Share

Kabanata 5

last update Huling Na-update: 2025-07-25 18:51:15

Pagdating ko sa office ni Sandro, ibang-iba ang atmosphere kaysa noong una ko itong pinuntahan bilang aplikante. Mas maaliwalas. Mas tahimik. Pero marahil ako lang ang nagbago—dahil ngayon, hindi na ako si Lorraine Sarmiento. Ako na si Mrs. Lorraine Navarro.

Tinapik ko ang sarili sa salamin ng elevator habang paakyat. Nandito pa rin ang panlalamig at bahagyang panginginig ng buong katawan ko pero pilit ko iyong sinusubukang burahin sa sistema.

Pagbukas ng elevator, nandoon agad si Yvonne.

"Mrs. Navarro," bati niya, tila sanay na sanay na sa bagong apelyidong iyon.

Hindi ko maiwasang mahiya. Parang kahapon lang ay tanging newly-hired executive assistant ni Sandro lamang ako sa paningin niya, ngayon ay bagong asawa na ng boss namin. Kahit na alam niya namang isa lamang itong kasunduan ay nakakahiya pa rin.

"Hi, Yvonne. Nandiyan na ba si Sandro—I mean, Mr. Navarro?" nakangiti kong tanong dito.

"Tuloy po kayo. May inaayos lang po siya, pero sabi niya hintayin niyo raw siya sa loob."

Tahimik akong pumasok sa opisina. Ang liwanag mula sa floor-to-ceiling glass window ay direktang tumama sa wedding ring ko. Muntik ko pa iyong alisin—pero napatigil din ako.

Ilang saglit pa, bumukas ang pinto at bumungad ang isang lalaki. Matangkad. Maayos ang postura. Matalim ang mga mata na parang mabilis magbasa ng sitwasyon. At hindi maipagkakailang hindi rin ito nagpapatalo sa kag’wapuuhan at kakisigan gaya ni Sandro.

"C-Celeste?” Hindi maipinta ang mukha ng lalaki na para bang nakakita ng multo.

Kumunot naman ang noo ko at umiling. “Hindi po, sir. I’m Lorraine po,” paliwanag ko rito.

“O-Oh, is that so?”

Bago pa man ako makasagot, bumukas ang pinto ng inner office. Lumabas doon si Sandro, may hawak pang ilang papeles. Agad siyang huminto nang makita kami.

“Rafael,” bati niya sa lalaki, matipid.

“Pare,” sagot ng lalaki na Rafael pala ang pangalan. Kita ko sa tingin niya ang pag-aalalang pilit niyang ikinukubli. Pero malinaw na may tanong siya.

Lumapit si Sandro sa akin. “Lorraine, this is Rafael Ybañez. Isa sa mga partner ng kumpanya.” Pagkatapos ay tumingin din siya sa lalaki. “This is Lorraine. She’s my new executive assistant. She’ll be assisting me for a few projects.”

Tumango si Rafael, ngunit bago pa man makapagsalita ito ay muling nagsalita si Sandro na kinagulat ng kaibigan.

“And she’s my wife,” dagdag ni Sandro, malamig ang tono pero diretso. Walang pasakalye.

Nagkatinginan silang dalawa. Bakas sa mukha nito ang pagkalito. At habang ako’y nanatiling nakatayo sa gitna nila, para akong nasa isang eksena na hindi ko alam kung bahagi ba ako o saksi lang.

“Your wife?” ulit ni Rafael. “Since when?”

“Recently,” sagot ni Sandro, saka iniwas ang tingin. Hindi niya ako tinapunan ng sulyap. Hindi rin siya nag-abot ng kahit anong paliwanag.

“You’re… married?” ulit niya, halos malaglag ang panga. “You didn’t tell me.”

“I didn’t have to,” sagot ni Sandro, malamig ang boses. “And I don’t need to explain anything.”

Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin na hindi ko ito ginusto. Na hindi ko rin alam kung bakit ganito kabilis ang lahat. Pero nanatili akong tahimik. Ito ang usapan. Ito ang kasunduan.

Pero kahit pa ba peke ang lahat, hindi ko maikakaila ang bigat ng tingin ni Rafael sa akin. Parang may mga tanong siyang gustong ibato pero pinipigilan.

“You married her... and you didn’t even tell me?” halos pabulong na wika ng lalaki, mas mahina pero ramdam ang pagkabigla.

“I had my reasons,” sagot ni Sandro, matigas ang boses.

Tahimik akong nanatili sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita. Dapat ba akong ngumiti? Lumabas muna? Pero wala sa mga iyon ang nagawa ko.

Napansin kong mahigpit ang pagkakakuyom ng kamay ni Rafael. Tila may bumabagabag sa kan’ya.

“I see,” aniya sa huli. “Congratulations.”

Ngunit sa paraan ng pagkakasabi niya, halatang hindi siya naniniwala. O baka... hindi lang siya sanay.

“Alam ba ito nila tito’t tita? Ni Sabby?”

“No, I’ll let them know soon.”

