Share

Chapter 52

Author: yshanggabi
last update Huling Na-update: 2025-07-01 08:01:42

Author's Note: Kamusta naman po pagbabasa niyo? hindi naman siguro kayo tinamad? please huwag po kayong tamarin,kasi baka tamarin rin ako magsulat HAHAHHAHA. And ngayon may e she share akong learnings. If tinataamad man po kayo, you need to motivate yourself, you need to learn how to fight your katamaran. Gaya ko, tamad din po ako pero dahil may Dreame ako na pinupursue ay kailangan kong lumaban, kailangan kong labanan ang katamaran ko. Kaya kayo, fighting lang, soon magiging successful din tayo.

Chapter 52

Calista POV

"Huwag muna tayong umuwi, dito muna... muna..."

Napalingon ako mula sa pag-aayos ng maleta ni Princess. Kumakanta siya habang naglalagay ng mga stuffed toys niya sa isang maliit na backpack. Nakatayo siya sa kama, palundag-lundag pa habang hawak ang hairbrush na parang mikropono. Kumakanta siya ng BINI song na para bang ayaw talagang tapusin ang bakasyon namin dito.

"Princess," tawag ko sa kanya, nat
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 99

    Chapter 99Levi POVNakatitig ako kay Rosela Navarro, ang babae sa harapan ko na ngayon ay tila muling binubuhay ang isang kasaysayan na dapat matagal nang isinara. Akala ko, ang dahilan ng pag-uusap na ito ay para sa pagbawi niya kay Calista—para humingi ng tawad, para muling buuin ang pagkakabuo ng isang relasyong nawala. Pero hindi. Hindi ganun kasimple.“Pumili ka sa kanila, Levi,” mahinahon ngunit mariing sabi niya.Napakunot ang noo ko. “What do you mean?”Tumayo siya mula sa pagkakaupo, marahang naglakad papunta sa bintana habang hawak ang isang tasa ng tsaa. Mula roon, tanaw ang malawak nilang bakuran—isang tahimik na lugar na tila malayo sa gulo ng mundo, pero sa sandaling ito ay nagsisilbing saksi sa isang tanong na kay bigat dalhin.“You need to choose between my daughter Elise and Calista,” sabi niya, diretsong tumitig sa akin. “Hindi pwedeng silang dalawa ang piliin mo. Isipin mong mabuti dahil si Elise pa rin ang ina ni

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 98

    Chapter 98Levi POVTahimik ang paligid habang nakaupo ako sa terrace ng opisina, hawak ang tasa ng kape na kanina pa nanlalamig. Sa harap ko ay ang tablet, bukas sa isang confidential report na pinapaverify ko kay Daphne — at sa mismong gitna ng screen ay nakalagay ang pangalan:Rosela Araceli Navarro– mother of Elise Navarro. Grandmother of Princess. At... biological mother ni Calista.Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Paulit-ulit lang na gumugulong sa isipan ko ang katotohanang hindi ko inaasahan.Ang inang hinahanap-hanap ni Calista, ang babae sa likod ng sakit at tanong niya sa pagkatao… ay siya ring lola ni Princess.Hindi ito coincidence.Hindi ito biro ng tadhana.Isa itong sumpa ng katotohanan na hindi ko alam kung paano ko ihaharap kay Calista.Kanina, matapos ang pag-alis ni Daphne, hindi ko na kinaya ang pagdududa. Tinawagan ko ang isang private investigator na matagal ko nang ka

