"MA, ALIS po muna ako." Paalam ko kinabukasan kay Mama.
Maaga akong nagising dahil maaga ang usapan namin ni Inday na pagkikita raw namin ng kakilala niya. Ang akala ko ay nagbabalak pa lamang na umalis pero hindi ko inaasahang kahapon daw agad ginawa dahil hindi na nakayanan!
"Saan ka naman pupunta? May bago ka na bang trabaho?" Iyon kaagad ang tanong ni Kuya Roland sa akin.
Napatigil ako saglit at tiningnan silang kumakain sa mesa.
"Ikaw? Kailan ka magkakabayag at matutong tumayo sa sarili mong mga paa?" Pabalang kong sinabi na agad namang nireskyuhan ng magaling niyang nanay.
"Malaya! Ano ka ba naman! Huwag mong kalilimutang nakatatanda mo siyang kapatid! Hindi ka na natutong gumalang!" Halos tumayo na si Mama sa kanyang kina-uupuan.
"Oo nga!" Segunda ni Ate Rica. "Baka nakakalimutan mo, ikaw ang dahilan kung bakit..." Sinadya niyang hindi ituloy ang kanyang sinasabi at binigyan ako ng makahulugang ngisi.
Oo, hindi ko nakalilimutan iyon. Habangbuhay akong hindi makakalimot.
Hindi ko na lamang siya pinatulan at pinilit kong hinila ang aking mga paa palayo sa lugar na iyon. Hindi puwedeng ganito, mababaliw ako at baka kung hindi ako makapagpigil, ihahambalos ko sa pagmumukha nila ang kung anumang mahahawakan ko.
Tsk. Hindi kailanman ako makalilimot kung araw-araw nilang ipapaalala sa akin ang nangyari. Wala namang ibang sisisihin doon kung hindi ako, ako lang. Kaya hindi ko maintindihan kung para saan pa at kailangang ulit-ulitin na para akong batang hindi nakakaintindi sa ilang ulit na paalala.
Kung hindi lamang tumunog ang aking cellphone ay baka kung saan-saan na naman napunta ang isip ko. Mabuti na lang at tumunog kaya dali-dali ko iyong kinuha at sinagot.
"Hello? Si Malaya Sandoval po ba ito? Ako po si Nali, nakausap ko po si Miss Inday! Iyong kasamahan mo raw'ng nagtatrabaho sa ibang bansa?" Walang paliguy-ligoy niyang sinabi.
"Magandang umaga po, opo. Ako po ito." Tugon ko habang pumapara ng tricycle.
"Iti-text ko sa iyo ang location at doon tayo magkita at mag-usap na rin. Wala ka ng alalahanin patungkol sa papeles mo at nagawan na namin ng paraan. Sana'y makayanan mo ang kakulitan ng mga batang iyon! Hay! Palibhasa ay walang tunay na inang nag-aalaga kaya ganoon na lamang kasusutil!" Mahaba niyang litanya.
Talaga nga naman yatang pangit ang sinapit niya sa kanyang pinagtatrabahuhan kaya ganito na lamang siya kung maglitanya.
"Naku, kung ikaw sana ay makayanan mo! Napakakukulit! Tumatanda na nga ako, mas lalo pa nilang patatandain! Kaya ayaw ko na! Sukong-suko na ako sa mga batang iyon kahit pa malaki ang sahod at napakaguwapo ng ama!" Umismid ako nang mahimigan ang hagikhik sa tono ng boses ni Ate Nila. "Debale! Mahal ko ang buhay ko kaya ako umalis. Good luck sa'yo, ha! Huwag ka lang mahuhulog sa amo natin at baka umuwi kang bangkay sa pamilya mo dahil sa asawa niya." Paalala niya.
Tumawa ako habang umiiling. "Naku, hindi po mangyayari iyon, Ate. Trabaho po ang hanap ko at wala po akong balak makipagrelasyon sa kahit na sino."
