LOGINWala na ngang nagawa pa si Amayah dahil maaga pa lang ay pinaalis na siya ni Lorean. Nag-aalala ito na baka kapag nakita pa siya ng mga bata bago ito umalis ay magkagulo na naman lalo pa at ayaw ni Syresse na umalis siya. Sa isang high-class na condominium siya dinala ng assistant ni Lorean. Kasama raw iyon sa compensation na hiningi niya para sa divorce agreement. Labag man sa loob niya ay wala na siyang magagawa pa.
"Ano na ang gagawin ko? Kailangan kong maayos ang pamilya ko. Ano ba kasi ang ginawa mo, Amayah Elyse?!" galit na singhal niya sa sarili habang nakaharap sa salamin. Napahilamos siya ng mukha gamit ang palad niya sabay gulo ng buhok dahil sa sobrang pagkainis. Pagkatapos ay naupo siya sa may sofa at nilabas ang kanyang notebook. Muli siyang nag-isip ng mga plano para maayos ang pamilyang ginulo ng bente-quattro anyos niyang katauhan. Sinusulat din niya ang mga naganap sa bawat araw niya habang naka-address sa sarili niya para kung sakali na bumalik siya sa dise-otso niyang katawan sa nakaraan ay mababasa ng future self niya ang lahat ng nangyari. Plano ni Amayah na makipagkita sa kanyang matalik na kaibigan upang humingi ng payo kaya naman, naligo na siya at naghanda. Inayos din muna niya ang kanyang mga gamit bago siya tuluyang umalis at bumaba papunta sa may lobby. Dahil sa hinatid lang siya ng assistant ng kanyang asawa ay wala siyang sasakyan na magagamit. Lumapit siya sa receptionist ng condo upanghumingi ng tulong sa pag-arkila ng kotse. Pagkatapos ay lumabas na siya upang doon maghintay sa labas. Pero sa halip na ang inarkila niyang sasakyan ang dumating ay ang asawa niya ang nandoon. Galit ito at mabilis na lumapit sa kanya sabay marahas na hawak sa kanyang braso. "Nasaan si Syresse?! Ano na naman bang katarantaduhan ito, Elyse? Hindi ka ba nagsasawa?" sigaw ni Lorean. Napailing naman siya. "Wala akong ginagawang masama. Hindi ko alam. Bakit, nawawala na naman ba si Syresse?" "H'wag ka nang mag-maang-maangan pa, Elyse. Hindi natuloy ang plano mo kahapon kaya naman, ginawa mo ito ngayon? Saan mo tinago si Syresse?!" singhal ng asawa. Bakas sa gwapo nitong mukha ang galit. Gaano ba kalala ang nagawa ng future self niya para maging ganoon na lang ang galit ng asawa niya sa kanya. Halos lahat na lang ng kasamaan at 'di magandang nangyayari sa pamilya ay sinisisi nito sa kanya. Hindi niya alam kung paano sasabihin na kay Lorean na wala talaga siyang ginagawang masama. Hindi niya alam kung nasaan ang anak. "Kapag may nangyaring masama sa anak ko, magbabayad ka, Elyse.," singhal nito sabay talikod at sakay sa kotsenito. Naiwan naman siyang bagsak ang mga balikat doon habang pinipigilan ang sarili na mapaiyak. Maya-maya naman ay tumunog ang kanyang cellphone na kaagad naman niyang sinagot. "Nasa hospital si Syresse, Amayah. Bilisan mo," anang Donna. Magtatanong pa sana siya ng dahilan pero namatay na ang tawag. Papara na sana siya ng taxi nang eksakto namang dumating ang inarkila niyang sasakyan. Kaagad niyang nilapitan ang lalaki tsaka kinuha ang susi at mabilis na umalis. Kahit pa hindi sinabi ni Donna ang lokasyon ay alam nakaagad niya kung saan ito dahil iisa lang naman ang pribado at kilalang hospital doon. Mabilis siyang nagmaneho papunta roon dahil labis na siyang nag-aalala sa anak. Pagdating niya roon ay halos halughugin na niya buong hospital para lang makita si Syresse. Makalipas naman ng ilang minuto ay nakita niya ito malapit sa may emergency room kasama si Lavelle. "Bitiwan mo ang anak ko, bruha ka. Syresse!" sigaw niya. Napalingon naman ang anak sa kanya tsaka ito mabilis na tumakbo palapit sa kanya. "Mommy, Syresse will donate bone marrow. H'wag ka lang pong umalis." "No. No, baby. Hindi mo kailangan na ibigay sa bruha na iyan ang bone marrow mo, okay? Mommy is here. Hindi ka naman iiwanan ni Mommy," tugon naman niya. Tumuro naman si Syresse kay Lavelle na ngayon ay umiiwas na ng tingin sa kanya. "Aunt Velle told Syresse po na need ng bonre marrow para po hindi kayo umalis." Napatango naman siya sabay ngiti ng matamis sa anak. "Can you cover your ears and count one to one hundred, baby? Kaya mo iyon 'di, ba?" "Yes, Mommy. Syresse is a big girl na po. One hundred is easy po," sagot naman nito sa kanya. Nilapatan muna ni Amayah ng isang halik sa noo ang anak bago niya ito pinaupo sa malapit na bench. Sinunod naman siya ni Syresse. Nilagay nga ng bata ang mga kamay nito sa dalawang tainga nito tsaka matiyagang nagbilang. Nang masigurado niya na nagbibilang na ang anak ay tsaka niya nilapitan si Lavelle. "Hinahamon mo talaga ako, ano? Hindi mo ba alam na kidnapping itong ginawa mo?" galit na saad niya. Napatawa naman sa kanya ang babae. "Kusang sumama sa akin ang bobo mong anak, Amayah. Inuto ko lang ng kaunti tapos naniwala na." Nag-init naman agad ang ulo niya kaya naman, mabilis niyang naiangat ang kamay at nasampal si Lavelle. