Mag-log inEMOSYONAL NA NAKATINGIN si Czarina sa malinis na kwarto sa kanyang harapan. Nakalagay na sa mga maleta ang gamit niya.
Sa bed side table ay ang picture frame na kuha noong kasal nila. Walang seremonya o selebrasyon. Larawan lang iyon nilang dalawa ni Zayden na nakaupo at may hawak na ballpen para pirmahan ang marriage certificate. She knew better. Noon pa man ay alam na niyang hindi naman talaga siya ang gusto ng lalaki. Pero naghabol pa rin siya hanggang sa makarating kung nasaan siya ngayon. Hurt, wounded, and broken. Malungkot niyang pinahiran ang luhang tumulo sa kanyang mata at tumalikod na upang humakbang na palayo. Tahimik ang bahay at sanay na siya roon. She feels lonely being there. Pero tiniis niya. Because she wants to be the home he'll went back to, always. "Ilagay ko na sa sasakyan lahat ito, Cza?" Lumingon siya kay Gardo, ang long-time family driver nila. Tumawag na siya agad sa pamilya niya nang mapagdesisyonan na tapusin na ang lahat sa kanila ni Zayden. "Sige, kuya, susunod ako..." Ngumiti sa kanya ang lalaki. "Katulad ng pamilya mo, masaya ako na uuwi ka na roon. Makakahanap ka rin ng mas tatrato sa'yo ng tama." A lump on her throat was formed upon hearing it. Kumurap-kurap siya upang mawala ang luha sa kanyang mga mata. Kuya Gardo calls her Cza, first name basis sila at hindi siya tinatawag na 'Ma'am' dahil iyon ang gusto niya. Isa pa, parang totoong kuya naman ang trato niya sa lalaki, hindi lang basta driver. Nang makaalis ang driver ay inilabas ni Czarina ang divorce agreement mula sa hawak niyang envelope. Pirmado na iyon ni Zayden at talagang hinihintay nalang ang pagpayag niya. Binasa niya ng dalawang beses ang nilalaman no'n bago tuluyang pinadapo ang tinta ng ballpen sa papel at isinulat ang pirma niya. ***** Namumutla na yung buong mukha niya kanina at nanginginig siya. Umulit sa isipan ni Zayden ang mga sinabi ni Calix. Hindi niya alam kung bakit parang kinakabahan siya. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang linya ni Czarina. Gusto niyang patunayan na okay lang ito at arte lang ang ginawa nito kanina. Pero walang sumasagot. Hindi siya mapakali at naisipan ng umuwi. Dinatnan niyang tahimik ang bahay. May kakaibang lamig ang hangin at wala ni isang ilaw ang nakabukas. Binuksan niya ang mga ilaw at tahimik na nagmasid sa paligid. There's no trace of Czarina. Napukaw ng isang envelope na nasa mesa ang atensyon niya. Lumapit siya at agad binuksan iyon para alamin kung ano ang laman. And to his shock, he saw the divorce papers. May pirma nilang dalawa. Laglag ang panga at hindi makapaniwala si Zayden na tinotoo nga ni Czarina ang sinabi nito kanina. "Dahil ayaw niyang mag-sorry kay Chloe ay ito naman ngayon ang palabas niya?" galit na sabi ni Zayden. Nagmamadali itong nagtungo sa kwarto ni Czarina upang patunayan na isa lang ito sa mga prank na ginagawa ng babae. The bed is clean. Maayos ang pagkakatupi ng mga bagay. Malinis ang buong kwarto, at sa sobrang linis ay wala na ni isang gamit ni Czarina ang naroon. The closet is empty, too. Wala sa sariling napaupo si Zayden sa kama at tinitigang muli ang papel na hawak niya. Dapat ay matuwa siya roon, dapat ay magsaya siya. Pero sa halip na iyon ay galit ang nararamdaman niya. ***** "Kakalayas mo lang, ah? Sure ka ayaw mong magpahinga muna?" tanong ni Klarisse, ang bestfriend ni Czarina. Umiling si Czarina at muling tiningnan ang make-up sa salamin ng sasakyan ni Klarisse. Nasa tapat at naka-park na sila sa isang sikat na bar sa lugar nila. It's an exclusive bar inside a high class village na tanging mga nakatira lang doon ang pwedeng pumunta- or mga member ng village association nila. "I feel like partying today," sabi niya at muling inayos ang lipstick bago hinila ang kaibigan papasok. Ilang minuto palang ay napakarami ng lalaki roon ang napapatingin sa gawi niya. "Dayumn, hot," dinig niyang sabi ng isang lalaki. "Czarina Laude?" "Oh fvck?! That's Czarina Laude? Hindi ko alam na ganyan pala siya ka-sexy sa personal?" Pumunta sa gitna si Czarina at kumuha ng isang shot ng whiskey mula sa waiter na dumaan. "How about, let's go and party wild tonight?" sigaw niya. "All drinks are on me!" "Wooohhh!!" Nagpalakpakan ang lahat at maski ang DJ ay na-hyper. Naglabas ito ng magagandang party song at animo'y huling gabi na nila sa lugar na iyon kung magsaya. Czarina swayed her hips and followed the rhythmn of the music. Nakailang kuha na rin siya ng alak at alam niyang medyo may tama na siya pero wala siyang pakielam. "Hi," may lumapit sa kanyang lalaki na medyo malagkit ang tingin. "Hi," ngumiti siya pabalik sa lalaki at wala sa sariling inilagay ang dalawang kamay sa batok ng lalaki. Lalong