แชร์

Chapter 2: The Deal With De Luca

ผู้เขียน: Reidpurplelh
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-03 08:19:04

"Malaking halaga ang ino-offer mo, pero it's a no for me. Hindi ko kayang tanggapin 'yan. Besides, alam kong marami kang kilala na babae, at mayayaman pa. Go for them," sagot ko sa kaniya.

Inayos ko ang clutch bag ko para makaalis na. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Akala ko pa naman ay sa designs ko siya interesado, pero sa ibang dahilan pala.

"Thank you Rafael for giving me a chance to know you. Mauuna na ako," sabi ko.

Naglakad na ako paalis sa restaurant. Iniisip ko pa lang kung ano ang ipapaliwanag ko kina Trina mamaya pagkauwi nang mag-ring ang phone ko.

"Gigi!"

Napakunot agad ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Trina sa kabilang linya. Bakas doon ang pag-aalala at pagkataranta niya.

"Gigi! Nasaan kana ba? Si Lola Jacinta!" natatarantang sabi niya.

Halos kumalabog ang puso ko nang marinig ko ang pangalan ni Lola. Napakagat ako sa labi ko at napapikit nang mariin. May sakit si Lola at kailangan niyang maoperahan sa mata, pero hindi ko 'yon magawa dahil alam kong malaking pera ang kakailanganin namin para sa operasyon niya.

Napahugot ako nang malalim na hininga at hindi ko alam kung ano ba ang magiging desisyon ko, pero hindi ko na rin kayang tiisin na makitang nahihirapan si Lola.

"Isang buwan lang naman, Gigi." Bulong ko sa sarili ko.

Muli akong humarap sa table ni Rafael at nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin hanggang ngayon. Kabado akong naglakad palapit sa kaniya at muling naupo.

"Okay. Tinatanggap ko na ang offer mo. Kailangan ko lang talaga 'tong pera mo," sabi ko sa kaniya.

Kita ko naman na umaliwalas agad ang mukha niya nang marinig ang sanabi ko. Napangiti rin siya at agad na tumango bago magsalita.

"Alright. As I promised, one month lang. You just have to pretend that you're my girlfriend at hindi naman tayo everyday magkikita. Tatawagan lang kita kapag kailangan kita," muling paliwanag niya.

Napatango ako. "So, ano'ng kailangan kong gawin?" tanong ko sa kaniya.

Humugot siya nang malalim na hininga at umayos sa pagkakaupo.

"We'll be having a birthday party for our grandpa this coming Saturday kaya kailangan na kasama kita do'n-"

"Ano?! This Saturday agad? E, friday na bukas! Isa pa, party ng mga mayayaman 'yon. Wala akong damit na susuotin-"

Pinutol niya ako sa pagsasalita.

"I'll take care of that so you don't have to worry. Just give me your address para masundo kita bukas," sabi niya.

Mas lalong kumalabog ang puso ko. My gosh, Gigi! Tama ba itong pinasok mo? Kung hindi lang talaga para kay Lola ay hindi ko gagawin ang bagay na ito!

"And wait," dagdag niya.

May kinuha siya sa bag niya at muling inabot sa akin ang isang white folder.

"I already prepared our contract. It says there that you'll be my girlfriend for one month. That means you're mine for one month. Bawal kang mag-entertain ng ibang lalaki until our contract ends. Kailangan mo rin mag-show up kapag sinabi kong kailangan kita maliban na lang kung may importante kang ginagawa," sunod-sunod niyang paliwanag.

"Wow. Halatang hindi mo naman pinaghandaan 'to 'no?" sarkastikong sabi ko sa kaniya.

"At ang dami mo rin rules kaya dapat meron din ako. My rules is you're not allowed to touch me. Alam mo na kung ano ibig kong sabihin," paliwanag ko sa kaniya pagkatapos ay napairap.

"Isa pa, hindi mo ako pwedeng basta-basta sunduin sa bahay. You have to call me first," dagdag ko.

Natawa naman siya at napatango.

"Alright. Deal." Sagot niya.

Nagkibit naman ako ng balikat at agad na pinirmahan ang contract na ginawa niya.

"Signed. Sinulat ko na rin sa likod niyan kung saan ang address at number ko. Sa hapon na lang tayo magkita dahil may kailangan akong puntahan bukas ng umaga," paliwanag ko sa kaniya.

