Home / Romance / The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's / VOLUME 1 CHAPTER 2 SIYA SI TRICIA SANDOVAL, ANG MRS. IMPERIAL

Share

VOLUME 1 CHAPTER 2 SIYA SI TRICIA SANDOVAL, ANG MRS. IMPERIAL

Author: aqescritora
last update Huling Na-update: 2026-01-27 23:07:48

Habang binabasa niya ang note, pakiramdam ni Tricia ay bayolenteng pinipiga ang puso niya.

Kadalasan, makukulit ang mga batang limang taong gulang, pero ang munting si Tintin ay makatwiran na kayang wasakin ang puso mo.

"Nawawala si Tintin? Bilisan na natin at hanapin natin siya!"

Katatayo niya lang nang itulak siya ni Kristoff.

"Ano pa't nagpapanggap ka, Tricia?! Malamang ay inutusan mo si Tintin kaya siya umalis ng bahay! Kaya pala kakaiba ang inaakto mo kahapon, 'yun pala, hindi ka pa rin sumusuko sa pagpilit na gamitin ang bone marrow ni Tintin para mailigtas ang anak ng bastardong 'yon!"

Puno ng luha ang mga mata ng batang lalaki. Galit na galit ang tingin nito kay Tricia.

Mayamaya, dumating si Timothy at kinarga ang anak. Galit na galit ito at walang emosyon ang mga matang tumingin sa kanya

"Tricia, importante sa akin ang bata. At kapag may nangyaring kahit na ano kay Tintin, I will personally tear Aldrin into pieces," mariing saad ni Timothy.

Matagal niya na ring gustong gawin ang bagay na 'yon kay Aldrin. Pero lagi siyang tinatakot ni Tricia. Lagi itong nagbabanta na magpapakamatay kung susubukan niya mang hawakan kahit ang hibla lang ng buhok ni Aldrin.

Sa katunayan, ginawa na ni Tricia 'yon.

Para sa kapakanan ni Aldrin, pinahamak niya ang sarili niya at ilang beses nang nagtangkang magpakamatay, dahilan kung bakit napilitan siyang hindi galawin si Aldrin.

Hindi naman nakapagsalita si Tricia sa sinabi ni Timothy. Hindi niya na sinubukang magpaliwanag pa dahil alam niyang kahit gawin niya 'yon ay hindi rin siya paniniwalaan ng mga ito.

Sa ngayon, ang pinaka importanteng bagay lang na kailangan nilang gawin ay ang hanapin si Tintin.

Samantala, hindi naman mapakali si Timothy dahil sa katahimikan ni Tricia.

Noon, mawawalan ito agad ng kontrol sa emosyon sa tuwing binabanggit niya si Aldrin. Sisigawan siya nito, magbabasag ng mga bagay, at iinsultuhin siya.

Pero ngayon, hindi kapani-paniwalang kalmado ito.

Natatakot siyang may gawin na naman si Tricia na makakasakit sa sarili nito. Kaya bago umalis, nagbilon siya sa mga kasambahay na bantayan ang babae at tawagan siya kung sakali mang may mangyari.

Habang nasa byahe kasama ang anak at assistant niya, binasag ni Timothy ang katahimikan.

"Hindi mo siya dapat tinulak. Mommy mo pa rin siya," sabi niya sa anak.

Napalabi naman si Kristoff, ang mga mata nito ay nagpapakita ng emosyon na hindi dapat nararamdaman ng limang taong gulang na bata—sakit.

"Mommy? Pero kahit kailan ay hindi niya kami tinuring ni Tintin na anak niya."

"Anak..."

Nakatatak na sa isip ni Kristoff na galit si Tricia sa kanya at sa kapatid niya.

Sinigawan at minura sila nito. Ilang beses din nitong inayawan na sinilang sila.

At gaya ng kapatid na si Tintin, minsan din siyang nagmakaawa para mahalin siya ng kanyang ina.

Pero isang salita lang ang lagi nitong sinasabi at pinapamukha sa kanila: "Nakakadiri!"

Mayamaya, may sinagot na tawag ang assistant ni Timothy na nasa driver's seat pagkatapos ay nilingon si Timothy.

"Mr. Imperial, nahanap na po si Kristine. Basa hospital siya, naghahanda para sa isang bone marrow transplant," tila nag-aalangan na sabi nito.

