เข้าสู่ระบบ“Ayokong magpakasal hangga’t hindi ko nakikita ang groom ko!” mariing sigaw ko, habang humihigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit-pangkasal.
Parang may humihila sa loob ko—hindi takot lang… kundi pagdududa na hindi ko maipaliwanag. Huminga nang malalim si Secretary Susan, halatang nauubusan na ng pasensya. “Malamang hindi mo siya makikita rito,” sagot niya, iritado. “Nasa simbahan na siya, naghihintay! Bilis na!”<“Ayokong magpakasal hangga’t hindi ko nakikita ang groom ko!” mariing sigaw ko, habang humihigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit-pangkasal. Parang may humihila sa loob ko—hindi takot lang… kundi pagdududa na hindi ko maipaliwanag. Huminga nang malalim si Secretary Susan, halatang nauubusan na ng pasensya. “Malamang hindi mo siya makikita rito,” sagot niya, iritado. “Nasa simbahan na siya, naghihintay! Bilis na!” “Hindi,” umatras ako, umiiling. “Hindi ganito dapat… may mali…” “Ay naku, Theariza!” bigla niyang inikot ang mata niya. “Ano ba talaga?!” Tumingin siya sa akin nang mas matagal, parang may naiisip. Tapos bigla siyang nagsalita, mas mababa ang boses. “Ah… alam ko na,” sabi niya, parang may naiintindihan na siya. “Baka ang sinasabi mong ‘anak’ ay yung baby daughter ni Darryl?” Natigilan a
“Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko…” Hindi ko na maramdaman ang paligid. Ang sakit… parang unti-unting nilalamon ang buong katawan ko. Pero mas masakit— yung takot na hindi ko na siya makikita pa. “Darryl…” mahina kong bulong, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. “Ang anak ko… ikaw na ang bahalang magprotekta sa kanya…” Humigpit ang hawak ko sa hangin, na parang may yakap akong pilit pinanghahawakan kahit wala naman. “Alam kong… hindi mo siya pababayaan…” Unti-unting nanlalabo ang lahat. Ang ilaw… nagiging anino. Ang ingay… nagiging katahimikan. Ang sakit… nagiging manhid. Hanggang sa— wala na. — “G-gising!” Biglang may sumabog na boses. Malakas. Mataray. Totoo. “THEARIZA! Ano pang hinihintay mo?!” Napasinghap ako. Parang hinatak ang kaluluwa ko pabalik sa katawan ko. Mabilis akong napamulat. Humahangos ang dibdib ko, parang kakagaling ko lang sa ilalim ng tubig. “Ano—?” napaupo ako, nanginginig. “Nasaan…?” Wala ang dugo. Wa
“Wala ka nang magagawa, Ailyn,” malamig at walang emosyon na saad ni Rereio, bawat salita ay parang patalim na dumidiin. “Dahil bangkay na ang darating dito—ang anak mo sa labas!” “Kung nakakatayo lang ako…” nanginginig ang boses ni Ailyn, pero nag-aapoy ang galit sa kanyang mga mata. “Kanina pa kita sinampal ng paulit-ulit, Rereio!” gigil niyang sigaw. “Anak mo siya! Dugo mo ang nananalaytay sa ugat niya!” “Tumigil ka!” bulyaw ni Rereio, ngunit saglit siyang napakurap—isang bakas ng pag-aalinlangan na mabilis din niyang itinago. “Hindi ako titigil!” sagot ni Ailyn, halos mapaiyak na. “Pakiusap… kahit ngayon lang… iligtas mo ang sarili mong anak!” “Hindi ko siya anak!” mariing putol ni Rereio. “At wala akong obligasyon sa kanya!” “Meron!” sigaw ni Ailyn. “Bilang ama niya—meron kang obligasyon!” “Hindi ako ama niya!” galit na sigaw ni Rereio. “Dahil ayaw mong tanggapin!” balik ni Ailyn. “Mas pinipili mong maging bulag kaysa harapin ang katotohanan!” “Tumigil ka na!” sigaw ni Re
