Share

Ang Pagpapalayas

Penulis: RuruLouella
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-29 21:52:40

Pagkaalis ng asawa ay tinawagan kaagad ni Amayah si Donna upang humingi ng tulong. Pero sa kasamaang palad ay abala ang matalik na kaibigan sa trabaho kaya naman, wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang mag-isang mag-isip ng plano. Naupo siya sa may veranda bitbit ang isang notrbook. Doon ay sinulat niya ang lahat ng mga naaalala niya, bago at pagkatapos niyang mapunta sa future.

Lorean Trey Bismonte, ang pinaka-hot at mayaman na lalaki sa campus. Halos lahat ng mga babaeng estudyante ay pinapantasya ito. Pero itong pinansin o pinatulan sa kahit na sino sa kanila. Kaya naman, upang mapansin ng binata ay ginawa ni Amayah ang lahat. Nag-aral siya ng mabuti, naging role model student, at consistent honor. Sumali rin siya sa student council at sa ibat-ibang club. Hindi niya alam kung paano sila naging mag-asawa ni Lorean. Hindi nya rin alam kung paano nagkagusto ang bente-quattro niyang sarili kay Nolan. Pero isa lang ang laman ng isip niya ngayon, kailangan niyang ayusin ang lahat. Hindi niya hahayaan ang future self niya na sirain ang buhay niya,.

"Mommy, are you busy?"

Nahigit ni Amayah ang sarili nang marinig ang tinig ng anak. Nilingon niya ang paslit at pinalapit iyon sa kanya. Kinalong din niya ito sa kanyang mga hita. "May problema ba, baby?"

"Mommy, can we go out?" tanong nito.

Napakunot naman ang noo niya. "Saan tayo pupunta? May gusto ka bang bilhin?"

"I just want to spend some time with you, Mommy," tugon naman nito.

Para namang may humaplos sa puso niya nang marinig iyon mula sa kanyang anak. Kaya naman, hindi na siya nagdalawang isip pa at kaagad na siyang pumayag. Binihisan niya si Syresse tsaka niya hinanap si Kovi upang isama rin ito. Upang makabawi sa mga ito ay gaawin niyang espesyal ang unang pamamasyal nila. Gamit ang mamahaling sasakyan ng asawa ay nagpunta sila sa isang park. Hindi man humahawak ng kamay sa kanya si Kovi ay sumusunod naman ito sa kanya. Tinatanggap din nito ang mga binibigay niya kahit pa hindi siya nito iniimikan.

"Mommy, look! Ice cream. Can we buy some?" masayang saad ni Syresse.

Abala si Amayah sa pakikipag-palitan ng mensahe kay Donna kaya naman, hindi niya kaagad nalingon ang anak. Pero nang sasagot na sana siya ay wala na ito sa tabi niya. Kaagad siyang napatayo upang hanapin ng kanyang mata si Syresse pero hindi niya ito nakita.

"Nassan ang kapatid mo?" tanong niya kay Kovi na abala sa pagtingin sa may halaman at panghuhuli ng mga insekto.

"Why are you asking me? Hindi ba at gusto nya raw ng ice cream?" pabalang naman na tugon nito sa kanya.

Napahinga naman siya ng malalim. Hinawakan niya sa braso si Kovi at hinila ito papunta sa may ice cream truck. Nagpupumiglas pa ito noong una ngunit nagpatianod na rin naman sa kanya makalipas ng ilang minuto. Pagdating nila sa may ice cream truck ay hindi nila nakita si Syresse kaya naman, hinila na naman niya si Kovi upang maghanap at libutin ang buong park. Gusto niyang magalit at maiyak dahil ang sanang masayang bonding moments nila ay nauwi sa isang disgrasya.

"Tawagan mo na si Daddy then, let's go home. Maybe nauna na siyang umuwi," ani ng anak.

Dahil sa pagkataranta ay hinila na niya si Kovi papunta sa sasakyan habang tinatawagan ang asawa. Matapos naman ng dalawang misscalls ay sinagot na iyon ni Lorean.

"S-Si Syresse, Lorean. Nawawala ang anak natin," nauutal na anas niya.

Sandaling tumahimik sa kabilang linyakasunod ng isang malakas na kalabog. "Where are you?"

"We went to the park kasi sabi ni Syresse ay gusto nya raw lumabas. Then, later nung gusto niyang bumili ng ice cream ay nawala na sya. Hinanap na namin siya ni Kovi sa buong park pero hindi namin sya nakita!" dire-diretsong paliwanag niya.

Isang malalim na buntong hininga naman ang narinig niya mula sa kabilang linya. "Go back home. Ako na ang bahala."

Magsasalita pa sana siya ngunit pinatay na kaagad ng asawa ang tawag kaya naman, wala na siyang ibang magagawa pa kung hindi ang sumunod sa sinabi nito. Umuwi na nga sila ni Kovi at doon naghintay sa balita. Hindi naman siya mapakali kaya naman, bawat tunong ng sasakyan na dumadaan sa labas ay tinitingnan niya, nagbabakasakali na asawa na niya iyon kasama ang kanilang anak. Ilang minuto pa ang lumipas at pumarada na nga ang sasakyan ni Lorean sa labas. Patakbo naman niya itong sinalubong.

