Lucian
“Hey! Are you even listening?” Niyugyog ako ni Marcus dahil may sinasabi siya pero dahil lumilipad ang utak ko ay hindi ko naintindihan iyon. “Ano ba yun?” iritang sagot ko dito dahil naputol ang pag-iisip ko sa pangyayari kagabi “What the f**k? Anong nakain mo Segovia at tahimik ka ata ngayon?” pang-aasar naman sa akin ni Drake “Let me guess, babae yan!” singit naman ni Hendrix habang humihigop ng kape niya “Tinakasan ako!” maiksing sagot ko sa kanila kaya lahat sila napatingin sa akin “What?” sabay-sabay nilang tanong na halos ikabingi ko “Are you guys deaf?” “Linawin mo kasi!” Xavier said while wearing that smirk in his damn face Napilitan tuloy akong ikwento ang engkwentro namin ng babaeng iyon kagabi. Well wala naman kaming inililihim sa isa’t-isa. Lahat ng nangyayari sa amin ay alam ng lahat. “May nangyari ba?” tanong ni Drake sa akin kaya umiling ako agad “Lasing yung tao bro! Hindi ko naman magagawa yun.” “Then she ditched you?” Inulit pa talaga ni Xavier sinabi ko na nga eh “Ni hindi mo man lang nakuha ang pangalan?” Marcus asked na hindi makapaniwala sa nangyari “Hindi ko nga makausap bro. She passed out at hindi ko alam kung saan ko ihahatid kaya dinala ko sa hotel. She didn’t even manage to wake up the whole night.” paliwanag ko sa kanila “So pagkatapos mong maligo, wala na siya?” Napatingin ako kay Hendrix saka ako tumango Well, his eyes are so dull at hindi ko na nakitaan ng saya simula ng mawala si Sophia. Dalawang taon na pero hindi pa rin siya makita ni Jeric. Marcus, on the other hand is just like Hendrix. Nawalan na rin ng kulay ang buhay ng mamatay si Blanca. Hindi niya pa rin ito matanggap and he never entertained in his thoughts na magmamahal siya ulit. “Hinanap ko pero hindi ko makita.” “Mukhang may tama ka na sa kanya bro! In love ka na?” tanong ni Drake sa akin “She’s so beautiful, bro. Hindi siya mawala sa isip ko!” pag-amin ko sa kanila kaya nagtawanan sila Totoo naman kasi yun! Hindi talaga mawala sa isip ko ang mukha niya. Para na siyang nakadikit sa utak ko. Her face, her addicting scent, her body! “That’s it! Mukhang nahanap mo na ang the one mo!” kantyaw sa akin ni Drake kaya sinulyapan ko siya “Bakit, ikaw din naman ah!” balik ko sa kanya and he just smirked. May nagustuhan din siyang babae. Pero misteryoso at parang maraming tinatago. Hindi nagtagal at tumunog ang phone ko. It was Jackson. Nagtanong kasi ako sa kanya kung sino ang guests na nasa VIP rooms kagabi dahil natitiyak ko na doon galing ang babaeng hinahanap ko. “Jackson?” “Yeah! That’s good! That’s great news. Thanks bro!” I can’t help but smile! Mukhang mapapadali ang paghahanap ko sa babaeng gumugulo sa isipan ko. Tinawagan ko agad ang number ng pinsan ni Jackson na si Troy Joaquin. Ang grupo daw kasi nito ang umokupa ng VIP room kagabi. After a few rings ay sumagot naman ito. “Hello? Kuya Lucian?” bati nito sa akin “Hello Troy. Ah nabanggit ba sayo ni Jackson ang dahilan ng pagtawag ko.” “Yes Kuya. Actually maraming bisita yung girlfriend ko kagabi so sino ba dun ang tinutukoy mo?” “Well I think she left early. She’s drunk and she almost fell from the stairs. Mabuti nalang nandun ako.” A long pause came hanggang sa magsalita uli si Troy. “Palagay ko kilala ko na siya. Siya lang naman ang maagang umuwi kagabi. Si Thea, Karen’s bestfriend.” “Wow! Thanks Troy. May picture ka ba niya? Just to be sure?” “Hahanap ako kuya. I’ll send it to you at once!” “That’s great! Thank you Troy!” “No worries kuya, but I have to warn you though!” Napataas ang kilay ko sa narinig ko. “May boyfriend na siya?” Nagtawanan ang mga kasama ko sa opisina pero hindi ko sila pinansin. “Wala. Kaya lang kung may balak kang manligaw sa kanya, ngayon palang dehado ka na!” “What? Why?” “Because you are rich! And he hates the rich.” That hit me hard! Pagkababa ko ng telepono ay humihingi ng paliwanag ang mga matang nakatutok sa