ngumiti ang ngisi ng kaharap at hinapit ang bewang niya palapit lalo. "May magagalit ba kapag hinawakan kita at isinayaw dito?" sambit ng lalaki at nagtaas pa ng kilay na animo'y nagbibiro. Czarina chuckled sexily. "Trust me, wala, kahit higit pa roon ang gawin mo." "Wwoooohh!!" dinig niyang asar ng mga naroon. "Vince, mahal kita, pero kung si Czarina lang din makakalaban ko, magpaparaya na ako," sigaw ng isang babae sa gitna ng crowd. Natatawa na umiling nalang ang lahat. Sa kabila ng kaguluhan ay nakatitig lang si Vince kay Czarina. Napansin ng babae na sa mga labi niya nakatutok ang mga mata ni Vince. He gulped like he wants to taste her so bad. Dahil sa kalasingan ay wala na rin sa tamang pag-iisip si Czarina. Her heart is broken. Ang asawa-- oopss, ang ex-husband niya ay busy sa babae nito. Siguro naman ay ayos lang kung maging abala rin siya sa ibang lalaki. Tumingkayad siya at pinadapo ang labi sa mapupulang labi ng lalaking kaharap. Nang hindi agad mag-responde ay napaatras siya pero agad siyang hinapit muli ni Vince at ngayon ay ito naman ang naunang humalik. His kisses deapens, tila uhaw na uhaw sa mga labi ni Czarina. Dikit na dikit na ang mga katawan nila sa isa't isa, wala ng pakielam sa mga taong nakatingin. 'Ganito rin ba siya makipaghalikan kay Chloe? Kung kaya niya ay kaya ko ron...' aniya sa kanyang isipan. "Gosh, get a room, guys." "Wait, hindi ba kasal si Czarina sa panganay ng mga Hart? Si Zayden?" Nang maputol ang halikan nilang dalawa ay hinarap niya ang gawi nung nagtanong. "Oh, come on, don't mention bad things right now," sabi niya at umiling. "And for the information of everyone..." Itinaas niya ang ring finger. "Divorced... and happily single."Malakas na ang ulan nang makarating si Zayden sa hospital. "Napapadalas na itong pag-ulan ulan, may bagyo ba?" tanong ng dad ni Zayden. "Saan ka galing?" tanong naman ng mommy nito. "Galing si Czarina dito pero umalis din agad kasi malakas na ang ulan at kailangan niya pang umuwi." Nakuha no'n ang atensyon ni Zayden. "Galing si Czarina rito?" "Hmm. Nagdala lang ng prutas." "Kanina pa nakaalis?" "Hindi kaaalis lang. Hindi ba kayo nagkasalubong diyan? Halos magkasunod kayo, eh. Pagkaalis niya dumating ka naman," sagot ng mommy ni Zayden. "Napakabait at napakaalaga talaga ng babaeng iyon. We were blessed to have her as a family, siya lang talaga ang hindi swerte sa atin..." "Labas lang ako," sabi ni Zayden at nagmamadaling lumabas. "Kadarating mo lang, saan ka na naman--" naputol na ang sinasabi ng dad ni Zayden dahil mabilis ng nakalayo ang anak. ***** Napabuntong-hininga si Czarina nang makita ang panahon sa labas. Medyo malakas na nga ang ulan, kanina ay hindi pa
Sakay ng sasakyan si Chloe at mabilis ang pagpapatakbo ni Zayden. Sa sobrang bilis no'n ay hindi mapigilan ni Chloe na hindi kabahan. Mahigpit din ang pagkakahawak ng babae sa seatbelt niya at sa hawakan sa kanyang gilid. "Zi, ano ba ang nangyayari? Ayos ka lang ba?" kinakabahang sabi ni Chloe rito. Pero hindi siya sinagot o pinansin ni Zayden. Nakatutok lang ang walang emosyong mga mata nito sa daan at tila hangin lang ang kanyang katabi. Dumagundong ang matinding kaba sa dibdib ni Zayden. Ang kaninang mahigpit niyang pagkakakapit sa seatbelt ay mas mahigpit pa ngayon. Nang medyo makalayo na sila ay hininto ni Zayden ang sasakyan sa gilid ng daan. Wala gaanong sasakyan sa banda roon pero mabibilis ang mga dumadaang sasakyan. Mabilis ang paghinga ni Chloe dulot ng kaba at kahit nakahinto na ang sasakyan, pakiramdam niya ay umaandar pa rin ito. Hindi umimik si Zayden hanggang sa magtama ang mga mata nilang dalawa. Salubong ang kilay ng lalaki, ang mapupungay na mga mata
"Let's make a bet..." Nagsalubong muli ang kilay ni Czarina nang marinig iyon mula kay Chloe. Ano ba talaga ang nangyayari sa babae? Pakiramdam niya ay wala na ito sa katinuan. "Tigilan mo ako sa mga ganyan mo, Chloe. If you want to play, go. Huwag mo lang akong idamay," naiiritang sabi ni Czarina. "May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na--" "Let's set a double kidnapping incident. Tignan natin kung sino sa ating dalawa ang uunahin niyang iligtas. How about that?" ngumisi si Chloe matapos sabihin iyon. Bagaman nagulat sa suhestyon nito na kakaiba ay natawa na lamang ng kaunti si Czarina. Alam nilang pareho kung sino ang pipiliin ni Zayden, ano't kailangan pa nilang magsagawa ng mga ganoon? "Alam kong hindi ako ang pipiliin niya at hindi na rin naman ako aasa- ilang taon ko ng ginagawa iyan, Chloe, sa tingin mo ba ay may pakielam pa ako?" sagot ni Czarina sa kaharap bago sumimsim sa kanyang kape. "Really?" nanunuyang wika ni Chloe. "O baka naman natatakot ka lang sa resulta?
