Home / Romance / The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's / VOLUME 1 CHAPTER 3 ANG GAWA GAWANG SAKIT - PLANO PARA ISALBA ANG KASAL NI DADDY

Share

VOLUME 1 CHAPTER 3 ANG GAWA GAWANG SAKIT - PLANO PARA ISALBA ANG KASAL NI DADDY

Author: aqescritora
last update Last Updated: 2026-01-27 23:07:52

Bakas sa mukha ni Aldrin ang sakit bago ito nagtanong sa nanginginig na boses.

"Hindi ba't divorced na kayong dalawa?"

"Sinong nagsabing divorced na kami?"

Malamig ang ekspresyon ni Timothy: "Aldrin, lumayo ka sa anak at asawa ko mula ngayon. Kung hindi, tuluyan kitang buburahin sa mundong 'to!"

Matapos sabihin ang babalang 'yon, wala sa sariling sinulyapan ni Timothy ang gawi ni Tricia.

Noon, kung babantaan niya si Aldrin kagaya ng ginawa niya ngayon, magmamadali itong lalapit sa kanya at sasampalin siya, bago matapang siyang tatakutin, "Kapag sinubukan mong galawin si Aldrin, papatayin kita!"

Pero ngayon, hindi ito nagalit gaya ng inaasahan niya; sa halip, tahimik si Tricia. Tahimik na para isang magandang estatwa.

Ang Imperial Group ay nangunguna sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas, at dahil si Timothy ang namumuno sa lahat ng negosyo ng mga Imperial; makapangyarihan siya.

Tipong isang salita lang ang kailangan niyang sabihin para wakasan ang buhay ni Aldrin.

Pero bakit nga ba lagi niya na lang itong pinapalampas?

Posible bang dahil kay Tricia?

Mayamaya, aalis na sana siya kasama ang mag-ina niya nang magsalita si Alice.

"Si Liza ay mula sa lahi ni Aldrin! Hindi mo siya pwedeng abandonahin na lang!" pigil ni Alice kay Tricia.

Namangha si Tricia sa narinig. "Anong kinalaman ng lahi niya sa akin? Hindi ako ang Tatay niya, kaya bakit ko aalalahanin ang lahi niya?"

"Paano kung ganito, lumuhod kayong dalawa, kowtow, tapos ay tawagin niyo akong "Tatay" at i-ko-consider kong tulungan kayong humanap ng spesyalista sa IVF para maipagpatuloy niyo ang lahi niyo. Pero.."

Sinulyapan niya si Aldrin. "Pero hindi maganda ang lagay mo. Mahina ka, may kidney deficiency, at naghihirap dahil sa azoospermia, kaya nakatadhana talaga na wala kang lahing dapat ipagpatuloy."

Galit na galit si Aldrin sa mga salitang 'yon at parang masusuka pa siya ng dugo.

Una, hindi makakaya ng mga lalaking masabihan silang impotent. Pangalawa, gustong-gusto ni Aldrin na magkaro'n ng isa pang anak kasama si Alice para ipagpatuloy ang lahi nila. Pero hindi ito mabuntis-buntis!

"Tricia, anong karapatan mong isumpa ako!"

Ang hindi alam ni Aldrin, hindi lang kaunti ang alam ni Tricia tungkol sa boxing, bagkus siya rin ay magaling na manggagamot.

Dahil sa narinig, may kung anong emosyon ang nagliwanag sa mata ni Alice.

"Hmm."

Sa tabi nila, natulos sa kinatatayuan ang isang matanda at dalawang bata. Nanlalaki ang mata ng mga ito at hindi makapaniwala sa nakita't narinig.

Tama ba ang pagkakarinig nila?

Pinupuna ni Tricia si Aldrin?

Makalipas ang ilang sandali, tuluyang umalis sina Timothy.

Nang nasa sasakyan sila, ang lalaki ang unang bumasag sa katahimikan. "'Wag mo nang isipin 'yon. Sinabi ko 'yon alang-alang sa reputasyon ng pamilyang Imperial. Afterall, hindi pa naman tayo divorced, at Mrs. Imperial ka pa rin."

Medyo nadismaya si Tricia sa narinig. Kaya pala pinagtanggol siya ni Timothy kanina para hindi masira ang reputation ng pamilyang Imperial.

Nang sabihin ni Timothy na, "Hindi siya palabay na aso, siya si Mrs. Imperial," naramdaman niya ulit ang emosyong naramdaman niya noon.

