แชร์

Chapter 60

ผู้เขียน: yshanggabi
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-07-05 08:00:04

Author's Note: Welcome to chapter 60! at dahil nakarating na kayo dito, gusto ko lang sabihin na may new upload story ako and series siya. Baka gusto niyong basahin hehe. By the way guys, may naisip na akong itatawag sa inyo. At dahil yshanggabi penname ko ang itatawag ko nalang sa inyo ay "Night owls" HAHHAHAHHA Ayan na ako na bahala, night owls na tawag ko sa inyo.

Chapter 60

Calista POV

Ang saya-saya lang namin kanina. Parang bumalik ako sa pagkabata habang pinapanood kong magkulitan si Princess at ang mga kapatid ko. Sobrang gaan sa dibdib—parang sa wakas, nabigyan ko sila ng pagkakataong maranasan ang ganitong klaseng saya, kahit pansamantala lang.

"CR lang ako, Ate," paalam ni Chrisiah, sabay turo sa hallway.

"Gusto mo samahan kita?" alok ko.

"Okay lang ako. Hindi naman ako bata," ngumiti siya bago tumalikod at naglakad papalayo.

Tumango na lang ako at bumalik sa kwentuhan kina Princess at Criscel. Hindi ko alam, pero p
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 63

    Chapter 63Calista POVUmiiyak pa rin si Princess sa isipan ko habang tahimik kaming bumabaybay sa kalsada sakay ng tricycle. Nasa kandungan ko ang bag kong mabilisang pinuno sa pag-impake, habang nasa paanan ang iba ko pang gamit—isang malaking travel bag at ilang paper bags na puro damit at personal na gamit. Sa gilid ko, tahimik si Chrisiah. Hindi niya ako matingnan nang diretso.Ang hangin sa gabi ay malamig, pero mas malamig ang dibdib ko. Para akong walang laman. Para akong tinanggalan ng hininga. Mula nang maglakad kami palabas ng mansion, hanggang sa makalampas kami sa gate, wala akong narinig kundi ang sigaw sa ulo ko—sigaw ni Levi, sigaw ng sarili kong puso, sigaw ng isang pagkakakilanlan na parang kinuha sa akin nang sapilitan.Biglang nagsalita si Chrisiah, halos pabulong.“Ate… sorry.”Napalingon ako sa kanya. Nasa gilid ng mata ko pa rin ang luha, pero hindi ko na pinunasan. Wala na akong lakas.“Sorry talaga, A

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 62

    Author's Note: Sorry po kung ginulat ko kayo sa mga pangyayari HAHAHHAHAH yung tipong ang saya lang nila tapos ngayon nag away na tapos nagsisigawan pa HAHHAHAHAH ganyan naman talaga ang buhay diba? Pagkatapos ng masayang pangyayari ay double naman ang lungkot na mangyayari. Sorry po talaga kung mixed signal ang author niyo, actually may nangyari po kasi sa story ko binubuhos lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko HAHAHHAHA hope you all understand! Pagkatapos ng masayang araw sa birthday ko ganito, malungkot naman na pangyayari ang sumalubong sa akin.Chapter 62Levi POVMagmula nang bumalik ako sa office ko sa bahay, paulit-ulit na lang ang eksenang tumatakbo sa isip ko—ang mukha ni Calista habang pinipigilan ang luha niya, ang titig niyang punong-puno ng sakit, galit, at pang-unawa. Ang mga salitang binitiwan niya na mas matalim pa sa kahit anong insulto."Pagod na akong gamitin mo… at pagod na akong magpagamit sa’yo."Sa dami ng nakausa

