Home / Romance / The Billionaire's Badass Wife / KABANATA 4: Meet the Husband

Share

KABANATA 4: Meet the Husband

last update Huling Na-update: 2025-04-18 15:28:24

GABBY POINT OF VIEW

Pag-uwi ko mula sa charity gala, hindi pa rin ako makapaniwala na nairaos ko 'yon nang hindi sinuntok si Bianca sa mukha o hinubad ang takong ko at itinapon sa chandelier. Achievement unlocked. Pero habang nakasandal ako sa leather seats ng mamahaling sasakyan, ramdam kong hindi pa tapos ang drama.

Tahimik ang driver. Hindi siya nagtanong. Hindi ako nagsalita. Pero sa likod ng utak ko, may nag-aabang. Parang bagyong paparating. At hindi ako nagkamali.

Pagkapasok ko sa mansion—hindi bahay, mansion—'yung tipong may apat na chandelier sa isang hallway pa lang, agad akong sinalubong ng malamig na katahimikan. Wala ni isang maid sa paligid. Walang staff na karaniwang nagtatago sa gilid para batiin si “Mrs. Velasco.” Medyo creepy, parang horror movie na posh ang budget.

Tuloy-tuloy lang ako paakyat sa kwarto. Bitbit ang heels ko sa isang kamay, at 'yung kontratang gusto kong gawing panggatong sa kabila. Pero pagdating ko sa landing ng grand staircase, andun siya.

Damian Rafael Velasco.

Yung mister kong hindi ko pa nakakausap ng maayos. Yung mukhang sinabihan sa pagkabata na ang emosyon ay kasalanan. Nakasuot pa rin siya ng tuxedo, pero nakabukas na ang top button. Tila galing din siya sa gala. O baka nga andun lang siya buong oras, nanonood habang binubulok ko ang reputasyon ni Bianca like a true savage queen.

"Seraphina," malamig niyang bati.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang gwapo niya, in fairness. Kung hindi lang siya mukhang robot na may trust issues, baka napa-"hi crush" ako. Pero hindi ako impressed. Hindi ngayon.

"Tsk. Ang weird mo, Damian. Biglang dumaldal," sagot ko habang paakyat pa rin.

Pero hindi siya umalis sa daraanan ko. Tumayo siyang parang guwardiya ng Ayala mall, nakaharang sa hagdanan, seryoso ang mukha. Nagkatinginan kami.

“Ano bang nangyayari sa’yo?” tanong niya, matalim ang tono pero may halong inis. “You’re... different.”

Napahinto ako. Napailing. Putik, akala ko mahirap lang siyang kausap. Pero mukhang mahirap din siyang kausap at kaintindihan.

“Pasensya ka na, mahal,” sarkastiko kong sagot. “Hindi ko kasi sinadyang magkaroon ng sariling backbone. Medyo allergic ako sa pagiging doormat lately.”

Hindi siya gumalaw. Hindi rin siya kumibo agad. Kita ko sa mata niya 'yung pagkalito, ‘yung subtle panic ng taong sanay sa routine at biglang binago ang script.

"You humiliated Bianca. In public," sabi niya sa wakas. “You never do that.”

“Ah, so gusto mong tanggapin ko na lang 'yung insulto? Palakpakan pa siya? O baka gusto mong isulat ko sa diary at umiyak sa kwarto para consistent sa ‘old me’?”

Hindi siya sumagot. Pinanood lang niya ako. Tila binabasa ako. Parang naghahanap ng butas. Pero hindi niya alam—hindi na ako 'yung luma niyang asawa na takot sa anino niya.

Lumapit ako. One step, two steps. Hanggang magka-level na kami sa gitna ng hagdan.

“Teka nga, Damian,” seryoso ko nang tanong. “Ano ba talaga ako sa'yo? Trophy? Liability? PR problem? O isa lang akong furniture na napili mong iwanan sa corner dahil ‘di bagay sa aesthetic mo?”

