Home / Romance / The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's / VOLUME 1 CHAPTER 5 ANG KINABUKASAN MO ANG ANAK MO

Share

VOLUME 1 CHAPTER 5 ANG KINABUKASAN MO ANG ANAK MO

Author: aqescritora
last update Last Updated: 2026-01-27 23:07:58

Hindi na sinubukang kwestyunin ng kasambahay ang utos ni Kristoff at umalis nalang upang sundin ito

At matapos umalis ng kotseng nasa garahe, nakita ni Timothy si Aloce na tumatakbo palayo sa pinto ng bahay niya.

Dalawang matatapang na german shepherds ang humahabol dito at bakas sa mukha ng babae ang labis na takot at pagmamadali.

Sigurado siyang kagagawan 'yon ng anak niyang si Kristoff.

Napangisi siya at hindi 'yon pinigilan. After all, wala namang magandang maidudulot si Alice.

Napailing siya bago nagmaneho patungo sa kanyang kumpanya.

"Nag-reply na ba ang stock market expert?"

Ang pagbabalik ng stock market expert ay nagdulot ng hindi mapakaling pag-iisip sa mundo ng negosyo. Bawat kumpanya ay gustong maka-partner ang stock market expert dahil ang makasosyo siya ay para mo na ring pinamunuan ang buong stock market.

Maapektuhan agad no'n ang stock price ng kumpanya at market capitalization dahil kung bakit gustong-gusto niya talagang makasosyo ang stock market expert.

"President Imperial, hindi po tinanggap ng stock market expert ang imbitasyon natin. Nalaman ko po na mas pinili nitong makipag sosyo kay Aldrin Santo's."

Nalukot ang mukha ni Timothy sa narinig.

Bakit pipiliin ng stock market expert ang walang kwentang Aldrin Santos na 'yon?

Sa kabilang banda, hindi makapaniwalang tinitigan naman ni Aldrin ang babaeng nasa harapan niya.

Nakasuot ito ng itim na halter dress at misteryosong mask na nagtatago sa mukha nito.

"Ikaw ba ang stock expert?"

Ni minsan ay hindi niya naisip na ang stock market expert na kayang paikutin ang mundo ng negosyo ay bata pa!

Pero sa hindi malamang dahilan, may pakiramdam siya na ang babaeng nasa harapan niya ay parang si Tricia!

Pero imposible.

Walang kwentang tao lang si Tricia.

Kaya paanong magiging siya ang sikat na stock market expert?

"Stock market expert, bakit ako ang pinili mo?" hindi mapigilang tanong ni Aldrin.

Maraming makapangyarihang kumpanya ang gustong makisosyo rito at kasama roon ang Imperial Group of Company. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit siya ang pinili nito?

Samantala, kinuha naman ni Tricia ang red wine na nasa harap niya, dahan-dahan niyang pinaikot 'yon saka niya marahang binuka ang mapula niyang labi para magsalita.

"Hindi ka kagwapuhan, incompetent, arogante, at tanga ka. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pa ngang piliin ang aso kaysa sa'yo."

Agad nabitin at nanigas ang ngiti ni Aldrin sa narinig. Galit na galit siya.

Pero ang taong kaharap niya ang stock market expert, kaya sinubukan niyang huwag ipakita ang galit niya at pigilan na lamang 'yon.

Natutuwa naman si Tricia na makita na hindi kumportable si Aldrin. "May sakit ang anak ko, at kinakailangan niya agad masalinan ng dugo. Pero napakabihira ng dugo ng anak ko, Rh-negative ang blood type niya at kaunti lang ang mga taong may gano'ng klase ng dugo. Naghanap na'ko sa buong bansa pero bilang lang ang mga taong may kapereho niyang dugo."

Sumimsim ng wine si Tricia at tumingin kay Aldrin bago nagsalita.

"Naalala ko, may anak nga pala si Mr. Santos, sa tingin ko Rh-negative din ang blood type niya, tama ba?"

