登入“Respect her decision?! My God, Alexander!” halos hindi makapaniwalang sigaw ni Madam Alicia habang nanlilisik ang mga mata. “Baka nakakalimutan mong siya mismo ang nagdesisyon dahil naaawa siya sa’yo!” madiin niyang dagdag habang galit na itinuro si Theariza. Natigilan sandali si Alexander. Bahagyang tumigas ang kanyang panga habang pilit pinipigilan ang sariling sumabog muli sa galit. “No, Mama…” malamig ngunit mariing saad niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Theariza bago seryosong tumingin sa kanyang ina. “Magpapahinga na kami ng asawa ko.” Sandaling natahimik ang buong sala dahil sa biglang paglamig ng boses ni Alexander—isang klase ng tono na bihira nitong gamitin ngunit sapat para maramdaman ng lahat ang kanyang determinasyon. “And please… wag mo nang balaking pigilan pa kami ni Theariza, Mama,” dagdag niya habang diretso ang titig sa ina. Halatang puno na siya sa lahat ng nangyayari.
“Hanapin niyo sila! O kaya tawagan niyo at sabihin niyong dumating ako!” galit na utos ni Mrs. Alicia habang matalim ang tingin sa mga katulong. “P-pero Madam… kanina pa po namin sila—” “Sasagot ka pa?!” matinis niyang sigaw dahilan para mapatigil agad ang katulong. “Just do what I say!” galit na galit niyang dagdag habang nanginginig sa sobrang inis. Agad na napayuko ang mga kasambahay at nagkukumahog na kumilos dahil sa takot. Samantala, mariing napabuntong-hininga si Mrs. Alicia bago padabog na nagtungo sa silid ng mag-asawa. Halos umugong ang tunog ng kanyang mataas na takong sa bawat hakbang niya sa hagdanan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang matinding galit at pagkainis, tila anumang oras ay maaari na naman siyang sumabog sa sobrang poot. Lumipas ang mga oras hanggang sa tuluyan nang sumikat ang araw, ngunit wala pa ring Alexander at Theariza na dumarating sa Mansion. Halatang lalong umiinit ang ulo ng mga taong naghihintay sa kanila habang nananatiling tahimik ang
“Susubukan ko siyang tawagan… baka sakaling sagutin na niya!” wika ni Althea sa tonong puno ng gigil at pagkabruha habang mariing hawak ang cellphone. Mabilis niyang muling dinial ang numero ni Alexander, halos madiin pa ang pagpindot niya sa screen dahil sa inis. Ngunit… “Kring… kring… kring…” Muli lamang na umalingawngaw ang paulit-ulit na tunog ng pag-ring ng cellphone sa kabilang linya. “Bwisit!” iritadang bulalas niya habang napapadyak sa sobrang inis. “Sigurado akong kasama na naman niya ang bruha na ’yon!” gigil niyang bulong habang matalim ang titig sa screen ng kanyang phone. “Answer your phone, Alexander…” sunod-sunod ang pagda-dial ni Althea ngunit panay lamang ang pag-ring ng cellphone. Samantala… “H-Honey… w-wala ka bang balak sagutin ang phone mo?” mahina ngunit puno ng ungol na tanong ni Theariza. Hindi agad sumagot si Alexander. Sa halip ay dahan-dahan niyang hinalikan ang leeg ng asawa habang marahang hinahawakan ang magkabilang palad nito. “I lo
“Congrats, Honey!” masayang saad ni Alexander habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Theariza pagkalabas nila ng clinic. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mukha. “Sabi ko naman sa’yo, hindi mo na kailangang uminom ng mga gamot na bigay ni Mama.” Ngumiti si Theariza, ngunit bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagtataka. “Parang may nagbago sa asawa ko…” bulong niya sa isip. Noong mga nakaraang araw lamang, si Alexander mismo ang halos nagpupumilit na araw-araw niyang inumin ang mga gamot na bigay ng mama nito. Pero ngayon, bigla itong nag-iba ng ugali at parang ayaw na nitong mapalapit pa siya sa mga gamot na iyon. Napapailing na lamang siya. “Pero kahit na gano’n… hindi pa rin naman ako buntis,” mahina niyang saad habang napapatingin sa kanyang tiyan. Agad namang hinawakan ni Alexander ang kanyang pisngi at marahang ngumiti. “Darating din tayo doon, Honey.” Makalipas ang ilang sandali ng katahimikan sa loob ng sasakyan, biglang nagsalita muli si Alexander.