"Sinabi mo iyan, ha!" Mapang-asar niyang mungkahi. "Sige na, na-text ko na sa'yo ang address. Magkita na lang tayo."
Sinabi ko sa driver ang kanto na aming pagkikitaan at hindi nagtagal ay dumating na rin naman ako roon. Kinalikot ko ang aking cellphone para sana tawagan si Ate Nila at sabihing nandito na ako nang naunang tumunog ang aking cellphone sa tawag niya. At hindi na rin naman ako nahirapan pang hanapin siya dahil nang sandaling sagutin ko ang tawag ay nakita ko agad ang babaeng nakadaster na lumulundag sabay kaway at tawag sa pangalan ko.
Kumaway na rin ako at lumapit sa kanya.
"Ay, ang ganda-ganda mo naman pala!" Kumento niyang ikinahiya ko. "Medyo bata-bata pa! Kaya pa ng mga buto-butong maghabol ng mga chikiting na ipinaglihi yata sa shrews sa sobrang kukulit! Aba jusko, hindi napipirmi sa iisang lugar!" Hindi matigil si Ate Nila sa kadadaldal tungkol sa kanyang huling mga alaga habang naglalakad na kami papasok sa isang eskinita. "Pero huwag kang mag-aalala, kahit na makukulit iyon naiintindihan kong kailangan lamang nila ng atensyon. Kasi sa pagkakaalam ko, wala riyan ang kanilang ina at ang kanilang ama naman ay abala sa trabaho kaya bihira lang magkaroon ng oras sa mga bata." Mula sa kuwento niyang puro paghihirap ay napalitan ng lungkot ang kanyang mga mata.
"Uhm... Paano nga po pala ito, Ate? Tungkol sa..." Nahirapan pa akong ibahin ang topic dahil baka hindi pa siya tapos sa pagdadrama tungkol sa mga alaga niya.
Ngunit matapos kong sabihin iyon ay napatalon pa siya na ikinagulat ko.
"Ay, oo nga pala! Harujusko pagpasensyahan mo na at ang daldal!" Aniyang kumamot sa kanyang ulo. "Tungkol sa iyong mga dokumento naman..." Sa gitna ng aming paglalakad ay bigla siyang tumigil at binuksan ang pintuan, sumunod naman ako. "Magpapakilala ka bilang si Malaya Ruiz, ang aking pinsan na hahalili sa akin sa trabaho. Kumpleto na iyan, may barangay clearance o kung anu-ano pa. Para hindi ka na dumaan pa sa agency." Aniya sabay abot sa akin ng brown envelope.
Binuksan ko naman iyon at hindi ko mapigilang mapalunok. Maaaring mukha ko ang mga narito ngunit nagtataglay naman ng ibang pangalan. Ibang pagkatao.
"P-pero... Paano po kapag magduda sila? Hindi ba nila ako iba-background check gayong ang pinag-uusapan dito ay ang kaligtasan ng kanilang anak?" Nangunot ang noo kong tanong.
Bumuntong-hininga siya at pinakatitigan ako.
"Hindi iyan, masyado na silang desperado't desperada magkaroon ng tagapag-alaga ng mga bata para isipin pa iyon. Ang mahalaga ay kumpleto ka ng mga mahahalagang dokumento. Nakausap ko na rin naman ang pangunahing kasambahay roon at alam niyang ang aking pinsan ang hahalili sa akin kaya huwag ka ng mag-alala. Wala ka naman sigurong masamang balak sa mga bata ano?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.
Nanlaki ang mata ko!
"Hala! Wala po, ah! Ilang taon na rin akong katulong sa ibang bansa at minsan na ring naging taga-alaga pero wala naman po akong ginawang masama!" I explained in horror. Afraid that she'll take back this offer because of what she is thinking of me.
