Nabigla si Czarina nang buhatin siya ni Zayden. Dumikit ang tungki ng ilong niya sa pisngi ng lalaki. Natigilan si Zayden at biglang kinabahan, tila wala na sa tamang ritmo ang tibok ng puso niya. Kusang humawak ang kamay ni Czarina sa batok ni Zayden sa takot na malaglag siya. "Zayden!" Nag-aalalang lumapit sa kanila si Marissa Hart. Nataranta ito lalo nang makita na hindi maganda ang lagay ni Czarina. "Bilisan mo at ipunta mo na si Czarina sa hospital!" Lumumok si Zayden at marahang tumango. Inayos niya ang pagkakabuhat kay Czarina pero pilit niyang iningatan na hindi madiinan ang mga sugat nito sa katawan. Umamba na itong aalis nang mapansin na nagbabalak sumunod si Adrian sa kanila. Kusang tumaas ang kilay ni Zayden at isang malamig na ekspresyon ang pinukol niya kay Adrian. Hindi niya rin alam kung bakit wala pa mang nangyayari ay kumukulo na ang dugo niya kay Adrian. "Ako na ang magdadala sa kanya sa hospital, hindi ka ba naniniwala sa akin?" halata ang frustratiom sa
"Usapang baliw sa pag-ibig naman pala ang topic niyo rito." Nagulat si Zayden nang marinig ang boses ni Calix. Ito lang ang nagpabalik sa kanya sa ulirat, hindi niya napansing tulala na pala siya at nakatingin lang sa dinaanan ni Czarina. "The hell? Kalalaki mong tao napaka-chismoso mo," iritadong sabi ni Zayden."Anong chismoso? Napadaan lang ako rito." Nagkibit ng balikat si Calix. "Pero bro, bakit ba kasi late ka ngayon? Hindi mo tuloy napanood ang napakagandang eksena kanina."Inirapan ni Zayden si Calix at hindi nalang pinansin ang kaibigan. Alam niya naman na walang kwenta rin ang sasabihin nito.Sa kabilang banda naman, sa halip na dumiretsong umalis at lumabas si Czarina, ay naisip niyang maayos na magpaalam muna kay Grandma. Nakakahiya naman kung mawawala nalang siya bigla.Bumalik siya sa may party area pero bago pa siya tuluyang makalapit sa madaming tao ay nadaanan niya na si Chloe na may kausap na waiter. Nagtanguan ang dalawa at nang mapalingon sa kanya si Chloe ay med
Sinundan ni Czarina si Zayden pero hindi para kausapin ito kundi para makaalis na roon at makauwi na. Naibigay naman na niya ang kanyang regalo kay grandma at wala na siyang rason pa para hindi umalis. "Wala na tayong kailangan pag-usapan pa, Mr. Hart, uuwi na ako," sabi niya at diniretso ang daan, nilagpasan nito si Zayden. Kunot-noong sinundan ng tingin ni Zayden si Czarina at walang pagdadalawang-isip na kinuha niya ang kamay ng babae at hinila patungo sa private villa nila na naroon lang mismo sa tabi. Walang tao roon dahil nasa mismong party ang lahat. "What the hell?!" iritadong sabi ni Czarina sa sobrang gulat. Pinilit niyang kumalas sa hawak ni Zayden. Binitawan naman siya ng lalaki pero ngayon ay hindi naman siya makaalis dahil isinandal siya ni Zayden sa pader at nakaharang ito sa kanya. "We need to talk," giit ni Zayden habang umiigting ang panga sa galit. Noon ay maliliit na prank lang ang ginagawa ni Czarina kay Chloe, ngayon ay mas lumalala na ito. Hindi akalain n
Nakahalukipkip si Marissa Hart na naglakad patungo sa harapan ni Chloe. Pabalik-balik ito na naglakad habang nakataas ang kilay kay Chloe. Halos tumalon na ang puso ni Chloe sa kaba. Marissa Hart is definitely not the woman she can just look down too. Bukod sa nanggaling ito sa isa sa pinakamayamang angkan sa bansa nila ay napakarami na ring napatunayan ni Marissa. Matalino, talentado, at talagang pinag-aagawan din noong kapanahunan niya. Pero hindi lang iyon... siya rin ang pinakamatapang at pinakakinakatakutang babae sa pamilya ng mga Hart. Nakasunod ito sa yapak ni Chairwoman o ni grandma. Nanginginig na si Chloe habang nag-iisip ng posibleng paraan para makatakas sa sitwasyong ito na hindi tuluyang nasisira ang imahe niya. "I think I heard you say earlier that you will kneel down and clean Czarina's shoes, hmm?" sambit ni Marissa Hart. Lalong lumikot ang mga mata ni Chloe. Hindi. Hindi pwede. Siya? Luluhod? At kay Czarina pa? Her pride can never! Matalim niyang tiningnan
"Ehem," Lumingon si Master Owen sa tumikhim. "Nagkakagulo ang lahat ngayon dahil may dalawang Snow Lotus Grass na iniregalo kay Chairwoman Hart," paliwanag ng isang lalaki. "Dalawang Snow Lotus Grass?" Halos mapataas ang kilay na tanong ni Master Owen. "Right. At alam namin na isa lang ang totoo sa dalawang iyan. Ang nagregalo ay ang granddaughter in law ni Chairwoman na si Czarina Laude-Hart..." Halos mapairap si Czarina nang marinig iyon. "At ang unica hija ng mga Smith na si Doc Chloe." "Hmm, let's see," ani Master Owen. Inikot nito ang paningin sa paligid, lahat ay tutok sa kanya na para bang isa siyang mamahaling palabas na ayaw nilang masayang ang bawat segundo ng bayad nila. "Nasaan dito ang kay Miss Smith?" Itinuro nila ang halaman na dala ni Chloe. Kita ang pagkamangha sa mukha ni Master Owen nang makita iyon at halos mapangiti ito. Napansin ng karamihan doon iyon kaya ang lahat ay agad nagkaroon ng konklusyon kung kanino ang tunay. Sa pagkakataong iyon ay gusto
"I-it's not true, I swear!" kinakabahang sabi ni Chloe. "Hindi ako nagsisinungaling, ang dala ko talaga ang tunay na Snow Lotus Grass... tulad ng alam ng karamihan, talagang pinaghirapan ng pamilya ko na hanapin ang halamang ito. And not just that, malaking halaga rin ang inilabas namin dito. Sa tingin niyo ba gagawin ko iyon para lang magbigay ng peke?"Napataas ng isang kilay si Czarina."Paano mo ipapaliwanag ang sinasabi ng machine na ito, kung gano'n? Hinanapan mo ako ng patunay, ngayon nasaan ang patunay na totoong Snow Lotus Grass ang sa'yo?"Pinigilan ni Chloe na irapan at tingnan ng masama si Czarina dahil madaming mata ang nakatingin sa kanya. Gayunpaman sa isipan niya ay kanina niya pa sinasabunutan ang babae sa inis.Lumunok siya at matapang na nagtaas ng mukha. "Kung hindi tunay ang dala ko, luluhod ako sa harapan mo at lilinisin pa ang sapatos mo para sa'yo." Humalikipkip si Chloe. "Pero kung ako ang nagsasabi ng totoo ay ikaw ang gagawa niyan sa akin. Deal?"Muling nal