Compartir

Chapter 254

Autor: Raine
last update Fecha de publicación: 2026-01-10 13:26:39

Malakas na ang ulan nang makarating si Zayden sa hospital.

"Napapadalas na itong pag-ulan ulan, may bagyo ba?" tanong ng dad ni Zayden.

"Saan ka galing?" tanong naman ng mommy nito. "Galing si Czarina dito pero umalis din agad kasi malakas na ang ulan at kailangan niya pang umuwi."

Nakuha no'n ang atensyon ni Zayden.

"Galing si Czarina rito?"

"Hmm. Nagdala lang ng prutas."

"Kanina pa nakaalis?"

"Hindi kaaalis lang. Hindi ba kayo nagkasalubong diyan? Halos magkasunod kayo, eh. Pagk
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado
Comentarios (9)
goodnovel comment avatar
Nowhere You
saan ang update...
goodnovel comment avatar
Analyn Arañez Reyes
sana malaman n ni zaider ang totoo n c czarina tlga nag ligtas sa knya ang saya cguro noon tpos devorce n cla
goodnovel comment avatar
Nowhere You
update......
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 394

    Bitin ang tulog ni Czarina dahil mag-uumaga na siya nakauwi. Una niyang hinanap ang kanyang cellphone pero lowbatt iyon at hindi na ma-open kaya chinarge niya muna at habang hinihintay iyon ay kakain muna siya. Mag-a-alas nwebe na pala ng umaga.Patapos na mag-breakfast ang mga magulang nang makababa siya, medyo nagulat pa nga siya nang maabutan pa ang mga ito roon."Good morning, mom, dad, lolo, lola," aniya bago umupo sa kanyang upuan."How's your sleep? Hindi na kita naabutan kagabi na nakauwi, ah?" sabi ng dad niya."Medyo late na nga, dad. May minor incident din kasi so I took care of it before going home.""Mamaya na ang cruise party, 'wag kang mawawala doon ha. Nakahanda na ang mga gamit mo at isusuot. And that's a great place to socialize," sabi naman ng mommy niya.Ngumiti siya rito at hindi na sumagot. May plano siya sa kanyang isipan pero hindi niya alam kung paano iyon iaanunsyo sa pamilya.But she has to."Uh... may sasabihin po pala ako..." Nakuha niya agad ang atensyon

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 393

    Kita ang gulat sa mukha ni Czarina nang banggitin ni Kyle Ford ang pangalan niya. Pamilyar ang babae rito dahil sa industriya nila ay malaking aspeto ang dapat kilala niyo ang isa't isa.Wala siyang maalala na naging pag-uusap nila ng lalaki noon at hindi rin pamilyar ang mukha nito sa kanya pero sa pangalang gamit nito ay alam iyon ni Czarina. Lumaki sa ibang bansa ang lalaki kaya hindi rin talaga ito nakakasalamuha ng babae."So, I assume we're friends now," mahina pero nakangiting wika ni Kyle.Pinanliitan ng mata ni Czarina si Kyle. "Why would you even assume that, Mr. Ford?""Because Zayden and I are good friends?" patanong na sagot nito. "And if I'm not mistaken, you're Zayden's wife.""Oh," mabilis na reaksyon ni Czarina. "Seems like you're really mistaken, Mr. Ford. Akala ko ba magkaibigan kayo? Bakit hindi ka updated sa buhay niya?"Bumalatay ang pagkalito sa mukha ni Kyle. Lumipat ang tingin nito kay Ichan na hindi pamilyar kung sino ba ang mga Ford. Ang mga mata ni Kyle ay

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 392

    Mabilis na iniwan na rin ni Zayden si Ivan sa park at nagmaneho na pauwi. Litong-lito siya sa mga nangyayari at hindi rin siya natutuwa sa mga pasaring ni Ivan na hindi naman nililinaw kung ano.Kitang-kita sa bilis ng pagda-drive niya ang galit. Nang medyo makalayo na ay huminto muna ito sandali upang huminga at pakalmahin ang sarili.Paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang mga litanya ni Ivan. Aminado siya na nitong mga nakaraan ay nagiging emosyonal siya, bagay na hindi naman niya personalidad.Naglabas ito ng sigarilyo pero bago pa man niya iyon masindihan ay lumitaw ang maamong mukha ni Czarina sa kanyang isipan. That angelic face that glares at him when he smoke. Ayaw na ayaw nito ang amoy ng sigarilyo.Huminga ito nang malalim, binuksan ang bintana ng sasakyan, at itinuloy pa rin ang pagsindi sa sigarilyo. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili at ang isipan niya sa mga oras na iyon. He needs to clear things up with himself. Including his feelings for a certain woman.Hindi

