"LET GO OF ME!" naiinis na sabi ni Czarina at itinulak ang kamay ng lalaki. "Hindi ako sasama sa'yo at hindi ako magso-sorry sa babaeng iyon."
"Ganyan ka ba talaga? Wala kang puso? You almost killed her!" marahas na wika ni Zayden. Pumikit ng mariin si Czarina. Kung may muntik mang mamatay dito ay siya iyon at hindi si Chloe. Masama naman ang tingin ni Zayden kay Czarina. Hindi niya lubos akalain na ganito kasama ang babae. Habang tumatagal ay lumalala ang mga ginagawa nito at hindi niya na hahayaan na mas grumabe pa iyon. He is determined to make her apologize. "Kahit ano pa ang sabihin mo ay hindi ako magso-sorry sa kanya," ani Czarina. Nagulat si Zayden sa naging pagsagot nito. "Inilalabas mo na ba ang tunay na kulay mo after many years?" Nagtaas ng kilay si Zayden. Kumibot-kibot ang labi nito na tila marami pang gustong sabihin. Suminghal si Czarina at hindi makapaniwalang tiningnan si Zayden. "You don't respect me at all, do you?" tanong niya sa lalaki. "Just because of that girl?" Mahigpit na hinawakan ni Zayden ang braso ni Czarina at ang mga mata nito ay nagbabanta. "Dare to disrespect her again--" "And what?" matapang na nagtaas ng noo si Czarina. It pains her... a lot. Pero ubos na ubos na siya. Hanggang kailan niya ba titiisin ang lahat para kay Zayden? Sa kanila ni Chloe ay siya ang nagmumukhang kirida. Siya ang habol ng habol sa lalaking hindi naman naglalaan ng oras para sa kanya. Zayden has only two priorities in his life. His business and Chloe. Wala si Czarina roon... kahit na siya pa ang asawa nito sa papel. "Please!" napipikon na sabi ni Zayden. "Stop being a brat!" "Do you really love her? That much? To disrespect me so much? Huh?" dire-diretsong sabi ni Czarina. "Mas gugustuhin mo ba na siya nalang ang asawa mo?" "Yes," malamig at mabilis na sagot ni Zayden. Natigilan si Czarina. Mas lalong bumaba ang self-esteem niya at sa mga oras na iyon ay gusto nalang niyang lamunin ng lupa. All her hardwork for years? It means nothing to him. Huminga siya nang malalim bago binanggit ang mga salita na hindi niya alam kung pagsisisihan niya. "Let's get a divorce..." Nagulat si Zayden sa narinig. Sa kanilang dalawa, sa madalas nilang pagtatalo, ay siya ang laging nagsasabi no'n. Ayaw ni Czarina at ayaw rin ng pamilya niya. Kaya naman hindi niya inaakalang maririnig niya iyon ngayon sa bibig ng babae. Umiling ito at inisip na technique lang iyon ni Czarina para hindi mag-sorry kay Chloe. "Ganyan ba talaga kataas ng pride mo? Just go and apologize!" iritadong sabi niya pero hindi niya makitaan ng ano mang emosyon si Czarina. Kasabay ng malamig na ihip ng hangin ay ang lamig na bumalot sa puso niya. Ngayon niya tuluyang napagtanto kung ano siya para kay Zayden. In a life and death situation, he'd choose Chloe over and over again. Sinuway niya ang mga magulang para sa lalaki, tiniis niya ang lahat ng sakit... pero sa huli ay talo pa rin siya. "Pagod na ako, Zayden, tapusin na natin ito." Zayden froze. Sa unang pagkakataon ay narinig niyang binigas ni Czarina ang buong pangalan niya, bagay na hindi nito ginagawa. "Now, you're threatening me with divorce?" mapaklang tumawa ang lalaki. "Go of you can," hamon niya sa babae. Mapait na ngumiti si Czarina. 'S'yempre, sino ba ako para pigilan mo? Eh, pabor iyon sa'yo at sa babae mo.' aniya sa kanyang isipan. Nagkatitigan sila pareho, walang gustong magbaba ng tingin na para bang ang unang bumitiw ay talo. Hindi ma-pride na tao si Czarina at hindi rin ito spoiled brat tulad ng binibintang sa kanya ni Zayden. She's just a soft-hearted girl that is really broken inside. Tumungo si Czarina at huminga nang malalim. Umatras ito ng dalawang beses, tumalikod, at iniwan doon si Zayden. Sinundan ng tingin ni Zayden si Czarina. Alam niyang hindi nito gagawin ang divorce na sinasabi niya. After all, it was her who wants this marriage. "Bro," tawag ni Calix at lumapit sa kanya. "Nasaan ang asawa mo?" Nagkibit ng balikat. "Malay ko." "Kawawa iyon kanina, halos maubusan na ng hangin sa katawan. Nakainom din