Share

FOUR

Author: Raine
last update Last Updated: 2025-02-07 06:27:47

"DIVORCED?" Nanlalaki ang mga mata ni Calix nang marinig at makita sa personal na inanunsyo iyon ni Czarina.

Nilingon niya ang katabing lalaki na kanina pa galit na galit na nakatingin kay Czarina.

Yes, he was there. Naroon sa mismong bar na iyon si Zayden at matamang nakamasid. Dismayado siya sa nakikita pero pinipigilan niya ang sariling gumawa ng eksena.

"Wait, so, ang ibig sabihin ba no'n ay--"

"Shut up!" iritadong sabi ni Zayden kay Calix. He gritted his teeth in anger. Tumingin siya sa malayo at pilit kinalma ang sarili.

Nang medyo kumalma na ang pakiramdam niya ay bigla namang nagsigawan ang lahat at bigla siyang napalingon. And there, he saw a drunk woman dancing sexily in front of the crowd. Nasa gilid lang nito si Vince na nakahawak sa bewang niya, nakangiti, at tila proud na proud kay Czarina.

"Fvck. She's too drunk," sabi ni Zayden.

Wala sa sariling naglakad siya patungo sa gitna at hinila ang palapulsuhan ni Czarina.

Nag-angat ng tingin si Czarina at kahit lasing ay malinaw pa naman ang mata niya at sigurado siya kung sino ang humigit sa kanya.

"Bitawan mo ako..." mahinang sambit niya at pilit nagpumiglas sa lalaki.

"Bro, bitawan mo si Czarina--"

"Fvck off. I'm her husband," galit na sabi ni Zayden at hinila palayo si Czarina.

Wala ng nagawa ang babae dahil binigawan na rin siya ni Vince, nakatakot na ang huli nang mapagtanto kung sino ang humila kay Czarina.

Galit na binitawan ni Zayden si Czarina nang makarating sila sa tapat ng kanyang sasakyan.

"What the hell are you doing?!" sigaw niya rito. "Ano ka? Bold star? And what? Announcing that we are already divorced?"

Wala sa sariling natawa si Czarina.

"Ano ba'ng problema mo sshhinabi ko bang... ugh! Nahihilo--"

"Damn, why do you have to drink so much?" naiinis na sabi ni Zayden.

Magsasalita na sana itong muli nang may lumapit na babae.

Nakilala agad iyon ni Zayden. Kaibigan iyon ni Czarina mula pa noong high school.

"Ako na ang mag-uuwi sa kanya," sambit ni Klarisse at hinawakan ang braso ni Czarina.

"No, sa iisang bahay lang din naman kami kaya ako na ang mag-uuwi sa kanya," agad na tutol ni Zayden.

Umiling si Klarisse. "She moved out already. Kinuha niya na lahat ng gamit niya. Don't tell me hindi ka pa umuuwi kaya hindi mo pa alam?" she scoffed. "Sabagay, kung abala ka ba naman sa ibang babae."

Pumikit ng mariin si Zayden at hindi na nakipagtalo pa kay Klarisse. Gusto niyang magalit pero ayaw niyang ibato ang galit sa ibang tao.

"We'll talk after you sober up," sabi niya kay Czarina.

"Talk?" Tumawa ang babae na parang nababaliw na. "Talk sh*t ka, gago..."

Gulat na tumingin si Zayden sa kanya. Ngayon niya lang narinig na magsalita ng ganoon si Czarina.

Tumawa ang babaeng katabi nito. Kaya naman pinukol iyon ng masamang tingin ni Zayden.

"What?" natatawang sabi ni Klarisse at agad inalalayan palayo roon si Czarina.

"Napadami yata ng inom ang asawa mo, ah?" sabi ng kararating lang na si Calix.

Walang emosyong tinalikuran iyon ni Zayden at sumakay sa sasakyan. Bago umalis ay binuksan niya ang bintana at kinausap si Calix.

"Run a background check on that guy," sabi niya na ang tinutukoy ay ang lalaking nakahalikan ni Czarina kanina. "At siguruhin mong walang lalabas na kahit anong balita o pictures. My grandmother will kill me if she finds out."

Iyon at pinaharurot niya na ng mabilis ang sasakyan na tila doon binubuhos ang galit.

*****

"ANO?? GINAWA KO IYON?" histerical na reaksyon ni Czarina nang ikwento ni Klarisse ang mga nangyari kagabi.

"Kung nakita mo lang, galit na galit ang asawa mo," kwento pa ng kaibigan.

Yumuko si Czarina, may mga ilang parte siyang naalala sa nangyari kagabi.

"Natatakot lang iyon na magkalat ako," sabi niya. "Imposible namang magkaroon ng pakielam iyon, panigurado ay ayaw niya lang madumihan ang imahe niya."

Nagkibit ng balikat si Klarisse. "Sabagay. Actually, 'wag na nga nating pag-usapan ang siraulong asawa mo. Mag-ready ka na dahil may dinner party na in-organize ang family mo para sa'yo."

