Home / Romance / The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's / VOLUME 1: CHAPTER 1 NAGISING AT NAGING ISANG INA MAKALIPAS ANG ANIM NA TAON

Share

The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's
The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's
Author: aqescritora

VOLUME 1: CHAPTER 1 NAGISING AT NAGING ISANG INA MAKALIPAS ANG ANIM NA TAON

Author: aqescritora
last update Huling Na-update: 2026-01-27 22:13:27

Nagising si Tricia na nasa ICU ng isang hospital. Umupo siya sa kama niya nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang isang lalaki na walang iba kung hindi si Timothy Imperial. Ang lalaking gusto at pinapangarap niya.

"Tricia, gaya ng gusto mo, mag-divorce na tayo."

Ibinigay nito sa kanya ang isang divorce agreement na pirmado na.

"Kasal tayo?!"

Binasa ni Tricia ang mga pangalan at petsang nakasulat sa divorce agreement at hindi niya maiwasang magulat sa mga nabasa.

Si Timothy Imperial na kilalang kilala sa buong Pilipinas hindi lang dahil sa taglay nitong katalinuhan, kundi pati na rin dahil nagawa nitong pamunuan ang lahat ng negosyo ng angkan nito sa edad lamang na 18, dahilan kung bakit naging isa itong pinaka batang business tycoon.

Hindi siya makapaniwala na sa loob ng six years ay kasal sa kanya ang lalaking pinapangarap niya! Siguradong panaginip lang ito!

Kinurot niya ang pisngi niya sa pag-aakalang magigising siya sa panaginip. Ngunit, nasaktan lang siya.

Bago pa siya makabawi mula sa pagkagulat, isang batang babae na cute ang hairstyle ang lumapit kay Tricia at hinila ang damit niya.

"Magiging mabait na po ako mula ngayon, kahit pa kuhanin nila ulit ang dugo ko ay okay lang. Mommy, please, 'wag po kayong mag-divorce ni Daddy. Please, 'wag niyo po kaming iwan ng kapatid ko..."

Payat ang limang taong gulang na bata. Ang mapuputi nitong braso ay puno rin ng mga sugat, pasa, at bakas ng tusok ng mga karayom!

Nablanko ang isip ni Tricia.

Mom? Mommy?

Sa madaling salita, sa loob ng anim na taon, hindi niya lang basta pinakasalan si Timothy Imperial! Dahil isinilang niya rin ang anak nito?!

Naaalala niya pa na hinahabol siya ng isang serial killer habang pauwi siya ng bahay pagkatapos niyang um-attend ng isang class reunion.

At matapos ma-injured at ma-coma, binuksan niya ulit ang mga mata niya para lang malaman na anim na taon na ang lumipas.

Bukod do'n, hindi niya lang basta pinakasalan ang lalaking pinapangarap niya at naging Mrs. Imperial. Bagkus ay naging Ina rin siya nang walang kahirap-hirap.

This is absolutely awesome!

"Baby, sino ang may gawa nito?" Malambing ang boses ni Tricia bago marahang hinawakan ang kamay ng batang babae.

Kahit pa hindi niya alam kung paano maging ina sa edad na 18, alam niya kung paano protektahan ang anak niya.

Kaya sino ang nangahas na nanakit sa anak niya!

Tinignan ng batang si Kristine si Tricia na nasa harapan niya, puno ng luha ang mga mata nito.

Sa isip-isip ni Kristine, 'yon ang unang beses na marahan siyang kinausap ng kanyang inang si Tricia.

"'Wag mong hawakan ang kapatid ko!" sigaw ng batang si Kristoff na kararating lang.

Tinago nito ang kapatid sa likuran nito bago malamig ang mga matang tinignan ang inang si Tricia.

"Bakit ka pa nagpapanggap? Aren't all Tintin's injuries thanks to you?"

Napatayo at nagtaka si Tricia. "Ako? How is that possible?"

Kahit ang tigre ay hindi kinakain ang anak nito. Kaya paanong magiging malupit siya sa sarili niyang mga anak?

Ngumiwi si Kristoff. "Ano ba'ng hindi mo kayang gawin para sa bastardong 'yon?! Ginawa mong mobile blood bank ang sarili mong anak para sa anak niya, tapos ngayon ay gusto mong gamitin ang bone marrow ni Tintin para lang iligtas ang anak niya."

