Home / Romance / The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's / VOLUME 1 CHAPTER 4 SIYA ANG STOCK MARKET EXPERT AT ANG DOKTOR NA MAY HIMALA

Share

VOLUME 1 CHAPTER 4 SIYA ANG STOCK MARKET EXPERT AT ANG DOKTOR NA MAY HIMALA

Author: aqescritora
last update Last Updated: 2026-01-27 23:07:55

Sa loob lamang ng 20 minuto. Sumabog sa hospital ang isang balita.

Ang balita tungkol sa "Pagbabalik ng hari ng stock market" ay naging usap-usapan.

At habang tinitignan ang trending na usap-usapan sa kanyang cellphone, hindi maiwang hangaan ni Tricia na nasa nakaupo sa backseat ng sasakyan ang propesyonal na skills ni Xia.

At habang nag-iiba ang mga tanawin mula sa labas ng bintana ng kotse, hindi makapaniwala si Tricia.

Marami talaga ang kayang baguhin ng anim na taon.

Naaalala niya pa anim na taon na ang nakararaan, si Xia na alam lang at kung paano magtago sa likuran niya ay iyakin. At ngayon, ang iyakin noon ay isa namang babaeng presidente ng Cruz Group.

Nang makarating sa bahay ng mga Imperial, bago pa makapasok sa loob si Tricia ay narinig niya na ang umiiyak na sigaw ni Tontin.

"Kuya, 'wag kang mamamatay!"

Nagulat siya at nagmamadaling pumasok kung saan nakita niya si Kristoff na napapalibutan ng napakaraming doktor.

Maputla ang bata, ang payat nutong katawan ay namamaluktot sa gilid ng isang sofa, ang noo nito ay punong-puno ng malamig na pawis.

"Anong nangyari?"

"Wala kang pakialam!" sigaw ni Kristoff.

Makulit din ang bata dahil ayaw nitong magpahawak sa kanya.

Ilang segundong nanahimik si Tricia: ang ganitong pagiging matigas ang ulo ni Kristoff ay tulad ng kanya.

Kapag ang marahang paraan ay hindi gumagana, kakailanganin niyang gumamit ng lakas.

Kaya hinawakan niya si Kristoff na balak pang tumakbo dahilan kung bakit kinagat nito ang kamay niya.

Nang matauhan si Kristoff, nalalasahan niya na ang dugo sa bibig niya. Dugo 'yon ni Tricia.

Dahan-dahan bumitaw si Kristoff. Pinilit niyang ituwid ang katawan niya.

Hinihintay niyang sumabog ang galit ng babae.

Ngunit, hindi gaya noon, hindi siya sinaktan ni Tricia ngayon.

Sa halip, marahan siyang tinignan nito at nagsalita. "'Wag kang mag-alala, hindi masakit."

Seryoso ang mukha na nagsalita si Kristoff. "Sinong nag-aalala sa'yo?"

Seryoso ring tinignan ni Tricia ang bata. "Pero nag-aalala ako sa'yo."

Natahimik si Kristoff.

Sa isip-isip nito, hindi ito makapaniwala na nag-aalala si Tricia para sa kanya?

Naisip niyang nagsinungaling ito! Pero kailanman ay hindi nagsinungaling si Tricia sa kanya.

Dahil sinabi na nito noon na pabigat lang siya at ang kapatid nita. Na walang karapatan at hindi na dapat nabuo pa

Nang makita ni Tricia na hindi na pumapalag si Kristoff, marahan niyang hinawakan ang pala-pulsuhan nito.

Pagkatapos ay kumunot ang noo niya saka nagsalita. "Limang taon ka lang, paano ka magkakaro'n ng ganitong ka-seryosong problema sa sikmura?"

Matapos niyang magsalita, agad niyang napansin ang pagsisisi sa mukha ng mga kasambahay na nasa gilid niya.

"Anong karapatan niyong tratuhin ng ganito ang anak ko?!"

