Chapter 1.2
Wala sa sarili akong napatingin sa sout ko at napakagat ng labi ko. Ang mga katulad niyang lalaki ay mas gusto iyong halos wala nang matakpan ang babae nila. Na para bang naubausan na ng tela ang mga pagawaan ng damit kaya halos hindi na matatawag pang damit ang sout nila.
"Let's go."
Napatingala ako sa kaniya nang marinig ko ang mababa at malalim niyang boses. Nanginig ako at agad na nagbaba ng tingin nang kunin niya ang kamay ko na walang hawak na purse at ikinawit sa matikas niyang braso na kahit natatakpan man ito ng mamahalin niyang sout ngayon ay hindi mapagkakailang suki siya ng gym.
Gaya ng sinabi ni Catelyn kanina, wala ngang media ang sumalubong sa amin sa entrada ng hotel, tanging ang mga taga bantay lang ang naroroon para kuhanin ang invitation card na ibinigay naman ng kasama kong lalaki. Kahit pa ilang beses ko na itong ginawa ay hindi ko pa din maiwasang kabahan, takot akong may makakilala sa akin rito.
Napahigpit ang hawak ko sa braso nung lalaki nang makapasok na kami sa loob ng event hall. Ang mga upuan ay nakabalot ng puting tela at ganun rin ang mga upuan, may nakapuwesto namang mga bulaklak sa gitna ng bawat lamesa. Malamlam ang ilaw sa boung paligid na mas nagpaganda sa mga puting bulaklak na dekorasyon, may mga maliliit na ilaw sa gilid na papunta sa itaas ang liwanag. Kung humanga ako sa mga dekorasyon ay mas humanga ako sa stage na nasa gitna, may mga bulaklak sa gilid nun at may mga ilaw na patungo ang liwanag sa gitna ng stage kung saan nakalagay ang pangalan ng event ngayong gabi. May mga upuan doon at may podium naman sa gilid kung saan panigurado pu-pwesto ang emcee mamaya.
Iginiya ako ng lalaki papunta sa upuan na nasa unahan, may mga iba ng businessman sa paligid na kagaya namin ay nakasout din ng maskara. Bago pa man kami makapunta sa mesa namin ay may lumapit kaagad sa kaniyang mga matatandang business man. Hula ko ay kilala nila ang isa't-isa dahil ganun nalang ang ngiti ng mga ito nang makita siya kahit na hindi siya ngumiti ay binati niya naman ang mga ito.
"I thought you'll not be here. Mabuti nalang pala at pumunta ako rito dahil nakita kita." saad nung isang matandang hula ko ay nasa singkwenta na ang edad.
Nagpasalamat ako na hindi nila ako napansin na kasama nitong lalaki. Dahan-dahan kong inalis ang kamay kong naka-angkla sa braso niya, akala ko ay hahayaan niya ako pero ganun nalang ang panlalaki ng mata ko nang inilingkis niya ang braso sa likuran ko at mas hinapit ako papalapit sa kaniya. Wala sa isip akong napayakap sa kaniya dahil sa biglaan niyang paghapit sa akin, halos yakapin na niya ako. Ramdam na ramdam ko ang braso niya sa likuran ko na lantad dahil sa style ng damit na sout.
"What a beautiful lady you have here huh? You really have a good taste when it comes to your women."
'Women'.
Ibig sabihin ba ay ganun nalang ka babaero itong kasama ko dahil plural talaga ang ginamit nitong kausap niya? Pero hindi naman niya ako babae, kasama niya lang ako rito pero hindi niya ako babae. Hinding-hindi ako magiging babae ng lalaking ito.
"I know Mr. De Guzman." Rinig ko ang pagngisi niya sa kausap.
Kahit pa alam kong hindi niya ako makikilala ay yumuko pa rin ako.
"Oh, don't look down hija. You're a beauty so don't be shy."
Ramdam kong humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa aking bewang kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Napahugot ako ng hininga nang makita ang matalim niyang tingin sa matandang business man na kausap.
"Eyes off her Mr. De Guzman." matigas na saad ng lalaking katabi ko at puno ng awtoridad.
Nang tingnan ko si Mr. De Guzman ay nakangisi na ito at nakataas ang parehong kamay. Tumawa siya at tumango-tango. He glance at me for a seconds and then looked at the man beside me.
"Enjoy the night then. Excuse me." Nang hindi sumagot ang katabi ko ay umalis na siya.
Tahimik akong sumunod sa kaniya nang igiya niya ako papunta sa upuan namin, hindi pa rin binibitawan ang bewang ko at pinaupo niya ako. Napatingala ako sa kaniya nang hindi siya umalis sa harapan ko. Ni hindi ko man lang naramdaman ang lamig kahit pa walang tela ang nakatabon sa likuran ko dahil sa braso niyang nakapulupot sa bewang ko. Imbes na lamig ay init ang naramdaman ko.
"Stay here."
Yun lang ang sinabi niya at agad na tumalikod para umalis. Inilibot ko nalang ang tingin sa paligid para malibang habang wala siya rito. Kahit naman nandito siya ay boring pa din, he's a man of few words. Kung anong tanong ay yun lang din ang sinasagot niya at hindi na dinadagdagan pa.
