Share

CHAPTER 3

I FRUSTRATEDLY brushed my hair using my fingers as her figure slowly disappeared by my sight. I couldn't help but to slightly bang my head on the wall because of so much frustration. 

"Fucking fuck! I'm going crazy again! Who would have in his right mind to think that the stranger who saved his son is his missing wife? They have maybe a resemblance but they're totally different! My wife is a calm and shy person when it comes to me!" Parang akong baliw na kinakausap ang pader. 

I can't believe it! I just can't! It's really her! She seems familiar yet unfamiliar to me. For fucking sake, it's been years. Years! I shouldn't be looking for her anymore! I've been looking for her but I don't get any information of her whereabouts! Maybe because I couldn't find her because she's gone. Forever. 

With that thought, walang buhay akong bumalik sa kwartong aking pinanggalingan kanina. My sister, Shalani was still there, busy checking her phone but when she noticed me, she immediately come near me worriedly. 

"What happened? Why did you follow her?" Alam kong alam niya ang sagot sa tanong niyang iyon but she still insisted on asking it. "I know that she looks like Ate Maya, your wife but based on your stories, she's modest, shy and simple girl. But that woman named Malaya if I'm not mistaken, is much far from the wife that you're telling me. That woman has a strong aura, she seems a street smart person. And with those kind of smiles? Mga katulad no'n kuya, matatapang. Matatatag." She smirked as if she's a proud mother. "Just accept the truth Kuya na sa mundong ito, may mga magkakamukha talaga." She tapped my shoulder and proceeded on her phone. Kapagkuwan ay bumaling din siya sa akin sabay ngiwi. "Oh, by the way, Irie's new nanny resigned again. Your sweet of a devil princess pour a power on the floor that caused her to slide and slammed her back hard. Alam mo naman, may edad na rin iyon kaya hinayaan na lang daw umalis." She informed. 

--- 

NANG makauwi ako sa bahay ay hindi ko kinibo ang mga tao roon. Ganoon pa rin ang ayos ng mga gamit na iniwan ko, ni walang nagmalasakit na i-akyat man lang sa kwarto ko. 

Walang salita kong inangat ang aking mga gamit paakyat sa aking kwarto at napabuntong hininga na lamang nang saglit na maupo sa katre. Hindi ko maiwasang malungkot at madismaya, ipinaalam ko namang uuwi ako ngunit hindi man lang nilang magawang ma-ipaayos ang aking kwarto. 

Imbes na umatungal sa gilid ay nag-ayos na lamang ako ng aking mga gamit, ngunit sa kalagitnaan ng aking pag-aayos ay may maliit na bagay ang nahulog mula sa aking wallet. Agad ko iyong kinuha at hinaplos. Malungkot akong ngumiti at hinalikan iyon. Naupo ako sa paanan ng aking kama habang hawak ang bagay na iyon habang titig na titig na para bang doon nakasalalay ang aking buhay. Habang hinahaplos iyon ng aking daliri ay para ring hinahaplos ang aking puso, iyon nga lang, masakit. Parang pinagpipira-piraso sa sobrang sakit. Hanggang sa dahan-dahan ko iyong inilapat sa aking dibdib at doon hinayaan ang sariling lumuha nang walang ginagawang ingay. 

Napamulagat lamang ako nang marinig ang pagtunog ng aking cellphone! Napahilamos ako sa aking mukha at inayos sa pagkakalagay ang aking hawak bago kinuha ang cellphone. Nanliit pa ang aking mata nang numero lamang ang nakalagay sa caller ID. Hindi ko na sana sasagutin pero baka naman importante kaya sinagot ko na. 

"Omg! My friend! Mabuti at sinagot mo! Kahapon pa ako tawag nang tawag sayo! Saan ka ba galing? Ano? Naka-uwi ka ba ng maayos? Hindi ka naman tinangay ng puting van at ginawang vetsin sa ibang bansa?" Ngumiwi akong inilayo ang cellphone sa aking tainga nang sunud-sunod ang pagsasalita ni Wella, ang aking katrabaho sa ibang bansa. "Ano? Ano? Magsalita ka! Magsalita ka! Anong nangyayari sa'yo riyan? Did you see them already? Did you came to them? Char English. By the way, ano nga! Sinabi mo na ba ang totoo? Pinaniwalaan ka ba niya? Sumagot ka! Sumagot ka!" Imbes na sagutin siya ay pinatay ko ang tawag. 

"Lokaloka talaga, paanong makakasagot ang tao eh, ang daldal." Umirap ako sa kawalan saka inayos ang sarili at ipinagpatuloy ang naudlot na pagliligpit. 

Ito talaga ang ayaw ko eh, iyong nagkakaroon ng pagkakataong mapag-isa. Nagkakaroon tuloy ng pagkakaong magka-emosyon. 