akin. Nasapo ko tuloy ang batok ko at napahinga ng malalim. Pinili ko munang ilihim sa mga kaibigan ko ang nalaman ko about Thea, kung siya nga ang babaeng hinahanap ko. As if on cue, tumunog ang phone ko at may pumasok na message. From Troy I sent you her picture. Her name is Thea Denise Vergara. Kasamahan siya ni Karen sa work. She is also a teacher. I hope hindi siya ang hinahanap mo. Binuksan ko ang sinend niya na picture and Lord! Siya nga ang babaeng hinahanap ko. I even zoomed it para makasigurado. Inagaw naman ni Marcus ang phone ko at tinignan ang picture. “Wow! Panalo!” he commented at saka ipinasa sa tatlo ang phone ko “Maganda siya in fairness! Siya ba yan?’ Tumango ako kay Hendrix and he smiled. “Kaya naman pala nabighani! Maganda siya talaga, bro! Hindi kayo bagay!” bakit mas naging mapang-asar ata si Xavier ngayon kesa kay Drake Natawa lang naman si Drake saka ipinasa sa akin ang phone ko. “What’s your plan?” he then asked me “I don’t know. Maybe I’ll visit her since alam ko na kung saan siya nagt trabaho.” although wala pa akong plano kung paano ako makakalapit sa kanya. Paano kung maaalala niya ako? Idagdag pa na galit siya sa mga mayayaman? Napaisip tuloy ako kung ano ba ang nangyari at ganun siya? “Okay bro! Good luck!” pagpapalakas nila ng loob ko We stayed for a while hanggang sa matapos na kami sa pinag-uusapan namin at magkanya kanya na kaming labas sa building mg TGC. Nung makarating na uli ako sa kotse ay tinawagan ko ulit si Troy. “Balita Kuya, siya ba? “Yes Troy, siya nga!” “Oh no! That's bad news!” “No Troy, I think it’s not. Just please don’t tell her about me, will you do that?” “Seriously Kuya?” “I am Troy! Well I just hope hindi niya ako makilala.” “That’s hard. And risky!” “I think it’s worth it, Troy. I don’t know! I think I already saw the girl that I really want!” Narinig ko ang pagtawa ni Troy sa kabilang linya “You are so damn whipped!” Napangiti ako sa sinabi ni Troy. Well I really don’t mind. Nasa tamang edad na ako and maybe it's time to fix my life. Pero mukhang hindi ito magiging madali. Kailangan kong pag- isipan kung paano ako makakalapit kay Thea. I started the car and found myself driving papunta sa school kung saan nagtuturo si Thea. I patiently waited para makita ko siya dahil hindi naman ako makakapasok sa loob ng school. Isa pa ayaw ko na makita niya ako sa ganitong estado ko knowing that she has issues with the rich. Hindi naman naikwento sa akin ni Troy ang dahilan. Pero siguro nga may malalim na dahilan ang galit niyang ito. Hindi naman nagtagal ay may nakita akong pamilyar na mukha. Ibinaba ko pa ang salamin ng kotse para makasiguro ako at hindi nga ako nagkamali. I saw Mang Kardo. Driver siya sa kumpanya ko at isa siya sa pinakamatagal ng naninilbihan sa kumpanya. “Mang Kardo!” tawag ko dito at agad naman siyang napalingon sa akin “Sir Lucian?” hindi makapaniwalang sabi niya ng makalapit siya sa kotse. Sinenyasan ko siyang umikot para makasakay at sinunod naman niya ako “Ano pong ginagawa niyo dito?” tanong niya ng makapasok ito sa kotse “Ano pong ginagawa niyo sa loob?” tanong ko agad dito “Ah! Sabitan po kasi ng medalya ngayon sir. May honor po ang anak ko!” masayang balita niya sa akin “Wow! Congatulations! Anong grade na po ba?” “Second year high school napo sir! Eh kaya nga po ako nag-absent ngayon para po makadalo sa pagbibigay ng award ngayong araw na ito.” “Wala pong problema yun.” sagot ko sa kanya “Malapit lang po ba kayo dito?”, “Ay opo! Diyan lang po kami nakatira sa susunod na kanto.” Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng lakas ng loob na tanungin si Mang Kardo kung kilala niya ba si Thea since dito nag-aaral ang anak niya. “Ah Mang Kardo,” inilabas ko ang telepono ko at hinanap ang picture ni Thea at inabot ito sa kanya “Kilala mo po ba yan?” Napatingin agad si Mang Kardo sa cellphone ko at kumunot ang noo niya. “Bakit po kayo may litrato ni Thea?” Nabuhayan ako ng loob! “Kilala niyo po siya?” Tumango si Mang Kardo sa akin. “Teacher po siya diyan sa school na yan sir. At kapitbahay ko po siya.’ Hindi ko alam but I thought I heard angels singing at the back of my head. Kakailanganin ko ang tulong ni Mang Kardo sa plano kong mapalapit kay Thea. “I need your help!” Seryoso akong tumingin dito at alam ko na naguguluhan siya Napakamot pa ito ng ulo ng ikwento ko dito ang unang pagkikita namin ng babae at ang kagustuhan kong mapalapit dito. “E sir, mawalang galang napo. Si Thea po kasi, mabait na bata yan. Kinagigiliwan po yan sa lugar namin dahil matulungin po siya, lalo sa mga batang medyo mahina sa pag-aaral.” “Ano pong ibig niyong sabihin?” medyo hindi ko nagugustuhan ang pupuntahan ng usapan namin ni Mang Kardo “Ano po ba ang intensiyon niyo kay Thea, sir?” tanong nito sa akin kaya nahulaan ko na ang gusto niyang iparating “Malinis po ang intensyon ko sa kanya. At hindi ko po mapapakita yun kung makikilala niya ako sa ganitong katauhan ko.” paliwanag ko dito Napatango ito. “Alam niyo na po pala na ayaw niya sa mga kagaya niyo.” “Exactly Mang Kardo. Gusto ko po talaga siyang makilala, pakiramdam ko po, siya na yung babaeng gusto kong makasama habang buhay.” Tila naman hindi kumbinsido ang kaharap ko and I know that dahil sa tagal niya sa amin, alam ko na naririnig na niya ang bad reputation naming magkakaibigan pagdating sa babae. “Hindi ko po siya sasaktan kung yan ang inaalala niyo. Handa po akong magbago para sa kanya.” Tinignan ako ni Mang Kardo na para bang pinag-aaralan ang sinseridad ng mga salitang binitiwan ko. Pagkatapos ay ngumiti siya. “Ipangako niyo po sir. Dahil po pag nagkataon, buong looban ang makaka away niyo! Unang una na po ako doon!” “Makakaasa po kayo, Mang Kardo!”Thea “Are you ready?” tanong sa akin ni Lucian bago kami bumaba ng kotse He held my hand at kumapit naman ako sa kanya ng mahigpit. I smiled at him and I nodded. “Yes Hon! I’m ready at palagi akong magiging handa sa kahit na ako kasi nandyan ka!” Binigyan ako ni Lucian ng magaan na halik sa aking labi. Kahit na nadagdagan ang edad namin, hindi nabawasan ang pagiging sweet namin sa isa’t-isa. Nandito kami ngayon sa hotel kung saan gaganapin ang 20th anniversary ng Tanya Marie Vergara Foundation. Ito ang foundation na itinayo namin ni Lucian para matulungan ang mga batang deserving mag-aral ng college pero kapos naman sa budget. Naalala ko na sa Malibu nabuo ang konsepto nito during our honeymoon. Pagbalik namin ng Pilipinas ay naging busy na ako lalo ng maipanganak ko si Hyacinth at hindi ko alam na ongoing na pala ang processing nito at nang mabigyan ito ng approval sa SEC ay saka lang ito sinabi ni Lucian sa akin. It was my birthday ng pormal itong buksan ni Lucian at
LucianHindi na ako mapakali the moment na ipasok si Thea sa labor room. Si Nancy ang nakasama ko dito sa ospital dahil hindi naman pwedeng si Nurse Joy since walang maiiwan kay Inay.I called my parents at agad naman silang nagpunta dito sa ospital kasama si Margarette. They are all excited to see their first-born apo.“Kuya please, relax okay!” narinig kong sabi ni Margarette kaya naman napalingon ako dito“Paano naman ako magre-relax? Hanggang ngayon nasa loob pa si Thea at wala akong balita kung ano na ang nangyayari sa kanya!” sagot ko sa kapatid ko na prenteng nakaupo sa tabi ni Mommy“I’m sure the doctor’s are doing their job, iho. At kung may problema naman for sure malalaman natin yun!” sabi naman ng Mommy ko“Eh bakit nga ba ang tagal-tagal!” sabi naman ni Daddy na napatayo na din tulad ko“Tony utang na loob ha, huwag ka ng makisali kay Lucian!” suway naman ni Mommy kay Daddy na halatang kinakabahan din gaya ko“Jane, unang apo ko iyon! Natural kabahan ako!” katwiram namn
