LOGINNANGHIHINANG PUMIKIT SI MR. JAO. Bumuka ang bibig nito na tila may nais sabihin pero sa sobrang panghihina ay hindi na nito nagawa.
Napansin iyon ni Chloe ngunit marahil ay dahil iyon sa hindi pa ito tuluyang nakaka-recover. Inikot nito ang mga mata sa lahat ng taong nandoon, lahat ay nagsasaya at bilib na bilib sa kanya. Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ni Chloe ay para siyang bida sa isang sikat na telenovela. Dumako ang mga mata niya kay Zayden. His gentle eyes bore at her. Ngumiti ito sa kanya at nag-thumbs up. Sa mga tingin at ngiti nito ay alam ni Chloe na proud sa kanya ang lalaki. Sa kabilang banda ay may namumuong kaba sa dibdib ni Yanna. Sa kabila ng pagsasaya ng lahat ay nakatitig lamang siya sa gawi ni Mr. Jao. Malungkot siyang tumungo nang maalala ang mga sinabi nila kanina pero ang mga salitang gumamit ng koneksyon para makapasok sa university ang hindi niya matatanggap. Nag-angat siya ng tingin kay Chloe. The girl is smiling sweetly to everyone. Very delicate, very demure. Sa kanilang dalawa... siya nga ba talaga ang gumamit ng koneksyon para lang makapasok sa university? "Thank you, everyone. But I honestly don't appreciate the words you threw at my friend, Czarina." Czarina scoffed. "Iyan na naman ang mga pabida niya," bulong niya sa sarili at wala namang nakarinig no'n. "Totoo namang nagmamagaling lang iyong si Czarina," sabi ng isa na naroon. "Hindi po iyan totoo. Magaling at matalino din si Czarina. Hindi lang siya nag-take ng exams dahil nag-focus sa ibang bagay," dagdag pa ni Chloe. Habang dumadami ang sinasabi ni Chloe ay dumadami rin ang rason ni Czarina na magalit dito. Hindi niya alam kung nagmamagandang loob ba ito o nagbabait-baitan para kung may mangyari ay ito ang mistulang biktima. "Mas gusto ka pa rin namin, Doc. Chloe," sabi ng isang lalaki. "Single ka ba, Miss Chloe? Baka pwedeng manligaw..." "She's definitely not single," singit ng isang baritonong boses. Czarina froze to her place. Mapait siyang napangiti habang nangingilid ang mga luha. Isa na naman iyon sa mga araw na pinagtutulungan siya pero si Zayden ay kay Chloe lang nakatuon. Of course, he loves her after all. Alam naman ni Czarina na una palang ay hindi siya mahal ni Zayden. Siguro nga kasalanan niya na ipinilit niya pa ang sarili rito. "OMG?! Mr. Hart and Miss Smith?" "Bagay silaaa!" "Sabi ko na may something ang dalawa na iyan. Madalas silang makita na magkasama." Namula ang pisngi ni Chloe. Punong-puno ang puso niya sa pagkakataon na iyon. Palihim niyang sinulyapan ang pwesto ni Czarina, mukha itong kaawa-awa sa gilid at walang pumapansin. A smug smile crept out from Chloe's lips. Inilingkis niya ang kamay sa braso ni Zayden. "Zi naman," pagpapabebe niya rito. Ngumiti si Zayden sa kanya at hinaplos ang buhok nito. Ang init ng kamay at katawan nito ay nagpagaan sa pakiramdam ni Chloe. Sa totoo lang ay kanina pa ito nape-pressure, natatakot siyang magkamali. Proud na proud ang mga mata ni Zayden na nakatingin sa kanya. Samantala si Czarina ay gusto nang lumubog sa kinalalagyan. Sa isipan ay pinapagalitan na niya ang sarili kung bakit pa kasi nito pinilit na pumunta roon. Sana ay sinabi niya nalang sa daddy niya na ayaw niyang makita si Zayden, alam niya namang papayag iyon. Siguro kasi sa puso niya, sa kabila ng sakit, ay gusto niyang masilayang muli ang lalaki. "Mr. Jao!" bulalas ng isa sa kanila at lahat ay agad natuon ang atensyon sa matanda. Sa pag-aakala ng lahat ay um-okay na ito pero base sa itsura nito ngayon ay parang lumala ang kalagayan nito. Agad na lumuhod sa gilid niya si Chloe at tiningnan kung ano ang nangyayari. Halata sa matanda na hirap na itong huminga. Dumagundong ang kaba sa dibdib ni Chloe. Inisip niya kung nagkamali ba siya kanina. Bakas ang sakit sa mukha ni Mr. Jao. Ang mga tingin nito ay parang may nais iparating subalit hirap. Natataranta si Chloe, sa isipan niya ay gusto na niyang