"Hindi ka karapat-dapat na maging isang ina, Tricia!"

"Kuya, don't talk to Mommy like that," saad ni Tintin. Natatakot ito na baka maglaho ang mabait na ina.

Umiyak pa si Tintin at nagmakaawa sa ina. "Walang pumilit kay Tintin, desisyon lahat 'yon ni Tintin.. Basta't hindi na tatalon si Mommy sa ilog ulit para magpakamatay, handang gawin ni Tintin ang lahat."

Nahabag naman si Timothy sa nakita kaya marahan nitang niyakap ang anak at marahang tinapik ang likod nito upang pakalmahin. Pagkatapos ay tinignan niya si Tricia, puno ng pagkadismaya ang mga mata niya.

"Pupunta tayo bukas sa Civil Affairs Bureau para mag-divorce."

Akala ni Timothy, hangga't kaya niyang maghintay ay makakaya rin siyang mahalin ni Tricia. Pero sapat na ang anim na taon para matuto siya. Hindi siya mahal ni Tricia, at kahit pa 60 taon siyang maghintay, si Aldrin Santos lang ang mamahalin nito.

Matapos no'n ay umalis si Timothy kasama ang dalawang bata, iniwan si Tricia na nakatayo at nalilito.

Hindi alam ni Tricia ang nangyari sa loob ng anim na taon. Pero kung pagbabasehan ang sitwasyon ngayon, mukhang napakalupit niyang tao sa loob ng anim na taon na 'yon.

Gustong malaman ni Tricia ang lahat ng nangyari sa nakalipas na anim na taon. Nang makuha niya ang cellphone niya, nalaman niyang isang contact lang ang naroon—si Aldrin Santos.

Umaasa sa mga naaalala, tinawagan niya ang bestfriend niyang si Xia Cruz.

Makalipas ang isang oras, suot ang isang black women's suit, pumunta si Xia sa hospital.

"Magandang gabi!"

"Sino ka?"

Malamig ang mga matang nag-iwas ng tingin si Xia kay Tricia.

Dahil sa panghihikayat ng isang lalaki, pinutol ni Tricia ang koneksyon sa kanya at tinuring siyang kaaway.

Pero ngayon, hindi lang siya unang tinawagan ni Tricia! Mahigpit din siya nitong niyakap. This is really strange!

"Ako si Tricia Sandoval, the 18 years old Tricia Sandoval."

Kung ibang tao lang, siguradong hindi nila paniniwalaan ang nangyayari. Pero naniniwala si Xia.

Sa edad na 18, si Tricia ay anak ng prominenteng pamilya. She's the most noble lady in the capital and possessed an unyielding spirit. Pero sa edad na 24, nagpakababa siya, nagpakatanga sa pag-ibig at niloloko ng lahat.

"Xia, ano talaga ang nangyari sa nakalipas na anim na taon?"

Determinado si Tricia na malaman ang mga nangyari.

Paano niya napangasawa si Timothy?

Anong ginawa niya para matakot at magalit sa kanya ang mga anak niya?

Bumuntong-hininga si Xia bago nagsimulang mag kwento sa kanya.

"So, in those six years, I've become a love-struck simp? Because of a man, I gave away the Sandoval group. Pero sa huli, iniwan niya rin ako para sumama sa first love niya, at nagka-anak pa."

"At hindi ko lang siya agad pinatawad, pinilit ko po ang sarili kong anak na mag-donate ng dugo sa anak niya?"

Gulat siya at nagtataka.

"No, what would I be after?"

Bakit niya babalewalain ang perpekto at mala-prinsipeng si Timothy para lang maghabol sa mahirap at hindi namang ka-gwapuhang si Aldrin?

Umirap si Xia. "How would I know what you were after? Akala ko nga noon ay ginayuma ka ng Aldrin na 'yon."

"Para mailigtas ang anak nila ng babae niya, nabanta kang mag-su-suicide para lang mapilit ang limang taong si Tintin na mag-donate ng bone marrow! Mabuti na lang dahil sa mga ginagawa mo ay naisipan nang makipag-divorce sa'yo ni Timothy."