Mas lalong nasira ang ekspresyon ni Rafael. “What? Are you crazy, man? Nagpakasal ka, and you didn’t tell anyone?”

Bumuntong hininga si Sandro. “Just like what I said, I have my reasons.”

Bahagya akong napapikit habang pinapakinggan silang nagsasagutan. K’unti na lang yata ay masasabi ko bigla kay Rafael na hindi totoo ang lahat ng ‘to, ngunit pilit kong pinipigilan ang sarili. 

Kalaunan ay biglang lumapit sa akin si Rafael na kinataranta ko. Mariin niya akong tinititigan bago muling nagsalita. “You look… exactly like her.”

Napasinghap ako. “Ha?” tanong ko, hindi kilala kung sino ang tinutukoy niya.

“Celeste,” bulong niya. “You look exactly like Celeste.”

“Rafael…” may diin sa tono ni Sandro na para bang nagbabanta sa kaibigan nito.

Tinapunan siya ng tingin ni Rafael at umiling. Pagkatapos ay lumayo rin sa akin.

Tahimik naman akong lumapit kay Sandro. Gusto kong hawakan ang braso niya para ipakitang totoo kami—kahit alam naming pareho na hindi. Pero hindi ko ginawa. Hindi pa ako handang yakapin ang buong ilusyon.

Lumapit si Sandro sa desk makaraan ang ilang sandali. “May kailangan ka ba, Raf?” bumalik na sa normal na boses ang tono nito.

“Just passing by. I happened to have a meeting on the floor above, so I thought I’d drop in and check on you.” Walang emosyon ang tono ng boses nito.

Tumango si Sandro. “I’m fine. Baka magkita rin tayo mamaya sa board lunch.”

“Alright,” sagot ni Rafael at nagpaalam nang aalis. Pero bago siya lumabas, muli itong tumingin sa akin. “Nice to meet you… Lorraine.”

Pilit akong ngumiti. “Nice to meet you too,” mahinang tugon ko.

Pagkaalis niya, saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Tahimik si Sandro habang inaayos ang mga papeles sa mesa.

“Hindi mo sinabi sa kan’ya,” mahina kong bulong.

“Don’t mind him.”

“Pero halata sa kanya—halata sa tingin niya na—”

“I said, huwag mo siyang alalahanin.” Mariin ang boses ni Sandro. Hindi galit, pero may bigat.

Tumahimik ako.

Tumingin siya sa akin pagkatapos. Sa wakas, lumambot ng kaunti ang kan’yang ekspresyon. “Kung may magtanong pa, just tell them you’re my wife. That’s all they need to know.”

Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti, pilit na naman. “Yes,” sagot ko. “I’m your wife.”

Gustong-gusto kong itanong sino si Celeste, ngunit alam kong pati iyon ay ayaw pag-usapan ni Sandro, kaya pinili ko na lang manahimik at sinimulan ang mga trabahong binigay niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 64

    Pagkatapos ng initial test ni Sandro, napansin ko ang maingat na tingin ng doktor sa akin. Sa tingin niyang iyon, gumapang ang kaba sa aking dibdib at tila nagka-ideya na ako sa sasabihin niya sa akin.Maya-maya, humarap siya sa nurse. “Can you please stay with Mr. Navarro for a while? I need to talk to Mrs. Navarro outside,” pahayag niya rito na tinanguan naman ng nurse.Nilingon ko si Rafael na ngayon ay tumango na sa akin na para bang sinasabi sa aking siya na muna ang bahala sa kaibigan niya. Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti bago sinundan ang doktor sa labas ng room ni Sandro.Habang naglalakad, abot-abot ang pagtahip ng aking dibdib. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko sa bawat hakbang, at para bang may malamig na hangin na humahaplos sa aking batok.Kahit na may parte sa aking alam na ang sasabihin ng doktor sa akin, hindi ko pa rin maiwasang hilingin na sana mali ako. Na sana mali ang iniisip ko.Nang tuluyan kaming nakalabas ay humarap ang doktor sa akin, saka bumuga

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 63

    “Ma’am Lorraine, sigurado ka po bang magt-trabaho ka ngayon? Wala ka pa pong sapat na pahinga simula nang umuwi ka kaninang madaling araw,” nag-aalalang wika ni Manang Selya habang iginigiya ako sa malaking pinto ng bahay.Tipid akong ngumiti kay manang at tumango. “Opo, Manang. Kailangan ko, eh, lalo na’t wala si Sandro. At kailangan ko pa ring gawin ang trabaho ko bilang executive assistant niya.”Nang nalaman naming successful ang operasyon ni Sandro, nanatili pa ako sa ospital kahit na ramdam kong hindi naman welcome ang presensya ko roon. Kahit na palagi akong iniismiran ni Isabelle sa t’wing magkakasabay kami sa pagbisita ni Sandro at sinasabihan ako ng masasamang salita, hindi ako nagpatinag. Pinipili kong itikom ang bibig at lunukin ang kagustuhan kong ipagtanggol ang sarili.Kahit sina Mr. at Mrs. Navarro ay hindi ako pinapansin sa t’wing bumibisita rin sila sa anak nila. Hindi man nila ako direktang kinompronta sa kasalanan ko, ramdam ko naman ang lamig at pader sa pagitan n