Mabigat ang malamig niyang boses, dahilan kung bakit nanginginig sa takot na napaluhod ang mga kasambahay.

"Madam, paano namin nagawang tratuhin ng ganito ang mga anak niyo! Ito, ito ay utos niyong lahat!"

"Ikaw ang nagbawal sa amin na pakainin ang mga anak niyo ng almusal at hapunan. Sinabi mo rin na ang pakainin ang mga bastardong 'yan ay mas malala pa sa pagpapakain sa mga aso!"

Naninikip ang dibdib ni Tricia, at wala sa sarili siyang napatingin sa reaksyon ni Kristoff.

Tahimik lang itong umupo sa sofa, walang buhay ang mga mata.

Ang limang taong gulang na bata ay nasa mahalagang yugto ng paglaki nila, pero isang beses lang itong pakainin sa isang araw at pinahihiya pa at tinatawag na bastardo.

Lalong lumalala ang galit ni Tricia habang inaalala ang tungkol do'n. Hinihiling niya na sana ay pwede niyang sampalin ang sarili nang paulit-ulit.

Anong kaibahan niya sa mga masasamang stepmother?

"Magluto kayo ng millet porridge," utos ni Tricia sa mga kasambahay.

Makakatulong 'yon para mabusog ang mga bata.

Hindi gumalaw ang mga kasambahay; para bang nakakita sila ng nakakatakot na bagay, takot na takot ang mga ito at niyuko ang ulo hanggang sa sahig.

May naramdamang kung ano si Tricia kaya umikot siya at nakita niya si Timothy na malamig ang ekspresyon.

Bakas ang gulat sa mukha nito, mariin din ang pagkakakuyom ng mga kamao na para bang nagpipigil ng sobrang sakit.

Walang kaide-ideya si Timothy na naghihirap ang mga anak niya.

At siya, para sa sariling kaligayahan, ay pinahamak ang sariling mga anak!

Ang batang si Tintin naman ay napansin ang nakakailang na paligid. Agad na napuno ng luha ang mga mata niya.

Marahan niyang hinawakan ang kamay ng ama, at garalgal pa ang nasasaktang boses na nagsalita.

"Daddy, wala pong kinalaman si Mommy dito. Kasalanan po 'to ni Tintinnat ni Kuya na mahilig kumain."

Hindi naman mapigilan ni Tricia ang makaramdam ng labis na sakit sa puso niya habang pinagmamasdan ang anak niyang pinoprotektahan pa rin siya hanggang ngayon.

Marami siyang ginawang hindi magandang bagay, ngunit kahit gano'n pa man, ni minsan ay hindi siya sinisi ni Kristine at pinagtanggol pa siya.

"Kaya kong gamutin ang problema ni Kristoff sa sikmura.."

Gusto niyang bumawi, pero hindi siya pinaniwalaan ni Timothy.

"Tricia, kinasusukllaman mo 'ko at galit ka sa'kin, pero hindi mo dapat tinrato ng ganito ang mga anak natin. After all, these two children are yours too.."

Tumigil si Timothy sa kalagitnaan ng pagsasalita.

Ang mga batang 'to ay produkto ng kagagawan niya. Ni hindj niya nga makuha ang pagmamahal ni Tricia, kaya anong karapatan niyang asahan na mamahalin din nito ang mga anak niya?

Mayamaya pa, impit na napaungol si Kristoff at napaiyak sa sakit ng tiyan na hindi na nito kayang pigilan.

Tumingin si Timothy sa mga doktor. "Anong tinatayo-tayo niyo riyan?! Gamutin njyo ang anak ko!"

"Mr. Imperial, matagal nang natigil ang paggagamot sa sikmura ng anak niyo. Seryoso na ang kondisyon niya ngayon. Hindi na tumatalab ang mga over-the-counter na gamot para sa sakit ng tiyan lalo na sa mga bata. Wala na kaming magagawa."

