LOGINMatagal ko nang alam… na siya ang pumatay sa akin nang paulit-ulit—at kasama ka roon. Mariing bumagsak ang bawat salita ni Theariza, punong-puno ng galit at katotohanang matagal niyang kinimkim. Ang dating mahina at tahimik na babae ay wala na—ang natira ay isang malamig at matatag na bersyon ng sarili niya. Dahan-dahan niyang itinuon ang tingin kay Althea. “Alisin siya sa harap ko. Dalhin si Althea sa kulungan.” malamig niyang utos, walang kahit anong pag-aalinlangan. Agad kumilos ang mga tauhan. Hinawakan si Althea sa magkabilang braso, pilit siyang pinipigilan habang nagpipiglas at nagngangalit. “Hindi niyo pwedeng gawin ‘to! Wala kayong karapatan—!” sigaw niya, ngunit walang ni isa ang naglakas-loob na sumuway sa utos ni Theariza. Ngunit bago pa siya tuluyang mahila palayo, bigla siyang yumuko pasulong—pinilit lapitan si Theariza kahit hawak na siya ng mga guwardiya. N
“At sino ka naman para sabihin sa kanila na hindi ako makakarating sa sarili kong kompanya?” malamig ngunit matalim na bungad ni Alexander mula sa likuran ni Althea. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Althea. Dahan-dahan siyang napalingon, nanginginig ang mga mata habang nakatitig sa lalaking akala niya’y… wala na. “Paano…? Paano ka nakaligtas sa banggaan?” halos pabulong niyang tanong, halatang hindi pa rin makapaniwala. “Pak!” Isang malakas na sampal ang kumawala mula sa palad ni Alexander at dumapo sa pisngi ni Althea. Napaling ang mukha nito sa lakas ng tama. “Anong akala mo sa akin? Mahinang nilalang?” malamig ngunit puno ng galit ang boses ni Alexander, kasunod ang mapang-asar niyang tawa. “Hahahaha… baliw ka na! Akala mo siguro patay na ako dahil sa banggaan kanina?” Lumapit siya ng kaunti, nanlilisik ang mga mata. “Pwes, nagkakamali ka.” Sandaling tumigil ang hangin sa pagitan nila. “Ang sasakyang kinalululanan ko kanina… hindi ako ang nakasakay doo
“Nakahanda na po ang lahat Madam Theariza. Aalis na po ba tayo?” tanong ng Montellana Guard, bahagyang kinakabahan habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo. Huminga nang malalim si Theariza, ngunit hindi nito napawi ang kakaibang sikip na bumabalot sa kanyang dibdib. Marahan siyang tumango, pinipilit maging kalmado kahit tila may unos na unti-unting nabubuo sa loob niya. “Yes, para naman maaga tayong makarating sa Holding's Company!” sagot niya, nakahanda na rin ba ang lahat ng mga tauhan?” Saglit na nag-alangan ang guwardiya, tila may gustong sabihin ngunit natatakot.Yes madam… “Pero Madam… meron lang akong mahalagang bagay na natuklasan at kailangan niyo itong malaman,” dagdag niya, mas mababa ang boses, halos pabulong. Unti-unting kumunot ang noo ni Theariza. May kung anong kaba ang gumapang sa kanyang sistema. “Ano ’yon?” tanong niya, mas naging malamig at mabigat ang kanyang tono. “Nabalitaan ko po na ang Rereio Holdings Company ay dating pagmamayari pala ng inyong tu
“Kinabukasan, maagang umalis si Alexander, kasama ang ilang mga tauhan ni Master Rereio upang protektahan siya, dahil isa na siyang bahagi ng Rereio Holding Company. “Uhmmmmm! Hindi ko na kailangang sundin ang sinasabi ni Master Rereio. Dahil kahit bali-baliktarin pa niya ang mundo, ako na ang may-ari ng Holdings Company!” bulong ni Alexander sa sarili, habang may bahid ng malamig na ngiti ang kanyang mga labi. Sabay kumpas ng kanyang kamay upang palapitin ang kanyang mga tauhan. “Alam niyo na ang gagawin kay Rereio!” malamig ngunit matigas ang kanyang tinig. Balak ni Alexander na wakasan na rin ang buhay ni Rereio, dahil sa kanyang paningin ay wala na itong halaga. “Masusunod po, Master!” sabay-sabay na sagot ng kanyang mga tauhan, puno ng takot ngunit may halong katapatan. Samantala, sa ospital kung saan naroon si Theariza—na kagigising lamang mula sa mahabang pagkaka-coma—ay nagpasya siyang lumabas at asikasuhin ang mga bagay na napabayaan ni Darryl dahil sa nangyari sa kan
