Chapter 67
Calista POVPagkauwi ko mula sa buong araw na trabaho sa karinderya—pagod, pawisan, at may bahid pa ng mantika sa uniform ko—bumungad agad sa akin ang pamilyar na amoy ng alak.Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na pinansin noong una. Pero pagkapasok ko sa bahay at nadatnan ko siyang nakaupo sa kahoy naming bangko, hawak ang bote ng gin, agad nanikip ang dibdib ko.“Lasing ka na naman,” malamig kong sambit habang inilalapag ang bitbit kong bag sa lamesa.Napatingin siya sa akin, mapupulang mata at pawis na noo. “Ikaw? May gana kang sumagot-sagot ngayon, ha?”Umiling ako, pilit iniintindi. “Kailangan ko ng pahinga, Pa. Magdamag akong nagtatrabaho.”Pero hindi siya tumigil. Tumayo siya, umalog-alog pa, at inilapit ang mukha sa akin. “Nagtatrabaho ka raw? Eh di ba pinaalis ka nga sa dati mong trabaho? Sa mansion nung mayaman mong amo? Wala ka naman talagang kayang gawin kundi mag-alis ng tsinelas ng iba, maghugas ng pingChapter 79Levi POVNanatili akong nakatayo roon kahit wala na si Calista sa harap ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga huling salitang binitawan niya.“Sana totoo na ngayon.”Ilang salita lang ‘yon, pero sapat na para mabasag ulit ang lahat ng pinilit kong buuing lakas ng loob.Pinilit kong iayos ang mga natitirang upuan sa paligid. Pero to be honest, hindi ko na alam kung tama ba ang ginawa kong pagpunta rito. Oo, sinadya kong mag-volunteer nang marinig ko kay Chrisiah na may meeting sa school. Hindi ko naman alam kung makikita ko agad siya, pero aaminin ko—umasa ako.Gusto ko lang ng kahit anong paraan para mapalapit sa kanya… kahit anong rason para makausap siyang muli.“Sir Levi?”Napalingon ako at nakita ko si Criscel na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung gaano siya katagal nakatingin, pero halata sa mukha niyang nakita niya ang lahat.“Pasensya na,” sabi ko agad. “Hindi ko sinadya
Hi po, Calista Dale! ka name mo pa po si Calista, thank you nga po pala sa gift mo. I really appreciate it!! Happy reading po. Sana makarating ka sa chapter na ito!! mwapssaChapter 78 Calista POV Eksaktong alas-nwebe ng umaga nang makarating kami ni Criscel sa school. Medyo maaliwalas ang panahon, at kahit mainit ang sikat ng araw, mas ramdam ko ‘yung tensyon sa dibdib ko kaysa sa init ng paligid. Simple lang ang isinuot ko—puting blusa, slacks, at isang pares ng saradong flat shoes. Maayos na rin si Criscel sa kanyang uniporme, may ngiti sa labi at sabik na sabik makita ang classmates niya. Nakaalalay ako habang hawak-hawak niya ang kanyang maliit na folder na may lamang activity sheets. “Doon po ang meeting area,” sabi ng guard sa gate nang tinanong ko. Itinuro niya ang covered court ng eskwelahan, na pinalibutan ng mga plastik na upuan. May mga poster pa ng “Back-to-School Welcome” at banderitas na halatang pinaghir
Chapter 77Calista POVGabi na akong nakarating sa bahay. Mabigat ang katawan ko pero mas mabigat ang dibdib ko—hindi ko na alam kung pagod lang ba sa trabaho o dahil paulit-ulit kong naiisip ang tawag ko kay Levi kanina. Hindi pa rin ako sigurado kung tama ba ‘yung ginawa kong pagtawag. Pero sigurado ako sa isang bagay… gusto kong malinawan.Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ni Criscel. Naka-pambahay na siya, may hawak na tasa ng kape habang nakaupo sa sahig at may ginagawang homework.“Ate!” bungad niya habang nakangiti. “Buti umuwi ka na. Inantay pa talaga kita!”Napangiti ako. Kahit papaano, nakakagaan ng loob ‘yung makita siyang buo at masaya. Mula noong tinulungan ko siyang makaalis sa dati naming magulong bahay, ginawa ko na talagang responsibilidad na mapangalagaan siya.“Sorry, natagalan ako. Sobrang daming tao sa karinderya. Akala mo may fiesta,” sagot ko sabay tanggal ng sapatos at bagsak ng bag sa tabi ng sofa.
