong gusto mong gawin sa kanila, Madam Theariza?” tanong ni Secretary Susan, mahinahon ngunit may big

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 186

    Habang nag-uusap sina Theariza at Darryl, isang tinig ang biglang kumawala—mahina ngunit malinaw, tila sumisingit mula sa kawalan—na narinig ni Theariza. Napahinto siya, nanlamig ang buong katawan, at tila may kumurot sa kanyang puso. “Mommy! Gumising ka na? I miss you so much!” “Huh…” nanginginig ang kanyang tinig. Napatingin siya kay Darryl, bakas ang takot at pagkalito sa kanyang mga mata. “N-narinig mo ba ’yon, Honey?” tanong niya, halos pabulong, na para bang natatakot siyang marinig muli ang tinig. Ngunit sa halip na sumagot, biglang nagbago ang anyo ni Darryl. Ang kanina’y kalmado at mapagmahal nitong mukha ay napalitan ng kakaibang lungkot at pag-aalala. Unti-unting lumalim ang kanyang mga mata, tila may tinatagong katotohanan na pilit niyang ipinagkakait. “Honey… oras na para bumalik ka sa mundo mo,” mahina ngunit mabigat niyang wika, na parang bawat salita ay may kasamang sakit. “Hinihintay ka ng anak natin.” “A-anong ibig mong sabihin?” halos hindi makahinga si The

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 185

    “Bakit gabi-gabi na lang akong binabangungot…?” halos pabulong ngunit nanginginig ang tinig ni Alexander habang hawak ang kanyang ulo. “Sino ba ang babaeng ’yon? Bakit malabo ang mukha niya… pero ’yung bata—sobrang linaw. Para bang kilalang-kilala ko siya. Ang ganda ng ngiti niya… pero bakit may lungkot? Hindi naman si Elina ’yon… hindi ba?” “Mahal…” marahang lumapit si Althea, hinawakan ang malamig na kamay ni Alexander. Ramdam niya ang panginginig nito. “Ano bang problema? Bakit tuwing umaga na lang, hinihingal kang nagigising? Parang… parang may humahabol sa’yo. Parang tinatakasan mo ang kamatayan sa panaginip mo.” Nag-aalala ang kanyang mga mata, ngunit may bahid din ng takot—takot na baka may mas malalim pang dahilan ang lahat. “Hindi ko rin alam…” napapikit si Alexander, tila pilit inaalala ang bawat detalye. “Lagi ko silang napapanaginipan… isang mag-ina. Nakatayo sila sa di kalayuan, nakatingin sa akin… parang may gustong ipaalala. Tapos may tinig… boses ng babae… malamig, g

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 184

    “Ngayon lang ako kinabahan nang ganito…” mahinang bulong ni Theariza, habang nakasandal sa matipunong dibdib ni Darryl. Bawat pintig ng puso niya ay tila sumasabay sa init na unti-unting bumabalot sa kanilang dalawa. “Pwede na ba kitang halikan?” marahang tanong ni Darryl, ang boses ay halos pabulong ngunit punong-puno ng pagnanais. Hindi na sumagot si Theariza. Sa halip, siya na ang kusang humila kay Darryl palapit. Bahagya pa siyang tumingkayad, sapat lang para magtagpo ang kanilang mga labi sa isang halik na puno ng damdamin. “I love you, Darryl… umpisahan na natin ito,” sambit niya, halos kapos ang hininga. Sandali siyang kumalas sa pagkakayakap, at dahan-dahang hinubad ang kanyang suot—parang hinuhubad din ang lahat ng alinlangan sa kanyang puso. Napapikit siya saglit. Ano itong nararamdaman ko…? Para bang ngayon ko lang tunay na naranasan ito… “I’m hot now… honey. Hindi na ako makapaghintay pa,” paos na sabi ni Darryl. Maingat niya itong binuhat, parang isang bagay

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 35. overdose

    Agad na yumuko si Nurse Alma sa nakahimlay na si Theariza. Mariin ang pagkakahawak niya sa baba ng babae at sapilitang itinaas iyon upang magtama ang kanilang mga mata. “Anong akala mo sa akin, ha? ‘Tanga’?” singhal niya, may halong panunuya sa boses. “Saan ka naman kukuha ng napakalaking pera pa

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 34

    Tumahimik ang buong sala habang pinagmamasdan nila ang kanilang ina na marahang bumababa sa hagdan. Tila mabigat ang bawat hakbang nito, ngunit ang aura ng galit at awtoridad ay ramdam sa buong paligid. Pagdating niya sa huling baitang, agad siyang tumingin kay Amarra. Nagdilim ang kanyang mukha.

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 33.

    “Bakit sa bodega ninyo dadalhin ang asawa ni Kuya?!” sigaw ni Amarra. Halatang nagngingitngit sa galit ang dalaga, nanginginig ang kanyang boses habang matalim ang titig sa mga guard na nakapaligid sa kanila ni Theariza. Halos sumikip ang dibdib niya sa nakikitang sitwasyon. “Kuya… wala ba tayong

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 32. Amarra Huston

    “Hello… mahal, napatawag ka?” mahinang sabi ni Nurse Alma habang hawak ang cellphone. Rinig na rinig iyon ni Theariza kahit mahina ang boses nito. “Sandali lang mahal, lalabas muna ako sa mainit na bodegang ’to,” dagdag pa ng nurse. “Bodega? Anong ginagawa mo sa bodega?” gulat na tanong ng nasa k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status