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 391

    "Ang saya naman ng mala-telenovelang love life mo, President Hart," nang-uuyam na turan ni Ivan. "Don't test my patient, Karlos," iritadong sagot ni Zayden dito. "Hindi ka pa rin nagbabago. Mula noong mga bata pa tayo ay iyan na ang problema mo, hindi mo kayang panghawakan ang sarili mong nararamdaman. That might be a strength on some areas as a businessman, but we both knew that all in all in this life, that's a weakness." Nandidilim na ang paningin ni Zayden kay Ivan. Talaga bang ngayon pa siya iti-trigger nito? Pero hindi niya maipagkakaila na tama naman ang lalaki. Ivan Karlos used to be his a close friend. Kilalang-kilala siya nito. Kung si Calix ay iniisip na isa lang siyang babaero na hindi makapili kina Chloe at Czarina, iba naman ang impresyon ni Ivan doon. He just know him so much to know that Zayden cannot handle his feelings and emotions well. Pero hindi na sila magkaibigan para pakinggan pa ang pinagsasabi ni Ivan. Paalis na sana si Zayden at wala ng balak na patul

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 390

    Nagkatinginan sina Czarina at Zayden nang makita kung sino ang nagsalita. Kapwa sila nagulat at nagtaka kung bakit nandoon si Ivan. "Mr. Karlos!" bulalas ni Czarina. "Ano'ng ginagawa mo rito?" "Sinundan kita. Nahuli lang dahil may kausap ako kanina." Itinaas nito ang kamay na may suot na relo. "Medyo late na. I just want to make sure you go home safe." Awtomatikong nagsalubong ang dalawang kilay ni Zayden at tila nandilim ang paningin. Ang ibig bang sabihin no'n ay magkasama ang dalawa kanina? At kailan pa sila naging close para lumabas na sila lang? "Tss," iling ni Czarina. "Kaya kong umuwi ng mas late pa rito at normal na sa akin iyon. It's actually a good thing I have my car with me. Na-try ko na maglakad mag-isa ng hatinggabi noon." Bumalik ang mata ni Zayden kay Czarina. Hindi niya alam kung para saan at sinabi iyon ng babae kay Ivan. Pinupunto ba nito na kaya niyang mag-isa, o na walang kwenta ang asawa niya noon, o gusto lang nito mag-share ng karanasan kay Ivan? "Oh?"

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 389

    "Hindi pa tayo close pero darating din tayo diyan, CL." Tinignan ng masama ni Czarina si Ivan. Hindi naman siya natalo kaya wala siyang dahilan para sabihin ang totoo rito. "Hindi nga ako si CL," iritadong sabi niya. Nagkibit ng balikat si Ivan. "Okay, sabi mo, eh." Matapos sabihin iyon ay unti-unting bumalatay ang ngisi sa mga labi ni Ivan. Kahit ano pa ang sabihin ni Czarina ay hindi niya maloloko ang lalaki. He's sure enough that Czarina is CL. At hindi lang iyon ang alam niya tungkol sa babae. ***** Maghahatinggabi na nang umalis si Czarina sa lugar na iyon. Sa halip kasi na umalis agad kanina ay napagtanto niyang mas maganda ng manood nalang din kahit papaano. She stayed for another hour before leaving. May nadaanan siyang bilihan ng streetfoods na open twenty-four seven. Bumaba siya doon at nag-take out. Pagkatapos ay nag-park siya ng sasakyan sa isang park na malapit. Wala gaanong tao at tahimik ang paligid nang maupo siya sa bench. Habang ninanamnam ang binili niyang

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 309

    Kasalukuyan ang balita nang tumunog ang cellphone ni Czarina. Nakita niya na si Klarisse ang caller kaya sinagot niya iyon agad dahil baka emergency. Bihira itong tumawag sa kanya lalo ngayon na busy ito sa gumagandang karera. ("Oh my gosh, Czarina! Alam mo na ba ang balita? Nag-propose raw itong

    last updateÚltima actualización : 2026-04-05
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 293

    Hinagis ni Czarina ang mga larawan kay Zayden. May ilang piraso pa na tumama sa pisngi ng lalaki at nagdala ng maikling sugat doon.Umigting ang panga ni Zayden at ang mga kilay niya ngayon ay malapit ng magdikit."May tatlong bagay lang akong sasabihin at lilinawin sa inyo," ani Czarina. "Una, hin

    last updateÚltima actualización : 2026-04-04
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   TWENTY

    NAGMAMADALING PUMASOK si Czarina sa loob ng hotel. Madami ng tao roon nang makarating siya. Halos lahat ng dadali ay nandoon na at nag-uusap-usap. Nakaupo na ang mga ito at sama-sama sa isang mahabang mesa. It's a business dinner but also a private one. Hindi ka basta-basta makakadalo kung hindi k

    last updateÚltima actualización : 2026-03-17
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 23

    "M-Mr. Hart, a-anong ginagawa niyo rito?" Kinakabahang tanong ni Mr. Luhan. Kita ang takot sa mukha nito. "W-wag kang maniwala sa babaeng iyan. Siya ang lumapit sa akin, pinuntahan niya ako rito. Kita mo 'yang suot niya? Sinuot niya iyan para sa akin." Halos malaglag ang panga ni Czarina sa sinabi

    last updateÚltima actualización : 2026-03-17
Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status