Home / Romance / The Billionaire's Badass Wife / KABANATA 3: Roses and Rotten Contracts

Share

KABANATA 3: Roses and Rotten Contracts

last update Last Updated: 2025-04-18 15:27:43

GABBY POINT OF VIEW

Hindi ko alam kung sino ang sadistang nagsabi na ang pagiging mayaman ay puro kaartehan, kaseksihan, at walang problema sa buhay. Kung sino man 'yon, gusto ko siyang ikulong sa silk na dress na hindi makahinga, tadtarin ng high heels na parang torture device, at ibato sa gitna ng ballroom kung saan lahat ng tao ay sanay manghusga kahit walang alam.

Ganyan ang naramdaman ko ngayong gabi.

Gala. Charity event. Social climbing circus. Tawagin mo kung anong gusto mong itawag—para sa’kin, isa lang ‘tong patibong para sa mga tulad ni Seraphina.

Sinusuot ko ngayon ang isang emerald green gown na pinilit kong isuot kahit gusto kong mag-leather jacket at boots. “Required daw ang elegance,” sabi ng stylist na halos maiyak nang ikabit ang hikaw sa'kin habang naka-straggle ako sa sofa, walang pakialam.

Hindi ako marunong maglakad sa takong. Pero alam mo kung anong meron ako? Grit. At galit. Magandang combo 'yan para hindi matumba sa social event ng mga elitista.

Pagdating sa event, parang eksena sa pelikula. May red carpet, may chandelier na kasing laki ng apartment ng buong barangay, at may mga babaeng parang kinain ng foundation machine.

"Mrs. Velasco!" bulalas ng isang babaeng PR assistant habang sinasalubong ako. "So glad you could join us. The media has missed you!"

Missed ako? Hindi ko alam kung ano ang mas malala—'yung pagkukunwari nila o 'yung pag-arte nilang totoo 'yon.

Ngumiti ako. Peke, siyempre.

Habang dahan-dahan akong lumalakad sa ballroom, ramdam kong parang may spotlight na nakatutok sa akin. Tila lahat ng bulungan, lahat ng mata, nakatutok sa akin.

“Siya ba ‘yun? Akala ko nasa Switzerland pa siya?” bulong ng isang babae sa likod ng wine glass.

“Seryoso ba ‘yan? Bakit parang... ibang Seraphina?” chika ng isa pa.

Hindi ako offended. Actually, medyo proud ako. Kasi oo, ibang Seraphina nga ako.

Maya-maya pa, habang binabasa ko ang menu na punong-puno ng pagkaing hindi ko ma-pronounce, may lumapit. At kung may award sa mukha ng plastic at kolorete, siya na ang panalo.

“Seraphina,” sabi ni Bianca, pagkaka alam ko ang babaing ito ang unang minahal ni Damian asawa ng babing kinalalagyan ko ngayon. This gurl is tipikal na kontrabida sa mga teleserye—may hair flip, may fake concern, at may dress na halatang gusto niyang pag-usapan ng buong crowd.

“You look... healthy. I thought you were still recovering from your... incident.”

Tinikman ko muna ang wine bago sumagot. Isang mahabang lagok. Kasi, girl, kung kakalabanin mo ako, siguraduhin mong nakainom na ako. Mas masarap pumatol.

“Salamat, Bianca,” sabay ngiti. “Na-miss din kita. Akala ko nasa rehab ka pa?”

Napahinto siya. Halatang hindi niya in-expect 'yon. Umikot ang mga mata sa paligid. May mga tawa akong narinig. Mahina pero sapat para i-trigger ang ego niya.

“Oh you’re still funny,” sabay tawa niya na parang tinik ang laman ng lalamunan. “But seriously, are you sure you should be here? People might get the wrong impression. Especially with the rumors.”

“Rumors?” tanong ko, kunwari clueless. “Which ones? Na iniwan ako ng asawa ko, o na muntik na akong tumalon sa veranda?”

Tumawa ulit ako. This time, genuine. Kasi ang sarap sa pakiramdam na hindi na ako 'yung inaalipusta. Ako na 'yung sumasapak pabalik.

“Sweetie,” bulong niya habang lumalapit, “don’t forget your place.”

Ngumiti ako, kinuha ko ang wine glass sa mesa, at sabay lagok ulit. “Hindi ko nga alam kung anong place ko, eh. Pero kung meron man, sigurado akong hindi ‘yon sa ilalim ng stilettos mo.”

Umikot siya, pilit ang ngiti habang papalayo. Pero nakita ko ang tiklop ng ilong niya. Nasaktan siya. Mission accomplished.

Habang tinatapos ko ang wine ko, may naramdaman akong tingin sa gilid. Hindi ako umikot agad, pero ramdam kong may nanonood. Matindi. Mas intense pa sa mga sniper sa dating buhay ko.

Nang inikot ko ang ulo ko, ayun siya.

Damian Rafael Velasco. Mister kong hindi ko pa nakikilala ng harapan. Nakasuot ng itim na tuxedo, parang model sa billboard ng relo. Mukha siyang hari sa gitna ng chessboard, pero 'yung tipong walang pake kahit magkaubusan ng piyesa.