Chapter 76Calista POVTahimik akong nakaupo sa gilid ng karinderya matapos ang lunch rush. Kapos sa oras pero mas kapos ang loob ko sa pagtanggap ng nararamdaman ko. Sa gilid ng cashier table ay naroon pa rin ang bouquet na pinadala ni Levi—unti-unting nalalanta pero nanatiling magandang paalala ng mga salitang hindi niya nasabi noon pero ngayon, isa-isa niyang pinaparamdam.Sa dami ng iniisip ko, bigla akong napatingin sa cellphone ko… na wala. Naiwan ko sa bahay, lowbat din yata. Pero kailangan ko siyang tawagan. Hindi para makipagbalikan. Hindi rin para magpasalamat lang. Gusto ko lang… maintindihan. Gusto ko lang marinig ang totoo. Kung bakit ngayon?Kaya dali-dali akong tumayo at lumapit sa may-ari ng karinderya, si Mang Cesar, na noon ay abala sa pag-aayos ng inventory sa gilid ng kusina.“Uh… Mang Cesar,” bati ko, sabay ngiti.Napatingin siya sa akin at bahagyang nagulat. “Oh, Calista. May kailangan ka ba?”“Ano po… P
Chapter 75Levi POVNakaupo ako ngayon sa opisina, pero kung tutuusin, wala sa mga papel sa harap ko ang iniisip ko. Wala sa mga figures sa monthly report ang may saysay para sa akin ngayon. Ang tanging laman ng utak ko, ay si Calista.Napatingin ako sa notification sa phone ko—delivered na raw ang food na ipinadala ko kanina. Napangiti ako kahit papaano. Alam kong hindi sapat ‘yon para mapawi ang lahat ng sakit, pero gusto kong iparamdam sa kanya na may nagmamalasakit pa rin sa kanya kahit na nasaktan ko siya noon.Tumayo ako saglit at lumapit sa bintana ng office. Mula rito, tanaw ko ang ilang parte ng lungsod—matao, mabilis ang galaw ng mga sasakyan, pero sa gitna ng lahat ng iyon, nanatiling tahimik ang loob ko. Tahimik, pero hindi payapa.Alam kong wala akong karapatang suyuin siya ngayon. Pero hindi rin ibig sabihin ay titigil na ako sa paghahanap ng paraan. Gusto ko siyang maipaglaban. Kahit paunti-unti.Biglang may naisip ako.
Chapter 74Levi POVMaaga pa lang, gising na ako. Hindi dahil sa trabaho, kundi dahil sa iisang dahilan—Calista.Hindi ako mapalagay simula nang iniwan niya kami ni Princess sa gitna ng daan. Kahit ilang araw na ang lumipas, ramdam ko pa rin ang lungkot sa loob ng bahay. Tahimik si Princess, madalas tulala. Ako naman, parang laging may kulang.Kaya ngayong umaga, bago pa man magbukas ang opisina, nagdesisyon akong mag-order ng breakfast para sa kanya. Naalala ko kung gaano siya kasimple at kung paano niya gustong nakakakain ng mga paborito niyang pagkain kahit busy.“Botejo,” bulong ko sa sarili habang naglalagay ng order sa app. Alam kong gustung-gusto niya ang pagkain doon—lalo na ang Egg Katsu Bento at Mango Yakult. Simple lang, pero panalo para kay Calista.Pagkatapos kong lagay ang order, dinoble-check ko ang delivery address. Gusto kong siguraduhin na walang aberya. Then, naglagay ako ng request para sa rider:"Please includ