"Ha?" Natampal niya ang noo. "Sinabi ko na nga na 'wag muna ipagsabi na bumalik na ako rito, eh."

Natawa si Klarisse sa reaksyon niya.

"Excited na ang buong pamilya mo na makita ka, ano pa ba ang magagawa mo? Pupunta rin ang lolo at lola mo. Dapat nga excited ka. Ngayon na makikipaghiwalay ka na sa asawa mo ay nagpa-party na ang lahat."

Mapait na ngumiti si Czarina. Hindi sa ayaw ng pamilya niya kay Zayden. Ang ayaw ng mga ito ay ang paghahabol niya sa lalaki. Alam nilang lahat na sa kanilang dalawa ay si Czarina lang naman ang may gusto sa lalaki.

Iniwan niya ang pamilya niya at ipinilit ang sarili sa lalaking kahit kailan ay hindi naman pala susuklian ang pagmamahal niya.

"Ako na bahala sa make-up mo, hmm? Dali naaa, maligo ka na."

Wala na siyang nagawa at tumayo na upang sundin ang sinabi ni Klarisse.

*****

SA MALAWAK NA GARDEN ng mga Laude ay may mahabang mesa silang inilagay. May mga naka-serve na na masasarap na pagkain at may wine na rin doon na nakahanda.

Gabi na at ang mga maliliit na ilaw na nakapalibot sa buong lugar ang lalong nagbigay kulay sa parteng iyon ng bahay.

"Hi, honey," humalik sa kanya ang mga tito at tita niya.

Niyakap rin siya ng lolo at lola niya. Lahat ay tuwang-tuwa nang malaman na hihiwalayan niya na si Zayden.

She's Czarina Laude, ang nag-iisang anak ng mga Laude. Paboritong apo at paborito ring pamangkin ng halos lahat ng mga tito at tita niya.

Everyone treats her a princess here. Hindi niya alam kung bakit nagtiis siyang tratuhing walang kwenta sa pamamahay ng iba.

"Ngayon na nandito ka na, magtatrabaho ka na ba sa hospital, hija?" tanong ng lola niya na isang sikat at talented na heart surgeon.

Ang asawa nito ay neurologist at halos lahat sila ay nag-aral ng medisina.

"Ma, mas maganda na mag-focus nalang siya sa business kaysa magtrabaho pa bilang doctor," sabi naman ng ama ni Czarina na may sariling kumpanya kung saan nagfa-franchise sila ng marami at iba't ibang brand.

"Naku, kinukuha nga ring model itong si Czarina, eh, bakit hindi ka nalang mag-model, hija? Para naman may maiba naman sa pamilyang ito."

At tuluyan ng nagtalo-talo ang mga ito. Wala pa sa isip ni Czarina ang mga bagay na iyon. Biglaan ang lahat at hindi niya pa alam kung ano ang gagawin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 252

    "Let's make a bet..." Nagsalubong muli ang kilay ni Czarina nang marinig iyon mula kay Chloe. Ano ba talaga ang nangyayari sa babae? Pakiramdam niya ay wala na ito sa katinuan. "Tigilan mo ako sa mga ganyan mo, Chloe. If you want to play, go. Huwag mo lang akong idamay," naiiritang sabi ni Czarina. "May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na--" "Let's set a double kidnapping incident. Tignan natin kung sino sa ating dalawa ang uunahin niyang iligtas. How about that?" ngumisi si Chloe matapos sabihin iyon. Bagaman nagulat sa suhestyon nito na kakaiba ay natawa na lamang ng kaunti si Czarina. Alam nilang pareho kung sino ang pipiliin ni Zayden, ano't kailangan pa nilang magsagawa ng mga ganoon? "Alam kong hindi ako ang pipiliin niya at hindi na rin naman ako aasa- ilang taon ko ng ginagawa iyan, Chloe, sa tingin mo ba ay may pakielam pa ako?" sagot ni Czarina sa kaharap bago sumimsim sa kanyang kape. "Really?" nanunuyang wika ni Chloe. "O baka naman natatakot ka lang sa resulta?

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 251

    Nasa labas pa lamang si Czarina ng room kung saan naka-stay si Grandma ay naririnig niya na ang boses nito na pinagagalitan ang anak. "Ni hindi niyo magawan ng paraan na patigilan ang mga isyu na iyan? Ano na? Akala ko ba ay sosolusyonan niyo iyan? Zander, anak mo ang pulutan ng mga media na iyan, should you be faster covering it now than other issues?!" Huminga nang malalim ang matanda at maski ang pagbuntong-hininga nito ay dinig na ni Czarina kahit nasa pintuan pa lamang siya. "Ano na lang ang iisipin at mararamdaman ni Czarina kapag nabasa at nakita niya ang mga iyan?" tila problemado at nalulungkot pa na dagdag nito. Natigilan si Czarina. Parang may pumiga sa puso niya nang marinig ang huling linya na iyon ni Grandma. Alam niya na mahal siya ng matanda. Pero ngayon ay mas lalo niya lamang napatunayan iyon. Maski ang pagsasabi rito na hindi na niya gusto pa ang kasal na mayroon siya kay Zayden ay hindi magpapatapos sa pagmamahal na mayroon ang matanda sa kanya. But she