Natigilan at nagulat si Aldrin sa tanong na 'yon pero kapagkuwan ay sumagot din. "Yes."

Umayos sa mas kumportableng upo sa sofa si Tricia. Bahagya niyang tinignan si Aldrin na nasa harap niya na para bang tumitingin siya sa langgam.

"Basta't handa kang hayaan ang anak mo na maging mobile blood bank ng anak ko, pipirmahan ko agad ang cooperation agreement kasama ka."

"So, Mr. Santos, anong pipiliin mo? Ang anak mo o ang kinabukasan mo?"

Hindi agad nakasagot si Aldrin at sinabing pag-iisip nito ang tungkol do'n, pumayag naman si Tricia.

Nabigay niya na ang buto, ang kailangan niya na lang hintayin ngayon at ang pagmamakaawa sa kanya ng asong si Aldrin.

At syempre, kung hindi naging maganda ang akto ng asong 'yon, hindi siya magdadalawang isip na gumamit ng iilang taktika para mapaamo ito.

Matapos makipag-usap kay Aldrin ay nagtungo si Tricia sa eskwelahan para sunduin si Tintin.

May hawak pa siyang grilled sausage at gatas para sa anak.

Pero, nag-alala siya nang lumipas na ang kalahating oras at hindi niya pa rin nakikita si Tintin.

Hinanap niya ang classroom nito pero wala nang tao ro'n. Hanggang sa nakarinig siya ng tunog na nanggagaling sa storage room na nasa kabilang kwarto.

Pinuntahan niya ang storage room at doon ay nakita niya ang anak niyang si Tintin na inaapi ng ilang mga batang babae na kaedad lang nito.

Nakita niya ang pagtulak ng isa kay Tintin, habang ang isa naman ay hinila ang buhok nito. "Ikaw na bastardo ka, anong karapatan mong saktan ako?!"

Nakita niyang sinamaan ng tingin ni Tintin ang batang babae na pamilyar sa kanya. Walang iba kung hindi si Liza. Ang anak ni Aldrin at Alice. "Kapag tinawag mo si Mommy na walang kwenta, sasaktan kita!"

Aroganteng tumawa si Liza. "Ang gusto ng Daddy ko ay ang Mommy ko, pero walang hiya pa ring dumidikit ang Mommy mo sa kanya! Ano pa bang tawag sa kanya kung hindi basura? Malandi?"

"Tumigil ka! Wala kang karapatang insultuhin si Mommy!"

Galit na dinaganan ni Tintin si Liza saka ito malakas na sinuntok gamit ang maliit nitong kamao.

Galit na galit naman si Liza, hinila nito ang mahabang buhok ni Tintin at kumuha ng gunting sa bulsa.

"Ikaw na bastardo ka, wala kang silbi kung hindi ang maging mobile blood bank ko! Susubukan mong saktan ako? Fine, ipapakita ko sa'yo ngayon ang kapalit ng pananakit mo!"

"Sinong tinatawag mong bastardo?"

Bago pa makakilos ng masama si Liza, mabilis niyang kinarga ito palayo sa anak niya.

"Mommy!"

Nang makita naman siya ni Tintin ay agad itong tumakbo palapit sa kanya saka mahigpit siyang niyakap sa hita, tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata nito.

"'Wag ka nang matakot, nandito si Mommy."

Ginilid ni Tricia si Liza na galit na nakatingin sa kanila bago niya marahang tinapik ang likod ng kanyang anak para pakalmahin.

Pagkatapos ay seryoso niyang tinignan si Liza. "Mag-sorry ka," utos niya rito.

"Gusto mong mag-sorry ako sa bastardong 'yan? Tricia, maling gamot ba ang nainom mo?" Hindi natatakot sa kanya si Liza at nang-iinsulto pa siya nitong tiningnan.

