Pagdilat ng mga mata ko, puting kisame ang bumungad sa akin—hindi ang kisame ng apartment kong may bitak sa gilid, kundi kisame ng isang silid na amoy mamahaling linen at lavender. Kumirot ang leeg ko sa sobrang lambot ng unan, at pansamantala kong nalimutan kung nasaan ako.
Hanggang sa bumalik ang alaala.
Ang kontrata.
Ang kasal.
Ang pangalang "Mrs. Lorraine Navarro" na ilang oras pa lang ay itinawag na sa akin ng sekretarya niya.
Nabanggit din ni Sandro sa akin na ang sekretarya lang nito na si Yvonne ang nakakaalam sa kasal namin sa office, pati na rin ang agreement namin. Kinailangan daw ito upang may tumulong din sa akin sa mga bagay-bagay.
Umupo ako sa kama, pilit pinapakalma ang dibdib kong tila may sariling utak. Tumingin ako sa paligid—malinis, eleganteng silid, puti at beige ang kulay. Wala ni isang personal na gamit na nagsasabing ito’y pag-aari ni Sandro. Parang model unit lang. Walang damdamin. Katulad ng kasal namin.
Napapikit ako, hinilot ang sentido. "Kaya mo 'to, Lorraine," bulong ko sa sarili ko.
Naligo lang ako saglit at nag-ayos ng sarili. Isang itim na slacks at puting long sleeves lamang ang suot ko na pinaresan ko ng itim na sandal na may maliit na heels.
Saglit kong tinitigan ang sarili bago napagdesisyunang bumaba na para mag-agahan.
Pagkababa ko ng hagdan, tahimik ang buong mansyon. Ang tanging naririnig ko ay ang mahihinang tunog mula sa kusina.
Nang tuluyan akong nakababa sa dulo ng hagdan ay sumalubong sa akin si Manang Selya. Nakangiti itong nakatingin sa akin.
“Magandang araw, Ma’am Lorraine. Nasa hapagkainan na po si Sir Sandro,” magalang nitong wika.
Tumango naman ako sa kan’ya at ngumiti. “Magandang araw rin, Manang Selya. Salamat po.”
Dumiretso naman ako sa dining area, nandoon na nga si Sandro, naka-itim na polo at slacks, at abala sa pagtipa sa kaharap na laptop at may mug sa katabi nito.
Huminto siya sa paggalaw nang mapansin ako.
“Good morning,” mahinang bati niya at isinantabi ang laptop.
Tumango ako. “Good morning.”
Pinilit kong maging kalmado ang boses ko, pero sa loob-loob ko ay parang gusto kong umatras. Ito na 'yon. Wala nang urungan.
“Umupo ka,” aniya, itinuturo ang upuan sa harap ng long marble dining table. “I asked the staff to prepare something light. I wasn’t sure what you liked.”
Napakagat ako sa labi. “Anything’s fine. Hindi naman ako maarte.”
“Good.” Uminom siya ng kape, saka maayos naupo. “May dietary restrictions ka ba?”
“Wala naman. Basta walang ginataang langka, baka mahimatay ako.” Sinubukan kong magbiro, pero tila lumagpas lang ito sa kan’ya.
Nanatiling tikom ang bibig niya. Ako na ang unang yumuko at kumuha ng tinapay.
Tahimik ang unang limang minuto. Pareho lang kaming kumakain, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam ko ang mga mata niyang panakaw na tumitingin sa akin.
Ako ang unang bumasag ng katahimikan. “So...ganito ba talaga ang umaga mo?”
Tiningnan niya ako. “What do you mean?”
“‘Yong...tahimik. Formal. Wala bang movie habang kumakain ng cereal?” Sinubukan ko ulit magbiro, this time with a chuckle. Hindi pa rin siya tumawa, pero ang sulok ng labi niya ay parang kumibot.
“I usually eat alone. I don’t watch anything in the morning. I prepare for meetings.”
Tumango ako. “Makes sense.”
Tumahimik ulit kami.
Maya-maya’y bigla siyang nagsalita, “You slept well?”
“Masarap ang kama.” Totoo naman. “Parang ayaw kong bumangon.”
“I had the guest room redone after I decided to—” naputol ang salita niya. “Anyway, I wanted you to be comfortable.”
“Thanks,” maikli kong sagot.
Sabay kaming uminom ng kape. Ilang segundo ulit ang lumipas bago siya nagsalita.
“Lorraine,” mahinang simula niya. “We’ll need to start preparing appearances. Dinners. Events. Photos. Our marriage has to look real.”
Tumango ako. “Okay. Sabihin mo lang kung kailan.”
Tumingin siya sa akin. Matagal. Parang may gustong sabihin pero pinipigilan ang sarili.