"Mabuti." Seryoso niyang aniya. "Basta, ipapaalala ko lamang sa'yo, trabaho ang atupagin. Hindi ang ama. Mga bata ang bantayan, hindi ang ama. Mga bata ang aalagaan, hindi ang ama. Babayaran ka para sa pag-aalaga ng mga anak nila at hindi para sa kung anumang serbisyong iyong ibibigay." Makahulugang sinabi niya.
"Opo, Ate." Ngumiti ako, binibigyan siya ng kasiguraduhang hindi ako gagawa ng kahit anong kabulakbulan sa trabaho.
Pera na ito, eh. Ayaw kong maging bato. Kahit anong hirap man siguro ang trabahong iyon, kakayanin ko. Para sa pamilya ko. Pampagamot ni Mama. At mahirap? Ngayon pa ba ako susuko sa dami na ng napagdanaanan ko? Sisiw lamang ito. Nakasisiguro ako.
"Tayo na, ihahatid na kita sa pagtatrabahuhan mo nang makapag-umpisa ka na agad."
“D-DARIUS…” Naisatinig ko na lamang habang hindi makatingin sa kanya ng diretso. I didn't even know that this happened! “H-Hindi ko alam ‘to, hindi ko kilala kung sino ito…” nanginginig ang mga labi ko. Tumayo ako mula sa kama at kinuha ang ibang larawang nasa sahig na nahulog. Nang tingnan ko ang mga larawan ay nagtuluan ang mga luha ko. Tuluyan na akong napaluhod. Paulit-ulit na umiling. Ang daming pictures. May letrato ko noong lumabas ako ng hospital, kapapanganak ko pa lang sa kambal no'n. May mga larawan akong kalalabas lang ng isang club at nakasuot ng maiigsing damit! May larawan ding nakakandong ako sa lalaki at halos makalabas ang dibdib. Hindi… hindi ako ito! Alam kong sa club kami nagkakilala ni Darius pero hindi ako ang mga ito! Hindi ko naalalang gumawa ako ng ganito! He is the only man that I allow to touch myself. Wala ng iba at hindi magkakaroon ng iba! “D-Darius… I… hindi…” hindi ko mahanap ang dapat na mga salita gayong tumatagos sa kaibuturan ko ang l
MY TEARS rolled down my cheeks non-stop, like a broken faucet. I was clutching my chest as it aches so bad. I slapped it twice, as if the pain would lessen after doing so. But no, the pain didn't stop or lessen. It got worse and worse as I heard the brokenness of his voice. I'm sorry… I'm so sorry… Please forgive me. Please, please… I said those words wordlessly. Gusto kong lumabas sa silid na pinagkalalagyan upang suyuin siya't yakapin. Magpaliwanag ng katotohanan, sabihin kung gaano ko siya kamahal. Ngunit hindi ko alam kung paano itong buksan. Hindi ko alam kung saan ako lalabas. All I could do was cry at the back of this door. Or wall. Ni hindi ko alam kung pintuan ba ‘to o dingding. Ayaw tumigil sa pagtulo ang mga luha ko. Nakadikit ang aking tainga sa dingding, pilit na pinakikinggan ang mga usapang nasa kabila nito. Oo. Kilala ko ang mga kausap niya. Base sa boses ng mga ito, kung hindi ako nagkakamali, ang mga kaibigan niya ito. Falcon and Drako. Falcon na babaero at D
“BAKIT hindi mo na lang ito dinala kahapon?” Iiling-iling na sinabi ni Drako, prente siyang nakaupo sa aking swivel chair na para bang pag-aari niya ito. “Ay, sus! May pa-I don't fucking care-I don't fucking care ka pang sinasabi tapos heto at halos hindi ka na kumurap kakabasa riyan sa impormasyon tungkol sa asawa mo!” He added with full of mockery. “Where is she right now? Did you fire her? Ikinulong mo ba siya? Sa puso mo?” Matalim ang tingin na ginawad ko sa kanya. Nagpatay-malisya siya at bumalik sa pagkain ng chocolate cake. “Talaga namang ikukulong niya si Miss beautiful sa puso niya, lalo na ngayon na nakumpirma na niyang ito ang nawawala niyang asawa!” Nang manahimik si Drako, bumuka naman ang bibig ng gagong si Falcon. “Shut up, fucker.” Binato ko siya ng ballpen. “Why the fuck are you even here? Ang pagkakaalala ko, si Drako lang ang pinapunta ko, hindi ka kasama.” Falcon took a huge sliced of red velvet cake into his mouth and the motherfucker chew it slowly before