Hindi ako mapakali habang tumitingin sa paligid nang makita kung gaano ka en grande ang boung paligid.
"Hoy!" Napapitlag ako nang bigla nalang may kumalabit sa akin mula sa likuran. Nang lingunin ko ay ganun nalang ang pagkagulat ko dahil nandito siya, boung akala ko ay nasa Pilipinas ang gaga!
"Goodness gracious Catelyn Samantha Hernandez!" Tinaliman niya ako ng tingin nang marinig ang bou niyang pangalan.
"Shh... 'Yang bibig mong walang dilig talaga ang sarap busalan." Napasimangot ako sa sinabi niya. "Where's Mr. Valdez by the way?" tanong niya nang maupo sa kaharap kong upuan at luminga-linga sa paligid.
"He's not here."
Natigilan naman siya sa sinabi ko.
"Anong 'he's not here' ?Pano ka nakapunta rito kung ganun?"
"I'm with someone else. Mr. Valdez for some reason can't go here that's why Im with—" I paused when I remember that I don't even know his name but I'm with him right now. But one thing is for sure, he's with the same estate with Mr. Valdez.
"With whom?" Nakataas na ang kilay ni Catelyn sa akin.
Tumingin ako sa paligid nagbabakasakaling may mahanap na sagot pero nahagip ng paningin ko ang kasama kong lalaki na may kasama ng babae ngayon. Nagtatawanan silang dalawa at ang lapit ng mga mukha nila na para ng maghahalikan. Lumingon na din si Catelyn sa likuran ko at bumalik din ang paningin sa akin na parang hindi makapaniwala. Nakaawang pa ang mga labi niya.
"Oh shit! You've got to be kidding me."
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, para siyang nakakita ng multo dahil sa itsura niya.
"Kilala mo?"
"Who wouldn't? Siya lang naman si—" hindi na niya natapos ang sasabihin nang may lumapit na lalaki sa kaniya na tingin ko ay kasama niya ngayong gabi. Bumuntong-hininga siya at napatayo nalang. "Talk to you next time okay?" Tumango lang ako sa kaniya, pinagmasdan ko lang ang paglayo niya kasama ang lalaki nang dumating na ang kasama kong lalaki kanina.
Pinanood ko siyang alalayan sa pag-upo ang babaeng kasama niya. Mahinhin naman itong ngumiti sa kaniya at nagpasalamat. Nag-usap na sila na para bang wala ako rito at hindi ako yung kasama niya. Mukha tuloy akong third wheel rito.
May pa "Eyes off her Mr. De Guzman" pa siya. Napairap ako.
Bakit Eloise? Ikaw ba yung tinutukoy niya? Ang daming her sa paligid kaya imposibleng ikaw yun! Assumera!
Umiwas ako sa gawi nilang dalawa, tumingin nalang ako sa paligid. Nang makita ko ang buffet table sa gilid ay agad akong tumayo at nag dere-deretsong naglakad sa buffet table. Ngumiti ako sa babae na nagse-serve habang kumukuha ng mga pagkain, ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko nang makita ko na ang mga pagkain.
"Thank you."
Babalik na sana ako sa upuan namin ngunit natigilan ako nang bigla nalang natoun sa harapan ang spotlight, nakatayo na sa podium ang emcee at sobrang laki ng ngiti nito.
"Good evening everyone!" Panimula nito na agad namang pinalakpakan ng mga guest. Nang dumapo ang paningin ko sa gawi nung lalaking kasama ko kanina at nung babae niya ay wala na silang dalawa roon.
Where would those two go? Parang kanina lang naglilingkisan silang dalawa sa harapan ko pero ngayon parang mga bula na biglang nawala ang mga yun.
Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nung emcee kaya naman dahan-dahan akong naglakad palayo sa buffet table dala ang plato na may mga pagkain. Dumaan ako sa likuran na hindi masyadong pansin ng mga guests at naglakad nalang sa kung saan.
Napadpad ako sa veranda, tanaw mula rito ang mga ilaw sa boung siyudad. Buti nalang talaga at may coffee table at upuan dito kaya hindi ako mangangalay kakatayo. Inilagay ko ang plato sa coffee table at umupo sa upuan na nakaharap sa magandang tanawin.
Malapit ko ng maubos ang pagkain nang maaalala kong wala akong dalang kahit aming inumin. Goodness!
"I was looking for you all over the place yet here you are eating like you've been starved for decades."
Halos mabilaukan ako nang may bigla nalang magsalita sa likuran ko, nang lingunin ko ito ay tuluyan na talaga akong nabilaukan. Inabot niya sa akin ang dala niyang wine kaya walang pag-alinlangan ko naman iyong tinanggap at agad na ininom.
"Tsk."
Nang mahimasamasan ay nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko pero nakaharap sa akin ang likuran niya. Nasa bulsa niya ang kamay niya at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong seryoso lang siyang nakatingin sa makapigil hiningang tanawin na kanina ko pa hinahangaan.
