로그인9 Months Later… “Lalabas na ang baby natin, ALEXANDER!” sigaw ni Theariza habang mahigpit na sinasabunutan ang buhok nito na kasalukuyang nakahiga pa sa kama. Pasado alas-nuwebe na ng gabi nang biglang pumutok ang panubigan niya. “ALEXANDER!” muli niyang sigaw, puno ng sakit at takot. Agad napabangon si Alexander mula sa pagkakahiga. Tarantang-taranta ito at halos hindi malaman ang gagawin. “T-Thea… sandali… huminga ka muna…” nanginginig nitong saad habang nagmamadaling kumuha ng tuwalya at susi ng sasakyan. “Anong huminga?! Manganganak na ako!” galit ngunit nanghihinang sigaw ni Theariza habang napapapikit sa matinding sakit ng paghilab ng tiyan niya. Dahil sa sobrang kaba, nahulog pa ni Alexander ang cellphone niya sa sahig. “Damn it!” mabilis niya iyong pinulot bago inalalayan si Theariza. “Alexander… natatakot ako…” mahinang saad ni Theariza habang napapaluha. Agad hinawakan ni Alexander ang mukha nito. “Hindi kita iiwan. Ako ang bahala sa’yo at sa baby natin, naiintindih
“Kailangan na nating umuwi, Mama. Kailangang malaman ni Alexander na magkakaroon na kami ng anak.” “Oo naman, iha. Pero bago ‘yan, may kailangan muna tayong puntahan.” Kumunot ang noo ni Theariza, pero panandalian lamang iyon. “Saan po tayo pupunta, Mama?” “It’s a big surprise, iha…” “Uhmmm, "Okay… Mama,” mahinang sagot niya. Makalipas ang ilang oras, narating nina Mrs. Alicia at Theariza ang Montale Corporation. Ahh… so ganun pala,bulong ni Theariza .“Kaya naman pala nagbago ang kilos ni Mama noong nakaraang araw… nalaman pala niya na anak ako ng isang milyonarya. Hahaha… it’s okay, hindi pa naman huli ang lahat,” bulong ni Theariza sa kanyang isip habang nakatingin sa napakalaking gusali. At doon ay ipinakilala ni Mrs. Alicia si Theariza sa kanyang tunay na ina. Labis iyong ikinatuwa at ikinasaya ni Mrs. Montale. Hindi nito napigilang yakapin si Theariza habang sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha. “Anak… sa wakas nakita rin kita,” nanginginig na saad ni Mrs. Montale.
“Please, Althea… itigil na natin ito. Tigilan mo na ako. Dahil kahit anong gawin mo, hindi na magbabago ang isip ko. I will protect my wife!” mariing saad ni Alexander habang paulit-ulit na umiiling, tila pilit pinatatatag ang sarili sa harap ng babaeng minsan niyang pinaniwalaan. “Paano ko tatapusin nang mag-isa ito, Alexander?” halos manginig na wika ni Althea habang pilit pinipigilan ang pagpatak ng mga luha niya. Nanginginig ang mga labi nito habang nakatitig kay Alexander na tila desperadong umaasang magbabago pa ang isip nito. “Ikaw ang karamay ko sa lahat… paano na ako ngayon? Lalo na kapag nakarating ito kay Master Rereio, tiyak na siya ang gagawa ng paraan para patayin si Theariza!” “No! Hindi ’yan mangyayari!” mabilis na sagot ni Alexander. Napahakbang pa siya palapit dito, tila gustong pakalmahin si Althea. “Gagawa ako ng paraan para—” “Stop your nonsense, Alexander!” desperadong sigaw ni Althea habang mahigpit nitong hinahawakan ang braso ng lalaki. Halos bumaon ang mga
“PALABASIN na ikaw ang masama?” mahinang saad ni Theariza habang yakap pa rin siya ni Alexander. Nanginginig ang boses niya, tila nasasaktan sa mga paratang ni Althea. Bahagyang yumuko si Theariza at napahawak sa kanyang tiyan bago muling nagsalita. “Sorry… mali ako.” Humugot siya ng mabigat na buntong-hininga. “Hindi ko alam na kaya ko pa lang magdalantao. Akala ko hindi na…” Sandali siyang natigilan bago dahan-dahang tumingin kay Madam Alicia na noon ay halatang hindi makatingin nang diretso sa kanya. “…pero nagkamali ang doctor ni Mama.” Biglang nanigas ang mukha ni Alicia. Halatang hindi niya inaasahan na madadamay siya sa usapan. “H-Hayaan mo, iha,” mabilis nitong sagot habang pilit pinapakalma ang sarili. “Mananagot ang doctor na ’yon! Ako na ang bahala sa kanila!” Galit ang tono ni Madam Alicia, ngunit bakas sa kanyang mukha ang kaba. Parang may pilit siyang tinatakpan. Samantalang si Althea ay napatitig lamang kay Theariza. Unti-unti niyang naiintindihan kung