Napayuko ako, hindi matagal ang titig niya. Hindi ko alam kung iniisip pa ba niya ang rason ng lahat ng ito o nagsisisi na siya.
“Hindi mo na kailangang ulitin ang terms,” sabi ko, mahinahon. “Alam ko kung ano’ng pinasok ko.”
Hindi siya sumagot. Sa halip ay tumayo siya, bitbit ang mug ng kape. Lumapit siya sa malaking salamin sa gilid ng dining area, para bang tinatantsa ang sarili niya.
“Alam mo bang hindi kita inaasahang darating noon sa opisina?”
Napatingin ako. “Akala ko ba kailangan mo ng executive assistant?”
“I did. I do.” Tumango siya. “Pero no’ng ikaw ang pumasok sa pintuan, hindi ko alam kung coincidence lang ba o may ibang ibig sabihin.”
Napakunot ako ng noo. “What do you mean, sir?”
Pero ngumiti lang siya, malungkot. “Wala.”
May gusto akong itanong. Ilang ulit na sumasagi sa isip ko pero alam ko naman ang magiging sagot niya. Katulad lang din no’ng tinanong ko siya. Baka nga ay hindi pa siya handa na ipaliwanag sa akin kung ba’t ako. Baka nga balang-araw ay maiintindihan ko rin ang lahat.
Nagbago ang paksa niya. “May damit ka bang susuotin for work today?”
Napatawa ako, naiilang. “Um…mga damit ko lang sa dating trabaho no’ng internship ko.”
“Jacket and heels?” tanong niya.
Umiling ako. “Black dress at closed shoes. Gano’n lang.”
Tumango siya. “I’ll have someone from styling send a few options. You’ll need to look the part.”
“Okay,” tipid kong sagot. Tumayo na rin ako. “Salamat sa almusal.”
“Lorraine.”
Lumingon ako sa kan’ya.
“I know this isn’t easy. And I know…I’m not easy to live with...” Bahagyang yumuko ang ulo niya, para bang hindi sanay humingi ng pasensya. “But I’ll try to make it less unbearable.”
“Okay,” sagot ko, hindi alam kung matatawa ba ako o maaawa. “Salamat.”
At bago ko pa tuluyang tinalikuran ang lamesa, may naulinigan akong bulong mula sa kan’ya.
“...I didn’t expect you to look exactly like her.”
Napalingon ako agad. “Ha?”
Ngunit umiling lamang siya. “Nothing. Have a good morning ahead, Mrs. Navarro.”
Napalunok ako sa tinawag niya sa akin.
Kalaunan ay ngumiti ako sa kan’ya, kahit pilit. “You too...Mr. Navarro”
Pagkatapos ng initial test ni Sandro, napansin ko ang maingat na tingin ng doktor sa akin. Sa tingin niyang iyon, gumapang ang kaba sa aking dibdib at tila nagka-ideya na ako sa sasabihin niya sa akin.Maya-maya, humarap siya sa nurse. “Can you please stay with Mr. Navarro for a while? I need to talk to Mrs. Navarro outside,” pahayag niya rito na tinanguan naman ng nurse.Nilingon ko si Rafael na ngayon ay tumango na sa akin na para bang sinasabi sa aking siya na muna ang bahala sa kaibigan niya. Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti bago sinundan ang doktor sa labas ng room ni Sandro.Habang naglalakad, abot-abot ang pagtahip ng aking dibdib. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko sa bawat hakbang, at para bang may malamig na hangin na humahaplos sa aking batok.Kahit na may parte sa aking alam na ang sasabihin ng doktor sa akin, hindi ko pa rin maiwasang hilingin na sana mali ako. Na sana mali ang iniisip ko.Nang tuluyan kaming nakalabas ay humarap ang doktor sa akin, saka bumuga
“Ma’am Lorraine, sigurado ka po bang magt-trabaho ka ngayon? Wala ka pa pong sapat na pahinga simula nang umuwi ka kaninang madaling araw,” nag-aalalang wika ni Manang Selya habang iginigiya ako sa malaking pinto ng bahay.Tipid akong ngumiti kay manang at tumango. “Opo, Manang. Kailangan ko, eh, lalo na’t wala si Sandro. At kailangan ko pa ring gawin ang trabaho ko bilang executive assistant niya.”Nang nalaman naming successful ang operasyon ni Sandro, nanatili pa ako sa ospital kahit na ramdam kong hindi naman welcome ang presensya ko roon. Kahit na palagi akong iniismiran ni Isabelle sa t’wing magkakasabay kami sa pagbisita ni Sandro at sinasabihan ako ng masasamang salita, hindi ako nagpatinag. Pinipili kong itikom ang bibig at lunukin ang kagustuhan kong ipagtanggol ang sarili.Kahit sina Mr. at Mrs. Navarro ay hindi ako pinapansin sa t’wing bumibisita rin sila sa anak nila. Hindi man nila ako direktang kinompronta sa kasalanan ko, ramdam ko naman ang lamig at pader sa pagitan n
