ANMELDEN“Theariza, wake up! Hindi ka pwedeng mahuli sa kasal niyo ni Darryl!” Parang umalingawngaw muli ang sigaw ni Secretary Susan sa buong pagkatao ko—hindi lang sa tenga ko, kundi sa isip, sa dibdib, sa kaluluwa ko. Paulit-ulit. Malakas. Pilit akong hinahatak palabas sa kung anumang dilim ang kumakain sa akin. Napasinghap ako. At sa isang iglap—nagmulat ang mga mata ko. Ngunit wala na ako sa bangka,hindi na rin ako nasa kama. Hindi na rin sa ospital. Nasa loob na talaga ako ng simbahan. Napahinto ako. Parang bigla akong inihagis sa isang eksenang hindi ko maalala kung paano nagsimula. Tahimik ang paligid, pero hindi nakakabingi. May mga taong nakaupo sa magkabilang gilid, lahat nakatingin sa akin. Ang liwanag na pumapasok sa mga bintana ay tila masyadong malinaw—parang hindi lang basta liwanag, kundi may dalang kakaibang pakiramdam. Hawak ko ang laylayan ng suot kong wedding gown. Nanginginig ang mga daliri ko. “Bakit…” mahina kong bulong. “Nandito ako…?” Dahan-dahan akong t
“Ayokong magpakasal hangga’t hindi ko nakikita ang groom ko!” mariing sigaw ko, habang humihigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit-pangkasal. Parang may humihila sa loob ko—hindi takot lang… kundi pagdududa na hindi ko maipaliwanag. Huminga nang malalim si Secretary Susan, halatang nauubusan na ng pasensya. “Malamang hindi mo siya makikita rito,” sagot niya, iritado. “Nasa simbahan na siya, naghihintay! Bilis na!” “Hindi,” umatras ako, umiiling. “Hindi ganito dapat… may mali…” “Ay naku, Theariza!” bigla niyang inikot ang mata niya. “Ano ba talaga?!” Tumingin siya sa akin nang mas matagal, parang may naiisip. Tapos bigla siyang nagsalita, mas mababa ang boses. “Ah… alam ko na,” sabi niya, parang may naiintindihan na siya. “Baka ang sinasabi mong ‘anak’ ay yung baby daughter ni Darryl?” Natigilan a
“Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko…” Hindi ko na maramdaman ang paligid. Ang sakit… parang unti-unting nilalamon ang buong katawan ko. Pero mas masakit— yung takot na hindi ko na siya makikita pa. “Darryl…” mahina kong bulong, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. “Ang anak ko… ikaw na ang bahalang magprotekta sa kanya…” Humigpit ang hawak ko sa hangin, na parang may yakap akong pilit pinanghahawakan kahit wala naman. “Alam kong… hindi mo siya pababayaan…” Unti-unting nanlalabo ang lahat. Ang ilaw… nagiging anino. Ang ingay… nagiging katahimikan. Ang sakit… nagiging manhid. Hanggang sa— wala na. — “G-gising!” Biglang may sumabog na boses. Malakas. Mataray. Totoo. “THEARIZA! Ano pang hinihintay mo?!” Napasinghap ako. Parang hinatak ang kaluluwa ko pabalik sa katawan ko. Mabilis akong napamulat. Humahangos ang dibdib ko, parang kakagaling ko lang sa ilalim ng tubig. “Ano—?” napaupo ako, nanginginig. “Nasaan…?” Wala ang dugo. Wa
“Wala ka nang magagawa, Ailyn,” malamig at walang emosyon na saad ni Rereio, bawat salita ay parang patalim na dumidiin. “Dahil bangkay na ang darating dito—ang anak mo sa labas!” “Kung nakakatayo lang ako…” nanginginig ang boses ni Ailyn, pero nag-aapoy ang galit sa kanyang mga mata. “Kanina pa kita sinampal ng paulit-ulit, Rereio!” gigil niyang sigaw. “Anak mo siya! Dugo mo ang nananalaytay sa ugat niya!” “Tumigil ka!” bulyaw ni Rereio, ngunit saglit siyang napakurap—isang bakas ng pag-aalinlangan na mabilis din niyang itinago. “Hindi ako titigil!” sagot ni Ailyn, halos mapaiyak na. “Pakiusap… kahit ngayon lang… iligtas mo ang sarili mong anak!” “Hindi ko siya anak!” mariing putol ni Rereio. “At wala akong obligasyon sa kanya!” “Meron!” sigaw ni Ailyn. “Bilang ama niya—meron kang obligasyon!” “Hindi ako ama niya!” galit na sigaw ni Rereio. “Dahil ayaw mong tanggapin!” balik ni Ailyn. “Mas pinipili mong maging bulag kaysa harapin ang katotohanan!” “Tumigil ka na!” sigaw ni Re