Unang beses niyang na-inlove noong nag-aaral pa lamang siya.

Sa kagustuhang mabawasan ng timbang, nahimatay siya sa kalagitnaan ng gym class dahil mababa na ang blood sugar niya. At si Timothy, na nakaupo malapit sa bintana nang mga oras na 'yon, ay nakita ang pangyayari at inabandona ang importanteng exam upang tulungan siya.

Mula nang oras na 'yon, nahulog na ang loob niya kay Timothy.

Natigil sa pagbabalik tanaw si Tricia nang muling magsalita ang lalaki.

"Pagkatapos mong pirmahan ang divorce agreement, ibigay mo 'yon kay James. He will handle all the paperwork with you."

Si James ang assistant ni Timothy.

Nang makauwi sila sa Imperial residence. Nag-impake si Tricia ng mga gamit niya at naghanda para umalis.

Determinado si Timothy na i-divorce siya at galit din sa kanya si Kristoff.

Hindi magiging masaya ang lahat kung mananatili siya kasama ang pamilyang Imperial.

Pero bago umalis, gusto niyang makita si Tintin sa huling pagkakataon.

Nang makarating siya sa pinto ng kwarto, nakita ni Tricia ang maraming doktor na mabilis na naglalakad papasok sa kwarto ni Tintin.

Makalipas ang dalawang oras. Nagising si Tintin

Umupo si Timothy sa kama. "Tintin, is there anything that's bothering you?" nag-aalalang tanong nito.

Pero tila hindi narinig ni Tintin ang boses nito. Blanko lang ang tingin ng bata sa kisame, hindi nagsasalita.

Hindi siya sumasagot sa sino mang kumakausap sa kanya.

Hanggang sa si Tricia na ang tumawag dito. "Tintin."

Kumurap-kurap si Tintin at tumingin sa kanya.

"Mommy, nandito ako."

Kumunot ang noo ni Kristoff at tinignan ang private doctor nila. "Ano talaga ang nangyayari?"

Gumawa ng iba't ibang test ang mga doktor upang malaman ang kondisyon ni Tintin.

"Maayos ang pisikal na pangangatawan ni Kristine. But, she's suffering from a very serious mental illness."

"Anong klaseng mental illness?" tanong ni Timothy.

Sumagot ang private doctor. "Autism."

Narinig na ni Tricia ang tungkol sa kondisyong 'yon, pero hindi niya maintindihan kung paanong ang malusog at matalinong batang gaya ni Tintin ay magkakaro'n no'n?

Nagpaliwanag ang private doctor. "Ang ganitong uri ng kondisyon at karaniwang related sa family environment. Sa madaling salita, ang mga batang hindi nakakatanggap ng pagmamahal ay mas malaki ang tiyansa na magkaro'n nito."

"Kung hindi matitignan at hahayaan na lang, posibleng magkaro'n ng depresyon si Kristine. In mild cases, hindi niya magagawang mamuhay ng normal. Sa severe naman, pwede siyang magkaroon ng mga suicidal thoughts."

Tila nahirapang huminga naman si Timothy at agad na binalot ng guilt ang sistema niya.

Kasalanan niya 'yon dahil hindi niya inaalagaan ng maayos ang anak niya!

Pinakalma ng private doctor ang lahat. "'Wag kayong mag-alala. Early symptoms pa lamang ang mga ito. Kung gagamitan ng psychological treatment, posibleng maka-recover siya ng buo. Ang kaso..."

Sandaling tumigil ang doctor, bago muling nagsalita. "Ang kaso, Mr. Imperial, mas mabuti siguro kung hindi muna kayo mag-di-divorce ng asawa mo. Sensitibo si Kristine pagdating sa usapang ito. At kung matutuloy ang divorce niyo, maaaring hindi maging maganda ang dulot nito sa kanya at mapalala pa ang kondisyon niya."

Nang makalabas ng kwarto, nagpasya si Timothy na kausapin si Tricia.

Pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya nito. "Timothy, alam kong galit ka sa'kin ngayonnat gustong makipag-divorce. Pero para sa kapakanan ni Tintin, hindi tayo pwedeng mag-divorce ngayon."

Sandaling naestatwa si Timothy na para bang hindi ito makapaniwala sa mga narinig. "Sinasabi mong hindi na tayo dapat mag-divorce?"

"Yes, aalis tayo kapag naka-recover na si Tintin..."

Bago niya pa mabanggit ang tungkol sa marriage proposal, naunahan na siya ni Timothy. "Okay."

