Beranda / Romance / The Billionaire's Badass Wife / KABANATA 5: Lady with a Gun

Share

KABANATA 5: Lady with a Gun

last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-18 15:29:20

GABBY POINT OF VIEW

Hindi ko alam kung normal ba talaga para sa isang mayamang housewife na biglang maghanap ng private shooting range. Pero pakialam ko. Hindi rin naman ako normal.

Simula nung gabing hinarap ko si Damian at binuhos ko sa kanya lahat ng sama ng loob na hindi dapat akin, hindi na ako mapakali. Para akong sinindihang mitsa—any moment, ready sumabog. Hindi sapat ang paglalakad-lakad sa garden na parang eksena sa period drama. Hindi ako ‘yon. Gusto ko ng aksyon. Gusto kong maramdaman ulit na kontrolado ko ang katawan ko. Ang buhay ko.

Kaya eto ako ngayon, nakasuot ng oversized hoodie, shades, at cap, parang adik na may tinatago—pero sa totoo lang, ako lang ‘to, sinusubukang bumalik sa sarili kong mundo. Pumasok ako sa isang exclusive private shooting range sa outskirts ng Metro Manila, ‘yung tipong kailangan ng appointment at may NDA pa. Safe na safe. Discreet. Tahimik.

“Good afternoon, ma’am Seraphina,” bati ng receptionist, ngiting PR.

Ngumiti ako pabalik. Pero sa isip ko, “Hindi Seraphina ang pangalan ko, ate. Gabby ‘to. Gabriella Cruz. At kung alam mo lang…” pero joke lang sinigurado kong hindi niya maririnig ang huling sinabi ko.

Naglakad ako papasok sa private booth. Nakahanda na ang gear: earmuffs, goggles, handgun. Isang Glock 19. Pangarap ko noon ‘to, pero hindi ko afford dati. Ngayon? Literal na pwede ko nang gawing pamunas ng luha ang isang milyong piso.

Humawak ako sa baril. Mabigat. Pero pamilyar. Para bang bumalik sa akin ang dating ako. ‘Yung ako na hindi natatakot. ‘Yung ako na marunong lumaban.

Bumuntong-hininga ako. Nilagay ang earmuffs. Naka-stance. Hinugot ko sa muscle memory ang mga tinuro sa’kin noon ng mentor kong si Boss Andre. Bounty hunter days. Wild, brutal, pero malinaw sa akin kung sino ako noon.

Bang.

Isa.

Bang. Bang.

Dalawa. Tatlo.

Shit. Hindi center, pero close. Medyo nanginginig pa ang kamay ko. Ang katawan ni Seraphina mahina pa rin. Para siyang pinong babasaging mamahaling porcelain doll. Pero andun pa rin ang instincts. Nakatulog lang, pero hindi nawala.

Maya’t maya, naka-sampu na akong putok. Mabagal, pero steady. Pawis na pawis ako, pero hindi dahil sa init—dahil sa adrenaline. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong nabuhay ulit. Para bang may bumubuo sa pagkatao ko na nagkadurug-durog nung namatay ako.

After one hour, pagod na pagod ako pero sobrang saya ko. Umupo ako sa isang bench, pinupunasan ang pawis ko gamit ang towel. Nakangiti ako mag-isa.

Tapos biglang nag-vibrate ang phone ko.

"ALERT: Attempted breach detected – Zone 3, Velasco Estate."

Napaatayo ako. Ano ‘to, joke time?

Tinawagan ko agad ‘yung security head ng mansion.

“Ma’am, may nakita kaming suspicious activity sa east perimeter fence. Pero mukhang nakalayo na. Hindi pa rin namin mahagilap sa CCTV kung paano siya nakalusot—”

“Teka lang. Bakit ngayon n’yo lang ako tinatawagan?”

“We wanted to confirm po muna kung totoong breach. Pero isolated naman po. All clear na raw, sabi ng roving guards—”

Putangina. All clear your face.