Kita kong pumintig ang panga niya. Hindi siya sanay na may nagtatanong. Lalo na 'yung ganyan ka-diretsahan. Mas lalo sigurong hindi sanay na ang tanong ay galing sa sarili niyang asawa.

“Seraphina,” bulong niya, pero may banta ang tono. “This isn’t you.”

Umiling ako, ngumiti. “Exactly. Hindi nga ako ‘yung kilala mong Seraphina. Kasi kung siya ‘to, iiyak na siya ngayon. Maglalock sa kwarto. Magtatago. Pero sorry na lang, Damian. 'Yung version niya? Patay na.”

Katahimikan. Parang nabingi ang paligid.

Inikot ko ang mata ko sa paligid, sa mga pader na parang walang emosyon, tulad ng taong kaharap ko. “You know what’s funny? You act like I’m the crazy one when all this time, ikaw ‘yung parang machine. Alam mo bang for two years, wala kang ginawa kundi iwasan ako? Wala man lang good morning. Walang good night. Parang akong ghost sa bahay mong ‘to.”

Hindi siya kumibo. Pero halata sa mga mata niya na tinamaan siya. Ayaw lang niya aminin.

Nagpatuloy ako. Bitin ‘to eh.

“Tinanong ko minsan ang sarili ko, Damian. ‘Baka may mali sa’kin. Baka hindi ako lovable. Baka ang hirap kong mahalin.’ Pero alam mo? Ngayon lang ako natauhan. Hindi pala ako ang problema. Ikaw. Ikaw ang sira. Kasi kahit sinong babae ang mapunta sa ‘yo, mamamatay rin sa lamig mo.”

BAM. Shot fired. Pinaglalaruan ko lang naman siya damn I wanna laugh but I tried myself not too.

Umusad siya ng bahagya. Hindi ko alam kung susuntukin niya ang pader o tatakbo palabas. Pero halata sa kilos niya—gusto niyang umalis. Hindi dahil galit siya. Kundi dahil hindi niya na kaya ang sinabi ko.

“Kung baliw ako, Damian, at least may emosyon ako. Ikaw? Diyos ko, kahit ang multo may mas malalim na character kaysa sa’yo.”

Luminga siya, halos hindi makatingin diretso sa'kin. Then, for the first time, tumawa siya. Maliit. Walang saya.

“Hindi ko alam kung anong laro ‘to, Seraphina,” aniya. “Pero kung goal mo ay sirain ang natitirang dignidad ng pangalan mo, you’re doing a great job.”

Nginitian ko siya, matamis. “O baka ikaw lang ‘yung natataranta kasi for the first time, hindi mo ako kayang kontrolin. Hindi na ako ‘yung quiet wife na pwede mong iwanan sa tabi habang binubuo mo ‘yung perfect little empire mo.”

Tahimik siyang umikot. Tumalikod. Paalis.

“Walk away, Damian,” sigaw ko habang naglalakad siya papalayo. “Sige. Iyan ang specialty mo, ‘di ba? Iwanan. Manahimik. Gawing invisible lahat ng hindi convenient sa’yo.”

At umalis nga siya. Dire-diretso, walang lingon. Naiwan akong nakatayo sa hagdan, barefoot, hawak pa rin ang heels, pero ngayon—mataas ang noo.

Kasi sa unang pagkakataon mula nang mapunta ako sa katawan ng babaeng ‘to, ramdam kong buhay ako. Hindi na ako multo. Hindi na ako nakatali.

Ako si Gabriella "Gabby" Cruz. Nasa katawan man ako ng babaeng tinalikuran mo, Damian, pero hindi mo ako kaya. Hindi mo ako mapipigil. At lalong hindi mo ako matatakasan.