Pagkatapos, isang babaeng doktor ang nagsalita. "Kung nandito lang ang magaling na doktor na si Ms. Tri, panigurado na magagamot niya si Kristoff."

Magaling na manggagamot si Ms. Tri, may master of medicine ito. Mayroon din itong hindi mapapantayang kakayahang pagdating sa acupuncture at kayang mailigtas ang sino mang nasa bingit ng kamatayan.

Ano? Kung mapipigilan natin sj Ms. Tri, na mag-retire, ano ang maaring gamot sa sakit ng tiyan?

Nalukot ang mukha ni Timothy, tinignan niya ang anak niya gamit ang nag-aalalang ekspresyon.

Misteryoso ang magaling na manggagamot na si Ms. Tri, at kahit pa gusto niyang hanapin 'yon, kakailanganin niya ng mahabang oras. Pero ngayon, hindi na kayang maghintay ni Kristoff ng gano'n katagal.

Samantala, alam na alam naman ni Tricia ang sitwasyon ni Kristoff.

Kung hahayaan nilang magpatuloy sa paghihirap ang bata, may mangyayaring masama.

Naglakad siya palapit at hindi pinansin ang ano mang tangkang pigilan siya. Sa halip, tinurukan niya ng isang silver na karayom ang qcupoint na nasa likod ng kamay ni Kristoff.

"Tricia!"

Tinignan siya ni Timothy. Hinawakan nito ang kamay niya, at nakita siyang seryosong nakatingin sa lalaki.

"Timothy, magtiwala ka sa'kin, kahit ngayon lang."

Nakita ni Timothy na naging maayos naman ang kalagayan ni Kristoff. Mukhang hindi na ito masyadong nasasaktan jaya naman hinayaan niha si Tricia.

Hindi na rin nagpatagal pa si Tricia, agad siyang kumuha ng mga karayom at tinurok 'yon isa-isa sa mga acupoints ni Kristoff.

At wala pang limang minuto, si Kristoff na kanina pa namimilipit sa sakit ay kumalma at unti-unting payapang nakatulog.

Gulat naman ang mga doktor sa gilid.

Hindi sila makapaniwala na kayang gamutin ni Tricia ang gastritis ni Kristoff. Pero nagawa niyang pahupain ang mga sintomas gamit lamang ang tatlong karayom na gamit sa acupuncture.

Sa isip-isip nila, bukod sa magaling na manggagamot na si Ms. Tri, walang iba pang makakagamit ng mga silver na karayom sa gano'n kataas na degree.

Posible kaya?

Hindi, imposible 'yon.

Ni hindi alam ni Tricia Sandoval na isa siyang alipin ng pag-ibig, kaya paanong magiging siya ang magaling na si Ms. Tri?

Lito naman si Timothy.

Ang akala niya ay kilalang-kilala niya si Tricia. Pero ang hindi niya alam ay may kakayahan pala ito pagdating sa medikal.

Sa kalagitnaan ng gabi, unti-unting maririnig ang buhos ng ulan.

Naghihirap si Timothy dahil sa insomnia. Basang-basa ng kanyang malamig na pawis ang pajamas niya.

Matapos maghubad ng damit, tinignan niya ang sarili sa salamin. Maganda ang pangangatawan niya pero ang kayumanggi niyang balat ay puno ng mga dating peklat.

Sa tuwing maulan, bumabalik ang dati niyang sakit, dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng sobrang sakit.

Pero mukhang nakasanayan niya na 'yon. Binuksan niya ang bedside drawer at inubos ang dalawang painkiller.

Tumayo rin siya para silipin ang kanyang mga anak. Pero nakarinig siya ng mga ingay na nanggagaling sa kusina.

Nagtungo siya roon at nakita niya sj Tricia na abala sa ginagawa at hindi man lang siya napansin.

"Bakit ba ang hirap magluto ng lugaw?!"

