Share

The Billionaire's Abandoned Wife
The Billionaire's Abandoned Wife
Author: shining_girl

Kabanata 1

Author: shining_girl
last update Last Updated: 2024-05-07 20:38:13

“Anong ibig sabihin nito?!”

Agad na napabalikwas ng bangon sa kama si Diana nang marinig ang malakas na boses na iyon. Naguguluhan niyang kinuskot-kusot ang kanyang mata hanggang sa luminaw ang naaaninag niyang bulto na nasa may pinto ng silid. Agad na bumadha ang pagatataka sa magandang mukha ng dalaga nang makitang si Don Arturo Gutierrez ang naroon. Ito ang patriyarka ng isa sa pinakamayamang angkan sa buong bansa. Alam ng dalaga na kaibigan ito ng kanyang mga magulang subalit sa malabong isip ay hindi niya maintindihan kung bakit naroon ito mismo sa kanyang silid nang ganoon kaaga.

Dahil hindi siya makaapuhap ng sasabihin ay bumaba ang tingin ng matanda sa kanyang tabi. Na sinundan din naman niya ng tingin.

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ng dalaga, nag-init din ang mga pisngi nang makita nito kung sino ang nasa kanyang tabi, isang lalaki-- hubad ang pang-itaas na bahagi ng katawan at tanging manipis lamang na kumot ang tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito—gaya niya.

Napasinghap na si Diana, humigpit na rin ang hawak sa kumot na tumatakip sa kaniyang dibdib. Tila siya namanhid sa natuklasan. Pumikit siya, bahagyang ipinilig ang ulo—sinusubukang hagilapin sa kanyang isip kung ano ang nangyari kagabi at nasa ganoon silang ayos ngayon ng lalaking kasama niya sa higaan. Subalit… tila wala siyang maalala. Blangko ang kanyang isip. Na lalo lamang nagpadagdag sa kanyang kaba. Isa lang ang alam niya, wala siya sa kanyang silid.

Humakbang na palapit sa kama si Arturo, sa isip nito’y naroon ang alalahanin na maaring idulot ng kaganapang kanyang natuklasan. “Nick, gumising ka! Ano ba itong nagawa mo kay Diana?!” sigaw ng matanda, bakas na bakas sa mukha nito ang pagkabigla.

Noon naman sunod-sunod na dumating sa silid sina Sofia, ang ina ni Nick, at ang ilan sa mga katulong sa mansiyon ng mga Gutierrez.

Bahagyang gumalaw ang lalaki sa kanyang tabi. “Damn, lights!” anas nito bago iniharang ang braso sa mga mata nito. “What is it, Grandpa? Ang aga-aga pa. What do you need from me?” dugtong pa nito, nanatiling pikit.

“Bumangon ka r’yan ngayon din, Niccolo Alessandro! May ginawa kang kasalanan kagabi at hindi ako papayag na hindi mo panagutan!” ani Arturo, may pinalidad sa tinig.

Noon tuluyang napamulat si Nick, sa isip ay hindi niya maintindihan ang sinasabi ng abuelo. Mabilis siyang bumangon sa kama upang mapamura lang ulit nang maramdaman ang pananakit ng kanyang ulo. Talagang naparami ang inom niya kagabi. Bakit ba hindi, ang selebrasyon kagabi sa kanilang mansiyon ay para sa kanya. Dahil matapos niyang mamalagi sa London ng ilang taon para sa kanyang master’s degree, ay nakauwi na siya sa Pilipinas upang pamahalaan ang Beaumont-Gutierrez Conglomerate o BGC, ang kumpanyang pag-aari ng kanilang pamilya at ipinamana na sa kanya kagabi ng kanyang abuelo.

“Lolo, I don’t see why—“ Hindi na naituloy ni Nick ang nais niyang sabihin nang makarinig siya ng paghikbi sa kanyang tabi. Nang bumaling siya sa kanyang tabi ay noon niya nakita si Diana Saavedra, nakasiksik ang sa gilid ng kama at tanging ang manipis na kumot lang nakatakip sa hubad nitong katawan.

Agad na kumabog ang dibdib ng binata. Muling ibinalik ang mga mata sa abuelo na noon ay bakas na ang galit sa mukha.

“Magbihis ka ngayon din, Nick. Ikaw rin Diana. Gusto ko kayong makausap na dalawa sa library,” ani Arturo bago bumaling kay Sofia. “Ipatawag mo ang mga Saavedra. Sabihin mong ipatigil na nila sa mga pulis ang paghahanap kay Diana dahil nandito siya sa atin.”

“Ora mismo, Papa,” ani Sofia, makahulugan pang tumingin sa dalawa na nasa kama bago nagmamadaling lumabas ng silid. Sumunod din si Arturo dito pati na ang mga katulong.

Sunod-sunod na nagmura si Nick nang sila na lang dalawa ni Diana. Nagmadali rin itong nagbihis. Matapos niyon, naglakad na ito patungo sa pinto. Subalit bago ito lumabas, pinukol muna siya nito matalim na tingin. Dahil doon, lalong nagsumiksik si Diana sa gilid ng kama dahil sa takot. Ni minsan, sa ilang taon nilang pagkakakilala ng binata, hindi pa niya nakita sa mga mata nito ang ganoong klaseng poot.