Tumango siya at naglakad paalis.

Ilang beses namang kumuyom ang kamao ni Timothy habang pinagmamasdan ang papakayong bulto ng babae.

Ibang-iba na talaga si Tricia ngayon.

Lingid sa kaalaman ninTricia at Timothy, ang pangyayaring 'yon ay nasaksihan ng batang si Tintin na nakasilip mula sa pinto.

Maingat at tahimik na sinara ni Tintin ang pinto, gumalang paakyat ng kama, bago kinuha ang smartwatch niya.

Gamit 'yon ay tinawagan niya ang Ninang niya.

"Ninang! Successful po ang plano na isalba ang kasal ni Daddy! Nagpasya po sina Mommy at Daddy na hindi na muna mag-divorce!"

Upang maisalba ang kasal ng kanyang ama, siya at ang kanyang Ninang na si Xia ay nakaisip ng plano para magmukhang nahihirapan siya.

Siya ang nagpanggap na may sakit, habang ang Ninang niya naman ang nagbayad sa private doctor ng pamilyang Imperial para palabasim na may sakit siya.

Kinabukasan, sa villa ng pamilyang Cruz, nakaramdam si Xia ng kaunting pagsisisi nang makita niya si Tricia na palapit.

Posible kayang nalaman na ni Tricia ang sikretong plano nila ni Tintin?

"Xia, parang may mali." Kumunot ang noo ni Tricia. "Hindi k9 naman type si Aldrin. Kaya paanong naging alipin ak9 ng pag-ibig para sa kanya?"

Umupo si Xia sa tabi nito: "Nagbago ang lahat pagkatapos kang habulin ng isang serial killer. Christmas night noon at 18 years old ka pa lang."

Kumislap ang mga mata ni Tricia.

Bigla siyang nabuhay muli pagtapos ng anim na taon, noong panahon ng pasko habang hinahabol siya.

Sumimsim ng mainit na tsaa si Xia bago nagpatuloy. "Noong gabing 'yon, na-coma kama. Dinala kayo ni Aldrin sa hospital, punong-puno ng dugo. Pareho kayong malala ang natamong mga sugat at nanatiling walang malay sa loob ng pitong araw bago muling nagising. Nang magising ka, ang sabi mo ay malala ang naging injured sa kamay ni Aldrin habang nililigtas ka niya at hindi na makakahawak pang muli ng scalpel, at hindi na kailanman makakapag trabaho pa bilang doktor."

"Ang sabi mo, babawi ka sa kanya."

At mula no'n, si Tricia Sandoval, ang pinaka marangal na babae, ag naging katatawanan at alipin ng pag-ibig.

Lalong kumunot ang noo ni Tricia.

Para lang magligtas ng isang buhay, sinuko niya ang buong kumpanya niya at nagpakumbaba ng sobra?

Hindi siya gano'n!

Isa ito sa mga bagay na kailanman ay hindi rin naintindihan ni Xia.

Lumaki siya kasama si Tricia at siya rin ang lubos na nakakakilala at nakakaintindi rito

At hilig ni Tricia na solusyunan lahat ng problema gamit ang pera.

Kung may mang-iinsulto rito. Kukuha si Tricia ng pera at ibibigay doon saka magsasabing: "Ang pera na 'to ay para sa pagtatayo mo ng aso mo. Sapat na ba 'yan?"

Kung may nanliligaw naman kay Tricia. Magbibigay din ito ng pera at sasabihing: "Kunin mo ang pera at humanap ka ng iba."

Kapag may umaapi naman kay Tricia at may nag protekta rito, magbibigay ulit ito ng pera at sasabihing: "Para sa'yo ang reward na 'to. At dahil maganda ang mood ko, dadagdagan ko pa para sa'yo. Pero 'wag ka na ulit gagawa ng walang kwentang bagay gaya nito. Hindi nila ako maaapi, pampalipas oras ko lang ang mga 'yan."

Sa alaala niya, marangal at may maipagmamalaki si Tricia. At hinahanggan niya ang babae dahil doon.

"Isa pa, si Timothy ang hinahangaan ko. Kaya bakit labis ang galit ko sa kanya maging sa mga anak namin?"

Napahilot sa sintido si Tricia. Pakiramdam niya ay talagang may mali.

Lahat ng kakaibang nangyayari ay napapaisip siya kung nasapian ba siya.

Samantala, naisip ni Xia ang pagmamakaawa ni Tintin kaya nilunok nita na lang ang mga salitang dapat ay sasabihin niya.