Napansin 'yon ni Timothy at lalong nakaramdam ng kaba ang assistant niya. Sa isip-isip nito, maari niya pang idagdag na nasa hospital din ang asawa nito.

Samantala, nagpapasalamat si Tricia sa kaibigan niyang si Xia. Tinulungan siya nitong malaman kung nasaan si Tintin.

Nang makarating siya sa hospital na kinaroroonan ni Tintin, nakita niya ito sa entrance ng operating room.

Sa tabi ng batang babae ay nakatayo ang isang babaeng may mahaba at maalong buhok.

"Aunt Alice, basta't ililigtas ko si Ate Liza, hindi na kami iiwan ni Mommy 'di ba?"

"Siyempre naman, basta't ililigtas mo ang anak ko gamit ang bone marrow mo, hindi makikipag-divorce si Tricia sa Daddy mo. Ang pag-do-donate ng bone marrow ay parang pag-do-donate lang din ng dugo; hindi mo gustong mawala ang Mommy mo, hindi ba?"

Alam ni Alice Choi na nililinlang niya ang limang taong gulang na bata sa harap niya.

Hindi biro ang bone marrow transplant. Hindi 'yon minor surgery at delikado 'yon kahit pa sa matatanda. Lalo na sa limang taong gulang na bata.

Pero ano naman? Wala siyang pakialam! Ang gusto niya lang ay maging maayos ang kalagayan ng anak niya. Wala siyang pakialam kung mamatay man ang anak ni Tricia.

"Tumigil ka na!"

"Tricia?!"

Tumalikod si Alice at nakita niya si Tricia na naglalakad palapit sa kanya. Namutla siya sa takot na para bang nakakita siya ng multo kahit tirik na tirik ang araw.

"Pag-do-donate man ng dugo o bone marrow para kay Liza, magiging mabait si Tintin at gagawin ang inuutos sa kanya. Mommy, please, 'wag niyo po kaming iwan..." garalgal ang boses na saad ni Tintin.

Natatakot ang bata na pasamain ang loob ng kanyang ina at ang tanging nagawa niya lang ay ang hawakan ang damit ni Tricia gamit ang maliliit niyang mga kamay.

Pakiramdam naman ni Tricia ay dinurog ang puso niya sa brutal na paraan.

Lumuhod siya at marahang pinunasan ang luha ni Tintin.

"Tintin, be good. Hindi ka iiwan ni Mommy."

"Pero may importanteng bagay na kailangang gawin si Mommy ngayon. Pwede bang magbilang si Tintin hanggang 100? Oh no, hanggang 500 pala nang nakapikit?"

"Mahirap ba para sa isang limang taong gulang ang magbilang hanggang 500?"

Narinig ni Tintin ang ilang mga bulong matapos magsalita ni Tricia. Pagkatapos ay mabilis siyang umiling.

"Hindi po mahirap, Mommy. Tintin isn't a stupid child! Matalino si Tintin!" saad ng bata.

Natatakot itong hindi ito magugustuhan ng ina kung magiging makulit siya at mas natatakot siyang mawala ang mabait na inang nasa harapan niya.

Ngumiti si Tricia. "Alam ni Mommy na magaling si Tintin. Kaya simulan na nating magbilang."

Marahang hinaplos ni Tricia ang ulo ni Tintin, bago kumuyom ang mga kamao niya saka siya nagsimulang mag-unat.

"Mommy, pagkatapos ni Tintin magbilang hanggang 500, mawawala ka po ba?"

Tinignan siya ni Tintin, naiiyak ang pambatang boses nito.

Umiling siya. at marahang hinawakan ang hinliliit na daliri ng anak gamit ang kanya. "No, may pinky promise tayo. Hindi pwedeng magsinungaling."

"Naniniwala si Tintin kay Mommy," saad ng bata. Hindi nito gustong mawala ang kanyang ina.

Tumalikod si Tintin habang hawak ang manika at nagsimulang magbilang. "One, two..."

Nilagyan din ni Tricia ng headphones ang anak bago siya tumayo at kaswal na tinali ang buhok niya—high ponytail. Pagkatapos ay hinila niya ang mahabang buhok ni Alice gamit ang isang kamay at hinila ito papunta sa harap niya.

