Share

CHAPTER 11

"KALOKA! Ikain mo ng lechon iyan, Maya! Naii-stress ang bulbol ko sa ganap kanina, ha!" Litanya ni Annie habang sunud-sunod ang kagat at nguya sa malutong na balat ng lechon.

Kumain naman ako at pasekretong luminga-linga sa paligid at saka susubo ng malaki. Masarap ang pagkain nila! Lalo na ang lechon! Tuloy ay nawala ang sakit ng anit ko dahil sa pangangaladkad kanina!

"Oo nga!" Segunda ni Sonya. "Pero mukhang hindi naman na-stress si Malaya kasi kain nang kain, oh! May paglinga pang nalalaman! Huwag kang mag-alala! Walang manghuhusga sa'yo rito dahil lahat masisiba!" Tawa niya. "Limang lechon ba naman ang inihanda, siguradong hindi mauubusan!"

Bigla naman akong ginapangan ng hiya. Pero nang maalala ang sinapit kanina ay idinaan na lang iyon sa sunud-sunod na kagat ng lechon.

"Tama iyan, Maya! Idaan na lang sa kain iyang stress mo!" Si Annie na humugot ng upuan at hinila iyon palapit sa akin punong-puno ang kanyang plato ng mga ulan. "Kuha pa kayo roon, ang dami nilang handa!"

N
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status