"Hindi rin malinaw sa akin ang tungkol dito."

Alam niyang hindi nita maitatago 'yon, at alam niya ring maaaring magalit sa kanya si Tricia at sisihin pa sita kapag nalaman nito ang katotohanan. Pero hindi na siya nagtangkang sumugal.

Natatakot kasi siya na kawawala ang Tricia na kaharap at nakakasalamuha nila ngayon. Natatakot siya na baka bumalik si Tricia sa Tricia na hindi nila kilala.

At dahil sa takot na magpapatuloy si Tricia sa paghahanap ng mga kasagutan, sinadya no Xia na ibahin na lamang ang usapan.

"Tricia, ang taong nagligtas sayo mula sa serial killer six years ago ay hindi si Aldrin."

Upang malaman kung bakit bigla na lamang nagbago si Tricia, naglaan siya ng isang taon at malaking halaga ng pera sa pag-iimbestiga ng kaso nang gabing 'yon anim na taon na ang nakararaan.

Kahit pa may sira ang cctv camera, nakita niya ang isang pigura at gamot ang sarili nitong katawan ay sinangga nito ang kutsilyo ng killer na si Tricia sana ang tatamaan, at nang makita siyang napupuno na ng dugo, umalis ang killer.

Mayamaya, lumitaw si Aldrin sa cctv camera at inalis si Tricia roon.

Sa mga oras na 'yon, masyadong naging obsessed si Tricia kay Aldrin at hindi pinaniwalaan ang sinasabi niya. Pinutol din nito ang ugnayan nila para sa kapakanan ni Aldrin, at hindi na siya nagkaro'n pa ng komunjkasyon muli sa kanya.

Ang 24 years old na si Tricia ay hindi naniniwala kay Xia. Perk ang 18 year old na Tricia ay agad na maniniwala kay Xia.

"Kung gano'n, hindi ko na kailangang alalahanin pa ang utang ko dahil sa pagliligtas niya sa buhay ko."

"That's it."

"Tricia, anong gagawin mo?"

Nagtaas ng tingin si Tricia, napanguso rin ito at kitang-kita niya ang napaka ganda nitong mga mata.

"Anong gagawin? Natural, ipapaalam natin sa kanila kung sino talaga ang namumuno sa pamilyang Sandoval at kung sino ang tunay na palaboy na aso!"

Gustong bawiin ni Tricia ang lahat ng sa kanya!

Sisiguraduhin niyang magbabayad si Aldrin at Allce ng doble sa lahat ng kahihiyang ginawa nila sa kanya at sa kapahamakang binigay ng mga ito kay Tintin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 5 ANG KINABUKASAN MO ANG ANAK MO

    Hindi na sinubukang kwestyunin ng kasambahay ang utos ni Kristoff at umalis nalang upang sundin ito At matapos umalis ng kotseng nasa garahe, nakita ni Timothy si Aloce na tumatakbo palayo sa pinto ng bahay niya. Dalawang matatapang na german shepherds ang humahabol dito at bakas sa mukha ng babae ang labis na takot at pagmamadali. Sigurado siyang kagagawan 'yon ng anak niyang si Kristoff. Napangisi siya at hindi 'yon pinigilan. After all, wala namang magandang maidudulot si Alice. Napailing siya bago nagmaneho patungo sa kanyang kumpanya. "Nag-reply na ba ang stock market expert?" Ang pagbabalik ng stock market expert ay nagdulot ng hindi mapakaling pag-iisip sa mundo ng negosyo. Bawat kumpanya ay gustong maka-partner ang stock market expert dahil ang makasosyo siya ay para mo na ring pinamunuan ang buong stock market. Maapektuhan agad no'n ang stock price ng kumpanya at market capitalization dahil kung bakit gustong-gusto niya talagang makasosyo ang stock market expert.

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 4 SIYA ANG STOCK MARKET EXPERT AT ANG DOKTOR NA MAY HIMALA

    Sa loob lamang ng 20 minuto. Sumabog sa hospital ang isang balita. Ang balita tungkol sa "Pagbabalik ng hari ng stock market" ay naging usap-usapan. At habang tinitignan ang trending na usap-usapan sa kanyang cellphone, hindi maiwang hangaan ni Tricia na nasa nakaupo sa backseat ng sasakyan ang propesyonal na skills ni Xia. At habang nag-iiba ang mga tanawin mula sa labas ng bintana ng kotse, hindi makapaniwala si Tricia. Marami talaga ang kayang baguhin ng anim na taon. Naaalala niya pa anim na taon na ang nakararaan, si Xia na alam lang at kung paano magtago sa likuran niya ay iyakin. At ngayon, ang iyakin noon ay isa namang babaeng presidente ng Cruz Group. Nang makarating sa bahay ng mga Imperial, bago pa makapasok sa loob si Tricia ay narinig niya na ang umiiyak na sigaw ni Tontin. "Kuya, 'wag kang mamamatay!" Nagulat siya at nagmamadaling pumasok kung saan nakita niya si Kristoff na napapalibutan ng napakaraming doktor. Maputla ang bata, ang payat nutong katawan ay na