ng madaming tubig," sabi ng kaibigan. Zayden smirked. "Palabas niya lang iyon." Sa isip ni Zayden ay hindi totoo ang mga bagay na iyon. Bata palang ay nagswi-swimming lessons na si Czarina kaya imposibleng sa pool lang ay malulunod siya. "Sabagay. Grabe naman ang asawa mo, talaga bang tinulak niya si Chloe?" "The usual," malamig na sagot ni Zayden. "Pero hindi eh," sabi ni Calix. "Bro, imposible na palabas niya lang iyon. Namumutla na yung buong mukha niya kanina at nanginginig siya. Sigurado ka bang marunong siyang lumangoy?" Hindi nakasagot si Zayden. Alam niyang marunong lumangoy si Czarina pero hindi niya matandaan kung kailan niya ito huling nakita na nag-swimming. Ni hindi nga ito nakapang-swimming kanina at mukhang walang balak maligo. Umiling siya at inalis iyon agad sa isipan. Hindi na niya sinagot ang tanong na iyon ni Calix at agad nagtungo sa hospital. ***** "HUWAG MO NA AWAYIN," mahinang sabi ni Chloe habang nakatingin kay Zayden. "Baka hindi niya naman sinasadya." "Sinadya o hindi, dapat ay hindi na siya naglalalapit sa'yo," iritadong sabi ni Zayden. Pakiramdam nito ay responsibilidad niya si Chloe. "Calm down, alright?" ngumiti si Chloe at hinawakan ang kamay ni Zayden. "Smile ka na, Zi, hmm?" Tumango si Zayden at pinagbigyan ng ngiti ang babae. Ang maamong mukha nito ay mas lalong nagpaigting sa galit na nararamdaman niya sa kanyang asawa. 'Kaibigan niya si Chloe, at napakabait ng babaeng ito. Paano niya nagagawang saktan?' sa loob ng isipan niya. "I'm really sorry," mahinang wika nito habang nakatingin sa nakatusok na kung ano sa kamay ni Chloe. "Kung sana hindi kita iniwan doon kanina--" "Ano ka ba, 'wag ka nga'ng ganyan. I'm fine, okay?" ngumiti si Chloe sa kanya. "Wala ka sanang phobia sa tubig kung hindi dahil sa akin. This is my fault, I should have been more careful. Palagi ka nalang napapahamak dahil sa akin." Lumikot ang mga mata ni Chloe at iniwasan makita ang mukha ni Zayden. Hanggang kailan ba siya magsisinungaling tungkol sa bagay na iyon? O may balak pa ba siyang amin iyon sa lalaki? 'Not until I become Mrs. Hart.' wika niya sa isipan.Limang minuto bago matapos ang oras na ibinigay sa kanya ni Zayden ay dumating si Czarina sa napag-usapan nilang lugar. Nadatnan niya ang lalaki na kumakain, may kape sa mesa at dalawang klase ng pasta. He was eating elegantly. Hindi napigilan ni Czarina na hindi mapairap. Lahat ng ginagawa ni Zayden ay talagang marahan na para bang hindi ito pwedeng magkamali. He's indeed a perfectionist. Hinila ni Czarina ang upuan at uupo na sana sa tapat nito upang mapansin ni Zayden ang presensya niya dahil mukhang wala itong balak na tapunan siya ng tingin. Pero bago pa man niya magawa iyon ay nag-angat na ng mukha si Zayden. Nagpunas ng labi at malamig siyang tinignan. "May sinabi ba ako na pwede kang maupo?" Napakagat ng labi si Czarina. Hindi niya alam kung matatakot siya o maiinis. Gayunpaman ay hindi niya sinunod si Zayden. Umupo pa rin ito, pero halata na hindi siya komportable dahil na-i-intimidate siya sa lalaki. Hindi naman siya magkakaganito kung hindi lang dahil sa kasalanan ni
Nagising si Czarina sa tawag mula sa kanyang Kuya Victor. Sinilip niya ang oras at alas singko pa lamang ng umaga kaya bigla siyang kinabahan. Sigurado siyang isang importanteng bagay ang nangyari para tawagan siya nito ng ganoon kaaga. "Cza, bad news," medyo tarantang sabi ng kanyang pinsan. Pumikit ng mariin si Czarina at umikot sa kama. Ano na naman kayang balita ang sisira sa araw niya? "Nalaman na ni Zayden kung saan nanggaling na base ang nag-hack ng system nila kahapon. At ngayon lang, nalaman din niya na tayo rin ang may gawa ng nangyari sa cellphone niya..." Pagkarinig iyon ay agad napabangon at napaupo si Czarina sa kama. Ano? "Kuya naman," may iritasyon at kaba sa boses niya. Magaling na hacker si Victor at kung magsasama pa sila ni Czarina ay tiyak na wala na halos makakasira at makakaalam sa kung ano ang ginawa nila. Kaya paanong nangyari ito? Paano nila nalaman? "Pero," agad na sabi ni Victor at humina ang sumunod na sinabi. "Ligtas na ako ngayon, ligtas