“Lock down the house. Ayokong may ibang makapasok kahit multo. I’m on my way.”

Pagdating ko sa mansion, wala na raw ‘yung intruder. Pero hindi ako kampante. Something felt off. Naramdaman ko na ‘to noon pa—‘yung mga tingin ng staff, ‘yung kaluskos sa likod ng curtain, ‘yung pintuang parang sumara mag-isa. Either paranoid na ako… o may nanonood nga sa akin.

Umakyat ako sa kwarto, kinuha ‘yung Glock na binili ko secretly. Hindi ako tanga. Alam kong hindi safe ang mundo kahit gaano karami ang bodyguards mo. Lalo na kung asawa mo, mukhang hindi magdadalawang-isip na ipa-cremate ka quietly kung magiging sagabal ka sa image niya.

That night, hindi ako makatulog. Nakaon lang ang dim lights sa tabi ko. Naka-ready ang baril sa ilalim ng unan ko, parang panaginip lang ng barumbadong Gabby Cruz na may trust issues. Pero sa gabing ‘yon, hindi ako si Seraphina na takot sa dilim.

Ako si Gabby. At wala akong balak mamatay ulit.

Alas-tres ng madaling araw. Biglang nag-click ang isang lock sa ibaba. Hindi kalabog. Hindi sigaw. Click lang. Enough to make my hair stand.

I got up. Dahan-dahan. Pumunta ako sa hallway na may hawak na Glock, naka-off ang safety. Wala akong pakialam kung sinong makasalubong ko—kasambahay, magnanakaw, multo ni Seraphina—lahat sila lalabas ng bahay na ‘to either lumpo o may sugat.

Pagbaba ko, wala sa sala. Wala sa kusina.

Then, narinig ko ang mahinang yabag. Sa likod ng hallway papuntang wine cellar. Seryoso? Sa dami ng pwede nilang pasukin, wine cellar pa?

Lumapit ako dahan-dahan, hawak ang baril. Pagdating sa may pintuan, agad kong tinutok ang Glock. “Lumabas ka kung ayaw mong mawalan ng bato sa katawan.”

Tahimik.

Walang sumagot.

Pero kita ko, bukas ang access panel ng cellar. Hindi ‘yan automatic. Isa lang ibig sabihin: may nakapasok talaga.

Lumakad ako papasok, mabilis pero tahimik. Parang lobo. Lumang style, bagong katawan. Pero game pa rin.

Sa sulok, may aninong gumalaw.

Tinutok ko agad ang baril. “One move and I shoot. Promise. Hindi ako nagbibiro.”

Nag-freeze ‘yung lalaki. May balaclava siya. Mukhang trained. Hindi ‘to ordinaryong magnanakaw.

“Drop the knife,” dagdag ko pa, napansin ko ‘yung maliit na kutsilyo sa kamay niya.

Hindi siya gumalaw.

Putik. Ayaw niya makinig.

Bam.

Putok ako sa sahig, warning shot.

Nagulat siya. Napa-atras. Tinapon ang kutsilyo. Tumingin sa’kin, parang nagulat din na marunong akong bumaril.

“Don’t ever try to walk into my house again,” sabi ko, kalmado pero galit. “Baka sa susunod, sa ulo ko na iputok.”

Umikot siya, tumakbo palayo. Hindi ko na siya hinabol. Hindi pa handa ang katawan ni Seraphina sa habulan, baka bigla akong mawalan ng hininga at ma-flatline ako sa hallway.

But I stood there for a long time. Habol ang hininga. Tumutulo ang pawis. Pero buo ang loob.

Napatitig ako sa hawak kong baril. Napangiti ako ng konti. Hindi ko inasahan na ganito kabilis magising ang muscle memory. Hindi pa ako 100%, pero unti-unti ko nang binabalik ‘yung sarili kong pagkatao.

Hindi na ako helpless.