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 3 ANG GAWA GAWANG SAKIT - PLANO PARA ISALBA ANG KASAL NI DADDY

    Bakas sa mukha ni Aldrin ang sakit bago ito nagtanong sa nanginginig na boses. "Hindi ba't divorced na kayong dalawa?" "Sinong nagsabing divorced na kami?" Malamig ang ekspresyon ni Timothy: "Aldrin, lumayo ka sa anak at asawa ko mula ngayon. Kung hindi, tuluyan kitang buburahin sa mundong 'to!" Matapos sabihin ang babalang 'yon, wala sa sariling sinulyapan ni Timothy ang gawi ni Tricia. Noon, kung babantaan niya si Aldrin kagaya ng ginawa niya ngayon, magmamadali itong lalapit sa kanya at sasampalin siya, bago matapang siyang tatakutin, "Kapag sinubukan mong galawin si Aldrin, papatayin kita!" Pero ngayon, hindi ito nagalit gaya ng inaasahan niya; sa halip, tahimik si Tricia. Tahimik na para isang magandang estatwa. Ang Imperial Group ay nangunguna sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas, at dahil si Timothy ang namumuno sa lahat ng negosyo ng mga Imperial; makapangyarihan siya. Tipong isang salita lang ang kailangan niyang sabihin para wakasan ang buhay ni Aldrin. Per

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 2 SIYA SI TRICIA SANDOVAL, ANG MRS. IMPERIAL

    Habang binabasa niya ang note, pakiramdam ni Tricia ay bayolenteng pinipiga ang puso niya. Kadalasan, makukulit ang mga batang limang taong gulang, pero ang munting si Tintin ay makatwiran na kayang wasakin ang puso mo. "Nawawala si Tintin? Bilisan na natin at hanapin natin siya!" Katatayo niya lang nang itulak siya ni Kristoff. "Ano pa't nagpapanggap ka, Tricia?! Malamang ay inutusan mo si Tintin kaya siya umalis ng bahay! Kaya pala kakaiba ang inaakto mo kahapon, 'yun pala, hindi ka pa rin sumusuko sa pagpilit na gamitin ang bone marrow ni Tintin para mailigtas ang anak ng bastardong 'yon!" Puno ng luha ang mga mata ng batang lalaki. Galit na galit ang tingin nito kay Tricia. Mayamaya, dumating si Timothy at kinarga ang anak. Galit na galit ito at walang emosyon ang mga matang tumingin sa kanya "Tricia, importante sa akin ang bata. At kapag may nangyaring kahit na ano kay Tintin, I will personally tear Aldrin into pieces," mariing saad ni Timothy. Matagal niya na ring g

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1: CHAPTER 1 NAGISING AT NAGING ISANG INA MAKALIPAS ANG ANIM NA TAON

    Nagising si Tricia na nasa ICU ng isang hospital. Umupo siya sa kama niya nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang isang lalaki na walang iba kung hindi si Timothy Imperial. Ang lalaking gusto at pinapangarap niya."Tricia, gaya ng gusto mo, mag-divorce na tayo."Ibinigay nito sa kanya ang isang divorce agreement na pirmado na."Kasal tayo?!"Binasa ni Tricia ang mga pangalan at petsang nakasulat sa divorce agreement at hindi niya maiwasang magulat sa mga nabasa.Si Timothy Imperial na kilalang kilala sa buong Pilipinas hindi lang dahil sa taglay nitong katalinuhan, kundi pati na rin dahil nagawa nitong pamunuan ang lahat ng negosyo ng angkan nito sa edad lamang na 18, dahilan kung bakit naging isa itong pinaka batang business tycoon. Hindi siya makapaniwala na sa loob ng six years ay kasal sa kanya ang lalaking pinapangarap niya! Siguradong panaginip lang ito!Kinurot niya ang pisngi niya sa pag-aakalang ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status