Nang makauwi sa bahay, isang white suitcase ang tinulak papunta sa harapan ni Tricia.

"Take your things and go back to that bastard you've been longing for.

"Dito ka sa tabi ko." Pinag-krus ni Kristoff ang mga braso.

"Kuya, don't talk to Mommy like that. Malulungkot siya," malambot ang boses na sabi ni Tintin at niyugyog pa ang braso ng kapatid.

Tapos ay niyakap ni Tintin ang suitcase na nasa harapan niya na mas malaki pa rito saka siya lumuluhang tinignan.

"Mommy, please, 'wag kang umalis."

Hinila ni Kristoff ang kapatid. "Hinding-hindi siya malulungkot para sa'tin, Tintin! Her tears would only be shed for that bastard! Hindi ka dapat nagmamakaawa sa kanya!"

"Manang Fe, dalhin mo si Kristine at Kristoff sa kwarto nila para magpahinga," utos ng kakarating lang na si Timothy sa kasambahay.

Matapos makaalis ng mga bata kasama si Manang Fe, binigay ni Timothy ang file bag na may mileage kay Tricia.

Nang binuksan ang envelope, nakapaloob doon ang walong properties sa magkakaibang lokasyon, halos dosenang mamahaling mga sasakyan, at stocks na bilyong dolyar ang halaga.

Sapat na ang mga 'yon para sayangin sa buong buhay ni Tricia.

"This is your divorce settlement. Kung wala nang problema, paki-pirmahan ang divorce agreement," malamig na saad ni Timothy, walang emosyon ang mga mata nito.

Anong mangyayari sa kanya sa hinaharap?

Mas gugustuhin niya pang mabuhay kasama ang mayaman niyang asawa na gusto na siyang hiwalayan at binibigyan pa siya ng malaking halaga ng pera para sayangin kaysa sumama sa mahirap na lalaking niloko lang siya!

Kinuha niya ang ballpen at ibinababa ito ulit, tapos ay muling tumingin sa lalaking nasa harapan niya na walang emosyon.

"Honey, gutom na 'ko," malambing niyang sabi.

"Anong tinawag mo sa 'kin?" Bakas ang gulat sa mukha ni Timothy.

Kasal sila ng anim na taon, at palaging puno ng pagka disgusto ang tingin ni Tricia kay Timothy, bukod do'n ang salitang lagi nitong sinasabi sa kanya ay "Umalis ka."

Pero, ngayon, hindi lang malambing ang akto ni Tricia, tinawag pa siya nitong "Honey."

"Honey, asawa," muling saad ni Tricia. "Kahit mag-divorce pa tayo bukas, asawa pa rin kita ngayon."

Nawala ang kaguluhan sa malamig na mga mata ni Timothy.

Ano pa nga ba ang aasahan niya? Inaakala niya bang magbabago si Tricia para sa kanya?

Gayong magbabago lang naman ito para kay Aldrin.

"Tricia, 'wag mo nang sayangin ang oras mo. Hinding-hindi ako papayag na gamitin ang bone marrow ni Tintin para maligtas ang anak ni Aldrin."

Kumbinsido si Timothy na lahat ng pagbabagong ginagawa ni Tricia ay para lang kay Aldrin.

Gusto namang magpaliwanag ni Tricia, pero bago niya magawa 'yon ay umalis na ang lalaki.

Napabuntong-hininga siya at nangalumbaba, inaalala ang sinabi ng kaibigang si Xia noong nasa hospital sila.

"Sino ba ang hindi nakakaalam kung gaano ka kamahal ni Timothy? Kung ibababa mo lang pride mo at susuyuin siya, hindi ka na niya hihiwalayan."

Napapikit siya at inalala ang malamig na tingin sa kanya ni Timothy at ang galit ng anak niyang si Kristoff sa kanya, napabuntong-hininga siya ulit.

"She's not that easy to appease afterall..." bulong niya.

Mayamaya, may naglapag ng isang bowl ng noodles sa harapan niya. Tiningala niya kung sino 'yon at nakita niya si Timothy na nakatayo sa harapan niya.

