Home / Romance / The Billionaire's Badass Wife / KABANATA 33: The Brothers Pact

Share

KABANATA 33: The Brothers Pact

last update Last Updated: 2025-05-09 19:49:14

GABBY POINT OF VIEW

Nakita ko agad ang tensyon sa mukha ni Damian mula pa lang sa main gate. Nakatayo siya roon sa veranda ng mansion habang papalapit ang isang itim na luxury car. Tahimik ang paligid pero ramdam ko ang bagyong paparating.

Pagbukas ng pinto ng sasakyan, bumungad ang isang lalaking naka-white linen shirt, walang necktie, naka-unbutton ang unang dalawang butones at mukhang bagong balik lang mula sa isang European beach trip. Matangkad, maamo ang ngiti, at may mala-artistang aura na kay tagal ko nang hindi nakita sa bahay na ito.

“Kuya,” bati ni Angelo habang lumalapit, dala ang maleta at isang paper bag na mukhang pasalubong. “Still allergic to surprises?”

Hindi sumagot si Damian. Tinignan lang niya ito mula ulo hanggang paa. Ako naman, nakatayo sa gilid ng hagdanan, parang audience sa isang soap opera na hindi ko naman sinubaybayan.

“Seraphina,” bati ni Angelo nang mapansin niya ako. “Or should I say, the most talked-about woman in Manila’s upper circle?”

Umiling ako
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 39: Sleepless Suite

    GABBY POINT OF VIEW Hindi ako makatulog.Ilang beses ko nang binilang ang butas sa kisame ng suite namin, ilang ulit ko nang pinalitan ang posisyon ko sa kama, pero wala. Tulog na tulog ang buong Tokyo, pero ako gising na gising. At ang dahilan ay nasa kabilang kama. Damian Rafael Velasco. Ang lalaking para bang sinadyang ilagay sa kwarto ko ng tadhana para guluhin ako tuwing gabi.Simula pa lang, hindi ko in-expect na magiging ganito. Business trip lang dapat ito. Konting harapan sa investors, kaunting pirmahan, at uwi. Pero eto ako ngayon, nakahiga sa hotel suite na kami lang dalawa ang laman, at para akong inaapoy ng hindi ko maintindihang pakiramdam.Tahimik si Damian buong gabi. Maliban sa mga tanong niyang napaka-civil sa harap ng Japanese mogul na halos lumuwa ang mata sa kakatingin sa akin, wala siyang sinabi. Pero ramdam ko ang pag-aalab sa bawat sulyap niya. Hindi siya nagsasalita pero para na rin siyang sumisigaw.Ngayon, ilang oras matapos ang hapunan, magkatabi kami sa p

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 38: Jealousy in Tokyo

    GABBY POINT OF VIEW Paglapag pa lang ng eroplano sa Tokyo, ramdam ko na ang tensyon sa hangin. Hindi sa pagitan namin ni Damian, kundi sa akin mismo. Iba ang presensyang dala ng lungsod. Malinis. Matahimik. Pero sa bawat galaw ng mga tao, sa bawat tipid ng salita, may disiplina at distansyang parang sinasakal ang mga hindi sanay. Sanay akong bumangga. Sanay akong lumaban. Pero dito, kailangan mong sumayaw sa ritmo ng katahimikan. At kasama ko si Damian. Sa iisang suite. Sa isang linggong business conference.Inayos ko ang coat ko habang pababa kami ng private car. Pormal ang lahat mula sa pagbati ng hotel staff hanggang sa mismong pagkakaayos ng pangalan namin sa itinerary. Damian Velasco. Seraphina Velasco. Hindi pa rin ako sanay marinig iyon kahit ilang buwan na. Lalo na sa mga pagkakataong tila mas totoo ang kasinungalingan kaysa sa dati kong buhay.Pagpasok sa suite, diretso siyang nagbukas ng laptop. Ako nama’y nagbihis ng robe at umupo sa tapat ng salamin, pinagmamasdan ang sar