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 61

    Chapter 61Calista POVNag-walk out si Sir Levi. Galit. Walang pasintabi. Iniwan niya kaming nakatayo sa gitna ng hallway na parang wala siyang narinig, wala siyang nakita—parang hindi siya apektado sa kahit anong nangyari. Parang hindi ko man lang siya naging kakilala kahit saglit.Hinabol ng luha ang mga mata ko, pero pinilit kong hindi bumigay.“Y-yaya...” mahina at nanginginig na tinawag ako ni Princess, sabay yakap sa bewang ko. Umiiyak siya, pilit akong pinipigilan gamit ang maliliit niyang bisig na parang umaasa pa rin siyang magbabago ang lahat.Hinaplos ko ang buhok niya. “Shhh… Princess, it’s okay. It’s not your fault,” bulong ko habang pinipilit patigasin ang boses ko kahit unti-unti na rin akong gumuho.Dumating sina Chrisiah at Criscel, parehong mukhang tulala pa rin sa bilis ng mga nangyari. Walang ni isa sa amin ang handa. Walang ni isa ang may sagot.“Halika na, Ate. Tutulungan ka naming mag-impake,” mahinang

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 60

    Author's Note: Welcome to chapter 60! at dahil nakarating na kayo dito, gusto ko lang sabihin na may new upload story ako and series siya. Baka gusto niyong basahin hehe. By the way guys, may naisip na akong itatawag sa inyo. At dahil yshanggabi penname ko ang itatawag ko nalang sa inyo ay "Night owls" HAHHAHAHHA Ayan na ako na bahala, night owls na tawag ko sa inyo.Chapter 60Calista POVAng saya-saya lang namin kanina. Parang bumalik ako sa pagkabata habang pinapanood kong magkulitan si Princess at ang mga kapatid ko. Sobrang gaan sa dibdib—parang sa wakas, nabigyan ko sila ng pagkakataong maranasan ang ganitong klaseng saya, kahit pansamantala lang."CR lang ako, Ate," paalam ni Chrisiah, sabay turo sa hallway."Gusto mo samahan kita?" alok ko."Okay lang ako. Hindi naman ako bata," ngumiti siya bago tumalikod at naglakad papalayo.Tumango na lang ako at bumalik sa kwentuhan kina Princess at Criscel. Hindi ko alam, pero p

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 59

    Chapter 59 Calista POVNakahanda na ang lahat. Maaga pa lang ay tumulong na ako sa pag-aayos kasama ng ibang mga kasambahay. Inayos namin ang entertainment room na pansamantala naming ginawang mini-slumber party area. May fairy lights sa paligid, malaking beanbags, throw pillows sa sahig, at mga stuffed toys na si Princess mismo ang pumili. Nag-request pa siya ng chocolate fountain at popcorn machine kaya ang saya ng ambiance. Parang nasa loob kami ng isang dreamland."Yaya, dapat may playlist din tayo!" sigaw ni Princess habang nagbubuklat ng mga DVD at nagse-set up ng speaker. "Gusto ko 'yung puro BINI at Taylor Swift.""Opo, Ma'am Princess," natatawang sagot ko habang tinutulungan siyang ayusin ang extension cord.Pagsapit ng alas-singko ng hapon, natapos na ang mga paghahanda. Nasa harapan na kami ng mansion at hinihintay ang pagdating ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit kabado ako. Parang first time ko silang ipakilala sa isang i

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 58

    Chapter 58 Calista POV"I miss daddy," bulong ni Princess habang nakasandal sa bintana ng kotse. Pauwi na kami galing sa school, at ramdam ko ang bigat ng tono ng boses niya. Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya, habang nagdadrive si Mang Erning."Mamaya uuwi rin naman siya," paniniguro ko kahit ako mismo ay hindi sigurado kung kailan uuwi si Sir Levi. Dalawang araw na siyang hindi nagpaparamdam, masyado siyang busy sa kompanya. Sobrang daming iniisip at responsibilidad."Yaya... how about... invite mo na lang yung mga sisters mo sa mansion?" biglang alok niya.Napatingin ako sa kaniya. "Princess, baka nasa school sila. Mahirap yata.""Yaya, pleaseeeee," sabi niya habang humarap sa akin, nakaluhod na sa upuan. Nilabas pa niya ang kanyang signature pout at puppy eyes. "I just really want to meet them. Please, Yaya. Please... please... please...""Hay naku Princess, ang kulit mo," natatawa kong sabi. Pero totoo, hindi ako s

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status