At kung sinuman ang gustong bumalik para subukang saktan ako?

Good luck na lang sa kanila. Tsk nakakawalang gana.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 52: The Tattoo

    GABBY POINT OF VIEW Mahirap makatulog sa gabi kapag parang may mga tanong na bumubulabog sa utak mo. Lalo na kung bawat sagot na natutuklasan mo, may kapalit na mas malalim na tanong. Para akong nabubulok sa mga lihim ni Seraphina—o mas tama, mga lihim na naiwan sa katawan niya.Nagising ako bandang alas-tres ng madaling araw. Pawis na pawis, kahit malamig ang aircon. Tumingin ako sa salamin at napansin kong may pula sa likod ng tainga ko—parang may maliit na galos. Noong una, inakala kong na-scratch ko lang sa pagtulog, pero nang sinipat ko sa salamin gamit ang phone cam ko… napalunok ako.May tattoo.Maliit. Itim. Bilog. May parang mata sa gitna at apat na linya sa gilid, parang kidlat. Hindi ko agad na-recognize, pero hindi rin ako nagpakampante. Kilala ko ang pakiramdam ng may naka-ukit sa balat na hindi mo pinili—dahil isa ‘tong marka ng pagkabihag, hindi ng pagpapasya.Tumayo ako, dumiretso sa computer at sinimulan ko ang paghahanap.Tattoo. Symbol. Cult. Eye. Lightning. Victim

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 51: Twin Lies

    GABBY POINT OF VIEW “Seraphina?”Napalingon ako sa boses ng babae sa gilid ng hallway ng Velasco building. Naka-white blazer siya, corporate ang dating, pero may kung anong off sa kilos niya. Parang masyadong rehearsed ang lakad, ang ngiti. May hawak siyang envelope na pilit niyang tinatago sa clutch bag niya.“Seraphina, it’s me… your sister.”Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Sa lahat ng kalokohang inaasahan ko sa linggong ‘to—mga board meeting, kalaban sa kumpanya, at si Damian na biglang hot-and-cold—hindi kasama ang isang biglang lumitaw na ‘kapatid.’“Excuse me?” tanong ko, taas kilay, habang pinipilit panatilihin ang compose na inaasahan sa isang Velasco. Pero sa loob-loob ko, pumutok na ang alarm bells.Naglakad siya papalapit, confident, as if inaasahan niyang yayakapin ko siya at iiyak ako sa balikat niya gaya ng mga eksena sa teleserye.“Sister,” ulit niya. “I know this must be confusing. Alam kong hindi mo na ako maalala dahil sa—well, sa accident mo before. But it’s me. Ce

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 50: Identity Fractures

    GABBY POINT OF VIEW Oo, alam kong ako si Gabby Cruz. Alam ko 'yon sa buto’t laman ko. Sa paraan ng pagtapak ko sa lupa, sa pagbuga ko ng hangin, sa reaksyon ko sa gulo lahat 'yon si Gabby. Barumbado, walang preno, palaban. Pero habang lumilipas ang mga araw sa katawang ‘to sa katawang hindi akin, sa pangalang hindi akin hindi ko maiwasang tanungin: sino na ba talaga ako?Gabby pa rin ba ako kung ang mundo ay kilala lang ako bilang Seraphina Velasco? Gabby pa rin ba ako kung ibang mukha na ang nasa salamin, ibang boses na ang naririnig ko, ibang alaala na ang unti-unting sumusulpot sa utak ko tuwing nananaginip ako?Noong isang gabi lang, nanaginip ako na nasa loob ako ng isang ballroom. Nakasuot ako ng pulang gown, hawak kamay si Damian habang umiikot kami sa gitna ng sayawan. Maaliwalas ang mukha niya. Ngumingiti siya, para bang ako lang ang babae sa mundo niya. Tapos bumulong siya sa tainga ko, “You’re safe now, Seraphina.” Pero sa panaginip na ‘yon, hindi ako nagreklamo. Hindi ko