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 37: Bianca's Breakdown

    GABBY POINT OF VIEW Maaga pa lang ay trending na sa social media ang video. Kasama sa bawat headline ang salitang “desperate” at “heartbreaking.” Naka-hospital gown si Bianca, nanginginig daw sa gilid ng rooftop ng isang hotel, habang umiiyak at humihiyaw na hindi na raw niya kaya ang lahat. May camera na parang pinilit itago, pero halatang scripted ang anggulo. Halos lahat ng comment ay nag-aabang ng awa. May ilan na nagtatanggol sa kanya, sinasabing sinira raw siya ng Velasco family. Ang iba nama’y nagrerequest ng privacy at respeto. Pero ako, habang hawak ang kape at pinapanood ang paulit-ulit na clip, hindi awa ang nararamdaman ko. Kung meron mang emosyong namamayani, iyon ay pagod. Pagod sa paulit-ulit na drama ng babaeng walang ginawa kundi sirain ang kahit anong hindi niya makuha.Hindi ko na kailangan ng staff meeting. Hindi ko na kailangan ng damage control. Dahil matagal ko nang alam na darating ang araw na ito. Ang araw kung kailan si Bianca mismo ang maghuhukay ng sarilin

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 36: The Photographer

    GABBY POINT OF VIEW Pumasok si Damian sa opisina bitbit ang isang brown envelope. Hindi siya nagsasalita. Tahimik siyang naupo sa harap ko habang ako naman ay abala sa pag-check ng calendar ng mga upcoming events sa Velasco Foundation. Hindi ako agad lumingon pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Iba ang hininga niya, mabigat, parang may kinikimkim."Seraphina," matigas niyang tawag sa pangalan ko."Hmm?" sagot ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa tablet."Where were these taken?"Inilapag niya sa mesa ang envelope at dumulas sa harap ko ang laman. Mga larawan. Mga luma. At hindi lang basta photos. Mga litratong pulido, high contrast, black and white, at bawat kuha, bawat anggulo, ay may isang salitang sigaw: intimate.Kinuha ko ang isa. Naka-arch ako sa isang chaise lounge, suot ang silk lingerie na may feathered trim. Ang pose ay sensual, mata ko ay direkta sa lente, parang iniimbitahan ang photographer. Isa pa, nakatalikod ako pero nakalingon pabalik, ang spaghetti s

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 35: Late Nights & Lingerie

    GABBY POINT OF VIEW Sinimulan ko sa isang simpleng layunin. Gusto ko siyang asarin. Gusto kong guluhin ang tahimik at kontroladong mundo ni Damian Rafael Velasco. Kung palamig siya, ako ang apoy. At kung palaging composed at formal siya, ako ang disruption na hindi niya nakita.Nagsimula ito isang Lunes ng gabi. Pagkatapos ng boardroom chaos at ang biglaang pagsigla ng reputasyon ko bilang “new and improved Seraphina,” nagdesisyon akong gamitin ang mansion bilang susunod kong battlefield.Naglakad ako pababa mula sa kwarto, suot ang isang silk na nightgown na kulay burgundy. Manipis, malambot, at bahagyang lumilitaw ang hita ko kada hakbang. Tinernuhan ko pa ng robe, pero hindi ko rin sinarado. Bahagyang bukas ang dibdib, sapat para makita ang lace detail sa loob.Nagkakape siya sa bar counter ng kitchen, nakasando at pajama pants. Mukhang pagod, pero alerto ang mga mata. Nang marinig niya ang yabag ko sa sahig, agad siyang lumingon.“Late ka na bumaba,” sabi niya, hindi man lang tin

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 34: Boardroom Bloodbath

    GABBY POINT OF VIEW Ang lamig ng conference room kahit tirik ang araw sa labas. Ang mga board members ng Velasco Corporation ay nakaupo sa mahahabang leather chairs, bawat isa ay may hawak na kopya ng merger proposal. Sa harap nila, ako si Seraphina Velasco sa tingin nila. Pero sa loob, ako si Gabby Cruz, isang babaeng hindi sumusuko kahit ubos na ang lakas. At ngayon, ito ang battlefield ko.“Good morning, everyone,” sabi ko habang nilalapag ang makapal na folder sa lamesa. “Let’s begin.”Tahimik ang lahat. Naroon si Mr. Lorenzo, ang chief legal officer. Si Tita Felisa na laging nakasuot ng pearl earrings at amoy pabango ng mga matatapang na donya. At siyempre, si Damian Rafael Velasco, nakaupo sa dulo, tahimik, nakamasid, at mukhang hindi mapakali.“Today we’ll finalize the merger proposal with Dela Merced Holdings,” patuloy ko. “However, I’ve reviewed the current draft and found something… missing.”Nagtinginan ang mga board members. Nagsimulang magbulungan sina Mr. Lorenzo at ang

