Nakahiga lamang ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame, paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ang sinabi ni Sandro sa akin bago siya umalis ng bahay.“You know what, Lorraine? I am fvcking done pretending that I love you. I am so sick of pretending that you are better than Celeste just to make this relationship fvcking work.”Sick of pretending? Kung gano’n, lahat ng pinapakita niya sa akin nitong mga nagdaang linggo ay pawang pagkukunwari lang? Gano’n ba? Hindi totoo ang pagmamahal na pinakita niya sa akin? Naawa lang ba siya sa akin kaya niya ginawa ‘yon? Dahil alam niyang hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko, kaya napili niyang magkunwari na lang na mahal niya ako upang magpatuloy ang kasunduan namin?Ang mga tanong na iyon ay parang apoy na dahan-dahang tumutupok sa akin mula sa loob. Parang walang humpay na sinasaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang puso ko. At tila ba ay naubos na ang mga luha ko kanina, kaya wala nang kahit isang butil ang pumatak para man lang damayan ak
Pakiramdam ko’y unti-unting nadurog ang lahat ng tiwala at pagmamahal na ipinagkaloob ko sa kan’ya. Hindi ko mahanap ang tamang mga salita na isasagot, at hindi ko na rin mahagilap ang sarili kong boses sa takot na baka mas lalo ko lang palalain ang sitwasyon. Na baka… mas lalo lang akong mamatay sa mga salitang ibabato niya sa akin.Hindi ko inaasahang dadating ang panahon, na ikukumpara niya ako sa dati niyang nobya—ang namatay niyang fiancee. Siya ang pinakahuling tao na inaasahan kong gagawin iyon, dahil sa mga pinapakita niya nitong nagdaang mga araw, dahil sa mga pinaparamdam niya sa akin.Akala ko… akala ko wala na si Celeste sa palabas na ‘to. Akala ko… hindi na mangyayaring masasama pa siya sa kung ano’ng mayroon sa amin ni Sandro.Pero ano ‘to? Bakit… bakit biglang siya na naman ang bida sa storya naming d
Nang matapos ang meeting, pinilit kong maging abala ang sarili—nag-aayos ng mga reports, nagre-review ng schedules, at nag-aasikaso ng emails. Pero kahit ano’ng gawin ko, hindi ko maiwasang mamroblema sa nangyari. Alam kong kasalanan ko iyon at ako ang dapat managot, pero si Sandro ang sumalo lahat ng resulta.Hindi ko na alam kung ano ang iisipin pa, dumagdag pa nga ang problemang ‘to sa ginawa ni Miguel sa akin! Bagay na kailangan ko munang isantabi dahil maliban sa hindi pa ako handang harapin siya sa korte, ay dapat ko munang unahin ‘tong problema na ‘to.Lumipas ang oras na tila walang katapusan. Aligaga ako sa lahat ng ginagawa at paulit-ulit na napapalingon sa pinto ni Sandro, pero matapos ang meeting, ni kahit kailan hindi pa siya lumabas sa opisina niya o ‘di kaya ay tawagin ako para i-update siya sa schedule niya ngayong araw.Umuwi ako no’n na puno ang isipan sa takot, kaba, at kagustuhang makausap si Sandro. Alam kong kailangan kong humarap sa kan’ya sa bahay, kailangan ko
Pagpasok namin sa conference room, ‘agad kong naramdaman ang bigat ng hangin na pumapaligid sa bawat sulok ng silid. Tahimik lang ang lahat ng mga shareholder na naroon habang sinusundan kami ng tingin simula pa lang pagpasok namin, pero halatang may tensyon nang nag-uumpisang umaaligid sa pagpasok namin ni Sandro.Ang mahahabang mesa na kulay dark mahogany ay puno ng mga shareholders—pamilyar na mga mukha na kadalasan ay nakikita ko lang tuwing quarterly meetings. Pero ngayon, lahat sila ay present. Walang kahit isang bakanteng upuan.Nasa dulo umupo si Sandro, at kahit nasa gilid lang niya ako sa may sulok na bahagi, ramdam ko ang tensyon sa panga niyang nakaigting na kitang-kita ko mula sa kinaroroonan ko, at sa paraan ng pagkuyom ng kan’yang mga daliri sa ibabaw ng mesa.Umupo ako sa gilid, kasama ang ilan
Pagkalabas ko pa lang ng elevator sa floor kung saan ang opisina ni Sandro, hawak-hawak ang isang folder, ‘agad akong sinalubong ni Yvonne. Nakakunot ang noo niya at mahigpit ang pagkakapit sa hawak na tablet. Parang kanina pa niya ako hinihintay dumating.“Lorraine,” mahina pero seryosong tawag niya sa akin. “We need to talk.”Kinabahan naman agad ako dahil sa pagiging seryoso niya. Hindi siya ‘yong tipong basta naliligalig nang walang dahilan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso simula no’ng naging assistant ako ni Sandro.“Ano’ng meron?” tanong ko sa kan’ya, pilit na pinapakalma ang sarili dahil iba ang kutob ko rito.Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “The shareholders called for an urgent meeting. Today. As in ngayong araw mismo.”Natigilan ako sa narinig. Urgent meeting? Hindi iyon pangkaraniwan, ah? At kung shareholders ang nagpatawag ng meeting, ibig sabihin ay may malaking issue, lalo na’t wala iyon sa schedule ni Sandro na pl-in-ot ko kagabi bago matulog.An
Kinabukasan, maaga akong nagising kahit halos wala naman akong tulog kagabi. Buong gabi, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari, ang mga kamay ni Miguel na walang pahintulot na dumapo sa katawan ko, ang bigat ng hininga niyang amoy alak na hindi ko makalimutan. Gusto ko sanang isipin na bangungot lang lahat, pero paggising ko, ramdam ko pa rin ang hapdi at bigat sa aking dibdib, ang panginginig ng kalamnan ko sa t’wing dumadapo sa aking isipan ang mapangahas na ginawa ni Miguel na sakin.Pinilit kong bumangon at maghanda. Wala akong ganang kumain, ni hindi ko kayang tumingin nang matagal sa salamin, pero pinilit ako ni Sandro kumain. Ayaw ko namang magtaka siya sa kinikilos ko kaya nama’y sinamahan ko na siyang mag-agahan.“Hey, are you okay?” tanong ni Sandro sa akin na kinabasag sa katahimikan sa buong hapagkainan. Tila naalimpungatan ako sa lalim ng iniisip ko at napalingon sa kan’ya. Napakurap ako ng ilang beses bago umawang ang aking bibig ngunit walang ni isang salit