Kinabukasan, nilapag ni Tricia ang ilang mga mangkok na may lamang mainit at maganda sa sikmura na lugaw habang umaasang nakatingin sa ama ng kanyang dalawang anak.

"Subukan niyo, maganda sa sikmura ang lugaw na 'yan."

Kumunot ang noo ni Kristoff, napansin nito ang itim sa ilalim ng mata niya. "Anong ginawa mo?"

"Nagluto ako."

"Ano?"

Tumango si Tricia at nanlaki naman ang mga mata ni Tintin. "Mommy, marunong ka pong magluto?"

Hindi lang gulat si Tintin na marunong magluto ang kanyang ina. Pero mas gulat siya dahil hindi niya inakala na pupunta ng kusina ang kanyang ina at magluluto para sa kanila.

Ni minsan ay hindi pa ito nangyari noon.

Kalmadong tumango si Tricia. "Nagluto lang ako, hindi naman mahirap," saad niya.

Hindi niya naman pwedeng sabihin sa mga anak niya na nilaan niya ang buong gabi sa pagluluto ng ilang mangkok na lugaw, kung saan nakabasag pa siya ng ilang gamit habang ginagawa 'yon.

Sa harapan ng mga anak niya, kailangan niya ipakita na isa siyang magaling at makapangyarihang ina.

Mayamaya ya tinulak ni Kristoff ang lugaw na nasa harapan nito, walang balak na tanggapin ang kabaitan niya. "Ang musang na nagbibigay ng kung ano sa mga manok, ay paniguradong may masamang balak."

Muli nitong tinulak ang lugaw na hindi na ikinagulat ni Tricia.

Hinanda niya na ang sarili para sa gano'ng tagpo kagabi, pero gusto niya pa ring gumawa ng kahit na ano para sa kanyang mga anak.

Nakaramdam siya ng pagkadismaya kahit pa pinaghandaan niya na ang gano'ng pangyayari.

"Wala 'yon..."

"'Wag kayong magsayang ng pagkain. Kainin 'yan lahat.'

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay naunahan na siya ni Timothy. Tinulak nito pabalik kay Kristoff ang lugaw.

Tiningala naman ng bata ang ama na maitim din ang ilalim ng mga mata. "Daddy, nagnakaw ka ba kagabi? Ang lala ng eyebags mo!"

Pasimpleng sumulyap naman si Timothy kay Tricia na ngayon ay inaantok na napahikab sa harapan niya, napansin niya rin ang band-aid sa kamay nito.

Mayamaya ay tinawagan niya ang assistant niya. "James, humanap ka ng nutritionist na mag-aasikaso ng pagkain ni Kristine at Kristoff mula ngayon."

Gusto namang magsalita ni Tricia sa narinig pero nanahimik na lang siya.

Bakit naghahanap si Timothy ng nutritionist? Dahil ba ayaw nito sa luto bita? O natatakot itong lagyan niya ng lason ang pagkain?

Napakurap-kurap siya sa naisip bago sandaling nagpaalam.

Sinamantala naman ni Kristoff ang pagkakataon na 'yon para tanungin ang kanyang ama na nakamasid sa papalayong bulto ng babae.

"Daddy, kaya ka lang naghahanap ng nutritionist kasi nag-aalala ka na masasaktan ang babaeng 'yon, 'di ba?"

Hindi nagsalita si Timothy, pero bago siya umalis, binilinan niya ang mga anak niya. "Ubusin niyo ang lugaw ninyo. 'Yan ang lugaw na niluto ng Mommy niyo para sa inyo buong gabi na maganda para sa mga sikmura niyo."

Pinagkrus ni Kristoff ang mga braso, hindi maipinta ang mukha nito. "Sinong nagmakaawa sa kanya na lutuin 'yan? Hindi ko 'yan kakainin. Pero, teka, paano mo nalamang niluto niya ang lugaw buong gabi?"

