GABBY POINT OF VIEW Maaga pa lang ay gising na ako. Mahimbing pa ang tulog ni Damian pero ako’y para bang may apoy na sa dibdib. Hawak ko pa rin ang maliit na external drive na naglalaman ng therapy sessions ni Seraphina. Lahat ng ebidensya. Lahat ng patunay. Lahat ng kasinungalingan na itinanim sa isip ng babaeng minanipula nila. At ngayon, oras na para harapin ang punong demonyo—si Cassius Delgado.Hindi ko sinabi kay Damian. Hindi pa. Alam kong magagalit siya, baka pati mawalan ng kontrol. Pero kailangan ito. Ako ang nasa katawan ni Seraphina. Ako ang kailangang matapos ang labang ‘to. Ako ang dapat kumalaban sa multo ng nakaraan niya.Sinadya kong suotin ang paboritong kulay ni Seraphina—cream na dress na mahaba, may lace sa leeg. Elegant. Mahinhin. Mukhang mahina. Para lalong hindi siya maghinala.Pagdating ko sa clinic ni Cassius, tahimik ang buong lugar. Mamahalin ang loob. Parang hindi ka pumasok sa opisina kundi sa isang luxury suite. May classical music sa background. Amoy
GABBY POINT OF VIEW Habang nag-aayos ako ng mga lumang kahon sa attic, napansin ko ang isang maliit na wooden chest na may balot na telang kulay abo. Halos matabunan na ng alikabok, pero may kakaibang pwersang tila humahatak sa akin papunta rito. Inangat ko ang takip at bumungad sa akin ang mga lumang journal, larawan, at isang maliit na silver chip na may label na sulat-kamay. Nakalagay lang: “S.E. Confidential.” Agad akong napatigil. Kilala ko na ang handwriting na ‘yon kay Seraphina. Pumasok ang kaba sa dibdib ko. Parang sinisipa ng malakas ang puso ko habang dahan-dahan kong kinabit ang chip sa tablet ni Damian nang hindi niya alam. Isang secured folder ang bumungad. Walang pangalan ng file kundi mga date stamp lang, pero malinaw na audio recordings ang laman. Nang i-play ko ang una, halos hindi ako makahinga."Session One. Seraphina Elizalde. Patient exhibits symptoms of dissociation and learned helplessness," sabi ng lalaking boses. Malamig ang tono. Clinical. Walang emosyon. N
GABBY POINT OF VIEW Tahimik ang buong mansyon nang gabing ‘yon. Pero kahit gaano katahimik ang paligid, hindi ko mapigilang maramdaman ang paggapang ng kaba sa katawan ko. Parang may mali. Parang may binabalak ang mundo sa likod ng mga kurtina’t pader.Bumaba ako mula sa kwarto ko, hindi sinindihan ang ilaw. Nakaapak ako nang dahan-dahan sa malamig na sahig habang lumalapit sa likod ng hallway papunta sa silid-aralan sa dulong bahagi ng mansyon—kung saan madalas nagkukumpulan ang mga Velasco kapag may mga “family matters.”Akala nila, tulog na ako. Akala nila, mahina pa rin ako.Pero ‘di nila alam, gising ang bawat ugat ko. Naka-alerto ang lahat ng pandama ko.Nang makalapit na ako, doon ko narinig ang boses ng tiyahin ni Damian—si Tita Lorna. “Hindi na siya si Seraphina. Sobra na ang kakaibang kilos niya. Masyado siyang matapang. Palaban. Parang ibang tao na.”“Kailangan na natin siyang ipadala sa ospital. Psychiatric ward. Bago pa siya maging kahihiyan sa pamilya,” ani naman ni Gre
GABBY POINT OF VIEW Bumuhos ang ulan na parang galit ng langit mismo.Tumama ang malalaking patak ng ulan sa balat ko habang nakatayo ako sa gitna ng driveway, ang buhos ng ulan ay halos sumisigaw sa tenga ko. Pero mas malakas ang sigaw ng damdamin kong pinipigilan ko na mula pa kanina pa lang.“Gabriella!” sigaw ni Damian mula sa pintuan, pero hindi ako gumalaw.Oo, Gabriella. Hindi Seraphina. Hindi ang babaeng kilala niya. Hindi ang babaeng gusto niyang buuing muli gamit ang mga alaala nila. Ako ‘to—ang babaeng hindi niya kailanman makokontrol.Lumapit siya, basang-basa rin, pero hindi alintana ang lakas ng ulan. Ang suot niyang mamahaling coat ay nakalaylay na sa gilid, parang wala na siyang pakialam kung masira ito. Hindi rin ako umatras. Hindi ako natakot. Hindi ako lumambot sa presensya niya gaya ng dati.Hindi na ako si Seraphina.“Ano bang gusto mong patunayan, Damian?” pasigaw kong tanong habang lumalakas pa ang ulan. “Na kaya mo akong habulin kahit baha na sa paligid? Na ka