Paisa-isa hanggang sa hindi na mabilang na sampal ang lumatay sa bibig ni Alice, dahilan kung bakit parang ilong na ng baboy ang itsura ng bibig nito

"Tricia, anong karapatan mong saktan ako?!"

"Nililinlang mo ang anak ko? Kung gayon, ang bugbugin ka ay ang pinaka-maliit na magagawa ko!"

Sa edad na 18, matapang at walang kinatatakutan si Tricia.

At para mabugbog ang isang walang hiyang babae, kinakailangang gamiting niya ang dalawang kamay, susuntukin niya ito ng walang tigil hanggang mamatay.

Nang marinig naman ni Aldrin ang nangyayari, nagmadali itong pumunta kung saan naabutan niya si Alice na labis ang tinamong bugbog, at tinatapak-tapakan ni Tricia na prenteng nakaupo sa upuan.

Mayabang at taas noo ang tingin ng magaganda nitong mga mata.

'Yon ang ekspresyon na mayroon si Tricia dati. Ang nakakataas at pinaka matapang sa lahat na si Tricia. Ang babaeng hinila niya pababa.

"Aldrin, iligtas mo 'ko."

Hinila ni Aldrin palayo si Tricia af tinulungan si Alice na nakahiga sa sahig at hindi maganda ang kalagayan. Kalahati ng buhok nito ay nahila.

"Tricia! Anong ginagawa mo?!"

Nagtaas ng kilay si Tricia. "Bulag ka ba? I'm hitting a dog."

Sandaling natigilan si Aldrin. Kailanman ay hindi sinabi 'yon ni Tricia sa kanya.

Naisip niyang gusto lang nitong kuhanin ang atensyon niya.

"Tricia, lumuhod ka at humingi ng tawad kay Alice! Kung hindi, hinding-hindi kita mapapatawad at hindi mo na rin ako kailanman makikita pa!" saad niya. Laging gumagana ang trick na 'yon.

Sa tuwing sinasabi niya ang mga salitang 'yon, sinusunod siya ni Tricia na para bang puppet.

Pero ngayon, mali ang akala niya.

Dahil gaya ng ginawa ni Tricia kay Alice, sunod-sunod niyang sinampal si Aldrin. Malakas niya ring sinipa ang tuhod nito, dahilan kung bakit ito nawalan ng balanse at napaluhod sa harapan niya.

"Tricia, ikaw..!"

Bago pa matapos sa pagsasalita si Aldrin, hinila na ni Tricia ang buhok niya bago mariin at aroganteng nagsalita.

"Sa kalagayan mo ngayon, ikaw ang dapat lumuhod sa harapan ko. At..."

Sinulyapan niya si Alice at nagsalita. "Dalhin mo yang aso mo at umalis na. Dahil sa susunod, hindi na 'ko magdadalawang isip na baliin ang binti niyan," aniya.

Black belter siya sa Taekwondo, kaya ang bugbugin si Aldrin at Alice ay parang laro lang sa kanya.

Galit na galit si Aldrin. Determinado siyang turuan ng leksyon si Tricia lalo na nang hawakan siya ni Alice at nagmakaawa ito.

"Honey, iligtas mo muna ang anak natin. Kailangan natin ang bone marrow ni Kristine!"

Naisip ni Aldrin ang anak niya, kaya pinigilan niya ang galit at pinahinto si Tricia na aalis na sana habang karga ang anak na si Tintin.

"Tricia, basta't hahayaan mo ang anak mong mag-donate ng bone marrow para mailigtas si Liza, pakakasalan kita agad. Masaya ka na ba?"

Umakto siya na para bang malaking desisyon ang ginawa niya.

Dahil sinabi niya 'yonz hindi ba dapat ay maiyak ito sa tuwa?

Kinuyom naman ni Tintin ang maliliit niyang kamao bago lalong hinigpitan ang yakap sa ina.

Hindi siya natatakot na ipadala siya ng kanyang ina sa operating room para tanggalin ang bone marrow niya.

Ang kinatatakutan niya ay ang magpakasal ito sa masamang lalaking nasa harap nila.

Naramdaman ni Tricia ang kaba ng anak, kaya marahan niyang tinapik ang likod nito.

Tapos ay malamig at arogante niyang tinignan si Aldrin mula ulo hanggang paa.

"Pakasalan ka? Hindi ka karapat-dapat!"

