Chapter 61
Calista POVNag-walk out si Sir Levi. Galit. Walang pasintabi. Iniwan niya kaming nakatayo sa gitna ng hallway na parang wala siyang narinig, wala siyang nakita—parang hindi siya apektado sa kahit anong nangyari. Parang hindi ko man lang siya naging kakilala kahit saglit.Hinabol ng luha ang mga mata ko, pero pinilit kong hindi bumigay.“Y-yaya...” mahina at nanginginig na tinawag ako ni Princess, sabay yakap sa bewang ko. Umiiyak siya, pilit akong pinipigilan gamit ang maliliit niyang bisig na parang umaasa pa rin siyang magbabago ang lahat.Hinaplos ko ang buhok niya. “Shhh… Princess, it’s okay. It’s not your fault,” bulong ko habang pinipilit patigasin ang boses ko kahit unti-unti na rin akong gumuho.Dumating sina Chrisiah at Criscel, parehong mukhang tulala pa rin sa bilis ng mga nangyari. Walang ni isa sa amin ang handa. Walang ni isa ang may sagot.“Halika na, Ate. Tutulungan ka naming mag-impake,” mahinangChapter 66Levi POVKinabukasan, maaga akong umalis. Mahigit isang oras ang biyahe mula sa city patungo sa address na nasa resume ni Calista. Habang binabagtas ko ang daan papunta sa lugar nila, ramdam kong hindi ito bahagi ng lugar na madalas kong puntahan. Unti-unting lumiliit ang kalsada, nagiging makipot, at halatang rural na.Napahinto ako sa isang kanto kung saan tila wala nang kasya ang kotse. May mga tambak ng kahoy, putik sa gilid, at mga bata na naglalaro ng teks sa ilalim ng puno. Huminga ako ng malalim. Pinagmasdan ko ang daan na mukhang ‘di na talaga papasukan ng sasakyan.Binaba ko ang bintana at tinawag ang isang babaeng nagwawalis sa tapat ng maliit na tindahan.“Excuse me. Where’s Calista Oraba’s house?” tanong ko, diretsong diretsa.Nagulat siya, napatingin sa akin, sabay pigil sa walis niya. “S-Sir… si Cali po?”Tumango ako.“Makipot na po ang daan papunta sa kanila. E… park niyo na lang muna po an
Chapter 64Levi POV"Alam mo ba kung saan nakatira ang nanny Cali mo?" tanong ko kay Princess habang yakap-yakap ko siya, sinusubukang patahanin.Umiling siya habang pinupunasan ang luha niya. “Hindi po, Daddy. Hindi ko po tinanong dati…”"Alright," sagot ko habang hinihimas ang buhok niya, "Gagawa ako ng paraan para bumalik siya. Pero ngayon, matulog ka na muna. Isasama na lang kita sa office hangga’t wala pa tayong nakukuhang bagong magbabantay sa’yo."Napatingin siya sa akin, gulat na gulat. “Are you sure? Isasama mo talaga ako sa trabaho mo, Daddy? Hindi mo naman ako sinasama dati kahit wala akong kasama ah…”Napayuko ako. Ramdam kong sumuntok ang katotohanang ‘yon. Ilang beses ko na siyang iniwan, ilang beses ko na siyang ginawang second priority."I just realized," mahinahon kong sagot, "kailangan ko rin iparamdam sa’yo na may care pala ako sa’yo. Pasensya na kung nakakalimutan kita at mas inuuna ko ang trabaho."