“Hindi pwedeng mauwi na lang sa wala ang pinaghirapan namin ni Madam Alicia!” gigil na sigaw ni Althea habang mabilis na nagpupunas ng luha ng inis sa kanyang mukha. Agad siyang nagpara ng taxi sa labas ng airport. “Taxi!” malakas niyang tawag. Pagkasakay niya, agad niyang kinuha muli ang cellphone at tinawagan si Madam Alicia. Ilang segundo pa lamang ay mabilis na itong sumagot. “Oh, hello hija. Napatawag ka kaagad? Tapos na ba ang surrogation?” masayang tanong ni Alicia sa kabilang linya, halatang kampante na magtatagumpay ang plano nila. Ngunit mariing napapikit si Althea. “No, Madam… bigo ang plano.” “Ano?” agad nag-iba ang tono ng matanda. “Biglang nagbago ang isip ni Alexander. Sinamahan niya si Theariza sa OB ngayon. Pinakansela niya ang pagkikita namin.” “What?!” galit na saad ni Alicia. Halos manginig si Althea habang nagsasalita. “Paano kapag nalaman ito ni Master Rereio? Tiyak na malalagay tayo sa kapahamakan! Pati si Alexander madadamay! Kailangan matuloy ang p
“Tumayo si Alexander at mahigpit na niyakap si Theariza, na para bang ngayon niya lang ulit ito nasilayan matapos ang napakahabang panahon. “Honey… I love you. Mahal na mahal kita. Hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba,” emosyonal niyang saad habang mahigpit pa ring yakap ang asawa. Napakunot-noo si Theariza ngunit napangiti rin. Dahan-dahan niyang hinaplos ang likod ni Alexander. “Alam ko naman ‘yan, Honey. Pero ano bang nangyayari sa’yo? Kung makayakap ka sa akin, parang wala nang bukas,” malambing nitong sagot bago siya hinalikan sa labi. Pagkalayo nila sa isa’t isa, muli itong nagsalita. “Ano, Honey? Sasamahan mo ba ako sa hospital ngayon?” Bahagyang natigilan si Alexander bago agad nagtanong. “Ano ba ang gagawin mo sa hospital, Honey?” “Uhm… diba napag-usapan na natin? Makikipagkita ako kay Althea ngayon,” mahinang sagot ni Theariza. Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Alexander. Agad niyang hinawakan ang kamay ng asawa. “Huh? W-wag na, Honey… hindi na kailangan.
“Anong karapatan mong sumabat sa usapan naming mag-iina! Sampid ka lang sa pamamahay na ito!” galit na saad ni Mrs. Montale kay Riza. Halos manginig ang hangin sa bigat ng boses ng ginang. Matalim ang kanyang tingin, para bang kayang hiwain ang pagkatao ni Riza anumang oras. Agad namang siniko
“Ituloy mo lang ang ginagawa mo, Sweetheart… iisipin nilang tulog na tayo kapag hindi tayo sumagot sa katok nila,” anas ni Althea sa tenga ni Alexander, halos pabulong at may halong pang-aakit ang kanyang tinig habang mabilis ang tibok ng kanyang puso. Dahil doon, tila lalo pang nag-init ang dugo
“Magkano ba ang kailangan mo para lubayan mo ang pamilya ko?! Lalo na ang anak kong si Theariza?!” muling umalingawngaw sa pandinig ni Theariza ang mga salitang iyon—malalakas, matutulis, at puno ng galit na tila ba paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang isipan. Napapikit siya sandali. Parang bumali
“Sweetheart… grabe ang ganda rito. Parang ayaw ko nang umalis sa building na ito…” mahina ngunit puno ng paghanga ang boses ni Althea habang dahan-dahan niyang iniikot ang paningin sa buong silid. Kumikinang ang mga ilaw mula sa malalaking chandelier, at ang malawak na glass wall ay nagpapakita ng