Bigla ring nawala sa isip ni Alexander ang lahat ng pagdududa. Para bang may kung anong puwersang muling bumalot sa kanyang isipan. “Mama… tama ang ginagawa niyo. Paalisin niyo na si Althea bago pa siya makita ni Theariza.” “Oo, anak,” mabilis na sagot ni Alicia habang pilit tinatago ang kaba sa kanyang mukha. “Paaalisin ko na talaga siya ngayon din.” “Ikaw na ang bahala kay Althea, Mama. Kailangan ko nang bumalik sa asawa ko bago pa siya makahalata.” Pagkatapos sabihin iyon, agad nang tumalikod si Alexander at nagmadaling umalis. “Sige, anak. Bumalik ka na,” mahinang tugon ng kanyang ina habang sinusundan ng tingin ang papalayong anak. Pagkasara ng pinto, biglang nag-iba ang ekspresyon ni Alicia. Ang kaninang maamong mukha ay napalitan ng malamig na titig. “At ikaw, Althea…” dahan-dahan niyang sambit habang papalapit. “Magkano ang kailangan mo para layuan mo na ang anak ko?” Nanlaki ang mata ni Althea. “T-Tita Alicia… it’s me. Si Althea ito…” halos hindi makapaniwalang saad
“Wala akong pakialam sa kanya, Althea! Ayoko nang ituloy ang plano!” madiing saad niya habang matalim ang tingin kay Althea. “Ayaw kong dumating ang araw na makita ko ang sarili kong bangkay na inihahagis ng sarili kong asawa sa malalim na bangin…” mahina ngunit mabigat niyang bulong sa sarili. Nanlisik ang mga mata ni Althea sa narinig. Halatang hindi nito matanggap ang biglaang pagbabago ng isip ng nobyo. “Bakit bigla kang nagkakaganyan? Ano bang ginawa sa’yo ng asawa mo at parang isang iglap lang, nagbago na agad ang isip mo?” galit nitong sigaw habang mariing nakapamewang. Humakbang ito palapit at mahigpit na napakuyom ang mga kamao. “Paano naman ako? Paano ang plano natin? Hindi mo pwedeng basta na lang akong iwan sa ere pagkatapos ng lahat!” “Kaya nga ngayon pa lang, tapusin na natin ang ugnayan natin! Bumalik ka na sa pinanggalingan mo!” malamig ngunit mariing saad niya habang pilit iniiwas ang tingin sa babae. “How dare you treat me like this, honey?!” galit at h
Nakaraan… Ngunit napatingin siya kay Elina at sa yaya kaya bigla siyang napatigil sa pagsasalita. Karugtong… Bahagyang kumunot ang noo ni Althea. “Wala na ang… sino?” tanong niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Alexander. Ngunit mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Alexander. Parang wal
Kinabukasan… Maaga pa lamang ay gising na si Elina. Mula sa malaking bintana ng kanyang silid ay pumapasok ang ginintuang liwanag ng umaga, tumatama sa mamahaling kurtina at sa malapad na kama na tila yari sa purong seda. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa salamin. Maingat niyang inayos an
“Bakit ninyo sinasaktan ang batang ‘yan na ang gusto lang naman ay isang larawan o pirma ni Princess Elina MH?” seryosong sabi ni Secretary Manzano. Biglang natahimik ang buong studio. Napatingin ang lahat sa kanya, lalo na ang mga staff na kanina pang humahawak kay Thearonna. “Ibigay na lamang
“Takbo dito, takbo doon ang ginawa ni Baby Thearonna sa loob ng studio. Halos hingalin na ang maliit niyang katawan sa kakahanap sa kinaroroonan ni Elina. Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang isang ginang na paparating. BANG! Direkta siyang nabangga rito at muntik pang matumba. “Are y