“DOC! Sa kabilang kwarto, naghihingalo si Sir Darryl!” sigaw ng nurse, bakas ang matinding takot at pagmamadali sa kanyang boses habang halos hindi na ito makahinga sa kakatakbo. D-Darryl? B-buhay si Darryl? Gusto kong puntahan si Darryl! nanginginig na wika ni Theariza, tila hindi makapaniwala, sabay pilit na tumayo kahit nanghihina ang kanyang katawan. “Mommy, magpahinga na lang po kayo. Hindi tayo iiwan ni Daddy. Si Daddy Darryl, alam kong hindi niya tayo iiwan!” saad ni Thearonna, pinipigilan ang sariling luha habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng kanyang ina. “A-anak koooo!” sambit lang niya, halos mawalan ng lakas, saka dahan-dahang ibinaling ang tingin sa kararating lang na si Secretary Susan, na may seryoso at mabigat na ekspresyon sa mukha. Kasalanan nilang lahat ito! Kasalanan nilang lahat ito! sambit niya, nag-aalab ang galit at poot na matagal nang kinikimkim. “Anong gusto mong gawin sa kanila, Madam Theariza?” tanong ni Secretary Susan, mahinahon ngunit may big
Habang nag-uusap sina Theariza at Darryl, isang tinig ang biglang kumawala—mahina ngunit malinaw, tila sumisingit mula sa kawalan—na narinig ni Theariza. Napahinto siya, nanlamig ang buong katawan, at tila may kumurot sa kanyang puso. “Mommy! Gumising ka na? I miss you so much!” “Huh…” nanginginig ang kanyang tinig. Napatingin siya kay Darryl, bakas ang takot at pagkalito sa kanyang mga mata. “N-narinig mo ba ’yon, Honey?” tanong niya, halos pabulong, na para bang natatakot siyang marinig muli ang tinig. Ngunit sa halip na sumagot, biglang nagbago ang anyo ni Darryl. Ang kanina’y kalmado at mapagmahal nitong mukha ay napalitan ng kakaibang lungkot at pag-aalala. Unti-unting lumalim ang kanyang mga mata, tila may tinatagong katotohanan na pilit niyang ipinagkakait. “Honey… oras na para bumalik ka sa mundo mo,” mahina ngunit mabigat niyang wika, na parang bawat salita ay may kasamang sakit. “Hinihintay ka ng anak natin.” “A-anong ibig mong sabihin?” halos hindi makahinga si The
Dahan-dahang tumayo si Theariza mula sa pagkakatumba. Bahagya siyang napangiwi habang inaayos ang gusot niyang damit at ang magulong buhok. Halos nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay. Sa harap niya ay tahimik lamang na nakatayo si Mrs. Montale, malamig ang mukha habang pinagmamasdan ang b
“Oh shit! Nakatulog ako, paano na ’to!” saad ni Theariza. Hindi na niya nabasa ang papel na iniwan sa kanya ng binata; binulsa na lang niya ito at mabilis na nilisan ang bodega. Sa mansion, pasado alas otso na ng umaga. Maagang nagising ang buong kabahayan. Aba
May mga “PULIS!” sigaw ng isa sa mga lalaki nang marinig ang malakas na tunog ng police patrol na umalingawngaw sa paligid ng eskinita. Biglang nagkagulo ang mga ito. “Ano?!” gulat na saad ng isa pa habang mabilis na lumingon sa kanto ng eskinita, tila inaasahang may paparating na sasakyan ng pul
“Miss, may kasama ka bang nakaupo?” magalang na tanong ng binata habang nakatingin sa bakanteng upuan sa tapat niya. “Nope… maupo ka lang diyan. Aalis na rin naman ako,” sagot ni Theariza habang ibinababa ang kanyang tasa ng kape. Umupo ang binata at tila may hinihintay. Paminsan-minsan ay tumi