"Aldrin, hindi mo ba alam yung concept na 'pakasalan mo ang taong kapantay mo lang'? Hindi mo rin ba narinig yung kasabihang 'gusto ng palaka na kainin ang karne ng sisne'? Actually, ikaw at si Alice, bagay kayo. Parang ipis at daga, perfect match."

Bakas sa mukha ni Aldrin ang galit sa narinig at tuluyang naubos ang pagtitimpi.

Alam ng mga nakakakilala sa kanya na gumamit siya ng mga babae para maging kaisa ng mga nasa high society. Dahil do'n lagi siyang pinagtatawanan at pinapahiya ng mga ito

Mataas ang tingin niya sa sarili ngunit may mga pagkakataon ding mababa.

Ata talagang halos madurog siya sa mga sinabi ni Tricia!

Mariing hinawakan ni Aldrin ang braso ni Tricia. "Tricia, sa tingin mo ba kagaya ka pa rin ng Miss Tricia na nakasanayan mo?"

"Narinig ko na maging si Timothy Imperial ay pagod na rin sa'yo at gusto pang makipag-divorce. Kung wala lang ang proteksyon ni Timothy, isa ka na ngayong walang silbi at kaawa-awang palaboy na aso!"

Tinaas niya ang kamay niya at akmang sasampalin si Tricia sa mukha.

Napapikit naman si Tricia, hinihintay na tumama ang palad ni Aldrin sa mukha niya. Pero lumipas na ang ilang minuto at hindi nangyari 'yon.

Nagulat siya at nakita niya si Timothy na nakatayo sa garap niya, hawak nito ang kamay ni Aldrin na dapat ay sasampal sa kanya.

Mayamaya pa, narinig niya ang tunog ng tila nag-ka-crack na bagay. Tunog 'yon ng mga butong nababali.

Namutla ang mukha ni Aldrin, at ang nakakaawang sigaw nito ay agad na umalingawngaw sa buong hospital.

Hinila pa ni Timothy si Aldrin palapit. Hindi niya mabilang at matukoy ang mga emosyong nasa malamig nitong mga mata.

"Sinong nagsabi na palaboy siyang aso? Siya si Tricia Sandoval, siya si Mrs. Imperial!"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 5 ANG KINABUKASAN MO ANG ANAK MO

    Hindi na sinubukang kwestyunin ng kasambahay ang utos ni Kristoff at umalis nalang upang sundin ito At matapos umalis ng kotseng nasa garahe, nakita ni Timothy si Aloce na tumatakbo palayo sa pinto ng bahay niya. Dalawang matatapang na german shepherds ang humahabol dito at bakas sa mukha ng babae ang labis na takot at pagmamadali. Sigurado siyang kagagawan 'yon ng anak niyang si Kristoff. Napangisi siya at hindi 'yon pinigilan. After all, wala namang magandang maidudulot si Alice. Napailing siya bago nagmaneho patungo sa kanyang kumpanya. "Nag-reply na ba ang stock market expert?" Ang pagbabalik ng stock market expert ay nagdulot ng hindi mapakaling pag-iisip sa mundo ng negosyo. Bawat kumpanya ay gustong maka-partner ang stock market expert dahil ang makasosyo siya ay para mo na ring pinamunuan ang buong stock market. Maapektuhan agad no'n ang stock price ng kumpanya at market capitalization dahil kung bakit gustong-gusto niya talagang makasosyo ang stock market expert.

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 4 SIYA ANG STOCK MARKET EXPERT AT ANG DOKTOR NA MAY HIMALA

    Sa loob lamang ng 20 minuto. Sumabog sa hospital ang isang balita. Ang balita tungkol sa "Pagbabalik ng hari ng stock market" ay naging usap-usapan. At habang tinitignan ang trending na usap-usapan sa kanyang cellphone, hindi maiwang hangaan ni Tricia na nasa nakaupo sa backseat ng sasakyan ang propesyonal na skills ni Xia. At habang nag-iiba ang mga tanawin mula sa labas ng bintana ng kotse, hindi makapaniwala si Tricia. Marami talaga ang kayang baguhin ng anim na taon. Naaalala niya pa anim na taon na ang nakararaan, si Xia na alam lang at kung paano magtago sa likuran niya ay iyakin. At ngayon, ang iyakin noon ay isa namang babaeng presidente ng Cruz Group. Nang makarating sa bahay ng mga Imperial, bago pa makapasok sa loob si Tricia ay narinig niya na ang umiiyak na sigaw ni Tontin. "Kuya, 'wag kang mamamatay!" Nagulat siya at nagmamadaling pumasok kung saan nakita niya si Kristoff na napapalibutan ng napakaraming doktor. Maputla ang bata, ang payat nutong katawan ay na