Napakunot naman ang noo niya bago magsalita.

"Is that important?" tanong niya.

"Yes, it is important. Hindi mo na 'yon kailangan malaman dahil personal 'yon," sagot ko sa kaniya.

"Alright. As long as hindi ka makikipagkita sa ibang lalaki," sabi niya.

Halos mapairap na naman ako.

"Hello? Sa sobrang busy ko maghanap ng ikabubuhay ko hindi ko na mahaharap makipag-date. Hindi mo kailangan mag-alala," sagot ko sa kaniya.

Mabuti na lang ay mabilis lang siyang kausap kaya after no'n ay umalis na ako at umuwi. Sinabi ko ang totoo kay Trina, pero sa mga magulang niya ay hindi dahil sigurado akong mag-aalala lang sila para sa akin lalo na at parang anak na rin ang turing nila sa akin.

Nakuha ko na rin ang pera na binayad sa akin ni Rafael at agad na akong nag-consult sa hospital para maoperahan si Lola.

"May trabaho na ako Lola kaya maoopera na 'yang mata mo. Hindi mo na kailangan tiisin palagi ang sakit," sabi ko kay Lola.

Bata pa lang ako ay si Lola na ang kasama ko. Wala na akong mga magulang at baby pa lang ako no'ng namatay si Mama dahil sa sakit niya. Napulot lang daw ako ni Mama sa labas ng simbahan noon kaya simula no'n ay sila na ang kumupkop sa akin. Hindi man nila ako kadugo ay minahal nila ako ng buo. Minsan ay naiisip ko rin ang totoo kong mga magulang kung bakit nila ako iniwan doon, pero nagpapasalamat na lang ako dahil napunta ako sa mababait na tao katulad ni Lola Jacinta.

Buong buhay niya ay ibinigay niya sa akin kaya naman gusto kong makabawi sa kaniya kahit papaano.

Nang matapos ko ang mga dapat kong gawin sa araw na 'yon ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Rafael. na papunta na raw siya sa bahay para sunduin ako.

"Good luck besh sa first date niyo!" kinikilig na sabi sa akin ni Trina.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi 'to date? Kaya tumigil ka d'yan," pagkontra ko sa kaniya.

Natawa naman siya at sinamahan ako papunta sa kanto kung nasaan si Rafael. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang magandang sasakyan ni Rafael. Hindi talaga nababagay ang isang katulad niya na mayaman sa lugar na ito.

"Oh my gosh! Ang gwapo niya besh! Malayo pa lang naamoy ko na!" kinikilig na sabi ni Trina nang bumaba si Rafael mula sa sasakyan niya.

"Tumigil ka nga d'yan. Baka mahalata niya na kinikilig ka sa kaniya," sabi ko sa kaniya.

Natawa naman siya.

"Ano naman? Totoo naman na kinikilig ako sa kaniya! Ang swerte mo talaga!" sabi niya.

Napangisi na lang ako at napailing dahil sa kalokohan niya.

"This is Trina, my best friend." Sabi ko kay Rafael.

"Hi! Nice meeting you, Rafael!" maarteng sabi naman ni Trina pagkatapos ay nakipagkamay.

"Nice meeting you too, Trina. Hihiramin ko muna itong best friend mo," sabi ni Rafael pagkatapos ay bahagyang napangisi.

Napairap naman ako at tinaasan siya ng kilay.

"Tara na para maaga rin ako makauwi. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

Muling natawa si Rafael at nagbaling sa akin nang tingin bago magsalita.

"You'll see." Sagot niya.

Nakakainis ang lalaking 'to! May pa-suspense pa siyang nalalaman. Kung hindi lang talaga dahil sa perang binayad niya!

"Aalis na kami, Trina. Ikaw na muna ang bahala kay Lola." Paalam ko kay Trina.

"Go, besh! Enjoy ka!" sagot niya.

Mabilis naman akong napailing. Paano naman ako mage-enjoy kung hindi ko alam kung saan ao dadalhin ng lalaking 'to?

Nanatili akong tahimik habang nagd-drive si Rafael. Hindi rin naman siya nagsasalita kaya ayos lang sa akin hanggang sa nakarating kami sa isang store.

Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko kung nasaan kami. Nasa harap lang naman kami ng isang sikat na fashion designer store! Nakikita ko lang 'to sa social media, pero hindi ko akalain na makakarating ako rito.