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 250

    Habang nakatingin sa matandang nakahiga sa hospital bed ay hindi mapigilan ni Zayden na makaramdam ng hiya sa mga nangyari. Alam niya ng maysakit at may edad na ito ay nakipagtalo pa rin siya rito. That's why he hates being emotional. Walang nangyayaring maganda. Ang sabi raw ng doctor sa kanila, bagaman ligtas na ito sa ngayon, ay lumalala na raw ang sakit nito. He felt guilty even more. Gising na ang matanda at alam din nito na nasa kwarto lang din na iyon si Zayden pero sinadya nitong hindi tumingin sa kanyang apo. Sa halip ay dahan-dahan itong lumingon sa mommy ni Zayden at hinanap si Czarina. "Bumalik na sa trabaho si Czarina, mom," sabi ni Marissa Hart kay Grandma. "Babalik po iyon dito mamaya pagkatapos niya sa trabaho." Halata na nanghihina pa ito. Sa mga mata pa lang ng matanda ay alam na agad ni Zayden at ng mommy niya ang pinoproblema nito. Grandma loves the Hart Group so much. Hindi lang ang pamilya niya, kundi ang kumpanyang bumuhay sa kanya. Importante sa k

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 249

    "Let's not jump to conclusions without evidence," malamig na sabi ni Zayden kay Chloe.Hindi nagustuhan ni Chloe ang responde na iyon ni Zayden. Dati isang sabi niya lang ng ganito ay naniniwala agad si Zayden kahit wala siyang pinapakitang ebidensya.Pero bakit hindi na ito epektibo sa lalaki ngayon?"Galit sa akin si Czarina at alam natin pareho iyon. Kaya kahit maghiwalay kayo ay hindi niya gugustuhin na maikasal tayong dalawa--""Chloe," pagputol ni Zayden sa mga sinasabi ni Chloe. Mariin niyang tinignan ang babae sa kanyang mga mata at tila pinapatigil na ito sa pagsasalita pa ng kung ano-ano.Pero hindi nagpatinag si Chloe. Mas lalo lang nanaig ang inis niya kay Czarina nang mapansin na parang pati ang simpatya ni Zayden ay naaagaw na nito."Hindi niya ako gusto para sa'yo, Zi. Gusto niya na masira tayo, na masira ako. Hindi pa ba sobra-sobra itong ginagawa niya? Matapos ang mga maliliit na pranks na ginagawa niya noon, ngayon naman ay isinisiwalat niya sa publiko ang mga p'wede

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 248

    "All I need is a reason for all of this nonsense actions and decision of yours, Zayden!" sigaw ng matanda na halatang nanggagalaiti na sa galit. Gustong-gusto niyang sabihin ang tunay niyang dahilan sa kanyang pamilya nang sa gayon ay maintindihan din naman ng mga ito ang punto niya. Pero ibinilin at ipinakiusap ni Chloe na 'wag sabihin iyon maski na sa kanyang pamilya. Ayaw nito na may makaalam ng nangyari. Pero sa puntong ito ay punong-puno na rin si Zayden. "Chloe--" Subalit bago pa siya makapagsalita ay napahawak na sa dibdib ang matanda at halos matutumba na. "Mom!" sabay na bulalas ng mag-asawa at mabilis na umalalay sa matanda. Nanlaki ang mga mata ni Zayden. Nakaramdam siya ng matinding pagkataranta at hindi malaman ang gagawin. Tumakbo siya palapit kay Grandma, nanginginig ang buong katawan sa takot lalo na't siya ang dahilan ng matinding stress nito nitong mga nakaraan, isama mo na rin ang sagutang nangyari sa pagitan nila ngayon.. "Ready the car, Zayden!"

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 247

    Lamig ang bumalot sa katawan ni Zayden nang pumasok siya sa kanilang bahay. Tahimik pero ramdam niya ang presensya ng mga tao. Pagpasok pa lang ay nakita niya na si Grandma na nakaupo, nasa tabi naman nito ang kanyang ina na tila umaalalay sa matanda na nag-aapoy sa galit. Medyo nagulat si Zayden nang makita ang isang tao pa roon na hindi naman gaanong nagpapakita sa mga ganitong sitwasyon, ang kanyang ama. "Zayden," sambit ng mommy ni Zayden sa kanyang pangalan nang makita na siya nito na pumasok. Nag-angat ng mukha ang matanda at marahas na tumayo. Kitang-kita ang pagkamuhi sa mukha nito. Mabilis ang naging pagkilos ng matanda na naglakad palapit kay Zayden at sinampal ang kanyang apo nang malakas. Zayden was stunned. Pero kahit ganoon ay hindi siya nag-react, hindi siya nag-angat ng mukha, hindi niya tinapatan ang mga mata ng kanyang Grandma o sinabayan ang galit nito. He's at fault. Aminado naman siya roon. "What the hell are you doing, huh?" mariing wika ni Grandm

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status