“Alam mo ba kung ano ang ikinagagalit ko ?” huh Ailyn?!” muling sumiklab ang galit ni Rereio, mariing itinuro si Ailyn. Uhmmmmm..sagot lang ni Ailyn. “Huwag mong itanggi ang tungkol sa anak mo sa labas!” Nanlaki ang mga mata ni Ailyn. “Anak sa labas? Hanggang ngayon ‘yan pa rin ang pinipilit mo?!” “Dahil ‘yan ang totoo!” sigaw ni Rereio. “Akala mo hindi ko alam? Akala mo hindi ko napansin kung paano mo siya ipinagtatanggol?!” “Dahil wala kang alam!” balik ni Ailyn, puno ng gigil. “Wala kang alam sa pinagsasabi mo!” “Talaga?” mapaklang ngumiti si Rereio. “Kung hindi ko anak ‘yon, bakit parang handa kang ibigay ang lahat para sa kanya?!” “Dahil inosente siya!” mariing sagot ni Ailyn. “Hindi siya dapat nadadamay sa kabaliwan mo!” “Kabaliwan ko?!” halos manginig si Rereio sa galit. “Pinapalabas mo pa akong baliw ngayon?!” “Dahil ganyan ka umasta!” sigaw ni Ailyn. “Hindi mo na iniisip kung sino ang masasaktan basta mapatunayan mo lang na tama ka!” “Tama ako!” giit ni R
Samantala… “Sa wakas… nagkaharap din tayo, mahal kong asawa!” malamig na bungad ni Master Rereio, may halong pangungutya ang bawat salita. “Kumusta na ang pangangaliwa mo?” dagdag pa niya sabay ngisi, punong-puno ng galit ang mga mata. “At anong nangyari sa’yo? Mukhang ginawa ka pang lumpo ng sarili mong anak sa labas!” “Tumigil ka, Rereio!” matalim na sagot ni Mrs. Ailyn Montale. “Pwede ba? Tapos na ang lahat sa atin!” “T-tapos na?” napatawa si Rereio ngunit walang bahid ng saya iyon. “Akala mo lang ‘yon! Akala mo ba ganun kadali kalimutan ang pagtataksil mo? Akala mo ba isang salita mo lang, tapos na agad?!” “Wala akong ginawang masama!” sigaw ni Ailyn, nanginginig sa galit. “Ikaw ang may problema! Masyado kang praning mag-isip! Kung ano ang nasa utak mo, ‘yon na agad ang pinaniniwalaan mo!” “Tumigil ka!” halos umalingawngaw ang boses ni Rereio. “Hindi nagsisinungaling ang nakikita ng mga mata ko!” “Mga mata?!” sarkastikong natawa si Ailyn. “Nakikita lang ng mata ang gusto nit
Nanlaki ang mga mata ni Alexander. “Ano…?!” paos niyang tanong, pilit hinahabol ang hininga habang nakayuko pa rin sa railings. Dahan-dahang yumuko ang lalaki upang pantayan ang kanyang mukha. Ramdam ang mabigat nitong presensya, at ang malamig na titig na tila kayang pumatay kahit walang hawak na armas. “Hindi mo na kailangang malaman,” bulong nito, halos pabulong ngunit sapat para marinig sa gitna ng hampas ng alon. “Pero sigurado ako…” bahagya itong ngumisi, “hindi mo magugustuhan ang ginawa ko.” Napangiwi si Alexander, pilit itinataas ang ulo kahit nanlalabo ang paningin. “A-anong ginawa mo kay Theariza?!” galit niyang sigaw, kahit halatang nanghihina na ang kanyang katawan. Ngunit hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, tumayo ito nang tuwid at tumalikod—tila ba walang halaga ang mga tanong niya. “Sayang ka,” malamig nitong saad habang naglalakad palayo. “Kung ginawa mo lang sana ang trabaho mo noon… hindi na sana umabot sa ganito.” Kumunot ang noo ni Alexander.
“Ano?” gulat na sabi ni Alexander. “Seryoso ba kayo sa sinasabi niyo? Diba ang Montale Corporation ay isang kilalang kompanya sa buong mundo?”Napaupo siya sa sofa sa loob ng opisina habang pilit pinoproseso ang narinig. Kilalang-kilala niya ang pangalang iyon. Ang Montale Corporation ay isa sa pin
“Hindi ko alam kung ano ang nasa utak mo, Theariza. Umuwi na tayo! We need to talk!” galit na sabi ni Alexander habang matalim ang tingin niya sa asawa. Halatang pigil na pigil ang kanyang inis at kahihiyan sa nangyaring eksena sa hotel. Bahagyang napalunok si Theariza ngunit nanatili siyang kalma
“Ang asawa ko nasa loob ng kwartong iyan kasama ang kabit niya,” mariing saad ni Theariza habang nakatayo sa harap ng pinto ng VIP room. Katabi niya si SPO1 Gabriel Fernandez, nakauniporme at seryosong nakatingin sa pintuan. May isa pa itong kasamang pulis na tahimik lamang na nakamasid sa paligi
Hindi niya maialis ang tingin kay Theariza na nakayakap pa kay Alexander ilang sandali ang nakalipas. “Bakit ganyan ka makatingin, Theariza?” Parang may kakaiba sa mga mata niya. Para bang alam niya ang lahat. “Alam kaya niya na may relasyon kami ng asawa niya?” dagdag pa niya habang hindi si