"As I promised. Ako ang bahala sa susuotin mo bukas para sa party," sabi niya nang makapasok kami sa loob.

"H-Huh? Hindi naman kailangan na dito pa. Okay na sa akin kahit simple at murang dress lang!" reklamo ko sa kaniya.

Hindi naman na siya nagsalita pa nang may lumapit sa kaniyang gay para batiin siya. Kilala ko siya. Siya si Alexis Pineda, sikat na fashion designer.

"Rafael! Mabuti naman at napadaan ka rito. I have so many new designs na magugustuhan mo. Please come in!" sabi ni Alexis.

"Perfect! Kailangan ko rin nang tulong mo," nakangiting sabi ni Rafael.

Sabay silang tumingin sa akin kaya tipid akong ngumiti kay Alexis. Nagtaas naman siya ng isang kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa kaya hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba.

"Oh! Who's this gorgeous girl, Raf?" tanong niya at lumapit sa akin.

"She's Gianna, my girlfriend." Sagot naman ni Rafael.

Halos tumayo naman ang mga balahibo ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nags-sink in sa isip ko na girlfriend niya ako for one month!

"Wow! So, I think you're getting serious now huh? Sa sobrang dami mong naging babae, siya lang ang dinala mo dito sa store ko!" natatawang sabi ni Alexis.

"By the way nice meeting you, Gianna. I'm Alexis," pakilala niya sa akin.

Napangiti naman ako at agad na tinanggap ang nakalahad niyang kamay sa harapan ko.

"T-Thank you. You can call me Gigi," sagot ko sa kaniya.

Ramdam ko ang kaba na nararamdaman ko. Mabuti na lang ay hindi na siya nagtanong pa kung paano kami nagkakilala ni Rafael dahil hindi ko alam ang isasagot sa kaniya.

"Ikaw na ang bahala sa kaniya, Alexis." Sabi ni Rafael.

"Okay, Gigi. Come with me. We'll find the perfect dress for you," masiglang sabi ni Alexis sabay senyas sa isang assistant para sundan kami.

Parang bigla akong nalamon ng lupa sa loob ng boutique. Ang daming mamahaling tela, glass shelves, designer heels at bags. Natatakot tuloy akong hawakan dahil pakiramdam ko ay kahit anong hawakan ko ay baka mabasag at madumihan ko.

"Don't worry, Gigi. Just relax. Sa ganda mong 'yan at sa kinis ng balat mo, kahit ano'ng isuot mo ay papasa. But of course, we'll find something that will turn heads," sabi niya habang pinipili ang ilang damit mula sa rack.

Ilang minuto lang, halos sampung dress na ang nasa harap ko. May body-hugging, may flowy, may elegant at classy. Pumili siya ng tatlong best pick at pinapasok ako sa dressing room.

Pagkasuot ko ng pangalawang dress , isang deep emerald green dress na may simpleng cut pero super flattering sa katawan. Halos sabay magkatinginan si Alexis at ang assistant niya.

"Oh my God, Gigi... that's it. That's the dress!" halos pasigaw niyang sabi habang umiikot sa paligid ko.

Itinawa ko na lang ang kabang nararamdaman ko. Alam kong maganda ang dress na suot ko, pero hindi ko maiwasang mahiya.

Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. "Raf! Halika nga rito!" sigaw niya.

Ilang saglit lang ay nakita kong pumasok si Rafael galing sa lounge area at diretsyong tumingin sa akin. Nang makita ako ay saglit siyang natigilan.

"Whoa..." mahinang sabi niya, halata na nagustuhan ang suot ko.

"What can you say, Raf?" nakangiting tanong ni Alexis.

"She looks... breathtaking," sagot ni Rafael at ibinaling ang tingin kay Alexis.

"You nailed it, Alexis. That dress is perfect for her. Mas lumabas ang ganda ng girlfriend ko," dagdag niya.

Halos masamid naman ako sa sarili kong laway nang marinig ko ang sinabi niya. Really? Kailangan ba talaga siyang bumanat pa ng gano'n?

Natawa naman si Alexis pagkatapos ay muling bumaling sa akin.

"Well of course! I'm Alexis Pineda, hello?" natatawang sabi ni Alexis.

"You're lucky to have her, Raf." Dagdag niya.