awayin ang ambulansya, kung bakit pagkatagal-tagal nitong dumating. "Hindi makadaan ang ambulansya, sobrang lala raw ng traffic at medyo malayo pa sila." "Hala, ano ang gagawin?" "I suggest, isakay nalang natin sa sasakyan." Nag-aalalang tumingin si Czarina sa lalaki. Huminga siya nang malalim. "Bahala na," aniya at inagaw ang ballpen na nakalagay sa damit ng katabing lalaki. Nakatitig lang si Chloe sa lalaking nakahandusay sa kanyang harapan. Kung ano ba ang dapat niyang gawin, ano ang dapat tingnan, ay hindi niya alam. Hindi niya rin hawak ang cellphone niya upang magamit pang-search at wala ni isang pwedeng tumulong sa kanya sa mga oras na iyon. Palihim siyang napamura. Ilang taon na nga ba siyang hindi nag-aaral? She's a surgeon but she rarely do operations herself nowadays. "Doc Chloe, ano na ang nangyayari?" "Do something!" Habang nagkakagulo ang lahat ay naramdaman na lamang ni Chloe na may tumulak sa kanya.Malakas na ang ulan nang makarating si Zayden sa hospital. "Napapadalas na itong pag-ulan ulan, may bagyo ba?" tanong ng dad ni Zayden. "Saan ka galing?" tanong naman ng mommy nito. "Galing si Czarina dito pero umalis din agad kasi malakas na ang ulan at kailangan niya pang umuwi." Nakuha no'n ang atensyon ni Zayden. "Galing si Czarina rito?" "Hmm. Nagdala lang ng prutas." "Kanina pa nakaalis?" "Hindi kaaalis lang. Hindi ba kayo nagkasalubong diyan? Halos magkasunod kayo, eh. Pagkaalis niya dumating ka naman," sagot ng mommy ni Zayden. "Napakabait at napakaalaga talaga ng babaeng iyon. We were blessed to have her as a family, siya lang talaga ang hindi swerte sa atin..." "Labas lang ako," sabi ni Zayden at nagmamadaling lumabas. "Kadarating mo lang, saan ka na naman--" naputol na ang sinasabi ng dad ni Zayden dahil mabilis ng nakalayo ang anak. ***** Napabuntong-hininga si Czarina nang makita ang panahon sa labas. Medyo malakas na nga ang ulan, kanina ay hindi pa
Sakay ng sasakyan si Chloe at mabilis ang pagpapatakbo ni Zayden. Sa sobrang bilis no'n ay hindi mapigilan ni Chloe na hindi kabahan. Mahigpit din ang pagkakahawak ng babae sa seatbelt niya at sa hawakan sa kanyang gilid. "Zi, ano ba ang nangyayari? Ayos ka lang ba?" kinakabahang sabi ni Chloe rito. Pero hindi siya sinagot o pinansin ni Zayden. Nakatutok lang ang walang emosyong mga mata nito sa daan at tila hangin lang ang kanyang katabi. Dumagundong ang matinding kaba sa dibdib ni Zayden. Ang kaninang mahigpit niyang pagkakakapit sa seatbelt ay mas mahigpit pa ngayon. Nang medyo makalayo na sila ay hininto ni Zayden ang sasakyan sa gilid ng daan. Wala gaanong sasakyan sa banda roon pero mabibilis ang mga dumadaang sasakyan. Mabilis ang paghinga ni Chloe dulot ng kaba at kahit nakahinto na ang sasakyan, pakiramdam niya ay umaandar pa rin ito. Hindi umimik si Zayden hanggang sa magtama ang mga mata nilang dalawa. Salubong ang kilay ng lalaki, ang mapupungay na mga mata
"Let's make a bet..." Nagsalubong muli ang kilay ni Czarina nang marinig iyon mula kay Chloe. Ano ba talaga ang nangyayari sa babae? Pakiramdam niya ay wala na ito sa katinuan. "Tigilan mo ako sa mga ganyan mo, Chloe. If you want to play, go. Huwag mo lang akong idamay," naiiritang sabi ni Czarina. "May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na--" "Let's set a double kidnapping incident. Tignan natin kung sino sa ating dalawa ang uunahin niyang iligtas. How about that?" ngumisi si Chloe matapos sabihin iyon. Bagaman nagulat sa suhestyon nito na kakaiba ay natawa na lamang ng kaunti si Czarina. Alam nilang pareho kung sino ang pipiliin ni Zayden, ano't kailangan pa nilang magsagawa ng mga ganoon? "Alam kong hindi ako ang pipiliin niya at hindi na rin naman ako aasa- ilang taon ko ng ginagawa iyan, Chloe, sa tingin mo ba ay may pakielam pa ako?" sagot ni Czarina sa kaharap bago sumimsim sa kanyang kape. "Really?" nanunuyang wika ni Chloe. "O baka naman natatakot ka lang sa resulta?