"Si Syresse, kasama mo na ba sya? Nakita mo ba ang anak natin?" tanong niya.

Tinitigan naman siya ni Lorean. "One of our men found her. She is fine. Are you sure na hindi ito kasama sa plano mo?"

"Plano? Anong ibig mong sabihin?" taka niyang balik.

Napatawa naman ito sa kanya. "Akala ko pa naman ay nagbago ka na. Pero hindi ko alam na mas may isasama ka pa pala. Plinano mo ang lahat ng ito para lang mawala si Syresse at makuha ang bone marrow nya. Ano ba ang nakita mo sa Nolan na iyan para gawin mo ito sa sarili mong anak?"

"H-Hindi. Wala akong ganoong plano. Maniwala ka, Lorean. Wala na akong pakialam pa sa Nolan na iyon. Hindi ko rin ginusto na mawala ang anak natin," dipensa naman niya.

Napatango naman si Lorean. "Wala na akong tiwala sayo, Elyse. Napirmahan ko na ang divorce paper gaya ng gusto mo kasama na rin ang compensation na hinahangad mo. Lumayas ka na sa pamamahay ko."

"No! M-Mommy is not leaving. Daddy, please, Syresse is here na po," humahangos na saad ni Syresse na kapapasok pa lang ng pintuan kasama ang mga tauhan ni Lorean.

Patakbong nagpunta sa gitna nilang mag-asawa ang paslit habang umiiyak. Para namang may milyong karayom ang tumusok sa puso ni Amayah nang mapagmasdan ang anak. Hindi naman talaga niya plinano na mawala ang bata. Ginawa lang niya iyon base sa gusto ng anak at sa paghahangad na makabawi sa mga ito. Nangako siya sa sarili na aayusin ang lahat pero bakit tila yata mas lalo lang gumugulo.

"This is for your own good, Syresse. Mommy is leaving," anas ni Lorean.

Mas lalo namang umiyak ang bata. "No. No. No. Mommy is not leaving. Daddy, please."

Parang gusto na ring umiyak ni Amayah nang dumating ang bagong hire nilang katulong bitbit ang dalawang maleta. Kanina pa palang nautusan ni Lorean ang mga ito na iimpake ang mga gamit nya. Nang makita naman iyon ng anak ay mas lumakas pa ang iyak nito.

"Please, Lorean. Maniwala ka sa akin. Hindi ko ginusto ang nangyari kay Syresse," pakiusap niya.

Pero tinalikuran na siya ng asawa. "Umalis ka na. Tomorrow ay ipahahatid na kita papunta sa condo na hiningi mo."

Ano na ang gagawin niya? Napaupo siya sa sahig habang pinagmamasdan ang bulto ng asawa na umaakyat na nang hagdan pataas. Niyakap naman siya ni Syresse na kaagad din naman niyang niyakap pabalik.

Paano pa niya maayos ang lahat kung pinapalayas na siya ni Lorean?

Ano na ang gagawin niya?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Army Belle
ano na nga ang gagawin mo?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   First Day

    Naabala si Arthuro sa ginagawa nang biglang may lumapit na isang staff sa kanya. Kasalukuyan niyang kausap sa telepono si Lorean at pinag-uusapan ang mga papeles tungkol sa binigay nitong property at dalawang projects. "Boss, si Ma'am Elyse! May napag-initan na naman po si Mrs. Torres at sa kasamaang palad ay si Ma'am Elyse po iyon," anang empleyado. Natigilan naman siya nang marinig iyon. "Ano?!" "What happened to my wife?!" anang boses naman ni Lorean mula sa cellphone na hawak niya. "M-Mr. Bismonte, Mrs. Torres is a crazy woman. Ma'am Elyse is in trouble. I-I will handle this," tugon naman niya. Hindi naman na tumugon pa sa kanya si Lorean dahil binaba na nito ang tawag. Kakaibang kaba naman ang bumalot kay Arthuro. Hindi na siya nagdalawang isip pa na tumakbo pabalik sa kanyang opisina kung saan niya iniwanan si Amayah kanina. Kapag may nangyaring masama ay baka siya pa ang mapag-initan ni Lorean. Natatakot siya para sa kanyang kompanya. Samantalang kaharap pa rin ni A

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Trabaho

    Hindi pa na-start ni Amayah ang kotse nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa loob ng kanyang bag at walang pag-aalinlangan na sinagot. "Miss. Semera, are you still somewhere here in the perimeter?" anang boses mula sa kabilang linya. "Yes, I am," tugon naman niya. "That's good. Pwede bang bumalik ka rito sa loob? Let's meet inside my office again," anito. Napakunot naman ang noo niya. "May problema ba?" "You are hired," tugon nito. "Okay. I'll be there in a minute," mabilis niyang saad. Pagkababa ng tawag ay mabilis na lumabas si Amayah ng sasakyan at muling pumasok sa loob ng kompanya. Nagpunta siya sa top floor kung saan nandodoon ang opisina ni Arthuro Mendoza, ang may-ari ng Mendoza Enterprise. At dahil wala pa roon ang kausap ay naupo muna siya sa may couch at uminom ng tubig mula sa may water dispenser. Sa kabilang banda naman ay abala si Arthuro sa pakikipag-usap sa asawa nito. Matapos sabihin na walang pakialam at nasa kanya ang desisyon a