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 33: The Brothers Pact

    GABBY POINT OF VIEW Nakita ko agad ang tensyon sa mukha ni Damian mula pa lang sa main gate. Nakatayo siya roon sa veranda ng mansion habang papalapit ang isang itim na luxury car. Tahimik ang paligid pero ramdam ko ang bagyong paparating.Pagbukas ng pinto ng sasakyan, bumungad ang isang lalaking naka-white linen shirt, walang necktie, naka-unbutton ang unang dalawang butones at mukhang bagong balik lang mula sa isang European beach trip. Matangkad, maamo ang ngiti, at may mala-artistang aura na kay tagal ko nang hindi nakita sa bahay na ito.“Kuya,” bati ni Angelo habang lumalapit, dala ang maleta at isang paper bag na mukhang pasalubong. “Still allergic to surprises?”Hindi sumagot si Damian. Tinignan lang niya ito mula ulo hanggang paa. Ako naman, nakatayo sa gilid ng hagdanan, parang audience sa isang soap opera na hindi ko naman sinubaybayan.“Seraphina,” bati ni Angelo nang mapansin niya ako. “Or should I say, the most talked-about woman in Manila’s upper circle?”Umiling ako

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 32: Shotgun Training

    GABBY POINT OF VIEW May mga muscle ache ako sa katawan na hindi ko alam kung kanino ko ipapamana. Ang buong braso ko nananakit. Ang mga binti ko parang binugbog ng isang squad ng basketball players. Pero ang pinaka-importante sa lahat, natutunan ko na paano kumapit ng tama sa baril.Hindi siya laruan. Hindi rin siya pang-Instagram lang. Shotgun ang gamit ko ngayon. Mabigat. Malamig. Pero sa kamay ko, pakiramdam ko parang extension ng katawan ko."Again," utos ni Kuya Joel, ang private bodyguard na lihim kong kinontrata. Dating special forces. Tahimik lang. May pilat sa pisngi na parang signature. Hindi masyadong madaldal. Pero kung magturo, klaro. Walang drama.Tumindig ako muli sa shooting range sa loob ng private training facility sa kabilang estate. Hindi ito bahagi ng Velasco mansion kundi isa sa mga lumang properties na hindi masyadong pinupuntahan. Sabi nga nila, kung gusto mong matutong lumaban, lumayo ka muna sa lugar na delikado.Pinasok ko ang bullet sa chamber. Hinigpitan

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 31: Poison

    GABBY POINT OF VIEW Wala na akong gana kumain. Kahit gaano pa karaming putahe ang nakahain sa mamahaling dining table ng Velasco Mansion, para sa akin, lahat ito may halong lason. L literal. Hindi metaphorical. Hindi chika lang. Lason talaga.Nagsimula ang kutob ko dalawang linggo na ang nakalipas. Bawat gabi, pagkakain, sumasakit ang tiyan ko. Hindi basta kabag lang. Yung tipo ng sakit na parang may kutsilyong hinihiwa ang bituka mo sa loob habang sinusunog ng apoy. Akala ko noong una dahil lang sa stress. Kasi nga, Gabby ako sa loob ng katawan ni Seraphina, at ang dami kong kailangang saluhin. Damian. Bianca. Mga kalokohan sa business. Lahat. Pero noong may araw na hindi ako kumain sa bahay at bigla akong gumaan ang pakiramdam, doon ko napatunayan. May lason sa pagkain.Hindi ako nagpakita ng kahit anong kahina-hinala. Tahimik lang akong nag-obserba. Isa-isa kong tinandaan kung sino ang mga naghahain, kung sino ang naglalapit ng plato, at kung sino ang laging malapit sa baso ko ng

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status