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 49: First Night

    GABBY POINT OF VIEW Galit ako. Galit na galit. Hindi ko na alam kung dahil ba ‘to sa lahat ng nadiskubre ko nitong mga nakaraang araw—yung USB ni Pia, yung lumang larawan ni Damian sa ospital, yung gutom na gutom kong pakiramdam na parang may bahagi akong pilit binubura ng mundong ‘to. O baka dahil sa kanya. Kay Damian. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin mula sa kabilang side ng silid na parang gusto niya akong wasakin pero ayaw niyang umamin na gusto niya rin akong buuin. Hindi kami nag-uusap. Pero andun siya, naninigas ang panga, parang nilulunok ang bawat emosyon na ayaw niyang ipakitang nararamdaman niya pa rin.Ako ang unang gumalaw.Lumapit ako, hakbang-hakbang, habang sinusunog ng tingin niya ang bawat pulgada ng katawan ko. Hindi siya umatras. Hindi siya nagsalita. Hanggang sa nasa harapan na niya ako, ilang pulgada lang ang pagitan ng mga labi namin, at ramdam ko ang init ng hininga niyang galit na galit.“Anong problema mo?” tanong ko, halos pabulong pero may tagos sa dibdi

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 48: Pia's Truth

    GABBY POINT OF VIEW Pia.Matagal ko na siyang napapansin. Hindi dahil sa mala-Korean drama niyang ayos sa buhok o sa perpektong latte art na palagi niyang nilalagay sa kape ko — kundi dahil may kung anong lungkot sa mga mata niya na hindi nabubura kahit pa anong ngiti ang ikabit niya sa labi niya.Ngayon, habang nakaupo ako sa sulok ng coffee shop na lagi kong pinupuntahan tuwing gusto kong magpanggap na “normal,” alam kong hindi na sapat ang pagtitig lang sa kanya mula sa mesa. Kailangan ko nang malaman ang totoo."Miss Pia," tawag ko habang pinaglalaruan ang ceramic cup ng kape sa kamay ko. "Libre ka ba? May gusto lang sana akong itanong."Nagulat siya. Halatang hindi niya inaasahan. Minsan ko lang siyang kausapin nang diretso."Ah... opo, Ma’am Seraphina. Sandali lang po ha, ipapaubaya ko lang po muna ‘yung bar sa isa sa mga kasama ko."Maya-maya’y naupo siya sa harap ko, medyo kaba ang kilos, pero kita ko sa mga mata niya na matagal na niyang hinihintay ang sandaling ito."Okay k

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 47: Damian Secret

    GABBY POINT OF VIEW Tahimik ang buong silid habang nakatitig ako sa lumang picture frame na nakuha ko mula sa drawer ni Seraphina. Hindi ko inaasahang may mahuhukay pa akong ganito — isang larawan na mas marami pa yatang sinasabi kaysa sa lahat ng dokumentong na-decrypt ko kahapon.Nasa loob ito ng isang lumang kahon, medyo may alikabok pa. Akala ko mga expired na cheque lang ang laman o lumang mga sulat sa mga business partner. Pero andun siya — si Damian Velasco. Nakaupo sa gilid ng hospital bed, nakayuko, at kitang-kita sa mukha niya ang pagkapira-piraso.Hindi ko na kailangan ng magnifying glass para makita ang pamumugto ng mga mata niya. Pula. Namamaga. At kahit black and white ang litrato, ramdam na ramdam ko ang lungkot sa mukha niya. Tangan-tangan niya ang kamay ng babaeng nakahiga sa kama — si Seraphina. O, well, yung katawan na ginagalawan ko ngayon.Tumigil ang mundo ko ng ilang segundo.Si Damian? Umiiyak?Hindi ‘yon tumutugma sa lalaking kilala ko ngayon. Damian Velasco.