Ngayon ko lang napansin ang tangkad niya, sa tingin ko nga ay hanggang baba niya lang ako dahil mas matangkad siya sa akin ng ilang pulgada. Ang ganda din ng tindig niya na kahit hindi siya magsalita ay ramdam mo na ang awtoridad sa awra niya.
Hindi ako nakagalaw nang dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ko, bigla nalang kasing bumagal ang takbo ng oras at ang mga nangyayari sa paligid. Nang makita ko na ang kabuoan ng mukha niya ay siya namang pagsabog ng makulay na fireworks sa kalangitan.
Sumabay sa pagsabog na iyon ay ang pagsabog ng kung ano sa puso ko.
Special Chapter II slowly open my left eye only to be greeted by a cold and silent room. I stretched my arms and I felt the coldness of the sheets against my skin.Tuluyan na akong naggising at bumangon. Pagkalingon ko sa gilid ay wala na ang dalawa. Napasimangot ako at nilibot ang tingin sa boung kuwarto. Napangiti ako nang umihip ang mabining hangin mula sa labas ng bintana.Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kuwarto. Naglalakad pa lang ako sa hagdanan ay naririnig ko na ang hagikhik ni Lauren na nagpangiti sa akin. Natagpuan ko silang dalawa ni Wyatt sa couch ng sala na naglalaro. Nakaupo si Lauren sa paanan ni Wyatt at inaangat naman ni Wyatt ang paa niya na parang seesaw. Pinagkrus ko ang braso ko at nakangiti silang pinagmamasdan. "Again! Again!" Tuwang-tuwa saad ni Lauren nang itigil ni Wyatt ang pag-angat sa paa niya. Hinihingal namang sumandal sa sandalan ng couch si Wyatt habang tumatawa. Pagkatapos ay muling inangat ang paa na siyang nagpatuwa kay Lauren. Umalis a
Epilogue 1.5While reading happily of a contract despite of the headaches it gave me last time. A loud knock outside my office and the harsh noise from the door caught my attention. A raging mad Fred barge in."Do you really think you already knew her Wyatt?!" He burst."What?" I confusedly ask him."She's with a lot of old men, Wyatt. Don't turn a blind eye here. Do you really think that she's the woman you think she is?""What are you talking about Fred?" I tried to clam down but I'm slowly losing my patience here."She's a wh*re! She's nothing bu—" before he could even finish his words, I punch him right into his face. He lay down on the floor because of the impact of my punch."Don't you dare insult her again
Epilogue 1.4You've really got it bad this time, Wyatt.I bit my lip as I'm looking at my cellphone. What should I do? What is she doing right now? Oh God! I'm gonna die thinking what's going on here.I stood up which caught Christian's attention. He immediately went to me."Ready the private plane," I said then left the room.Mabilis akong nakauwi ng Pilipinas at hindi na tinapos ang pinunta ko sa ibang bansa. Closing ceremony na lang naman bukas at pasasalamat sa mga dumalo kaya hindi na necessary na pumunta pa ako. Besides, Christian already know what to do.I'm really glad that I have a spare key of her apartment. I swiftly went inside without any problem. It felt like all of my shouldered responsibility lessen the moment I saw h
Epilogue 1.3Funny Wyatt, you also see her that way right?"The next time you spit those words again, I'm gonna kill you!" Banta ko sa kaniya bago kami tuluyang umalis.Eloise is giving me a lot of feelings even I couldn't recognized. So when she treated my wounds, I lost it. I wanted to hunt those men who took advantage of her. I wanted to give them what they deserve.The days that we're apart, I thought that I would really get over her. But I just found myself knocking into her apartment and getting close to her. Each day, the feelings feels so strange. It was a good yet threatening feelings that might drown me one day. Eloise is the only woman who could make me feel this way and I hate how could she make drool over her.I even followed in her workplace if it wasn't for an important me
Epilogue 1.2 "Sir?" Gulat niyang tanong sa akin. "I can take care of myself Christian. I've been here before. Just hand me the keys," I answered. He hesitantly give me the keys. Mabilis naman akong pumunta sa kotse at pumasok sa loob. I turned on the headlights before I drove it away. While I'm on my way, I received a call from Tito Raymundo. I connected the call in a bluetooth earpiece. I focused on driving the car while answering his call. "Yes Tito?" I answered. "Where are you hijo? Nasundo mo na ba siya?" Sagot niya sa kabilang linya. Muntikan ko nang mabangga ang sasakyan dahil sa pagkabigla. Itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng sasakyan para makausap siya ng maayos.
Epilogue 1.1 "What are you talking about Doc?" My father asked the doctor curiously. I just stayed lying on my bed while still feel dizzy because of all the antibiotics that have been injected to me today. I can't even bat my eyelashes or even lift my finger because of loss of strength. "We need to occur an operation as quickly as possible to..." I don't know what the doctor said after that because I fell asleep. I woke up the next day and saw my mom crying in my father's arm. My heart ache terribly that day. God knows how many times I prayed that I won't wake up anymore so that my mom won't be this hurt. God knows how I badly want to just end this to stop my suffering and my parent's too. We just recently found out about my heart condition and it immediatel