Nagtagpo ang mata namin.

Tahimik.

Walang ngiti. Wala ring galit.

Pero may tanong.

Ikaw ba talaga ‘yan, Seraphina?

Ngumiti ako. Hindi sweet. Hindi mabait. ‘Yung ngiting sinasabi mong “Alam kong gulat ka—at dapat lang.”

Bumalik siya sa pakikipag-usap sa board of trustees o kung sino mang mga mukhang laging nasa business class. Pero ramdam ko—hindi siya nakikinig. Ako ang nasa isip niya.

At alam mo kung anong masarap? ‘Yung unang pagkakataon na pinansin ka ng lalaking pinakasalan mo—at hindi dahil nag-collapse ka o nag-drama. Kundi dahil hindi mo na siya kailangan para maging bida.

Maya-maya, lumapit ang isang assistant at iniabot sa akin ang envelope.

"Mrs. Velasco, this just came for you. From Mr. Velasco’s office."

Tinanggap ko ito. Mabigat. Makapal ang papel. Bukas na pala ito. Sa loob, isang kontrata.

Separation Agreement.

Kapal ng mukha. Sa halip na makipag-hello, ito ang unang padala niya? Parang gustong sabihin, “Thanks for showing up. Here’s the door.”

Pero hindi ako si Seraphina na magsusunog ng kontrata habang umiiyak. Hindi ako si Seraphina na magtatago sa kwarto habang inuulan ng balita.

Ako si Gabby.

Binasa ko ang unang pahina. “Mutual separation under agreed terms… irrevocable clause...”

Irr-revo... tangina naman, parang gusto ko tuloy sunugin ‘to sa harap ng lahat.

Pero hindi ngayon.

Ngumiti ako. Tinupi ko ang papel, at inipit sa gitna ng wine menu. Mamaya ko na 'yan babasahin.

Sa ngayon, may crowd pa akong kailangang pangitiin. At isang reputasyon na kailangang buuin.

Kinuha ko ulit ang wine. Tumayo. Diretsong lakad. Matalim ang mata. Matalim din ang dila.

Nag-ikot ako sa ballroom, parang reyna ng impyerno. Hindi na multo. Hindi na kawawa. Ako na ang bida sa pelikula ng sarili kong buhay.

At sa dulo ng gabi, habang ang mga bulaklak sa gitna ng mesa ay unti-unting nalalanta, isang bagay lang ang sigurado ko—

Wala nang babalik sa dati.

Kahit pilitin nila.

I'll make sure that Seraphina will get her best revenge, and I'll make sure she'll rest in peace.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Badass Wife    EPILOGUE

    Pagpasok ko sa sala ng mansion ramdam ko agad ang katahimikan na puno ng pangako. Mga kandila ang pumapaligid, may petal rose sa carpet, at may harp music na mababa ang volume sa background. Ang bintana ay bukas, hinayaan ni Damian na maramdaman ang simoy ng gabi. Hindi ito grand gestures tulad ng dati. Wala ang mga designer flower arrangements o showy band. Pero ramdam kong matindi ang kahalagahan—ito ang susunod na yugto ng relasyon namin.“Huwag kang matakot,” bulong ni Damian habang papalapit siya sa akin. Naka-navy tux siya, simple pero elegante. Ako naman ay nakasuot ng nude sheath dress na akmang-akma sa katawan ni Seraphina—pero ramdam ko ang tibay ng pagkatao ko sa bawat linya ng damit.Ngumiti ako nang mahina. “Excuse me?”Huminto siya nang harap ko. “I wanted to do this properly. To meet you where you are now—not siya, hindi ako, tayo lang.”Mumitla ko nang sandali. “Ikaw.”Lumapit siya at dahan-dahan humarap. “Si Seraphina dati, ‘yon ang binuntong mo para gawin kong weak.

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 81: Global Stage

    GABBY POINT OF VIEW Pagpasok ko sa UN General Assembly Hall ramdam ko agad ang bigat ng lugar. Daan-daang delegado mula sa iba’t ibang bansa, ambassadors, diplomats at media crews ang pumapalibot. Nakasuot ako ng simpleng pero elegante at pulang suit—kulay ng dugo, kulay ng pagbabago. Habang lumalakad ako papunta sa podium ay naka-focus ako sa bawat mukha na nakatingin. Hindi bilang si Seraphina Velasco kundi bilang babae na nagdaan sa giyera ng katahimikan at kumayod para sa boses ng bawat babaeng nasaktan.Paglapit ko sa mic pinindot ko ang button at nagkaroon ng kaunting putok. Kinausap ko ang audience nang buong kumpiyansa. “Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Seraphina Velasco, nagtatrabaho sa Pilipinas bilang lider ng Velasco Foundation at tagapagsalita para sa mga kababaihan na nakaranas ng karahasan. Hindi po siya mahalaga bilang imbakan ng pangalan o ngaman dahil sa kasal ko. Mahalaga siya dahil sa kwentong gusto kong ipahayag—yung mga kwentong hindi na dapat tinatago pa.