DAMIAN RAFAEL POINT OF VIEW Hindi ko na kayang itanggi.Lahat ng kilos niya. Lahat ng salita niya. Ang bawat pagbaling ng ulo, pag-angat ng kilay, pagbitaw ng isang mapanirang ngiti—alam ko lahat ng 'yon. Minemorize ko na siya. Araw-araw, gabi-gabi, sinusundan ko siya. Hindi man sa literal na paraan palagi, pero sa lahat ng makakaya ko—CCTV, social media, mga insider reports, at minsan, sa mga mata ng taong hindi niya alam ay ako ang nagpapasuweldo.Hindi na ito tungkol sa pagdududa.Hindi na ito dahil gusto ko lang malaman kung totoo bang siya pa rin si Seraphina.Ito na ay dahil naging obsesyon ko na siya.Ang babae na dati'y halos hindi makatingin nang diretso sa mata ko, ngayo’y kayang tumayo sa entablado at baliin ang mga balikat ng board sa isang pahayag lang. Ang babaeng halos hindi makaimik sa harap ng pamilya ko, ngayon ay kayang sabihing *“Hindi na ako ang babaeng dati niyong inaapakan.”*Tinitigan ko ang screen ng laptop ko, kung saan nakapause ang video ng live interview
GABBY POINT OF VIEW Akala ko sanay na ako sa spotlight. Pero iba pala 'pag ikaw ang center ng universe ng mga taong nanonood ng live. Ilang segundo bago mag-umpisa ang interview, nakaupo lang ako sa leather na upuan, nakaharap sa host na kilala sa pagiging matalas ang dila—si Cassandra Reyes. Sa likod ng camera, puro ilaw, teknisyan, at crew na abalang-abala. Pero sa gitna ng lahat ng 'to, kalmado ako.Kalmado… o baka masyado lang akong sanay sa gulo."Three… two… one… live tayo," sabi ng floor director.Ngumiti si Cassandra, pero halata sa mga mata niya na gusto niya akong durugin nang dahan-dahan."Good evening, everyone. Kasama natin ngayon ang pinaka-kontrobersyal na babae ng taon—Seraphina Elizalde-Velasco."Ngumiti rin ako, ‘yung tipong hindi mo alam kung totoo o hindi.“Good evening,” sagot ko, steady ang boses. Hindi ako nagpakita ng kaba kahit konting-konti.“Unang tanong,” panimula ni Cassandra, “lahat ng tao curious—ano ang nangyari sa’yo? Mula sa tahimik, submissive, at h
GABBY POINT OF VIEW “Ma’am, confirmed po—nakuha na po ang controlling shares. Effective today, ikaw na po ang may hawak ng majority sa Elcano Holdings.”Ang sarap pakinggan.Pinatay ko ang call habang nakatingin sa glass wall ng private office ko sa taas ng Velasco building. Maliit lang ‘to kumpara sa kay Damian, pero sapat para mapuno ng presensya ko ang buong floor. Gabby-style, hindi Seraphina-style. Wala nang soft pinks at lace curtains. Black leather, glass desk, at dark wood panels—lahat sharp at diretso sa punto. Walang paligoy-ligoy. Kagaya ko.Hindi alam ng mga gago sa board na habang busy sila sa damage control sa press scandal na pinasabog ko last week, ako naman, tahimik na kinukuha ang isa sa pinaka-critical nilang ka-partner—ang Elcano Holdings. Logistics. Import-export. Isa sa mga backbone ng Velasco Corporation. Without it, delayed lahat ng shipments nila sa Southeast Asia.And now?Sa’kin na ‘yun.Ginamit ko ang mga dormant investments ni Seraphina—mga stocks at trus
GABBY POINT OF VIEW Ilang araw na akong hindi halos nakakatulog. Simula nang makatanggap ako ng bulaklak na may dugo, wala na akong tiwala sa kahit anong padala, kahit sa mga ngiti. Kahit sa tahimik na paligid ng mansyon.Buti na lang, ‘di ako pinalaki para maging relaxed.That morning, tinext ako ni Damian. Mahalaga raw ang meeting namin sa boardroom ng isang partner firm sa Makati. Of course, I knew the company—Velasco Mining’s golden boy project. Pero ang mas importante sa akin ay ‘yung gut feeling ko na may mali.Hindi ko na ‘to tinatawag na intuition—hindi na to babae instinct lang. Galing ‘to sa experience. Sa mga taon kong nakikipaghabulan sa kalsada, sa mga sindikatong gustong magtago ng dirty money. May tunog ang peligrong hindi mo basta-basta maririnig. Pero mararamdaman mo.Kaya habang sinundo ako ng private driver para raw sundan si Damian papunta sa lugar, something felt off. Hindi ko kilala ang driver. Bago ang mukha. At masyadong tahimik. I pretended to make a call par
GABBY POINT OF VIEW Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang isang bouquet ng mga rosas.Hindi ‘yung pangkaraniwang klase. Hindi kagaya ng dinadala ng mga admirer ni Seraphina dati o ‘yung binibili ng mga lalaking guilty sa panloloko. Hindi. Ang mga rosas na ‘to, pula. Malalim na pula. Halos itim. At may tumatagas na likido mula sa mga talulot. Dugo.DUGO.Hindi rin ito pekeng dugo gaya ng ginagamit sa mga Halloween props. Amoy pa lang, alam mo na—sariwa. May kasamang lagkit at putanginang lagim.May kasamang maliit na papel na nakatusok sa gitna ng mga tinik."Your turn."Putang ina.Ngumiti ako. Hindi ngiti ng takot—ngiti ng kilig. Ngiti ng excitement. Kung akala nilang ang gagawin ko ay umiyak sa sulok, well, kailangan nila ng mas magandang research.Dahan-dahan kong ibinagsak ang bouquet sa basurahan at siniguradong walang bahid ng dugo ang sahig. Ayoko ng ebidensya. Ayoko ng trail.Pagbalik ko sa loob, dumiretso ako sa isa sa mga secret compartments sa loob ng lumang kabinet