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Ang Paghahanap ng Trabaho

    Kinabukasan ay magkasunod lang na umalis ng mansion sina Amayah at Lorean. Kailangan niyang humanap ng trabaho para makapag-ipon at mabuhay ang sarili kapag naghiwalay na sila ng asawa. "I already told my friend na may ire-recommend ako na tao. Punta ka na lang doon and take the interview," anang boses ng kaibigan mula sa kabilang linya. Napangiti namn siya. "Thank you, Donna." Kahit saang bagay ay maaasahan talaga ang kanyang matalik na kaibigan. Wala itong pinapalampas na kahit na ano at halos lahat ng pabor na hingin niya rito ay walang pagdadalawang isip na ibibigay nito. Kaya naman, kapag nakaangat na siya at tapos na ang lahat ng problema na kanyang hinaharap ay sisiguraduhin niya na makakabawi siya rito. Suot ng kanyang puting formal dress ay nagpunta nga si Amayah sa kompanya na sinabi ni Donna. Hindi iyon kalakihan at wala rin sa listahan ng mga matatagumpay sa industriya pero, kukuhanin pa rin niya ang pagkakataon na iyon. Sa ngayon ay pera ang mas mahalaga sa kanya.

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   First love

    Makalipas ng dalawang araw ay nakatanggap si Amayah ng mensahe mula kay Nolan. Pinapapunta siya nito sa condo dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa kanya. Isang ngiti naman ang kumawala sa kanyang mga labi. Alam na niya kung bakit. Katulad ng dati ay ganoon pa rin ang routine niya para makapunta sa Greenhills condo. Magta-taxi, magre-rent ng VIP room sa Sunrise Cafe, at magpapalit ng damit, bago tuluyang pumunta sa kanyang destinasyon. Pagdating naman niya sa unit ni Nolan ay nadatnan niya ito na masayang nagbibilang ng limpak-limpak na pera habang nakaupo sa may sofa. "Saan naman galing iyan? Ang dami, ahh," aniya. Tumango naman sa kanya ang lalaki. "Binantayan ko ang paggalaw ng mga stocks. Bumagsak kagabi pero bumawi naman habang nag-uumaga na." "Ibig sabihin ay matagumpay ang pag-i-invest mo. Doble ba ang nakuha mo?" patay malisyang tanong niya. Pinakita naman sa kanya ng lalaki ang tatlo nitong daliri. "Triple." Napapalakpak naman siya. "Magandang balita iyan. An

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Ang Planong Pabagsakin 1

    "Sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ni Donna. Napatango naman si Amayah. "Yes. Iyon naman ang gusto ni Lorean, ang pagbayarin si Nolan sa lahat ng nagawa nito sa amin." "Pero risky itong plano mo, Elyse. Paano kapag nalaman ito ng asawa mo at kung ano na naman ang isipin? Ang bilis pa naman manghusga ni Lorean. Na-trauma na kasi sa mga pinaggagagawa mo," saad naman ng matalik niyang kaibigan. Napahinga naman siya ng malalim. "Mag-iingat na lang tayo, Donna." Magkasama sina Amayah at Donna ngayon. Dumalaw si Donna sa mansion ng mga Bismonte upang hindi maghinala si Lorean. Hindi naman pwede na gamitin palagi ni Amayah na dahilan ang kaibigan sa tuwing aalis ito. Kailangan nito na kumpirmahin na magkasama nga sila ng kaibigan kaya naman, pinapunta niya si Donna. "Ninang, Syresse really loves the cookies po," anang anak na babae. Napangiti naman ang kaibigan. "Ninang baked those. Buti naman at nagustuhan nyo." "Mommy is trying to bake, too. But she is....nah..." natatawang anas

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Ang Paglaya

    “You seems happy lately,” anang asawa habang bumababa ng hagdanan. Napakibit-balikat naman siya. “Am I? I don’t know. Parang ang gaan ng pakiramdam ko nitong mga nagdaang araw.” “Mommy, you look more radiant than before,” puna naman ni Syresse. “Because Mommy had a lot of rest. Also, it is because of my two precious angels. Thank you for giving Mommy a second chance,” aniya. “I will be home before midnight. Take care of the kids,” anang Lorean tsaka ito lumabas ng mansion. Napatango naman siya tsaka niya kinuha ang kanyang cellphone. She texted someone bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa may sofa. Nagpaalam siya sa mga anak tsaka siya nagpunta sa silid nilang mag-asawa upang maligo at magbihis. “Mommy will going out for a while. Riego will be here any minute,” aniya habang naglalakad pababa ng hagdan. “Bring some sweets home,” anas naman ni Kovi. Napatango naman siya. “I will buy some later.” “Mommy, can we have some chicken, too?” ani naman ng anak na babae. Napangi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status