"Hmmmm," saad ko at nagmarsa papuntang kwarto ko upang matulog dahil pagod ako. Gusto ko ng humilata sa higaan at matulog ng buong gabi na walang iniisip na mga salot sa lipunan. Iwan ko ba sa buhay ni Seraphina bakit subrang Messirable.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Badass Wife    EPILOGUE

    Pagpasok ko sa sala ng mansion ramdam ko agad ang katahimikan na puno ng pangako. Mga kandila ang pumapaligid, may petal rose sa carpet, at may harp music na mababa ang volume sa background. Ang bintana ay bukas, hinayaan ni Damian na maramdaman ang simoy ng gabi. Hindi ito grand gestures tulad ng dati. Wala ang mga designer flower arrangements o showy band. Pero ramdam kong matindi ang kahalagahan—ito ang susunod na yugto ng relasyon namin.“Huwag kang matakot,” bulong ni Damian habang papalapit siya sa akin. Naka-navy tux siya, simple pero elegante. Ako naman ay nakasuot ng nude sheath dress na akmang-akma sa katawan ni Seraphina—pero ramdam ko ang tibay ng pagkatao ko sa bawat linya ng damit.Ngumiti ako nang mahina. “Excuse me?”Huminto siya nang harap ko. “I wanted to do this properly. To meet you where you are now—not siya, hindi ako, tayo lang.”Mumitla ko nang sandali. “Ikaw.”Lumapit siya at dahan-dahan humarap. “Si Seraphina dati, ‘yon ang binuntong mo para gawin kong weak.

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 81: Global Stage

    GABBY POINT OF VIEW Pagpasok ko sa UN General Assembly Hall ramdam ko agad ang bigat ng lugar. Daan-daang delegado mula sa iba’t ibang bansa, ambassadors, diplomats at media crews ang pumapalibot. Nakasuot ako ng simpleng pero elegante at pulang suit—kulay ng dugo, kulay ng pagbabago. Habang lumalakad ako papunta sa podium ay naka-focus ako sa bawat mukha na nakatingin. Hindi bilang si Seraphina Velasco kundi bilang babae na nagdaan sa giyera ng katahimikan at kumayod para sa boses ng bawat babaeng nasaktan.Paglapit ko sa mic pinindot ko ang button at nagkaroon ng kaunting putok. Kinausap ko ang audience nang buong kumpiyansa. “Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Seraphina Velasco, nagtatrabaho sa Pilipinas bilang lider ng Velasco Foundation at tagapagsalita para sa mga kababaihan na nakaranas ng karahasan. Hindi po siya mahalaga bilang imbakan ng pangalan o ngaman dahil sa kasal ko. Mahalaga siya dahil sa kwentong gusto kong ipahayag—yung mga kwentong hindi na dapat tinatago pa.

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 80: Baptism by Fire

    GABBY POINT OF VIEW Pagpasok ko sa abandoned warehouse sa Maynila ay agad kong napansing malamig ang silid kahit tanghaling-tanghali. Marami na akong naagaw na labanan pero itong eksenang ito ang pinaka-mapalad sa akin. Kasama ko si Damian at isang maliit na team mula sa pulisya, ang plano namin ay limpiyuhin ang lugar na naging taguan ng arsenal ni Cassius at ng mga cult na gusto niyang patindihin. Pero bago iyon, kailangan namin makapasok nang tahimik at kumalabog ang sorpresang aksyon."Ready na ba kayo?" tanong ko, nakatingin sa mga maskarang naka-charge ng baton at flashlight. Tumango lahat. "Good. Lumakad tayo."Sa pagdulas namin sa pinto, habang naka-dark mode ako sa lahat ng settings ng cellphone, inidsi namin ang paligid. May ilang kahon sa gilid—mostly pagkain at duet deodorant—pero hindi iyon ang mahalaga. Sa gitna ng warehouse may hagdan na nagdidiretso sa isang mezzanine. Didikit duon ang blueprint ng arsenalan. Pero ang oras na iyon, may narinig kami—ulong hiyaw, parang

  • The Billionaire's Badass Wife    Chapter 79: The Dela Rosa Heist.