"Mrs. Smith," magalang na bati ni Czarina. Ilang segundo siyang tinitigan ng mommy ni Chloe, si Fatima Smith. "Napakabata mo pa para magustuhan ang mga ganitong pang matandang disenyo," may halong sarkasmo na sabi nito kay Czarina. "Tumitingin lang po," sagot ni Czarina na ayaw na sanang patulan ang pagmamaldita ng babae. "Tumitingin lang?" the woman scoffed. "Young people nowadays, sinasayang niyo lang ang oras niyo at oras ng mga taong nag-aasikaso sa inyo." Hindi umimik si Czarina. Gusto niya naman sanang bilhin iyon kung hindi lang dumating ang mommy ni Chloe. Talagang mainit ang ulo ng ginang ngayon sa kanya dahil katatapos lang sumubok mag-suicide ng anak niya. Hindi niya rin ito masisisi. Mukha namang mabait at madaling makakasundo ang mommy ni Chloe. Sa unang tingin ay iisipin mong napakahinhin nito. Pero hindi. Sa paraan palang ng pananalita nito ay halatang nanunubok na agad ng pasensya. O siguro dahil si Czarina siya, ang babaeng kaagaw ng anak niya sa iisan
Matanda naman na sila pareho. Ayaw na rin ni Adrian na magpaligoy-ligoy pa. Oo, aminado siya na kaya siya dikit ng dikit kay Czarina dahil may gusto siya rito. He never liked a girl this much. Ngayon lang. At hindi niya gusto na nasasaktan si Czarina dahil lang sa isang lalaki na hindi siya kayang pahalagahan. Nagulat si Czarina pero na-gets niya agad ang ipinupunto ni Adrian. Hindi na para magmanhid-manhidan pa siya at sabihing hindi niya nakuha ang gusto nitong iparating. "Adrian, kasal pa rin ako. Legally, hindi pa ako divorced," medyo kinakabahang sabi ni Czarina. "I know." Tuluyan ng hinarap ni Czarina si Adrian. "Adrian, gusto mo bang masabihan ng kabit? Na naninira ng pamilya?" sabi ni Czarina. Tiyak din na hindi siya tatantanan ni Zayden kapag nalaman niya ito. Baka baliktarin pa siya ng lalaki at sabihing siya ang nagloloko sa kanilang dalawa. At hindi rin gusto ni Czarina na madamay pa sa ganoong sitwasyon si Adrian. "He was the one who cheated," sabi ni Adrian. "Pe
Hindi umuwi diretso si Zayden. Sa halip ay nagtungo ito sa heart surgery department kung saan nagtatrabaho si Czarina. Pagdating niya roon ay agad niyang namataan ang babae na nakatingin sa labas ng glass wall. Malayo ang tingin nito at halata na malalim ang iniisip. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Czarina. Pinapakalma niya ang sarili. Ilang minuto pa siyang naglagi roon bago napagpasyahan na bumalik na sa station nila. Paglingon niya ay nagtama ang mga mata nila ni Zayden. Nakatayo lang doon si Zayden, nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa, at kitang-kita ang pagod sa kanyang mata. Hindi sila nagngitian o nag-usap man lang. Tumalikod na si Zayden at nagsimula ng maglakad paalis. Bumalik sa isipan ni Czarina ang nakitang posisyon nila Zayden at Chloe kanina, kung gaano kalapit ang dalawa, at kung paano i-comfort ni Zayden ang babae. Napangiti na lamang siya ng mapait. Tahimik lang niyang pinanood ang pag-alis ni Zayden at hindi na ito pinigilan.
Kinabukasan, wala ng ulan at maganda ng muli ang sikat ng araw. Sa kabila no'n ay malamig pa rin ang simoy ng hangin. Nagbabadya ng isang masayang araw para sa lahat. Pagkatapos mag-breakfast ay pumasok na sa trabaho si Czarina. "Nabalitaan niyo na ang nangyari kay Chloe? Talagang malala pala ang nangyari kagabi at binalak niyang magpakamatay!" "Uy, talaga? Totoo ba iyan?" "Oo nga, na-hospital siya. Nandito siya ngayon at kasama niya si Sir Zayden Hart buong magdamag." Unti-unting bumagal ang lakad ni Czarina sa narinig. Napatingin siya sa mga nurse na nag-uusap-usap. Nakatayo sa gilid si Sanya. Nang makita si Czarina ay agad itong kumaway at bumati "Hi, Czarina! Good morning." "Sumubok magpakamatay si Chloe?" tanong ni Czarina sa babae. "Ah, oo, kalat na nga sa buong hospital." Hindi makapaniwala si Czarina. Ano ang dahilan? Dahil ba sa mga sinabi ni grandma? Para roon ay magpapakamatay na si Chloe? Agad siyang umalis doon at pumunta sa inpatient department. Gus