Sandali siyang napatitig kay Timothy at hindi niya maiwasang pansinin ang magandang pangangatawan nito. Nangingibabaw 'yon.

Lagi talaga siyang napapahanga ng lalaki. Ito man ang batang Timothy o ang mature at composed na Timothy ngayon.

"Kumain ka at umalis," malamig ang boses nito, para bang pinapaalis na siya.

Pagkatapos magsalita ni Timothy, nag-ring ang cellphone nito. Dahilan kung bakit naglakad papuntang garden ang lalaki upang sagutin ang tawag.

Makalipas ang dalawampung minuto, bumalik si Timothy at wala sa sariling naglakad patungo sa hall. Nakita niyang malinis ito, walang mga kalat at basag na bowls.

Lahat ng noodles na binigay niya kanina ay kinain ni Tricia na ngayon ay payapang natutulog sa sofa. Napakaganda ng mukha nito.

Sandaling nablanko si Timothy. Parang panaginip ang lahat sa kanya. Panaginip na paulit-ulit niyang pinapangarap.

Sa pagkakatanda niya noon, palagi lang itatapon ni Tricia ang pagkaing hinanda niya para rito at tatawagin siyang "Nakakadiri at ilusyunado!"

Napabuntong-hininga siya bago kumuha ng kumot at kinumutan si Tricia.

"Tricia, muntik na 'kong mahulog ulit sa mga taktikang ginagawa mo. Palagi na lang talaga akong talunan 'pag dating sa'yo."

Makalipas ang isang oras ng payapang pagtulog ni Tricia, nagising siya at nakita niya si Kristoff na nakatayo sa harapan niya. Namumula ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya at nakakuyom ang maliliit na mga kamao.

"Tricia, saan mo tinago si Tintin?!"

Bago pa siya makapag-react, may hinagis nang note si Kristoff sa kanya.

Nakapaloob sa note ang sulat-kamay ni Tintin: Kuya, hindi ko hahayaang iwan ni Mommy si Daddy o iwan niya tayo. Ililigtas ni Tintin ang pamilya natin!”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 5 ANG KINABUKASAN MO ANG ANAK MO

    Hindi na sinubukang kwestyunin ng kasambahay ang utos ni Kristoff at umalis nalang upang sundin ito At matapos umalis ng kotseng nasa garahe, nakita ni Timothy si Aloce na tumatakbo palayo sa pinto ng bahay niya. Dalawang matatapang na german shepherds ang humahabol dito at bakas sa mukha ng babae ang labis na takot at pagmamadali. Sigurado siyang kagagawan 'yon ng anak niyang si Kristoff. Napangisi siya at hindi 'yon pinigilan. After all, wala namang magandang maidudulot si Alice. Napailing siya bago nagmaneho patungo sa kanyang kumpanya. "Nag-reply na ba ang stock market expert?" Ang pagbabalik ng stock market expert ay nagdulot ng hindi mapakaling pag-iisip sa mundo ng negosyo. Bawat kumpanya ay gustong maka-partner ang stock market expert dahil ang makasosyo siya ay para mo na ring pinamunuan ang buong stock market. Maapektuhan agad no'n ang stock price ng kumpanya at market capitalization dahil kung bakit gustong-gusto niya talagang makasosyo ang stock market expert.

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 4 SIYA ANG STOCK MARKET EXPERT AT ANG DOKTOR NA MAY HIMALA

    Sa loob lamang ng 20 minuto. Sumabog sa hospital ang isang balita. Ang balita tungkol sa "Pagbabalik ng hari ng stock market" ay naging usap-usapan. At habang tinitignan ang trending na usap-usapan sa kanyang cellphone, hindi maiwang hangaan ni Tricia na nasa nakaupo sa backseat ng sasakyan ang propesyonal na skills ni Xia. At habang nag-iiba ang mga tanawin mula sa labas ng bintana ng kotse, hindi makapaniwala si Tricia. Marami talaga ang kayang baguhin ng anim na taon. Naaalala niya pa anim na taon na ang nakararaan, si Xia na alam lang at kung paano magtago sa likuran niya ay iyakin. At ngayon, ang iyakin noon ay isa namang babaeng presidente ng Cruz Group. Nang makarating sa bahay ng mga Imperial, bago pa makapasok sa loob si Tricia ay narinig niya na ang umiiyak na sigaw ni Tontin. "Kuya, 'wag kang mamamatay!" Nagulat siya at nagmamadaling pumasok kung saan nakita niya si Kristoff na napapalibutan ng napakaraming doktor. Maputla ang bata, ang payat nutong katawan ay na