“Alam mo ba kung ano ang ikinagagalit ko ?” huh Ailyn?!” muling sumiklab ang galit ni Rereio, mariing itinuro si Ailyn. Uhmmmmm..sagot lang ni Ailyn. “Huwag mong itanggi ang tungkol sa anak mo sa labas!” Nanlaki ang mga mata ni Ailyn. “Anak sa labas? Hanggang ngayon ‘yan pa rin ang pinipilit mo?!” “Dahil ‘yan ang totoo!” sigaw ni Rereio. “Akala mo hindi ko alam? Akala mo hindi ko napansin kung paano mo siya ipinagtatanggol?!” “Dahil wala kang alam!” balik ni Ailyn, puno ng gigil. “Wala kang alam sa pinagsasabi mo!” “Talaga?” mapaklang ngumiti si Rereio. “Kung hindi ko anak ‘yon, bakit parang handa kang ibigay ang lahat para sa kanya?!” “Dahil inosente siya!” mariing sagot ni Ailyn. “Hindi siya dapat nadadamay sa kabaliwan mo!” “Kabaliwan ko?!” halos manginig si Rereio sa galit. “Pinapalabas mo pa akong baliw ngayon?!” “Dahil ganyan ka umasta!” sigaw ni Ailyn. “Hindi mo na iniisip kung sino ang masasaktan basta mapatunayan mo lang na tama ka!” “Tama ako!” giit ni R
Samantala… “Sa wakas… nagkaharap din tayo, mahal kong asawa!” malamig na bungad ni Master Rereio, may halong pangungutya ang bawat salita. “Kumusta na ang pangangaliwa mo?” dagdag pa niya sabay ngisi, punong-puno ng galit ang mga mata. “At anong nangyari sa’yo? Mukhang ginawa ka pang lumpo ng sarili mong anak sa labas!” “Tumigil ka, Rereio!” matalim na sagot ni Mrs. Ailyn Montale. “Pwede ba? Tapos na ang lahat sa atin!” “T-tapos na?” napatawa si Rereio ngunit walang bahid ng saya iyon. “Akala mo lang ‘yon! Akala mo ba ganun kadali kalimutan ang pagtataksil mo? Akala mo ba isang salita mo lang, tapos na agad?!” “Wala akong ginawang masama!” sigaw ni Ailyn, nanginginig sa galit. “Ikaw ang may problema! Masyado kang praning mag-isip! Kung ano ang nasa utak mo, ‘yon na agad ang pinaniniwalaan mo!” “Tumigil ka!” halos umalingawngaw ang boses ni Rereio. “Hindi nagsisinungaling ang nakikita ng mga mata ko!” “Mga mata?!” sarkastikong natawa si Ailyn. “Nakikita lang ng mata ang gusto nit
“Beeep! Beeep! Beeep!” Malakas na busina mula sa labas ng bahay nina Theariza ang bumasag sa katahimikan ng umaga. “Mommy! Si Daddy Darryl!” sigaw ni Thearonna, sabay takbo sa maliit nilang bintana para sumilip. Napangiti si Theariza habang nagmamadaling ayusin ang damit sa harap ng salamin. “S
Kinagabihan…Halos hindi mapakali si Thearonna sa loob ng maliit nilang kwarto. Nakalatag sa kama ang ilang damit—mga simpleng bestida na halatang ilang beses nang nalabhan ngunit maingat na inalagaan. Paulit-ulit niyang pinipili at pinapalitan ang mga iyon, tila ba bawat detalye ay mahalaga. “
“Narito ang background check niya!” malamig ngunit matalim na saad ni Ginang Alicia habang iniunat ang makapal na brown envelope. Dahan-dahan niyang inilabas ang ilang papel at isa-isang ikinalat sa mesa sa harap nila. “Ang babaeng ‘yan ay mahilig pumatol sa mga mayayaman,” dagdag niya habang pin
“A-anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong ni Alexander, ngunit sa halip na mandiri sa sinapit niya kay Theariza ay tila mas nangingibabaw pa ang pagkabigla sa kanyang mukha. Halos nanlaki ang mga mata ni Alexander habang nakatitig sa babaeng nasa harapan niya. Hindi na hinintay ni Alexander