TheaSa mansion na kami dumiretso when we arrived at the Philippines at muli na naman akong sinorpresa ni Lucian. Pag-uwi namin sa bahay ay nandoon na si Arvie pero ang labis na nagpaluha sa akin ay nang makita ko ang inay.Nakaupo siya sa wheelchair habang nasa likod naman niya si nurse Joy. “Inay?” Agad ko siyang nilapitan at saka ko kinuha ang kamay niyaHindi naman nag-react si Inay pero ayos lang naman sa akin iyon. Ang mahalaga sa ngayon ay kasama na namin siya. Hindi pa rin ako mapapagod na magdasal na sana dumating ang araw na gumaling na siya.Makalipas ang isang buwan ay nagkaroon naman kami ng housewarming party. Invited lahat ng mga taong malapit sa buhay namin at masaya sila para sa amin ni Lucian at sa bagong tahanan namin.Nakita din ng mga taga-looban si Inay at hindi mapigil ni Aling Toyang at Tita Beth ang sarili nila na mapaiyak nang muli nilang makita ang kaibigang nawalay sa kanila.Maayos naman ang lahat pwera lang talaga ang paglilihi ko dahil noong tatlong
TheaSunundo ulit kami ng service para sa isa na namang tour na pina-book ni Lucian. Halos maghapon ang tour na ito and the guide reminded us to bring water and snacks just in case gutumin kami habang na sa sasakyan.Lucian made sure that we will have our breakfast first bago kami umalis ng hotel. Nagdala din siya ng tubig sa dalawang flask and snacks too.“Let’s go hon!” sabi niya saka niya inilahad ang kamay sa akinI can’t help but admire my husband kasi kahit anong isuot nito ay kayang-kaya niyang dalhin. He was just wearing short-sleeved polo and cargo shorts. May shades na nakasabit sa polo niya and topsider shoes. Nakasuot lang naman ako ng maong shorts since maliit pa naman ang tiyan ko. Naka sando lang ako at may shades din with my white rubber shoes.“Ang seksi naman ni buntis!” pang-aasar sa akin ni Lucian kaya natawa ako kasi minsan iyon ang itinatawag niya sa akin.Magkahawak kamay kaming lumabas ng hotel at nasa baba naman na ang service namin.Unang destinasyon ng tou
TheaSa private plane ni Drake kami sumakay papunta sa Malibu para sa honeymoon namin. Bago mananghali ay nakarating na kami dito at mabuti na lang nakisama ang katawan ko sa biyahe. Hindi naman ako nahilo or nagsuka man lang. Mukhang excited din ang anak ko sa trip na ito.Nagcheck-in kami ni Lucian sa Hilton Garden Inn and when we got into our room ay nagpahinga muna kami. “Okay ka lang Hon?” tanong niya saka niya hinipo ang tyan ko“Yeah I’m fine. Gusto ko lang muna magpahinga.” sagot ko sa kanya after kissing my tummy“May gusto ka bang kainin Hon? Any cravings?” tanong niya uli sa akinNag-isip muna ako pero wala naman akong nagugustuhang kainin ngayon kaya umiling ako kay Lucian.“Basta pag may gusto ka, always tell me. Huwag mong titiisin okay?” Tumango ako sa kanya saka ko tinapik ang kaliwang bahagi ng kama. Naintindihan naman ni Lucian yun at agad siyang tumabi sa akin. Yumakap ako sa kanya saka ko siya inamoy. Iyon ang gusto ko at yun ang nagpapakalma sa akin.Hinalika
Thea Magkahawak-kamay kaming pumasok ni Lucian sa malaking pavillion kung saan gaganapin ang reception ng kasal namin. Bago kami makarating sa venue ay magkayakap lang kami sa kotse habang hindi namin mapigil ni Lucian ang mga emosyon namin. Magkayakap kami habang pareho kaming umiiyak. Pero ngayon sigurado ako na luha ito ng labis na kaligayahan. “Thank you, Hon! Thank you so much!” yun ang paulit-ulit na ibinubulong sa akin ni Lucian Masigabong palakpakan ang sumalubong sa amin as we entered the place. Lahat ay masaya para sa amin ni Lucian at makikita mo iyon sa mga mukha nila. Nagsimula ang kainan at picture taking namin with the guests. Mabuti na lamang at na-accomodate lahat ng mga bisita namin dahil na din sa laki ng venue na ito. May program din at hiningan ng mga messages ang mga taong malapit sa amin kaya walang pagsidlan ang kaligayahan ko lalo pa at nandito lahat ng mga taong mahalaga sa amin. Malungkot lang dahil hindi pinayagan ng hospital na makapunta si in