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 62

    “‘Andito ka rin ba… para pagsabihan ako,” garalgal kong wika, pilit na pinupunasan ang mga luha sa pisngi gamit ang mga palad ko.Umiling lang siya, saka may inabot na isang puting panyo sa akin na bitbit niya pala sa isang kamay.Saglit akong napatitig doon at naiangat ang tingin sa kan’ya. Napalunok ako at dahan-dahan iyong inabot saka pinunasan ang bawat pisngi.Umupo siya sa aking tabi pagkatapos saka marahang nagsalita. “I’m not here to scold you, Lorraine. I’m here to tell you not to think too much about what happened. Panigurado… magiging successful ang operasyon ni Sandro.”Napakagat ako sa loob ng aking pang-ibabang labi, naguguluhan sa pagiging kalmado niya sa mga oras na ‘yon. “Pero… ako ‘yong dahilan kung ba’t siya nandito. Kung hindi ko siya nasaktan, kung hindi ko nasabi ‘yong mga bagay na ‘yon kay Mr. Aragon, baka—”“Shhh,” pagputol niya sa sasabihin ko, saka mahina niyang tinapik ang aking balikat. “Calm down. Naiintindihan kita, Lorraine. At alam kong maiintindihan ka

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 61

    Hindi ko namalayang nakarating na ako sa maliit na chapel ng ospital. Tahimik lang ang paligid at walang ibang tao roon kundi ako lang. Umupo ako sa pinakaharap, at hindi ko na napigilan ang sarili kong bumagsak ang mga balikat. Hindi ko na rin napigilan at tuluyan na akong humagulhol.Wala na akong pakialam kung gaano kalakas ang pag-iyak ko, kung may makarinig sa akin sa labas. Gusto ko lang ilabas lahat ng sakit na namumuo pa rin sa aking dibdib at pilit akong kinakain nang buo. Gusto ko lang ilabas ang bigat sa dibdib ko.“Panginoon…” halos wala nang boses kong bulong, nanginginig sa bigat ng nararamdaman. “Patawarin Niyo po ako. Patawarin NIyo po ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Hindi ko po sinasadya… hindi ko po ginusto. Pero alam kong ako pa rin ang may kasalanan kung bakit nandito si Sandro ngayon.”Walang tigil sa pagbagsakan ang aking mga luha. Hinayaan ko na lang dahil iyon na lang ang kaya kong gawin ngayon—ang umiyak at ipagdasal ang kaligtasan ni Sandro.“Kung p’we

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 60

    Sapo-sapo ko ang aking mukha habang patuloy pa rin sa paghagulhol. Hindi ko na alam kung ilang minuto o ilang oras na akong umiiyak doon, naghihintay na matapos ang operasyon at hindi tumitigil sa pagdasal na sana ay maging successful ang operasyon ni Sandro.Kailangan kong maging matatag—pero paano kung si Sandro mismo, hindi magiging matatag sa laban na ‘to? Mas lalong napunit ang puso ko sa naisip.Panginoon, ‘wag naman sana. Kahit ‘wag na po niya akong patawarin, maging ligtas lang po sana siya.Ilang minuto ang lumipas nang may mga yabag na papalapit akong narinig. Pag-angat ng tingin ko, halos gumuho na naman ang dibdib ko nang makita ko ang mga magulang ni Sandro.“Lorraine, iha!” Mabilis na lumapit si Mrs. Navarro sa akin, namumugto na ang mga mata. Hinawakan niya ang braso ko, nanginginig. “What happened to my son?”Hindi ko alam kung paano sisimulan. Nanginginig ang mga labi ko, halos hindi makabuo ng kahit anong salita. Namumutawi ang kaba sa aking dibdib dahil hindi ko ala

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 59

    Nakahiga lamang ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame, paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ang sinabi ni Sandro sa akin bago siya umalis ng bahay.“You know what, Lorraine? I am fvcking done pretending that I love you. I am so sick of pretending that you are better than Celeste just to make this relationship fvcking work.”Sick of pretending? Kung gano’n, lahat ng pinapakita niya sa akin nitong mga nagdaang linggo ay pawang pagkukunwari lang? Gano’n ba? Hindi totoo ang pagmamahal na pinakita niya sa akin? Naawa lang ba siya sa akin kaya niya ginawa ‘yon? Dahil alam niyang hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko, kaya napili niyang magkunwari na lang na mahal niya ako upang magpatuloy ang kasunduan namin?Ang mga tanong na iyon ay parang apoy na dahan-dahang tumutupok sa akin mula sa loob. Parang walang humpay na sinasaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang puso ko. At tila ba ay naubos na ang mga luha ko kanina, kaya wala nang kahit isang butil ang pumatak para man lang damayan ak

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status