Hindi sinagot ni Timothy ang anak at sa halip ay marahang ginulo.lang ang buhok nito.

Samantala, nang makita ni Kristoff na wala nang tao maliban sa kanya, sinimangutan niya ang lugaw na nasa harapan niya at nagreklamo. "Napakapangit nito, hindi mukhang masarap."

Sandaling nilibot ni Kristoff ang tingin sa paligid at nang makitang walang ibang tao ay dahan-dahan siyang sumalok ng ligaw at kakainin na sana 'yon nang tumunog ang doorbell.

Lumapit ang isang kasambahay sa kanya. "Kristoff, mayroong babaeng nagngangalang Alice Choi ang nasa labas at gustong makita si Madam."

Agad na naging malamig ang ekspresyon ni Kristoff.

Gaya ng inaasahan, gaya pa rin si Tricia ng dati. Nakikipagtulungan pa rin ito kay Aldrin at Alice, ang nakakadiring dalawang 'yon.

"Ha! Muntik na 'kong mahulog sa patibong ng babaeng 'yon!" saad niya.

At walang pag-aalinlangang tinapon ang mangkok na may lamang lugaw sa basurahan.

Pagkatapos ay tumingin siya sa bintana kung saan tanaw niya ang nakakadiring mukha ni Alice bago siya nag-utos sa kasambahay.

"Pakawalan niyo ang aso at ipakagat siya."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 5 ANG KINABUKASAN MO ANG ANAK MO

    Hindi na sinubukang kwestyunin ng kasambahay ang utos ni Kristoff at umalis nalang upang sundin ito At matapos umalis ng kotseng nasa garahe, nakita ni Timothy si Aloce na tumatakbo palayo sa pinto ng bahay niya. Dalawang matatapang na german shepherds ang humahabol dito at bakas sa mukha ng babae ang labis na takot at pagmamadali. Sigurado siyang kagagawan 'yon ng anak niyang si Kristoff. Napangisi siya at hindi 'yon pinigilan. After all, wala namang magandang maidudulot si Alice. Napailing siya bago nagmaneho patungo sa kanyang kumpanya. "Nag-reply na ba ang stock market expert?" Ang pagbabalik ng stock market expert ay nagdulot ng hindi mapakaling pag-iisip sa mundo ng negosyo. Bawat kumpanya ay gustong maka-partner ang stock market expert dahil ang makasosyo siya ay para mo na ring pinamunuan ang buong stock market. Maapektuhan agad no'n ang stock price ng kumpanya at market capitalization dahil kung bakit gustong-gusto niya talagang makasosyo ang stock market expert.

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 4 SIYA ANG STOCK MARKET EXPERT AT ANG DOKTOR NA MAY HIMALA

    Sa loob lamang ng 20 minuto. Sumabog sa hospital ang isang balita. Ang balita tungkol sa "Pagbabalik ng hari ng stock market" ay naging usap-usapan. At habang tinitignan ang trending na usap-usapan sa kanyang cellphone, hindi maiwang hangaan ni Tricia na nasa nakaupo sa backseat ng sasakyan ang propesyonal na skills ni Xia. At habang nag-iiba ang mga tanawin mula sa labas ng bintana ng kotse, hindi makapaniwala si Tricia. Marami talaga ang kayang baguhin ng anim na taon. Naaalala niya pa anim na taon na ang nakararaan, si Xia na alam lang at kung paano magtago sa likuran niya ay iyakin. At ngayon, ang iyakin noon ay isa namang babaeng presidente ng Cruz Group. Nang makarating sa bahay ng mga Imperial, bago pa makapasok sa loob si Tricia ay narinig niya na ang umiiyak na sigaw ni Tontin. "Kuya, 'wag kang mamamatay!" Nagulat siya at nagmamadaling pumasok kung saan nakita niya si Kristoff na napapalibutan ng napakaraming doktor. Maputla ang bata, ang payat nutong katawan ay na