Nasa labas pa lamang si Czarina ng room kung saan naka-stay si Grandma ay naririnig niya na ang boses nito na pinagagalitan ang anak. "Ni hindi niyo magawan ng paraan na patigilan ang mga isyu na iyan? Ano na? Akala ko ba ay sosolusyonan niyo iyan? Zander, anak mo ang pulutan ng mga media na iyan, should you be faster covering it now than other issues?!" Huminga nang malalim ang matanda at maski ang pagbuntong-hininga nito ay dinig na ni Czarina kahit nasa pintuan pa lamang siya. "Ano na lang ang iisipin at mararamdaman ni Czarina kapag nabasa at nakita niya ang mga iyan?" tila problemado at nalulungkot pa na dagdag nito. Natigilan si Czarina. Parang may pumiga sa puso niya nang marinig ang huling linya na iyon ni Grandma. Alam niya na mahal siya ng matanda. Pero ngayon ay mas lalo niya lamang napatunayan iyon. Maski ang pagsasabi rito na hindi na niya gusto pa ang kasal na mayroon siya kay Zayden ay hindi magpapatapos sa pagmamahal na mayroon ang matanda sa kanya. But she
Habang nakatingin sa matandang nakahiga sa hospital bed ay hindi mapigilan ni Zayden na makaramdam ng hiya sa mga nangyari. Alam niya ng maysakit at may edad na ito ay nakipagtalo pa rin siya rito. That's why he hates being emotional. Walang nangyayaring maganda. Ang sabi raw ng doctor sa kanila, bagaman ligtas na ito sa ngayon, ay lumalala na raw ang sakit nito. He felt guilty even more. Gising na ang matanda at alam din nito na nasa kwarto lang din na iyon si Zayden pero sinadya nitong hindi tumingin sa kanyang apo. Sa halip ay dahan-dahan itong lumingon sa mommy ni Zayden at hinanap si Czarina. "Bumalik na sa trabaho si Czarina, mom," sabi ni Marissa Hart kay Grandma. "Babalik po iyon dito mamaya pagkatapos niya sa trabaho." Halata na nanghihina pa ito. Sa mga mata pa lang ng matanda ay alam na agad ni Zayden at ng mommy niya ang pinoproblema nito. Grandma loves the Hart Group so much. Hindi lang ang pamilya niya, kundi ang kumpanyang bumuhay sa kanya. Importante sa k
"Let's not jump to conclusions without evidence," malamig na sabi ni Zayden kay Chloe.Hindi nagustuhan ni Chloe ang responde na iyon ni Zayden. Dati isang sabi niya lang ng ganito ay naniniwala agad si Zayden kahit wala siyang pinapakitang ebidensya.Pero bakit hindi na ito epektibo sa lalaki ngayon?"Galit sa akin si Czarina at alam natin pareho iyon. Kaya kahit maghiwalay kayo ay hindi niya gugustuhin na maikasal tayong dalawa--""Chloe," pagputol ni Zayden sa mga sinasabi ni Chloe. Mariin niyang tinignan ang babae sa kanyang mga mata at tila pinapatigil na ito sa pagsasalita pa ng kung ano-ano.Pero hindi nagpatinag si Chloe. Mas lalo lang nanaig ang inis niya kay Czarina nang mapansin na parang pati ang simpatya ni Zayden ay naaagaw na nito."Hindi niya ako gusto para sa'yo, Zi. Gusto niya na masira tayo, na masira ako. Hindi pa ba sobra-sobra itong ginagawa niya? Matapos ang mga maliliit na pranks na ginagawa niya noon, ngayon naman ay isinisiwalat niya sa publiko ang mga p'wede







