"Magpakabait kayo, huh?" bilin ko sa mga kapatid ko. Dinala ko na sila dito sa isang condo ni Joshua kung saan sila tutuloy ng ilang araw habang nasa out of town kami. Puno ang ref at pantry kaya siguradong hindi sila magugutom. Tuwang-tuwa din sila sa malaking tv na nasa sala. "Huwag niyong pasasakitin ang ulo ni Ate Nora," dagdag ko pa. Mabait naman sila. May oras lang talaga na magulo sila at nagtatalo na madalas na ikainis ko sa kanila. "Opo, ate!" sabay-sabay nilang sagot. Nang masiguradong maayos na sila, bumaba na ako dahil naghihintay na sa akin sa baba si Joshua. "Salamat, Sir," sabi ko pagkapasok ko ng sasakyan. Tumango lang siya. Busy siya sa kaniyang celphone at mukhang wala na naman siya sa mood na magsalita. Nagpunta kami sa isa sa mga building na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Hindi ako makapaniwala na sasakay kami ng chopper. Nauna na siyang naglakad, habang mabagal naman ang bawat hakbang ko dahil nakaramdam ako ng kaunting kaba. Inalalayan ako ng tauhan
Umungol ako nang marinig ko ang ilang malalakas na katok mula sa labas ng pintuan ng silid ko. Tinakip ko ang unan sa aking mukha pero dinig ko pa din ang mga katok at pagtawag ni Joshua sa aking pangalan. "Ikaw na lang ang mag-jogging," inaantok na sabi ko sa kaniya pagbukas ko ng pintuan. "Sumama ka na sa akin." Alas singko pa lang ng umaga. Madilim pa at malamig din kaya mas gusto kong matulog kaysa mag-jogging at magpakapagod lang. "Wala akong jacket na pang-jogging," palusot ko dahil ayaw ko talagang sumama. Inabot niya sa akin ang kaniyang hoodie jacket. Wala talaga akong lusot. Inirapan ko siya bago ko kinuha ang rubber shoes na binigay sa akin ni Mady. Paglabas namin ng bahay sinimulan niyang tumakbo. Tamad naman akong sumunod sa kaniya. Mabagal kaming tumakbo pababa hanggang sa hindi namin namamalayan na nakalayo na kami. "Sumakay na lang tayo pabalik sa bahay mo," hinihingal na sabi ko sa kaniya. Masakit na ang balakang at paa ko. "Hindi ko na kayang maglakad pa pa
Nawalan ako ng sasabihin kaya nagpanggap akong inaantok na. Humikab ako kunwari. "Inaantok na ako. Goodnight." Naglakad ako papuntang pintuan ng aking silid. Nilingon ko si Joshua at nakita kong nakatitig siya sa akin. Nakatayo habang ang kaniyang mga kamay ay nakasuksok sa bulsa ng kaniyang jogging pants. Ngumiti siya at tumango. "Goodnight." Tumango bago ko tinulak ang pintuan at mabilis na nagpatibuwal sa kama. "Gusto ako ni Joshua?" Nakagat ko ang aking labi. Ilang sandali akong napatunganga sa kisame bago ako napatili dahil sa hindi ko din malamang dahilan. Gusto niya daw ako! Sinabi ko na inaantok ako pero inabot na ako ng alas-dos nang madaling araw, dilat pa din ako at paulit-ulit na nag-pe-play sa aking isipan ang pagtatapat ni Joshua. Bumangon ako bandang alas-sais ng umaga. "Mukhang may napuyat kagabi," nakangising sabi ni Joshua nang madatnan ko siya sa kusina. Nagluluto siya ng almusal. Nagkibit balikat lang ako. Mahapdi pa ang mga mata ko. Gusto ko pang matulog
May isang araw pa sana kami dito sa Baguio pero may nangyari sa mommy ni Joshua kaya kinailangan na naming bumalik ng Manila. Sumama ako sa kaniya hanggang sa ospital kung saan naka-confine si Madam. Nadulas siya sa banyo at hindi maganda ang pagbagsak ng kaniyang balakang. Nagtamo siya ng injury. "I'm fine, you don't have to worry about me," sambit nito habang hinahaplos ang buhok ni Joshua na makikitaan ng labis na pag-aalala sa kaniyang ina. Tahimik naman akong nakatayo sa sulok. "Kumusta ang Baguio?" "Still Baguio," sagot naman ni Joshua. Sinulyapan niya ako nang mapansin niya na nasa akin ang tingin ng kaniyang ina. "Maupo ka, hija," sabi ni Ma'am. Tinuro niya ang sofa sa gilid. Tahimik akong naupo doon. Pinauwi na muna ni Joshua ang katulong na nagdala sa kaniyang ina dito sa ospital, para kumuha sa mansyon ng makakain. "May good news ba?" tanong ni Ma'am. Nagawa pa niyang ngumiti pero alam kong may iniinda siyang masakit sa kaniyang katawan. Siguro ayaw niyang mag-ala