Nasa labas pa lamang si Czarina ng room kung saan naka-stay si Grandma ay naririnig niya na ang boses nito na pinagagalitan ang anak. "Ni hindi niyo magawan ng paraan na patigilan ang mga isyu na iyan? Ano na? Akala ko ba ay sosolusyonan niyo iyan? Zander, anak mo ang pulutan ng mga media na iyan, should you be faster covering it now than other issues?!" Huminga nang malalim ang matanda at maski ang pagbuntong-hininga nito ay dinig na ni Czarina kahit nasa pintuan pa lamang siya. "Ano na lang ang iisipin at mararamdaman ni Czarina kapag nabasa at nakita niya ang mga iyan?" tila problemado at nalulungkot pa na dagdag nito. Natigilan si Czarina. Parang may pumiga sa puso niya nang marinig ang huling linya na iyon ni Grandma. Alam niya na mahal siya ng matanda. Pero ngayon ay mas lalo niya lamang napatunayan iyon. Maski ang pagsasabi rito na hindi na niya gusto pa ang kasal na mayroon siya kay Zayden ay hindi magpapatapos sa pagmamahal na mayroon ang matanda sa kanya. But she
Habang nakatingin sa matandang nakahiga sa hospital bed ay hindi mapigilan ni Zayden na makaramdam ng hiya sa mga nangyari. Alam niya ng maysakit at may edad na ito ay nakipagtalo pa rin siya rito. That's why he hates being emotional. Walang nangyayaring maganda. Ang sabi raw ng doctor sa kanila, bagaman ligtas na ito sa ngayon, ay lumalala na raw ang sakit nito. He felt guilty even more. Gising na ang matanda at alam din nito na nasa kwarto lang din na iyon si Zayden pero sinadya nitong hindi tumingin sa kanyang apo. Sa halip ay dahan-dahan itong lumingon sa mommy ni Zayden at hinanap si Czarina. "Bumalik na sa trabaho si Czarina, mom," sabi ni Marissa Hart kay Grandma. "Babalik po iyon dito mamaya pagkatapos niya sa trabaho." Halata na nanghihina pa ito. Sa mga mata pa lang ng matanda ay alam na agad ni Zayden at ng mommy niya ang pinoproblema nito. Grandma loves the Hart Group so much. Hindi lang ang pamilya niya, kundi ang kumpanyang bumuhay sa kanya. Importante sa k
"Let's not jump to conclusions without evidence," malamig na sabi ni Zayden kay Chloe.Hindi nagustuhan ni Chloe ang responde na iyon ni Zayden. Dati isang sabi niya lang ng ganito ay naniniwala agad si Zayden kahit wala siyang pinapakitang ebidensya.Pero bakit hindi na ito epektibo sa lalaki ngayon?"Galit sa akin si Czarina at alam natin pareho iyon. Kaya kahit maghiwalay kayo ay hindi niya gugustuhin na maikasal tayong dalawa--""Chloe," pagputol ni Zayden sa mga sinasabi ni Chloe. Mariin niyang tinignan ang babae sa kanyang mga mata at tila pinapatigil na ito sa pagsasalita pa ng kung ano-ano.Pero hindi nagpatinag si Chloe. Mas lalo lang nanaig ang inis niya kay Czarina nang mapansin na parang pati ang simpatya ni Zayden ay naaagaw na nito."Hindi niya ako gusto para sa'yo, Zi. Gusto niya na masira tayo, na masira ako. Hindi pa ba sobra-sobra itong ginagawa niya? Matapos ang mga maliliit na pranks na ginagawa niya noon, ngayon naman ay isinisiwalat niya sa publiko ang mga p'wede