Nang tumunog ulit ang aking cellphone ay agad ko iyong sinagot. Alam ko namang tatawag ulit kasi ganyan siya, kilala na niya ako. 

"Hindi ko sinabi, at wala akong balak sabihin. " Bungad ko sa kanya. "Kailangan kong maghanap ng bagong trabaho rito dahil kailangan ni Mama pambili ng gamot." Pabuntong hininga kong sinabi habang abala sa pagtutupi. 

"Ha? Eh, diba buwan-buwan ka namang nagpapadala riyan? Halos hindi ka na nga makabili ng bagong panty at bra rito para lang may maipadala riyan tapos ngayon maghahanap ka na agad ng mapapasukan? Magpahinga ka rin kaya! Baka nakalilimutan mong hindi ka robot, mula nang makilala kita Inday, wala ka ng tigil sa katatrabaho. Akala ko pa naman ngayong naka-uwi ka na sa pamilya mo, makapag-relax ka naman ng kaunti." 

Nagbuntong hininga ako. Napahilamos na naman ako sa aking mukha. 

"Wala na akong magagawa roon, Inday. Ganoon talaga, eh. Alangan namang pabayaan ko na lang sila? Nagawa ko na nga noong una, gagawin ko na naman sa pangalawang pagkakataon? Hindi na, debaleng makuba mabigay ko lang ang pangangailangan ng pamilya ko." Sambit ko. 

"Eh, paano ka naman? Sinong mag-aalaga sa'yo kapag nagkasakit ka?" Tanong niya, sa paraan ng kanyang pagtatanong ay nasisiguro kong nakalagay ang kanyang isang kamay sa beywang habang nakataas ang isang kilay. 

Tumawa ako. 

"Kaya ko ang sarili ko, Inday. Ako pa ba?" My voice cracked. "I've been doing it for years, ngayon pa ba ako maghahanap o maghahangad ng mag-aalaga sa akin kapag nagkasakit ako?" Natahimik ang nasa kabilang linya. "Nga pala, kailan ka uuwi? Baka naman may kakilala ka rito sa pinas na nangangailangan ng kasambahay! Papasok naman ako, oh! Kahit taga-alaga ng bata! O kaya tagalinis. Kahit ano, papatusin ko. Wala na rin kasi talaga akong pera, eh." Kagat ko ang aking pang-ibabang labi habang sinasabi ang totoo sa kaibigan. 

"Padadalhan kita riyan ng panggastos mo habang wala ka pang nahahanap na trabaho, bayaran mo na lang ako kapag may pera ka na." Aniya na kinanlaki ng mata ko! 

"Hoy, gaga huwag na! Maghahanap na lang ako ng trabaho rito! Baka pwedeng mag-extra extra sa mga karenderia!" Agaran kong sinabi.

Nakakahiyang mangutang! Baka wala akong maipambabayad! 

"Parang tanga naman Inday, parang iba tayo sa isa't isa, ah! Baka nakakalimutan mong ikaw ang tumutulong sa akin noong walang-wala rin ako? Kaya sige na, huwag ka ng mahiya. Saka, hindi naman ito bigay, eh. Bayaran mo rin kapag nagkapera ka na. Hindi naman kita ipo-post sa f******k kapag hindi ka agad nakapagbayad." Aniya sabay halakhak nang malakas.

Siraulo talaga! 

"Nga pala, may kilala akong nagtatrabaho bilang yaya sa isang malaking bahay. Iyon nga lang ay napakakukulit daw ng mga bata kaya hindi niya kinakaya! Sasabihin kong kung hindi niya kaya ay ikaw na ang pumalit! Sasabihin ko lang na kamag-anak ka niya para agad ka ring matanggap at hindi ka na dumaan pa sa agency baka kung ano pa ang mahalungkat." Dinugtungan niya iyon ng tawa ngunit alam kong totoo ang sinasabi niya. 

"Maraming salamat Inday, ha. Hulog ka talaga ng langit kahit napakademonyo mo." Sabi kong tumatawa. "Mag-iingat ka riyan, tumawag ka kapag kailangan mo ng makakausap. Huwag maglalalabas kapag day off ha? Baka mabuntis ka kukurutin ko ang kepyas mong 'yan." Pangangaral ko sa kaibigan ko. 

"Aba huwag ganoon, Inday! Dapat may dilig din naman ang aking kepyas! Hindi puro trabaho at baka kalawangin! Mahirap na!" Sabay kaming humalakhak. "Sige na magtatrabaho na ako, ibibigay ko na lang ang number mo roon sa kakilala ko. Sana makayanan mo ang kakulitan nila! Ipagdarasal na lang kita! Amen! Goodbye, Inday!" 

"Bye, Inday. Ingat ka riyan." Sambit ko bago tuluyang punatau ang tawag. 

Yaya ng makukulit na bata? Hmm... Kakayanin ko kaya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status