Bago siya tuluyang makatalikod ay namataan niyang muli ang sasakyan ni Zayden na naroon pa rin sa pwesto nito kanina at hindi pa rin umaalis. Tinignang mabuti iyon ni Czarina at doon niya lang napansin na hindi tulad kanina ay may lalaki na roon ngayon na nakasandal.Malamig ang tingin ni Zayden sa kanya na para bang may ginawa siyang masama rito. Kumunot ang noo ni Czarina at tinagilid ang ulo na tila tinatanong si Zayden kung ano pa ang ginagawa nito roon. Pero sa halip na pansinin siya ay tumalikod ang lalaki at sumakay na sa sasakyan nito. Hindi pa lumalagpas ang isang minuto ay pinaharurot na nito palayo ang sasakyan.Sinigurado lamang ni Zayden na nakaalis na si Adrian bago siya umalis.Naguluhan si Czarina sa ginawa ni Zayden, hindi niya batid kung ano ba ang trip ng lalaki. Pero sa halip na isipin pa iyon ay bumalik na lamang siya sa kwarto ng kanyang lolo.Pagbalik niya ay agad siyang kinausap ng ama tungkol kay Zayden."Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin maalis sa isipan
"Tito, ano po ang sabi ng doctor? May kailangan bang gawin kay lolo?" tanong ni Adrian sa ama ni Czarina.Nasa loob na sila ng hospital room ngayon, nakatayo sa gilid ng mahimbing na natutulog na matanda."Wala naman. Medyo um-okay na siya ngayon." Nagbuga ng hininga si Samuel Laude. "Ang kailangan lang ay mabantayan ang kinakain, ginagawa, at mga pag-inom niya ng gamot. Medyo sensitive na rin ang puso niya kaya doble ingat."Tumango si Adrian. "Pupunta rin po sana si dad dito kaso ay hindi niya ma-cancel ang business trip niya sa Dubai kaya ako na lang po ang bumisita.""That's okay, hijo. Salamat at kahit papaano may kasama si Czarina ngayon. Maganda na kumain kayo sa labas mamaya, hindi pa kumakain ang batang iyan."Dahil doon ay sabay na napatingin ang dalawang lalaki sa pwesto ni Czarina. Nakatayo ang babae sa may bintana, nakahalukipkip habang nakatingin sa baba at tila malalim ang iniisip.Nakatingin ito sa sasakyan ni Zayden na naroon pa sa labas. Hindi pa ito nakakaalis ng h
Sa kagustuhan at pagpipilit na makasal kay Zayden ay nasaktan niya ng sobra ang kanyang pamilya. Bilang nag-iisang anak, prinsesa talaga siya tulad ng sinabi ng kanyang ama. Hindi siya pinagagalitan, sinisisi, o ipinapahiya. Pero lahat iyon ipinadama ni Zayden sa kanya. Gusto niya ring magsumbong sa lalaki. Mahirap din para kay Czarina na masaktan ang sariling pamilya, gusto niya rin ng mapagsasabihan ng tunay na damdamin niya. Na kung kailangan ni Chloe si Zayden, ay mas lalong kailangan niya ang lalaki. Lahat ng mga laman ng kanyang isipan ay kitang-kita sa kanyang mga mata. Hindi niya iyon sasabihin at wala rin naman ng sense pa para sabihin iyon. Wala namang pakielam si Zayden sa kahit na ano pang sabihin niya. Nagmamadaling naglakad si Czarina at hinayaan si Zayden sa kanyang likuran na nakasunod. Nang medyo malapit na sa exit ay huminto siya at hinarap ang lalaki. "Dito na lang kita maihahatid. Pasensya na sa abala ko sa'yo ngayong araw." "Hmm." Tumango si Zayden habang
"Czarina..." Sa harap ng bukas na pintuan ng hospital room ng lolo ni Czarina, ay isang matikas at istriktong boses ang narinig. Sabay na napalingon sina Czarina at Zayden kay Samuel Laude, ang ama ni Czarina. Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kanyang anak at sa lalaking kasama nito.Napaatras si Czarina palayo kay Zayden."Dad," sambit nito.Bumati din si Zayden. "Dad," anito.Hindi inaasahan ni Samuel Laude na makikita niya rito si Zayden. Gusto niyang magalit pero walang dahilan para roon lalo na't sinamahan nito si Czarina patungo rito.Gayunpaman ay seryoso nitong tinignan ang lalaki at sinabing, "Salamat sa pagsama mo sa anak ko rito. Pero pwede bang sa mga susunod ay 'wag ka ng lalapit pa sa kanya at sa amin? That will be better for all of us. Nawa'y naiintindihan mo ang pinupunto ko."Parehong natigilan sina Czarina at Zayden. Kinakabahan si Czarina, ayaw niya namang magkaroon ng kakampihan. Lumapit si Czarina sa kanyang ama at hinawakan ang kamay nito upang pakal
Maya-maya lang ay inilabas na nila ang lolo ni Czarina, wala pa rin itong malay habang tinutulak ang higaan nito para ilipat sa private room. Sumunod ang buong pamilya doon at nahuli si Zayden. Habang naglalakad ay nahagip ng mata niya ang isang babae na nakasuot ng puting coat. Kumunot ang noo niya nang mapansin na tila kapareho ng figure ni Czarina ang babae. Si Czarina ba iyon? Nagtataka niyang sinundan ang babae pero hindi nang dumaan sila sa maraming tao at ilang mga doctor na nakasuot din ng puting coat ay nawala sa paningin niya ang sinusundan. Luminga-linga ito sa paligid pero hindi na niya nakita pa ulit ang babae. Samantala, sa likod ng isang poste ay pinagmamasdan ni Czarina si Zayden na tila may hinahanap. Tinanggal na niya ang suot na coat na medyo masikip sa kanya. Muntik na siyang makita ni Zayden! Nang tumalikod na ang lalaki ay umalis na rin si Czarina sa pwestong iyon. Habang naglalakad ay nag-ring ang phone niya. Halos mapatalon siya sa gulat, hindi pa nakaka
"Padaanin niyo muna kami," sabi ni Zayden sa medyo nakakatakot na boses kaya napaatras ang ilan at nagkaroon ng kaunting espasyo para makaalis na sila doon. Agad ding tumulong ang mga guards ng hospital hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa hospital. Nagmamadali at halos takbuhin ni Czarina ang daan patungo sa may emergency room. Nasa likod at nakasunod sa kanya si Zayden na bukod sa sinasabayan ang bilis ni Czarina ay nakaantabay din siya sa babae dahil baka bigla na lang itong matumba o may mabunggo dahil wala itong pakielam sa paligid niya ngayon. Sa labas ng emergency room ay namataan ni Czarina ang kanyang pamilya, ang kanyang ama na nakatayo at nakabantay sa kanyang ina at lola. Umiiyak ang dalawang babae at kita ang labis na pag-aalala sa kanila. Napatingin sa kanya ang dad niya nang mapansin na may dumating. Lumagpas din ang paningin nito sa taong nasa likuran niya. Nagulat ito nang makita si Zayden. Ano naman ang ginagawa ng lalaki rito? At kasama pa ni Czarina.