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganyan ang anak ko, bruha ka!" "How dare you slap me?!" galit na singhal naman nito sabay atake sa kanya. Hinawakan ni Lavelle ang buhok ni Amayah. Hindi rin naman nagpatalo si Amayah dahil gumanti rin ito. Nagsabunutan silang dalawa hanggang sa may dumating nang nurse at guard upang awatin sila. Dinuro naman siya ni Lavelle. "Palabasin mo iyang babaeng iyan dito. Isa lang iyang hampas lupa. Kung maaari nga ay banned them here sa hospital!" Nailagay naman niya ang kanyang mga kamay sa kanyang baiwang. “Sino ka naman para gawin iyan? Baka nakakalimutan mong Bismonte pa rin ako.” “H'wag kayong maniwala sa babaeng iyan. Divorce na sila ni CEO Bismonte. Isa na lang siyang pulubi ngayon!” sigaw nito. Sumenyas naman sa dalawang guard ang babaeng nurse. Nang akmang hahawakan na siya ng mga ito ay mabilis siyang umiwas at humakbang palayo. Nilabas din niya ang kanyang cellphone upang ipakita sa mga ito na nakarehistro pa rin ang kanilang kasal. Nang makita naman iyon ng mga guwardiya ay nagdalawang isip na ang mga ito at tumabi na lang sa may gilid. “That is fake! Hindi nyo ba alam na uso na ang AI ngayon?!” inis na bulyaw ni Lovelle. Pero hindi ito pinakinggan ng mga guard at nurse na mas lalong nagpatindi ng galit nito kay Amayah. Kaya naman, kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. Pagkatapos naman ng usapan nila ay mayabang na muli itong humarap kay Amayah at sa iba pa. "Nolan is on his way here. Tingnan natin kung hanggang saan iyang tapang mo," mapang-uyam na saad nito.Naabala si Arthuro sa ginagawa nang biglang may lumapit na isang staff sa kanya. Kasalukuyan niyang kausap sa telepono si Lorean at pinag-uusapan ang mga papeles tungkol sa binigay nitong property at dalawang projects. "Boss, si Ma'am Elyse! May napag-initan na naman po si Mrs. Torres at sa kasamaang palad ay si Ma'am Elyse po iyon," anang empleyado. Natigilan naman siya nang marinig iyon. "Ano?!" "What happened to my wife?!" anang boses naman ni Lorean mula sa cellphone na hawak niya. "M-Mr. Bismonte, Mrs. Torres is a crazy woman. Ma'am Elyse is in trouble. I-I will handle this," tugon naman niya. Hindi naman na tumugon pa sa kanya si Lorean dahil binaba na nito ang tawag. Kakaibang kaba naman ang bumalot kay Arthuro. Hindi na siya nagdalawang isip pa na tumakbo pabalik sa kanyang opisina kung saan niya iniwanan si Amayah kanina. Kapag may nangyaring masama ay baka siya pa ang mapag-initan ni Lorean. Natatakot siya para sa kanyang kompanya. Samantalang kaharap pa rin ni A
Hindi pa na-start ni Amayah ang kotse nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa loob ng kanyang bag at walang pag-aalinlangan na sinagot. "Miss. Semera, are you still somewhere here in the perimeter?" anang boses mula sa kabilang linya. "Yes, I am," tugon naman niya. "That's good. Pwede bang bumalik ka rito sa loob? Let's meet inside my office again," anito. Napakunot naman ang noo niya. "May problema ba?" "You are hired," tugon nito. "Okay. I'll be there in a minute," mabilis niyang saad. Pagkababa ng tawag ay mabilis na lumabas si Amayah ng sasakyan at muling pumasok sa loob ng kompanya. Nagpunta siya sa top floor kung saan nandodoon ang opisina ni Arthuro Mendoza, ang may-ari ng Mendoza Enterprise. At dahil wala pa roon ang kausap ay naupo muna siya sa may couch at uminom ng tubig mula sa may water dispenser. Sa kabilang banda naman ay abala si Arthuro sa pakikipag-usap sa asawa nito. Matapos sabihin na walang pakialam at nasa kanya ang desisyon a
Kinabukasan ay magkasunod lang na umalis ng mansion sina Amayah at Lorean. Kailangan niyang humanap ng trabaho para makapag-ipon at mabuhay ang sarili kapag naghiwalay na sila ng asawa. "I already told my friend na may ire-recommend ako na tao. Punta ka na lang doon and take the interview," anang boses ng kaibigan mula sa kabilang linya. Napangiti namn siya. "Thank you, Donna." Kahit saang bagay ay maaasahan talaga ang kanyang matalik na kaibigan. Wala itong pinapalampas na kahit na ano at halos lahat ng pabor na hingin niya rito ay walang pagdadalawang isip na ibibigay nito. Kaya naman, kapag nakaangat na siya at tapos na ang lahat ng problema na kanyang hinaharap ay sisiguraduhin niya na makakabawi siya rito. Suot ng kanyang puting formal dress ay nagpunta nga si Amayah sa kompanya na sinabi ni Donna. Hindi iyon kalakihan at wala rin sa listahan ng mga matatagumpay sa industriya pero, kukuhanin pa rin niya ang pagkakataon na iyon. Sa ngayon ay pera ang mas mahalaga sa kanya.