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 46: Hacker File's

    GABBY POINT OF VIEW Grabe. Hindi ko pa rin ma-process na nasa bahay ako ni Seraphina, nasa katawan niya, gamit ang utak ko — or, well, utak ko na nakapako sa katawan ng ibang tao. Parang pelikula lang, ‘di ba? Pero totoo. Ako ‘to. Ako talaga. Pero sa balat ng ibang tao. Sa katawan ng isang babaeng bilyonarya na may mga lihim na hindi ko akalain na dadalhin ako sa isang mundo ng korapsyon, banta, at pagtataksil.Naka-upo ako sa study room ng mansion, harap ang laptop ni Seraphina na may naka-open na encrypted file. Matagal ko nang tinatamad ang ganitong mga bagay — hacker? Ako? Pero pag nasa katawan si Seraphina, automatic na responsibilidad ko ‘to. Kung ano ang gagawin niya, kailangan kong tapusin. Kailangan kong malaman ang totoo.Ulit-ulitin ko ang password, sinubukan kong i-decode yung files. Hindi ito basta-basta. Malakas ang security ng mga files, tapos siyempre, encrypted pa sa mga level na pang-mafia. Alam kong kaya ko ‘to, pero matindi pa rin ang pressure.“Come on, come on…”

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 45: Kiss of Confusion

    GABBY POINT OF VIEW Tahimik sa buong mansion. Parang masyado nang kalmado ang paligid, ‘yung tipong hindi mo alam kung kapayapaan ba ‘yun o senyales ng paparating na gulo. Nasa veranda ako, hawak ang baso ng malamig na tubig habang pinagmamasdan ang mahinang ambon na bumabagsak sa hardin. Maaliwalas pero malamig. Parang siya.Narinig ko ang marahang tunog ng pinto sa likod ko. Hindi na ako lumingon. Alam kong siya ‘yon. Damian. Ilang araw na kaming parang multo sa isa’t isa. Lagi siyang nandiyan, pero hindi ko maramdaman. Lagi akong naroon, pero parang hindi niya ako nakikita.“Hindi ka ba natutulog?” tanong niya. Kalma ang boses pero ramdam ang siksik na pag-aalala sa pagitan ng mga salita niya.“Hindi rin naman ako gising,” sagot ko habang nakatingin pa rin sa ulan. “Nasa pagitan.”Lumapit siya sa tabi ko, dahan-dahang sumandal sa railings. Amoy ko ang pabango niya. Amoy kayamanan, pero may halong pagod. Napatingin ako sa gilid. Ang lakas pa rin ng dating niya. Pero mas malakas na

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 44: The Garden Funeral

    GABBY POINT OF VIEW Midnight na. Tahimik ang buong mansyon, ang tanging naririnig ko ay ang mahinang ugong ng hangin at ang huni ng mga kuliglig mula sa likod-bahay. Naka-off na ang lahat ng CCTV sa garden wing. Ako mismo ang nagpaayos ng system sa tech team sa ilalim ng dahilan na kailangan ko ng “privacy.” Hindi sila nagtanong. Dahil ako si Seraphina Velasco, at walang tumatanggi sa gusto ng babaeng ito.Naka-nightdress lang ako, may suot na boots sa ilalim dahil tiyak ko madumi ang lupa. Nasa kamay ko ang lumang diary ni Seraphina. Luma na ang pages, iba na ang amoy. Amoy nostalgia, amoy pagkabata, amoy ng panahong walang halong kalokohan at politika ang mundo niya.Pero hindi na siya ang babaeng ‘yon ngayon. At hindi na rin ako si Gabby Cruz.Kinuha ko ang maliit na pala sa ilalim ng greenhouse shelf at tahimik na lumakad sa pinaka-dulo ng garden. Ito ‘yung parte na hindi na dinadaanan ng staff. May maliit na luma at gumuho nang stone bench, puno ng gumamela at lavender. Dito ko

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status