“‘Andito ka rin ba… para pagsabihan ako,” garalgal kong wika, pilit na pinupunasan ang mga luha sa pisngi gamit ang mga palad ko.Umiling lang siya, saka may inabot na isang puting panyo sa akin na bitbit niya pala sa isang kamay.Saglit akong napatitig doon at naiangat ang tingin sa kan’ya. Napalunok ako at dahan-dahan iyong inabot saka pinunasan ang bawat pisngi.Umupo siya sa aking tabi pagkatapos saka marahang nagsalita. “I’m not here to scold you, Lorraine. I’m here to tell you not to think too much about what happened. Panigurado… magiging successful ang operasyon ni Sandro.”Napakagat ako sa loob ng aking pang-ibabang labi, naguguluhan sa pagiging kalmado niya sa mga oras na ‘yon. “Pero… ako ‘yong dahilan kung ba’t siya nandito. Kung hindi ko siya nasaktan, kung hindi ko nasabi ‘yong mga bagay na ‘yon kay Mr. Aragon, baka—”“Shhh,” pagputol niya sa sasabihin ko, saka mahina niyang tinapik ang aking balikat. “Calm down. Naiintindihan kita, Lorraine. At alam kong maiintindihan ka
Hindi ko namalayang nakarating na ako sa maliit na chapel ng ospital. Tahimik lang ang paligid at walang ibang tao roon kundi ako lang. Umupo ako sa pinakaharap, at hindi ko na napigilan ang sarili kong bumagsak ang mga balikat. Hindi ko na rin napigilan at tuluyan na akong humagulhol.Wala na akong pakialam kung gaano kalakas ang pag-iyak ko, kung may makarinig sa akin sa labas. Gusto ko lang ilabas lahat ng sakit na namumuo pa rin sa aking dibdib at pilit akong kinakain nang buo. Gusto ko lang ilabas ang bigat sa dibdib ko.“Panginoon…” halos wala nang boses kong bulong, nanginginig sa bigat ng nararamdaman. “Patawarin Niyo po ako. Patawarin NIyo po ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Hindi ko po sinasadya… hindi ko po ginusto. Pero alam kong ako pa rin ang may kasalanan kung bakit nandito si Sandro ngayon.”Walang tigil sa pagbagsakan ang aking mga luha. Hinayaan ko na lang dahil iyon na lang ang kaya kong gawin ngayon—ang umiyak at ipagdasal ang kaligtasan ni Sandro.“Kung p’we
Sapo-sapo ko ang aking mukha habang patuloy pa rin sa paghagulhol. Hindi ko na alam kung ilang minuto o ilang oras na akong umiiyak doon, naghihintay na matapos ang operasyon at hindi tumitigil sa pagdasal na sana ay maging successful ang operasyon ni Sandro.Kailangan kong maging matatag—pero paano kung si Sandro mismo, hindi magiging matatag sa laban na ‘to? Mas lalong napunit ang puso ko sa naisip.Panginoon, ‘wag naman sana. Kahit ‘wag na po niya akong patawarin, maging ligtas lang po sana siya.Ilang minuto ang lumipas nang may mga yabag na papalapit akong narinig. Pag-angat ng tingin ko, halos gumuho na naman ang dibdib ko nang makita ko ang mga magulang ni Sandro.“Lorraine, iha!” Mabilis na lumapit si Mrs. Navarro sa akin, namumugto na ang mga mata. Hinawakan niya ang braso ko, nanginginig. “What happened to my son?”Hindi ko alam kung paano sisimulan. Nanginginig ang mga labi ko, halos hindi makabuo ng kahit anong salita. Namumutawi ang kaba sa aking dibdib dahil hindi ko ala
Nakahiga lamang ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame, paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ang sinabi ni Sandro sa akin bago siya umalis ng bahay.“You know what, Lorraine? I am fvcking done pretending that I love you. I am so sick of pretending that you are better than Celeste just to make this relationship fvcking work.”Sick of pretending? Kung gano’n, lahat ng pinapakita niya sa akin nitong mga nagdaang linggo ay pawang pagkukunwari lang? Gano’n ba? Hindi totoo ang pagmamahal na pinakita niya sa akin? Naawa lang ba siya sa akin kaya niya ginawa ‘yon? Dahil alam niyang hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko, kaya napili niyang magkunwari na lang na mahal niya ako upang magpatuloy ang kasunduan namin?Ang mga tanong na iyon ay parang apoy na dahan-dahang tumutupok sa akin mula sa loob. Parang walang humpay na sinasaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang puso ko. At tila ba ay naubos na ang mga luha ko kanina, kaya wala nang kahit isang butil ang pumatak para man lang damayan ak