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 3 ANG GAWA GAWANG SAKIT - PLANO PARA ISALBA ANG KASAL NI DADDY

    Bakas sa mukha ni Aldrin ang sakit bago ito nagtanong sa nanginginig na boses. "Hindi ba't divorced na kayong dalawa?" "Sinong nagsabing divorced na kami?" Malamig ang ekspresyon ni Timothy: "Aldrin, lumayo ka sa anak at asawa ko mula ngayon. Kung hindi, tuluyan kitang buburahin sa mundong 'to!" Matapos sabihin ang babalang 'yon, wala sa sariling sinulyapan ni Timothy ang gawi ni Tricia. Noon, kung babantaan niya si Aldrin kagaya ng ginawa niya ngayon, magmamadali itong lalapit sa kanya at sasampalin siya, bago matapang siyang tatakutin, "Kapag sinubukan mong galawin si Aldrin, papatayin kita!" Pero ngayon, hindi ito nagalit gaya ng inaasahan niya; sa halip, tahimik si Tricia. Tahimik na para isang magandang estatwa. Ang Imperial Group ay nangunguna sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas, at dahil si Timothy ang namumuno sa lahat ng negosyo ng mga Imperial; makapangyarihan siya. Tipong isang salita lang ang kailangan niyang sabihin para wakasan ang buhay ni Aldrin. Per

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 2 SIYA SI TRICIA SANDOVAL, ANG MRS. IMPERIAL

    Habang binabasa niya ang note, pakiramdam ni Tricia ay bayolenteng pinipiga ang puso niya. Kadalasan, makukulit ang mga batang limang taong gulang, pero ang munting si Tintin ay makatwiran na kayang wasakin ang puso mo. "Nawawala si Tintin? Bilisan na natin at hanapin natin siya!" Katatayo niya lang nang itulak siya ni Kristoff. "Ano pa't nagpapanggap ka, Tricia?! Malamang ay inutusan mo si Tintin kaya siya umalis ng bahay! Kaya pala kakaiba ang inaakto mo kahapon, 'yun pala, hindi ka pa rin sumusuko sa pagpilit na gamitin ang bone marrow ni Tintin para mailigtas ang anak ng bastardong 'yon!" Puno ng luha ang mga mata ng batang lalaki. Galit na galit ang tingin nito kay Tricia. Mayamaya, dumating si Timothy at kinarga ang anak. Galit na galit ito at walang emosyon ang mga matang tumingin sa kanya "Tricia, importante sa akin ang bata. At kapag may nangyaring kahit na ano kay Tintin, I will personally tear Aldrin into pieces," mariing saad ni Timothy. Matagal niya na ring g

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1: CHAPTER 1 NAGISING AT NAGING ISANG INA MAKALIPAS ANG ANIM NA TAON

    Nagising si Tricia na nasa ICU ng isang hospital. Umupo siya sa kama niya nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang isang lalaki na walang iba kung hindi si Timothy Imperial. Ang lalaking gusto at pinapangarap niya."Tricia, gaya ng gusto mo, mag-divorce na tayo."Ibinigay nito sa kanya ang isang divorce agreement na pirmado na."Kasal tayo?!"Binasa ni Tricia ang mga pangalan at petsang nakasulat sa divorce agreement at hindi niya maiwasang magulat sa mga nabasa.Si Timothy Imperial na kilalang kilala sa buong Pilipinas hindi lang dahil sa taglay nitong katalinuhan, kundi pati na rin dahil nagawa nitong pamunuan ang lahat ng negosyo ng angkan nito sa edad lamang na 18, dahilan kung bakit naging isa itong pinaka batang business tycoon. Hindi siya makapaniwala na sa loob ng six years ay kasal sa kanya ang lalaking pinapangarap niya! Siguradong panaginip lang ito!Kinurot niya ang pisngi niya sa pag-aakalang ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status