Chapter 63Calista POVUmiiyak pa rin si Princess sa isipan ko habang tahimik kaming bumabaybay sa kalsada sakay ng tricycle. Nasa kandungan ko ang bag kong mabilisang pinuno sa pag-impake, habang nasa paanan ang iba ko pang gamit—isang malaking travel bag at ilang paper bags na puro damit at personal na gamit. Sa gilid ko, tahimik si Chrisiah. Hindi niya ako matingnan nang diretso.Ang hangin sa gabi ay malamig, pero mas malamig ang dibdib ko. Para akong walang laman. Para akong tinanggalan ng hininga. Mula nang maglakad kami palabas ng mansion, hanggang sa makalampas kami sa gate, wala akong narinig kundi ang sigaw sa ulo ko—sigaw ni Levi, sigaw ng sarili kong puso, sigaw ng isang pagkakakilanlan na parang kinuha sa akin nang sapilitan.Biglang nagsalita si Chrisiah, halos pabulong.“Ate… sorry.”Napalingon ako sa kanya. Nasa gilid ng mata ko pa rin ang luha, pero hindi ko na pinunasan. Wala na akong lakas.“Sorry talaga, A
Author's Note: Sorry po kung ginulat ko kayo sa mga pangyayari HAHAHHAHAH yung tipong ang saya lang nila tapos ngayon nag away na tapos nagsisigawan pa HAHHAHAHAH ganyan naman talaga ang buhay diba? Pagkatapos ng masayang pangyayari ay double naman ang lungkot na mangyayari. Sorry po talaga kung mixed signal ang author niyo, actually may nangyari po kasi sa story ko binubuhos lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko HAHAHHAHA hope you all understand! Pagkatapos ng masayang araw sa birthday ko ganito, malungkot naman na pangyayari ang sumalubong sa akin.Chapter 62Levi POVMagmula nang bumalik ako sa office ko sa bahay, paulit-ulit na lang ang eksenang tumatakbo sa isip ko—ang mukha ni Calista habang pinipigilan ang luha niya, ang titig niyang punong-puno ng sakit, galit, at pang-unawa. Ang mga salitang binitiwan niya na mas matalim pa sa kahit anong insulto."Pagod na akong gamitin mo… at pagod na akong magpagamit sa’yo."Sa dami ng nakausa
Chapter 61Calista POVNag-walk out si Sir Levi. Galit. Walang pasintabi. Iniwan niya kaming nakatayo sa gitna ng hallway na parang wala siyang narinig, wala siyang nakita—parang hindi siya apektado sa kahit anong nangyari. Parang hindi ko man lang siya naging kakilala kahit saglit.Hinabol ng luha ang mga mata ko, pero pinilit kong hindi bumigay.“Y-yaya...” mahina at nanginginig na tinawag ako ni Princess, sabay yakap sa bewang ko. Umiiyak siya, pilit akong pinipigilan gamit ang maliliit niyang bisig na parang umaasa pa rin siyang magbabago ang lahat.Hinaplos ko ang buhok niya. “Shhh… Princess, it’s okay. It’s not your fault,” bulong ko habang pinipilit patigasin ang boses ko kahit unti-unti na rin akong gumuho.Dumating sina Chrisiah at Criscel, parehong mukhang tulala pa rin sa bilis ng mga nangyari. Walang ni isa sa amin ang handa. Walang ni isa ang may sagot.“Halika na, Ate. Tutulungan ka naming mag-impake,” mahinang
Author's Note: Welcome to chapter 60! at dahil nakarating na kayo dito, gusto ko lang sabihin na may new upload story ako and series siya. Baka gusto niyong basahin hehe. By the way guys, may naisip na akong itatawag sa inyo. At dahil yshanggabi penname ko ang itatawag ko nalang sa inyo ay "Night owls" HAHHAHAHHA Ayan na ako na bahala, night owls na tawag ko sa inyo.Chapter 60Calista POVAng saya-saya lang namin kanina. Parang bumalik ako sa pagkabata habang pinapanood kong magkulitan si Princess at ang mga kapatid ko. Sobrang gaan sa dibdib—parang sa wakas, nabigyan ko sila ng pagkakataong maranasan ang ganitong klaseng saya, kahit pansamantala lang."CR lang ako, Ate," paalam ni Chrisiah, sabay turo sa hallway."Gusto mo samahan kita?" alok ko."Okay lang ako. Hindi naman ako bata," ngumiti siya bago tumalikod at naglakad papalayo.Tumango na lang ako at bumalik sa kwentuhan kina Princess at Criscel. Hindi ko alam, pero p