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 97

    Chapter 97Levi POVPagkauwi namin mula sa hindi inaasahang pagkakadismaya, ramdam kong tahimik at mabigat ang paligid sa loob ng sasakyan. Si Calista, nakatanaw lang sa bintana habang yakap ni Princess ang kanyang braso. Gusto kong sabihin na ayos lang, na hindi pa tapos ang paghahanap, pero alam kong mas makabubuting hayaan ko muna siyang mapag-isa sa mga iniisip niya.Pagdating sa mansion, tahimik pa rin siya. Tumango lang nang magpaalam ako papunta sa office. Hindi na ako nagpilit magsalita. Alam ko—may kanya-kanyang paraan ang tao para maghilom, at kailangan ko ring bigyan ng espasyo si Calista para buuin ang sarili niya sa gitna ng lahat ng natuklasan niya.Sa opisina, sinalubong agad ako ni Daphne.“Sir, ang daming backlog ng documents from last week, pero inayos ko na po ‘yung priority folders,” bungad niya habang sinasabayan ako sa elevator.“Thanks, Daphne. Ako na ang bahala sa mga urgent.”Pagpasok ko sa office, tu

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 96

    Chapter 96Calista POVKinabukasan, maaga akong nagising. Mahapdi pa rin ang mata ko sa kakaiyak kagabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng ama ko — na anak ako sa labas, at hindi pala ako tunay na anak ni Mama. Sa bawat pagdilat ko, parang totoo pa rin ang sakit. Pero ngayon, may iba nang kasama ang sakit na ‘yon: determinasyon.Pagbaba ko mula sa kwarto, nadatnan ko si Levi sa garden, nakaayos na, hawak ang laptop habang may hawak na tasa ng kape. Tahimik siyang nagbabasa ng kung ano’t pinapabayaan lang ang ihip ng hangin na pagpagaanin ang paligid. Napansin niya akong paparating at agad siyang tumayo.“Good morning,” mahinang bati niya.“Morning,” sagot ko, halos pabulong. Umupo ako sa tabi niya at sandaling natahimik.“Ano ‘yan?” tanong ko habang pasimpleng sumilip sa laptop niya.“Background check,” sagot niya. “Nag-search ako kay Rosela Navarro.”Napatingin ako sa kaniya, nagulat. “Ginagawa mo ‘y

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 95

    Chapter 95 Calista POV Luhaan akong bumaba ng jeep habang mahigpit na yakap-yakap ang bag na kinalaman ng buong pagkatao ko—mga sulat, larawan, at katotohanang hindi ko kailanman hiniling malaman. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa mansion. Parang lumilipad ang utak ko, parang hindi ko naririnig ang paligid. Pagkababa ko sa gate, biglang bumukas ang pinto. “Calista!” Si Levi. Nagmamadali siyang lumapit sa akin, halatang galing sa loob. Hindi pa man ako nakakapagsalita, agad na niyang hinawakan ang magkabila kong braso at tinitigan ako—nag-aalala, naguguluhan, handang makinig. “Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Saan ka galing?” sunod-sunod niyang tanong. Gusto kong magsalita, pero nauunahan ako ng hikbi. Nahulog sa lupa ang bag na dala ko, at kasabay noon, ako rin ay halos matumba. Mabuti na lang at sinalo ako ni Levi at agad akong niyakap. “Shhh..

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 94

    Chapter 94 – Calista POV“Minsan hindi ang tanong kung sino ka, kundi kung bakit hindi mo nalaman ang totoo mula pa noon.”Dinala ako ng mga paa ko pabalik sa bahay naming luma. Hindi ko sinabi kina Levi o kina Princess na aalis ako ng umaga ring iyon. Ang sinabi ko lang ay kailangan kong puntahan ang isang bagay—isang bahagi ng buhay ko na hindi ko matatakasan.At pagdating ko sa labas ng bahay namin, tumigil muna ako. Malamig ang ihip ng hangin pero mas malamig ang pakiramdam ko sa dibdib. Sa wakas, kailangan ko nang harapin ang matagal ko nang kinikimkim.Binuksan ko ang pinto. Amoy alak, sigarilyo, at lumang kahon ang sumalubong sa akin. Nandoon siya—ang lalaking tinawag kong "Pa" buong buhay ko—nakahiga sa lumang sofa, may hawak na bote, at tila lutang ang isipan.“Pa,” tawag ko, mahinahon pero may diin.Napatingin siya sa akin. Medyo namumula ang mga mata niya, lasing pa rin. “Oh, Calista? Bakit ngayon ka lang? Umaga pa lang ah.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status