Pagkatapos ay buong kumpyansa siya nitong inutusan, "Basta't bubugbugin mo si Tintin para mapasaya ako, bibigyan kita ng tiyansa na magtrabaho bilang kasambahay at tagaluto sa bahay ko, at hahayaan din kitang makita ang Daddy ko."

Nadismaya si Tricia sa narinig. Ang anim na taong gulang na si Liza ay hindi gaya ng ibang bata na inosente at malambing. Sa halip, masasama ang mga gawain nito.

Naisip ni Tricia noon na hindi maganda ang pagpapalaki ni Alice at Aldrin sa bata at posibleng inosente ito. Pero ngayon, mukhang nakuha talaga ng bata ang masasamang ugali ng mga magulang nito.

"Talaga bang nagsilang si Alice ng batang walang alam? Paano at bakit ko naman sasaktan ang anak ko para sa'yo?"

"Ano pa bang pagpapanggap ang ginagawa mo?! Hindi ba't huli na para umakto kang mapagmahal at ulirang ina ngayon?! Tricia, ilang beses mo nang sinaktan si Tintin para lang paligayahin ako. Nakalimutan mo na ba ang lahat ng 'yon?" Nakahalukipkip at sarkastikong tanong nito.

Hindi naniwala si Tricia sa mga sinasabi ni Liza. "Tatanungin kita ulit sa huling pagkakataon, mag-so-sorry ka ba o hindi?"

Aroganteng ngumisi si Liza. "Kung hindi ako mag-so-sorry, anong kaya mong gawin sa'kin?"

Sa halip na magalit ay nang-iinsultong tumawa si Tricia. "Pinili niyo 'to," saad niya bago marahang inupo sa isang stool si Tintin.

Pagkatapos ay binigay niya rito ang dala niyang grilled sausage at gatas. Ngumiti ang anak niya dahil do'n.

"Tintin, be good, okay? Igaganti ka ni Mommy."

"Hindi sumasakit ang kamay ni Mommy kapag ginamit niya 'to," saad ni Tintin bago inabot sa kanya ang isang stick na nakita nito.

"Oh, dear, napakamaalaga naman ng anak ko." Hinangaan ni Tricia ang kanyang masunurin na anak.

Pagkatapos ay sinarado niya ang pinto ng storage room, at hawak ang stick na naglakad palapit kay Liza at sa iba pang estudyanteng nang-ali kay Tintin.

"Tricia, anong gusto mong gawin?!"

"Kung walang panahon si Aldrin at Alice na turuan ka ng leksyon; pwes, ako mayroon."

Hinila niya si Liza na sinusubukan pang tumakas, binaba niya ang pants nito, saka niya sinumulang hampasin ang puwit nito gamit ang stick.

Gano'n din ang ginawa niya sa iba pang bata na kasama ni Liza sa pang-aapi kay Tintin. Hinuli at pinagpapalo niya ang mga ito sa puwitan.

Sa sandaling panahon, napuno ang storage room ng tunog ng mga umiiyak na bata.

Kumagat naman si Tintin sa grilled sausage na hawak niya saka sumimsim ng gatas, kumikinang ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang ginagawa ng kanyang ina.

"Mommy, ang galing mo po!" masayang aniya.

Lingid sa kaalaman nila, mayroong guro na nasa labas ng storage room. Natataranta ito at halos wasakin na ang pinto ng storage room.

Nang tuluyang mabuksan ng guro ang pinto, nakita niya si Liza at iba pang baya na nakahiga sa sahig. Umiiyak ang mga ito at namumula ang mga puwitan na may mga latay pa ng stick na pinampalo sa mga ito.

Si Liza ang pinaka malalang napalo; namumula at namamaga kasi ang puwitan nito.

"Ikaw na Nanay ni Tintin, anong ginagawa mo?!" Hindi pa halos tapos magtanong ang guro nang tinutok ni Tricia ang hawak niyang stick sa rito.