Napakislot pa siya nang pabagsak nitong isara ang pinto. Doon napansin ni Diana ang bakas ng dugo sa may kobrekama. Totoo nga, ibinigay niya ang sarili kay Nick nang nagdaang gabi. Kung paano, hindi niya maalala. Subalit ni wala siyang anumang pagsising makapa sa kanyang dibdib sa nangyari, dahil si Nick ang lalaking matagal na niyang lihim na iniibig.

---

Napatigil si Diana sa akma niyang pagkatok sa pinto ng library nang marinig niya ang sunod-sunod na pagsigaw ni Nick sa loob ng silid.

“Lolo, hilingin mo na ang lahat h‘wag lang ‘yan. Hindi ko maaring pakasalan si Diana! May iba akong gusto!”

Agad na humapdi ang dibdib ni Diana sa kanyang narinig. Matagal na niyang alam ang katotohanang iyon subalit…

“Pangalan natin ang nakataya sa nangyaring ito, Nick. Anong iisipin ng mga taong alam na magdamag na nawala si Diana upang matagpuan lamang siya dito sa atin, sa mismong kwarto mo? People will talk, alam mo ‘yan!”

“Then let them talk!”

“Sinverguenza! Masyado ka yatang kampante sa estado mo ngayon dahil lang sa selebrasyon kagabi. Alalahanin mong buhay pa ako at nakakapagdesisyon ng sarili. Isang tawag ko lang sa abogado’y maari kong baliin ang mga nauna kong plano tungkol sa yo at sa BGC. Hindi ko hahayaan na ‘yang kagaspangan ng ugali mo ang sisira sa kumpanyang pinagpaguran ko ng ilang dekada, Niccolo Alessandro. Sa ayaw at sa gusto mo, pananagutan mo si Diana!”

Hindi pa man tumitimo sa isip ng dalaga ang mga narinig, bigla na lang bumukas ang pinto ng library. Agad na nagtama ang tingin nilang dalawa ni Nick.

Lalong tumindi ang galit sa mga mata nito. “Sisiguruhin kong magdurusa ka sa piling ko, Diana,” anito bago ito humakbang palabas ng silid at humakbang palayo.

Nanginig si Diana sa sinabi ni Nick. Subalit hindi pa man siya nakakahuma ay tinawag na siya ni Don Arturo.

“Nariyan ka na pala, Diana,” umpisa nito, nakangiti. “Halika, pumasok ka, hija. Parating na ang Daddy at stepmother mo. Pag-uusapan natin ang magiging kasal ninyo ni Nick sa susunod na linggo.”

Lalong namanhindi si Diana sa narinig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Hayden Casundo
May kapareha xang story, yong the beautiful bustard,,
goodnovel comment avatar
Rema
Very goo story
goodnovel comment avatar
Fe Balais Hslili
umpisa pa lng nakakarakot na sa part ni Diana fight lng Diana
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 700

    “Are you okay, Jewel?” untag ni Geri sa pinsan na noon ay natagpuan niyang mag-isang nasa garden ng events place kung saan ginaganap ang reception ng binyag ng anak. She had been looking for her cousin for a while now.Agad na bumaling si Jewel kay Geri, ngumiti. “Y-yes, w-why… why wouldn’t I be?”P

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 699

    Nagmamadaling isinara ni Geri ang pinto ng silid nila ni Enzo bago dumiretso sa hagdan. Naghihintay na ang kanyang mag-ama sa ibaba ng bahay. May pupuntahan sila, siya na lang ang kulang. She was raised to be a person who is mindful of the time. Madalas sabihin sa kanya ng ama na ang oras ay mabili

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 698

    Marahang umupo si Geri sa lanai sa backyard lawn ng bahay nila ni Enzo. The house is situated within the same subdivision as the rest of their clan. They have exchanged the luxury penthouse gifted to them by their parents when they got married the first time to that beautiful mansion with front lawn

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 697

    Kanina pa pinagmamasdan ni Geri ang sarili sa life-size mirror na naroon sa kanyang silid. She was wearing a dreamy wedding dress made by a famous designer in New York. Her hair and make-up were flawless. Bumagay iyon sa natural glow ng kanyang kutis sa nagdaang mga araw mula nang malaman niyang nag

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 696

    Ilang sandali ring hindi nakahuma si Geri sa nasaksihan. The street where the Dimarco Hotel was in was a busy street. Ilang kanto lang ang layo niyon sa Time Square. Kaya naman hindi lubos maisip ng dalaga kung paano nagawa nni Enzo ang bagay na ‘yon.Ang panuin ng maraming bulaklak ang buong kalsad

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Kabanata 695

    Two days, twelve hours and sixteen minutes. Ganoon na katagal hindi nagpapakita si Enzo sa Dimarco villa. And Geri was more than upset. She’s beginning to get pissed.Paano, ni hindi man lang siya nito madalaw kahit na saglit. He calls. Pero ang lagi nitong idinadahilan, may importante itong inaasi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status