Makalipas ng dalawang araw ay nakatanggap si Amayah ng mensahe mula kay Nolan. Pinapapunta siya nito sa condo dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa kanya. Isang ngiti naman ang kumawala sa kanyang mga labi. Alam na niya kung bakit. Katulad ng dati ay ganoon pa rin ang routine niya para makapunta sa Greenhills condo. Magta-taxi, magre-rent ng VIP room sa Sunrise Cafe, at magpapalit ng damit, bago tuluyang pumunta sa kanyang destinasyon. Pagdating naman niya sa unit ni Nolan ay nadatnan niya ito na masayang nagbibilang ng limpak-limpak na pera habang nakaupo sa may sofa. "Saan naman galing iyan? Ang dami, ahh," aniya. Tumango naman sa kanya ang lalaki. "Binantayan ko ang paggalaw ng mga stocks. Bumagsak kagabi pero bumawi naman habang nag-uumaga na." "Ibig sabihin ay matagumpay ang pag-i-invest mo. Doble ba ang nakuha mo?" patay malisyang tanong niya. Pinakita naman sa kanya ng lalaki ang tatlo nitong daliri. "Triple." Napapalakpak naman siya. "Magandang balita iyan. An
"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ni Donna. Napatango naman si Amayah. "Yes. Iyon naman ang gusto ni Lorean, ang pagbayarin si Nolan sa lahat ng nagawa nito sa amin." "Pero risky itong plano mo, Elyse. Paano kapag nalaman ito ng asawa mo at kung ano na naman ang isipin? Ang bilis pa naman manghusga ni Lorean. Na-trauma na kasi sa mga pinaggagagawa mo," saad naman ng matalik niyang kaibigan. Napahinga naman siya ng malalim. "Mag-iingat na lang tayo, Donna." Magkasama sina Amayah at Donna ngayon. Dumalaw si Donna sa mansion ng mga Bismonte upang hindi maghinala si Lorean. Hindi naman pwede na gamitin palagi ni Amayah na dahilan ang kaibigan sa tuwing aalis ito. Kailangan nito na kumpirmahin na magkasama nga sila ng kaibigan kaya naman, pinapunta niya si Donna. "Ninang, Syresse really loves the cookies po," anang anak na babae. Napangiti naman ang kaibigan. "Ninang baked those. Buti naman at nagustuhan nyo." "Mommy is trying to bake, too. But she is....nah..." natatawang anas
“You seems happy lately,” anang asawa habang bumababa ng hagdanan. Napakibit-balikat naman siya. “Am I? I don’t know. Parang ang gaan ng pakiramdam ko nitong mga nagdaang araw.” “Mommy, you look more radiant than before,” puna naman ni Syresse. “Because Mommy had a lot of rest. Also, it is because of my two precious angels. Thank you for giving Mommy a second chance,” aniya. “I will be home before midnight. Take care of the kids,” anang Lorean tsaka ito lumabas ng mansion. Napatango naman siya tsaka niya kinuha ang kanyang cellphone. She texted someone bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa may sofa. Nagpaalam siya sa mga anak tsaka siya nagpunta sa silid nilang mag-asawa upang maligo at magbihis. “Mommy will going out for a while. Riego will be here any minute,” aniya habang naglalakad pababa ng hagdan. “Bring some sweets home,” anas naman ni Kovi. Napatango naman siya. “I will buy some later.” “Mommy, can we have some chicken, too?” ani naman ng anak na babae. Napangi