"Anong ginagawa ko? Ginagawa ko ang bagay na dapat ang guro ang gumagawa, dinidisiplina ko itong mga bastos na bata."

"Masyadong malala 'yan! Naglalaro at nag bibiruan lang ang mga bata, bakit mo sila sinaktan?"

"Oh, nagbibiruan, kung gano'n, nagbibiro lang din ako sa kanina.

Pero hindi nila kinaya ang biro ko dahil umiyak sila.

"Ikaw, Teacher, gusto mo bang makipaglaro sa'kin?" tanong niya.

At habang may nakakakilabot na ngiti ay nilapat niya ang stick na hawak sa leeg ng guro habang ang guro naman ay wala sa sariling tinakpan ang sariling puwitan.

Hindi nagtagal, nakatanggap ng tawag si Aldrin, Alice, at ang iba pang mga magulang ng mga batang pinalo niya at nagmadali ang mga itong pumunta sa eskwelahan.

At nang makita ni Alice ang kalagayan ng anak niyang si Liza, naubos ang pagtitimpi niya at nagmamadaling naglakad palapit kay Tricia para saktan ito.

Nang makita 'yon ng iba pang mga magulang ay agad na gumaya ang mga ito. Inaakala na matatalo nila si Tricia dahil marami sila

Matatapang ang mga ito, maging siya ay gano'n din. Isa pa, tapos na ang pagtitimpi ni Tricia.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 5 ANG KINABUKASAN MO ANG ANAK MO

    Hindi na sinubukang kwestyunin ng kasambahay ang utos ni Kristoff at umalis nalang upang sundin ito At matapos umalis ng kotseng nasa garahe, nakita ni Timothy si Aloce na tumatakbo palayo sa pinto ng bahay niya. Dalawang matatapang na german shepherds ang humahabol dito at bakas sa mukha ng babae ang labis na takot at pagmamadali. Sigurado siyang kagagawan 'yon ng anak niyang si Kristoff. Napangisi siya at hindi 'yon pinigilan. After all, wala namang magandang maidudulot si Alice. Napailing siya bago nagmaneho patungo sa kanyang kumpanya. "Nag-reply na ba ang stock market expert?" Ang pagbabalik ng stock market expert ay nagdulot ng hindi mapakaling pag-iisip sa mundo ng negosyo. Bawat kumpanya ay gustong maka-partner ang stock market expert dahil ang makasosyo siya ay para mo na ring pinamunuan ang buong stock market. Maapektuhan agad no'n ang stock price ng kumpanya at market capitalization dahil kung bakit gustong-gusto niya talagang makasosyo ang stock market expert.

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 4 SIYA ANG STOCK MARKET EXPERT AT ANG DOKTOR NA MAY HIMALA

    Sa loob lamang ng 20 minuto. Sumabog sa hospital ang isang balita. Ang balita tungkol sa "Pagbabalik ng hari ng stock market" ay naging usap-usapan. At habang tinitignan ang trending na usap-usapan sa kanyang cellphone, hindi maiwang hangaan ni Tricia na nasa nakaupo sa backseat ng sasakyan ang propesyonal na skills ni Xia. At habang nag-iiba ang mga tanawin mula sa labas ng bintana ng kotse, hindi makapaniwala si Tricia. Marami talaga ang kayang baguhin ng anim na taon. Naaalala niya pa anim na taon na ang nakararaan, si Xia na alam lang at kung paano magtago sa likuran niya ay iyakin. At ngayon, ang iyakin noon ay isa namang babaeng presidente ng Cruz Group. Nang makarating sa bahay ng mga Imperial, bago pa makapasok sa loob si Tricia ay narinig niya na ang umiiyak na sigaw ni Tontin. "Kuya, 'wag kang mamamatay!" Nagulat siya at nagmamadaling pumasok kung saan nakita niya si Kristoff na napapalibutan ng napakaraming doktor. Maputla ang bata, ang payat nutong katawan ay na