NA-LATE ako ng dating sa trabaho dahil may sakit si Popoy. Kahit na may bantay sila, sinigurado ko muna may gamot siya para hindi na ako mag-alala pa..May breakfast meeting si Joshua ngayon at dapat kasama ako. Tumawag ako kanina sa kanya gamit ang celphone ng maid upang magpaalam. Pagdating ko sa trabaho, nadatnan ko ang isang babae na nakikipagtalo kay Mady. "Ma'am, umalis na po kayo dahil kung hindi mapipilitan po akong tawagin ang security para—" Napatingin sa akin si Mady. "Kausapin niyo na lang po ang girlfriend ni Sir," sabi ni Mady. Napatingin ako sa aking likuran. Sino'ng girlfriend? Ako ba?Pasimpleng tumango at kumurap sa akin si Mady. Inayos ko naman ang aking tindig bago ako lumapit sa kanila. "Ano'ng nangyayari dito?" tanong ko. "Ah, Ma'am, nanggugulo po siya dito."Tinaasan ko ng kilay ang babae. Nakakainis. Hindi pa man din maganda ang suot ko ngayon, dahil hindi pa nalabhan ang mga maayos kong damit. Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. Nakipagtitigan
Nagmamadali akong pumasok sa banyo upang makapag-toothbrush at maghilamos. Nagsuklay na din ako ng buhok at sinigurado na maayos ang aking mukha. Nagpalit ako nang mas maayos na damit. Bumalik ako ng sala ng tiyak kong malapit na siyang dumating. Nanlalamig ang kamay ko sa kaba habang naghihintay ako sa kaniya. At nang magbukas ang pintuan ng condo, napatayo ako. Pero agad din akong umupo. Bakit ba ako tatayo? Kailangan ko ba siyang salubungin ng yakap? Eh, hindi pa naman kami. May bitbit siyang paper bags na hula ko ay pagkain ang laman. Nakangiti siya at kahit magulo ang kaniyang buhok ay guwapong-guwapo pa din siya. Hindi na niya suot ang kaniyang neck tie. Nakalas na din ang dalawang butones ng suot niyang polo. "Can't sleep?" "Lasing ka ba?" Magkapanabay naming tanong sa isa't isa. "No, I'm not drunk. Dalawang baso pa lang ang naiinom ko. I was actually planning to come here before you call.""Ta-Talaga?" nangingiting tanong ko. "Hmmm. I thought you go out on a date with
Tulad kahapon, sinundo ulit ako ni Joshua. May dala siyang flowers at sabay ulit kaming nag-almusal. Pagbaba namin ng kaniyang sasakyan, hawak kamay kaming naglakad papasok ng kanilang building. Nagtatawanan pa kami paglabas namin ng elevator pero napadta ako nang makita ko si Xavier na nakatayo sa harap ni Mady, habang nakatulala na nakatingin sa amin ni Joshua. Tahimik na pumasok si Joshua sa loob. Habang ako naman ay hindi malaman kung paano haharapin si Xavier. Napakamot ako ng aking batok. Si Mady na hindi nauubusan nang sasabihin, tila naumid naman. Nakikiramdam sa amin. Awkward na tumawa si Xavier bago siya nagsalita. "Mukhang nahuli ako," naiiling at nakangiti niyang sambit. Hindi ko naman magawang ngumiti sa joke niya kung joke man iyon. "Ah. . . Xavier.""It's okay, I understand. Congratulations! I'm happy for you. Really. . ."Naramdaman ko ang sinseridad sa kaniyang sinabi. "S-Salamat, Xavier."Tumango siya at tipid na ngumiti bago nagpaalam na aalis na. "Naawa nam
Bababa na sana ako sa sasakyan nang hawakan ni Joshua ang akiñg kamay. "Bakit?" Nanlaki ang aking mga mata nang kabigin niya ako at siniil ng mapusok na halik sa aking mga labi. Para na naman akong aatakehin sa puso dahil sa bilis ng tibok ng aking puso habang patindi naman nang patindi ang pag-atake niya sa aking mga labi. Hinihingal siya nang huminto siya sa paghalik. Nanatiling nakadikit ang kaniyang noo sa aking noo. "Aalis ako mamayang madaling araw. Pupunta ako ng Hongkong."Natahimik ako. Ilang araw naman kaya siya doon? Tiyak na mamimis ko siya. "Wala ka pang passport kaya hindi kita maisasama." Napangiti ako. "Aasikasuhin ko ang passport ko sa susunod para kahit saan ka magpunta, kasama mo ako," sagot ko naman. Mahina siyang tumawa. "Glad to hear that."Ngumuso naman ako at ginamit naman niyang pagkakataon iyon upang dampian ako ng mabilis na halik sa aking mga labi. "Ihatid na kita sa taas tapos uuwi din ako agad para makapag-impake.""Okay." Nakaakbay siya sa akin