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 3 ANG GAWA GAWANG SAKIT - PLANO PARA ISALBA ANG KASAL NI DADDY

    Bakas sa mukha ni Aldrin ang sakit bago ito nagtanong sa nanginginig na boses. "Hindi ba't divorced na kayong dalawa?" "Sinong nagsabing divorced na kami?" Malamig ang ekspresyon ni Timothy: "Aldrin, lumayo ka sa anak at asawa ko mula ngayon. Kung hindi, tuluyan kitang buburahin sa mundong 'to!" Matapos sabihin ang babalang 'yon, wala sa sariling sinulyapan ni Timothy ang gawi ni Tricia. Noon, kung babantaan niya si Aldrin kagaya ng ginawa niya ngayon, magmamadali itong lalapit sa kanya at sasampalin siya, bago matapang siyang tatakutin, "Kapag sinubukan mong galawin si Aldrin, papatayin kita!" Pero ngayon, hindi ito nagalit gaya ng inaasahan niya; sa halip, tahimik si Tricia. Tahimik na para isang magandang estatwa. Ang Imperial Group ay nangunguna sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas, at dahil si Timothy ang namumuno sa lahat ng negosyo ng mga Imperial; makapangyarihan siya. Tipong isang salita lang ang kailangan niyang sabihin para wakasan ang buhay ni Aldrin. Per

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 2 SIYA SI TRICIA SANDOVAL, ANG MRS. IMPERIAL

    Habang binabasa niya ang note, pakiramdam ni Tricia ay bayolenteng pinipiga ang puso niya. Kadalasan, makukulit ang mga batang limang taong gulang, pero ang munting si Tintin ay makatwiran na kayang wasakin ang puso mo. "Nawawala si Tintin? Bilisan na natin at hanapin natin siya!" Katatayo niya lang nang itulak siya ni Kristoff. "Ano pa't nagpapanggap ka, Tricia?! Malamang ay inutusan mo si Tintin kaya siya umalis ng bahay! Kaya pala kakaiba ang inaakto mo kahapon, 'yun pala, hindi ka pa rin sumusuko sa pagpilit na gamitin ang bone marrow ni Tintin para mailigtas ang anak ng bastardong 'yon!" Puno ng luha ang mga mata ng batang lalaki. Galit na galit ang tingin nito kay Tricia. Mayamaya, dumating si Timothy at kinarga ang anak. Galit na galit ito at walang emosyon ang mga matang tumingin sa kanya "Tricia, importante sa akin ang bata. At kapag may nangyaring kahit na ano kay Tintin, I will personally tear Aldrin into pieces," mariing saad ni Timothy. Matagal niya na ring g

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1: CHAPTER 1 NAGISING AT NAGING ISANG INA MAKALIPAS ANG ANIM NA TAON

    Nagising si Tricia na nasa ICU ng isang hospital. Umupo siya sa kama niya nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang isang lalaki na walang iba kung hindi si Timothy Imperial. Ang lalaking gusto at pinapangarap niya."Tricia, gaya ng gusto mo, mag-divorce na tayo."Ibinigay nito sa kanya ang isang divorce agreement na pirmado na."Kasal tayo?!"Binasa ni Tricia ang mga pangalan at petsang nakasulat sa divorce agreement at hindi niya maiwasang magulat sa mga nabasa.Si Timothy Imperial na kilalang kilala sa buong Pilipinas hindi lang dahil sa taglay nitong katalinuhan, kundi pati na rin dahil nagawa nitong pamunuan ang lahat ng negosyo ng angkan nito sa edad lamang na 18, dahilan kung bakit naging isa itong pinaka batang business tycoon. Hindi siya makapaniwala na sa loob ng six years ay kasal sa kanya ang lalaking pinapangarap niya! Siguradong panaginip lang ito!Kinurot niya ang pisngi niya sa pag-aakalang ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status