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 80: Baptism by Fire

    GABBY POINT OF VIEW Pagpasok ko sa abandoned warehouse sa Maynila ay agad kong napansing malamig ang silid kahit tanghaling-tanghali. Marami na akong naagaw na labanan pero itong eksenang ito ang pinaka-mapalad sa akin. Kasama ko si Damian at isang maliit na team mula sa pulisya, ang plano namin ay limpiyuhin ang lugar na naging taguan ng arsenal ni Cassius at ng mga cult na gusto niyang patindihin. Pero bago iyon, kailangan namin makapasok nang tahimik at kumalabog ang sorpresang aksyon."Ready na ba kayo?" tanong ko, nakatingin sa mga maskarang naka-charge ng baton at flashlight. Tumango lahat. "Good. Lumakad tayo."Sa pagdulas namin sa pinto, habang naka-dark mode ako sa lahat ng settings ng cellphone, inidsi namin ang paligid. May ilang kahon sa gilid—mostly pagkain at duet deodorant—pero hindi iyon ang mahalaga. Sa gitna ng warehouse may hagdan na nagdidiretso sa isang mezzanine. Didikit duon ang blueprint ng arsenalan. Pero ang oras na iyon, may narinig kami—ulong hiyaw, parang

  • The Billionaire's Badass Wife    Chapter 79: The Dela Rosa Heist.

    GABBY POINT OF VIEW Pumasok ako sa underpass ng lumang Dela Rosa district nang ang mga ilaw sa paligid ay tila namimilosopyo sa gabi, nanginginig sa lamig at unlapi ng gabi. Hindi ako paminsan-minsan pumapalusot dito—hindi dahil sa takot kundi dahil alam kong dito nagsisimula ang susunod na baitang ng laban ko bilang Seraphina Velasco. May nakita akong grupo sa dulo: ilang babae at lalaki, nakasuot ng hoodies at mask na tinatakpan ang mukha. May bitbit silang maleta na may maraming laman. Lumapit ako, tahimik, gamit ang liham na natanggap ko mula kay Alonzo—may informant daw silang gustong magpabigat ng kaso laban sa Dela Rosa family. "Ito na," bulong ko sa sarili. "Walang dudang target natin ang ilang iligal na dokumento na ginagamit ng pamilya Dela Rosa para kontrolin ang ilang proyekto ng Velasco Foundation. Nakaramdam ako ng lagim habang naglalakad sa kanilang direksyon. Natigil ako nang makita kong lumabas si June, assistant mula sa foundation, at humarap sa grupo. Ang mga mat

  • The Billionaire's Badass Wife    CHAPTER 78: Unmasked Lies

    GABBY POINT OF VIEW Mga board members, donors, at ilang government reps na dating nakalinya sa Velasco Foundation meeting tables. Tumambad agad sa akin ang ilang pamilyar na mukha—may mga nakangiti, may mga tinatakot pa ring tumingin. Pero ngayon iba na ang eksena. Ako na ang nakatayo sa harap nila, hindi bilang submissive socialite kundi bilang reyna ng matibay na puso.Pinindot ko ang remote. Nagbukas ang screen sa likod. Lumutang ang mga dokumento at larawan sa ilalim ng heading na “Velasco Community Projects Update.” Meron ding graphic breakdown ng mga donation funds distribution. Malinis. Transparent. Ang lahat ng bullying at anomang intriga ay tinanggal na.“Ipinapakita ko ito,” panimula ko, “para malaman ninyo kung saan napunta ang bawat pisong ibinigay sa foundation.”Tahimik na nakikinig ang lahat. Napatingin ako kay Madam Luz. Alam kong kamu'y naroroon din siya, nag-aabang ng error. Pero wala.Tumungo si Clara. “Ma’am Seraphina…”Ngumiti ako. “Malugod kong tinatanggap ang t

  • The Billionaire's Badass Wife    CHAPTER 77: The Real Body

    GABBY POINT OF VIEW Pinilit kong maging presentable habang papasok ako sa Velasco Hospital. Hindi dahil sa pagganda, kundi upang hindi matakot ang mga pasyenteng nanunuod sa akin. May briefing kami ni Damian. Hindi pa rin siya gumagamit ng bodyguard sa harap ko at hindi ko alam kung bakit. Pero ramdam ko ang tensyon habang magkasabay kaming pumapasok sa private wing.Lumabas kami sa passenger area, diretso kay Dr. Reyes. Siya ang head ng neurology. Tapos siyang iilang oras na nakatutok kay... sa katawang kinaroroonan ko. Kumplikado ang relihiyon siya rito pero pinayagan ni Damian ang full cooperation ng ospital. Nasa waiting room kami habang nagla-lab tests. A few meters lang namin ang kama na may electrical wires at sensors.Tumabi sa akin si Damian at dahan-dahang humawak sa kamay ko."Ang dami na nating pinagdadaanan," bulong niya.Tumawa ako ng mahina. "Parang hindi ko na maalala kung kailan pa ako nagising nang ganito kaaga."Ngumiti siya. "May dahilan. Kailangan nating malaman

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status