NANG buksan ko ang aking mga mata ay agad ko ring ipinikit nang ang sumalubong sa akin ay sinag ng araw, nanggagaling iyon sa nakabukas na bintana. Sapo-sapo ko ang aking noo at umahon mula sa pagkakahiga. When I checked my whole being, I was still fully clothed. Ang kaibahan lang, t-shirt ni Darius ang suot ko, thankfully, the shorts is mine. Nagbuntong-hininga ako. Binaluktot ang aking tuhod saka iyon niyakap. Umaga na, nothing happened last night dahil sinabi kong pagod ako. Totoo naman iyon dahil buong gabi kaming nagchukchakan noong isang gabi tapos hindi pa ako nakapagpahinga dahil sa kambal. Thankfully, he didn't question me much and just let me take a rest. Ngayon ay hindi ko na mahagilap ni anino niya. Siguro ay pumasok sa trabaho. Iniwan ako ritong mag-isa at walang pagkain. Maybe this is his way of punishing me? Tsk. Hanggang ilang araw kaya niya akong ikukulong rito? Ang mga bata, hindi kaya nila ako hinahanap? Maybe they're confuse right now but they'll get over i
“A-A-ANONG pinagsasasabi mo?” Kunot ang noo kong tanong at bahagyang umatras upang magtagpo ang mga mata namin, he gave me that but he made sure that I won't get away from his grip. “Bitawan ni’yo po ako sir, m-may gagawin pa po akong ibang trabaho…” kanda-utal-utal ako nang magtagpo ang mga mata namin. Hayan na naman ang mga matang hinihigop ang buo kong sistema! Sa tuwing titigan ay para bang inaalisan ako ng kontrol sa sariling katawan. I wanted to push him hard, I wanted to use my remaining strength to get away from his grip but I would be a huge hypocrite if I'd say I don't like the way his calloused and strong arms were snaked on my body. “P-Please, Darius… let me g-go…” halos nagsusumamo ang boses kong sinabi iyon. “Uh-huh?” He responded and tilted his head on the other side as if rethinking of his life decisions. “Let you go?” I nod abruptly. “Akin ba sa mga sinabi kong hindi ka maaaring umalis, hindi na ako papayag na mawala ka pa ulit ang hindi mo maintindihan, huh?” His
“DADDY! Daddy! Daddy!” Masayang salubong ng kambal at nag-unahang tumakbo sa kanya. Nawala ang galit sa kanyang mukha at napalitan iyon ng maamo at magaang awra. He opened his arms widely to welcome the twin's hug. “Daddy! You know what, we tried in a real playground! We tried lots of adventures there! We played with other kids as well, and they're twins too!” Tuluy-tuloy na kwento ni Irie, pagkatapos magsalita ay kaswal lamang niyang dinilaan ang hawak ma ice cream. “And we made pancakes with yaya awhile ago! We were sad Daddy because you were not with us this sunday but because of yaya Maya, we were not na!” Isaac said while licking his own chocolate ice cream. “Really?” Darius asked in a sweet voice but when his gaze turned to me, they were burning. Nag-iwas ako ng tingin at napalunok. Lagot na ako nito. Hindi ko alam kung anong maaaring consequences sa mga ginawa ko but I am sure, based on the look that he gave, he'll punish me real hard. Sumakay kami sa kotse. An