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 3 ANG GAWA GAWANG SAKIT - PLANO PARA ISALBA ANG KASAL NI DADDY

    Bakas sa mukha ni Aldrin ang sakit bago ito nagtanong sa nanginginig na boses. "Hindi ba't divorced na kayong dalawa?" "Sinong nagsabing divorced na kami?" Malamig ang ekspresyon ni Timothy: "Aldrin, lumayo ka sa anak at asawa ko mula ngayon. Kung hindi, tuluyan kitang buburahin sa mundong 'to!" Matapos sabihin ang babalang 'yon, wala sa sariling sinulyapan ni Timothy ang gawi ni Tricia. Noon, kung babantaan niya si Aldrin kagaya ng ginawa niya ngayon, magmamadali itong lalapit sa kanya at sasampalin siya, bago matapang siyang tatakutin, "Kapag sinubukan mong galawin si Aldrin, papatayin kita!" Pero ngayon, hindi ito nagalit gaya ng inaasahan niya; sa halip, tahimik si Tricia. Tahimik na para isang magandang estatwa. Ang Imperial Group ay nangunguna sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas, at dahil si Timothy ang namumuno sa lahat ng negosyo ng mga Imperial; makapangyarihan siya. Tipong isang salita lang ang kailangan niyang sabihin para wakasan ang buhay ni Aldrin. Per

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 2 SIYA SI TRICIA SANDOVAL, ANG MRS. IMPERIAL

    Habang binabasa niya ang note, pakiramdam ni Tricia ay bayolenteng pinipiga ang puso niya. Kadalasan, makukulit ang mga batang limang taong gulang, pero ang munting si Tintin ay makatwiran na kayang wasakin ang puso mo. "Nawawala si Tintin? Bilisan na natin at hanapin natin siya!" Katatayo niya lang nang itulak siya ni Kristoff. "Ano pa't nagpapanggap ka, Tricia?! Malamang ay inutusan mo si Tintin kaya siya umalis ng bahay! Kaya pala kakaiba ang inaakto mo kahapon, 'yun pala, hindi ka pa rin sumusuko sa pagpilit na gamitin ang bone marrow ni Tintin para mailigtas ang anak ng bastardong 'yon!" Puno ng luha ang mga mata ng batang lalaki. Galit na galit ang tingin nito kay Tricia. Mayamaya, dumating si Timothy at kinarga ang anak. Galit na galit ito at walang emosyon ang mga matang tumingin sa kanya "Tricia, importante sa akin ang bata. At kapag may nangyaring kahit na ano kay Tintin, I will personally tear Aldrin into pieces," mariing saad ni Timothy. Matagal niya na ring g

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1: CHAPTER 1 NAGISING AT NAGING ISANG INA MAKALIPAS ANG ANIM NA TAON

    Nagising si Tricia na nasa ICU ng isang hospital. Umupo siya sa kama niya nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang isang lalaki na walang iba kung hindi si Timothy Imperial. Ang lalaking gusto at pinapangarap niya."Tricia, gaya ng gusto mo, mag-divorce na tayo."Ibinigay nito sa kanya ang isang divorce agreement na pirmado na."Kasal tayo?!"Binasa ni Tricia ang mga pangalan at petsang nakasulat sa divorce agreement at hindi niya maiwasang magulat sa mga nabasa.Si Timothy Imperial na kilalang kilala sa buong Pilipinas hindi lang dahil sa taglay nitong katalinuhan, kundi pati na rin dahil nagawa nitong pamunuan ang lahat ng negosyo ng angkan nito sa edad lamang na 18, dahilan kung bakit naging isa itong pinaka batang business tycoon. Hindi siya makapaniwala na sa loob ng six years ay kasal sa kanya ang lalaking pinapangarap niya! Siguradong panaginip lang ito!Kinurot niya ang pisngi niya sa pag-aakalang ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status