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 3 ANG GAWA GAWANG SAKIT - PLANO PARA ISALBA ANG KASAL NI DADDY

    Bakas sa mukha ni Aldrin ang sakit bago ito nagtanong sa nanginginig na boses. "Hindi ba't divorced na kayong dalawa?" "Sinong nagsabing divorced na kami?" Malamig ang ekspresyon ni Timothy: "Aldrin, lumayo ka sa anak at asawa ko mula ngayon. Kung hindi, tuluyan kitang buburahin sa mundong 'to!" Matapos sabihin ang babalang 'yon, wala sa sariling sinulyapan ni Timothy ang gawi ni Tricia. Noon, kung babantaan niya si Aldrin kagaya ng ginawa niya ngayon, magmamadali itong lalapit sa kanya at sasampalin siya, bago matapang siyang tatakutin, "Kapag sinubukan mong galawin si Aldrin, papatayin kita!" Pero ngayon, hindi ito nagalit gaya ng inaasahan niya; sa halip, tahimik si Tricia. Tahimik na para isang magandang estatwa. Ang Imperial Group ay nangunguna sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas, at dahil si Timothy ang namumuno sa lahat ng negosyo ng mga Imperial; makapangyarihan siya. Tipong isang salita lang ang kailangan niyang sabihin para wakasan ang buhay ni Aldrin. Per

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1 CHAPTER 2 SIYA SI TRICIA SANDOVAL, ANG MRS. IMPERIAL

    Habang binabasa niya ang note, pakiramdam ni Tricia ay bayolenteng pinipiga ang puso niya. Kadalasan, makukulit ang mga batang limang taong gulang, pero ang munting si Tintin ay makatwiran na kayang wasakin ang puso mo. "Nawawala si Tintin? Bilisan na natin at hanapin natin siya!" Katatayo niya lang nang itulak siya ni Kristoff. "Ano pa't nagpapanggap ka, Tricia?! Malamang ay inutusan mo si Tintin kaya siya umalis ng bahay! Kaya pala kakaiba ang inaakto mo kahapon, 'yun pala, hindi ka pa rin sumusuko sa pagpilit na gamitin ang bone marrow ni Tintin para mailigtas ang anak ng bastardong 'yon!" Puno ng luha ang mga mata ng batang lalaki. Galit na galit ang tingin nito kay Tricia. Mayamaya, dumating si Timothy at kinarga ang anak. Galit na galit ito at walang emosyon ang mga matang tumingin sa kanya "Tricia, importante sa akin ang bata. At kapag may nangyaring kahit na ano kay Tintin, I will personally tear Aldrin into pieces," mariing saad ni Timothy. Matagal niya na ring g

  • The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's    VOLUME 1: CHAPTER 1 NAGISING AT NAGING ISANG INA MAKALIPAS ANG ANIM NA TAON

    Nagising si Tricia na nasa ICU ng isang hospital. Umupo siya sa kama niya nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang isang lalaki na walang iba kung hindi si Timothy Imperial. Ang lalaking gusto at pinapangarap niya."Tricia, gaya ng gusto mo, mag-divorce na tayo."Ibinigay nito sa kanya ang isang divorce agreement na pirmado na."Kasal tayo?!"Binasa ni Tricia ang mga pangalan at petsang nakasulat sa divorce agreement at hindi niya maiwasang magulat sa mga nabasa.Si Timothy Imperial na kilalang kilala sa buong Pilipinas hindi lang dahil sa taglay nitong katalinuhan, kundi pati na rin dahil nagawa nitong pamunuan ang lahat ng negosyo ng angkan nito sa edad lamang na 18, dahilan kung bakit naging isa itong pinaka batang business tycoon. Hindi siya makapaniwala na sa loob ng six years ay kasal sa kanya ang lalaking pinapangarap niya! Siguradong panaginip lang ito!Kinurot niya ang pisngi niya sa pag-aakalang ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status