    GABBY POINT OF VIEW Pumasok ako sa underpass ng lumang Dela Rosa district nang ang mga ilaw sa paligid ay tila namimilosopyo sa gabi, nanginginig sa lamig at unlapi ng gabi. Hindi ako paminsan-minsan pumapalusot dito—hindi dahil sa takot kundi dahil alam kong dito nagsisimula ang susunod na baitang ng laban ko bilang Seraphina Velasco. May nakita akong grupo sa dulo: ilang babae at lalaki, nakasuot ng hoodies at mask na tinatakpan ang mukha. May bitbit silang maleta na may maraming laman. Lumapit ako, tahimik, gamit ang liham na natanggap ko mula kay Alonzo—may informant daw silang gustong magpabigat ng kaso laban sa Dela Rosa family. "Ito na," bulong ko sa sarili. "Walang dudang target natin ang ilang iligal na dokumento na ginagamit ng pamilya Dela Rosa para kontrolin ang ilang proyekto ng Velasco Foundation. Nakaramdam ako ng lagim habang naglalakad sa kanilang direksyon. Natigil ako nang makita kong lumabas si June, assistant mula sa foundation, at humarap sa grupo. Ang mga mat

  • The Billionaire's Badass Wife    CHAPTER 78: Unmasked Lies

    GABBY POINT OF VIEW Mga board members, donors, at ilang government reps na dating nakalinya sa Velasco Foundation meeting tables. Tumambad agad sa akin ang ilang pamilyar na mukha—may mga nakangiti, may mga tinatakot pa ring tumingin. Pero ngayon iba na ang eksena. Ako na ang nakatayo sa harap nila, hindi bilang submissive socialite kundi bilang reyna ng matibay na puso.Pinindot ko ang remote. Nagbukas ang screen sa likod. Lumutang ang mga dokumento at larawan sa ilalim ng heading na “Velasco Community Projects Update.” Meron ding graphic breakdown ng mga donation funds distribution. Malinis. Transparent. Ang lahat ng bullying at anomang intriga ay tinanggal na.“Ipinapakita ko ito,” panimula ko, “para malaman ninyo kung saan napunta ang bawat pisong ibinigay sa foundation.”Tahimik na nakikinig ang lahat. Napatingin ako kay Madam Luz. Alam kong kamu'y naroroon din siya, nag-aabang ng error. Pero wala.Tumungo si Clara. “Ma’am Seraphina…”Ngumiti ako. “Malugod kong tinatanggap ang t

  • The Billionaire's Badass Wife    CHAPTER 77: The Real Body

    GABBY POINT OF VIEW Pinilit kong maging presentable habang papasok ako sa Velasco Hospital. Hindi dahil sa pagganda, kundi upang hindi matakot ang mga pasyenteng nanunuod sa akin. May briefing kami ni Damian. Hindi pa rin siya gumagamit ng bodyguard sa harap ko at hindi ko alam kung bakit. Pero ramdam ko ang tensyon habang magkasabay kaming pumapasok sa private wing.Lumabas kami sa passenger area, diretso kay Dr. Reyes. Siya ang head ng neurology. Tapos siyang iilang oras na nakatutok kay... sa katawang kinaroroonan ko. Kumplikado ang relihiyon siya rito pero pinayagan ni Damian ang full cooperation ng ospital. Nasa waiting room kami habang nagla-lab tests. A few meters lang namin ang kama na may electrical wires at sensors.Tumabi sa akin si Damian at dahan-dahang humawak sa kamay ko."Ang dami na nating pinagdadaanan," bulong niya.Tumawa ako ng mahina. "Parang hindi ko na maalala kung kailan pa ako nagising nang ganito kaaga."Ngumiti siya. "May dahilan. Kailangan nating malaman

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status