"I know," sagot ni Rafael na sobrang natural lang.

In fairness sa lalaking 'to huh? Marunong talaga siyang magpanggap. I wonder kung ilang beses na niyang ginawa ito sa dami ng mga babae niya.

Piniliin niya rin ako ng bag at high heels kahit sinabi ko na hindi na kailangan 'yon, pero hindi ko naman siya napigilan.

"Alam kong personal 'to, pero pwede ko bang malaman kung bakit kailangan mong magpanggap na may girlfriend?" tanong ko kay Rafael.

Pauwi na kami at nagd-drive na siya para ihatid ako sa bahay.

Bahagya naman siyang natawa kaya nagkibit ako ng balikat. Hindi naman ako umaasa na sasabihin niya sa akin ang dahilan, pero na-curious lang talaga ako.

"Well, my mother is forcing me to marry someone that I don't like. I'm still young and I want to enjoy my life. Ayaw ko pang mag-settle," paliwanag niya.

Napatango naman ako. Grabe talaga ang mga mayayaman. Ibang-iba talaga ang problemang kinakaharap nila kumpara sa amin na mahihirap.

"Sana ay sinabi mo na lang sa kanila ang totoong reason mo para hindi mo na kailangan magpanggap na mayroong girlfriend," sabi ko sa kaniya.

"You don't know my family, Gigi, especially my Mom. Ipipilit niya ang gusto niya," paliwanag niya.

Napabuntonghininga naman ako dahil tama siya. Hindi ko kilala ang pamilya niya kaya naman mas lalo akong kinabahan para bukas.

"What if magtanong sila tungkol sa akin? Kung paano tayo nagkakilala?" tanong ko sa kaniya.

Muli siyang napangisi.

"Then answer them honestly," sabi niya pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

"Pero mahirap na babae lang ako-"

"Exactly! Mas mapapaniwala natin sila na seryoso ako sa'yo dahil naiiba ka sa amin. Hindi na nila iisipin na hanggang ngayon ay naglalaro ako ng mga babae," paliwanag niyang muli.

Halos mapairap naman ako dahil sa ugali niya pero naiintindihan ko naman siya kaya sumang-ayon na lang ako sa kaniya. Sana lang ay maayos kong magampanan ang pagpapanggap naming dalawa bukas.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 104:

    Chapter 104:Halos manginig ang kamay ko at panunuyo ng labi ko habang binubuksan ang result ng DNA test namin ni Mr. Rocco. Halos kumalabog naman ang puso ko at tuluyang tumulo ang mga luha ko nang umabot ang tingin ko sa pinaka-dulo ng papel.Ninety nine point ninety nine percent ang nakalagay roon at kahit na umiiyak pa ako ay hindi ko na napigilang mapaangat ang tingin ko sa kaniya. Nang makita kong nakangiti siya sa akin gamit ang mangiyak-ngiyak na mata ay napatayo na ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya para mayakap ko."Totoo nga. Ikaw ang Papa ko!" umiiyak na sabi ko habang magkayakap kaming dalawa.Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya na tingin ko ay umiiyak na rin siya. Mabuti na lang ay nasa isang private restaurant kami kaya malaya kaming magyakapan na hindi inaalala ang makakakita sa amin."I really can't believe. All this time ay may anak pala ako," umiiyak na sabi niya pagkatapos ay umalis mula sa pagkakayakap sa akin. "M-May anak pala kami ni Gaia."

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 103:

    "W-Where did you get that necklace?" tanong niya habang nauutal at kita ko rin ang pamumutla niya.Agad naman napakunot ang noo ko lalo na nang lumapit siya sa akin para makitang mabuti ang suot kong kwintas. Bakas sa mukha niya ang kuryosidad at pabalik-balik ang tingin niya roon at sa akin. Napahugot naman ako nang malalim na hinga at napailing. Hindi naman siguro rare ang ganitong kwintas no'ng panahon nila Mama kaya sigurado ako na marami itong kaparehas."Bakit mo natanong, Tito?" nagtatakhang tanong ko.Tumingin naman siya nang diretsyo sa akin at kahit na hindi pa siya magsalita ay nababasa ko sa mga mata niya ang labis na kaba lalo na nagmagsimula muli siyang magsalita."I once gave someone a necklace just like this... and it meant so much back then," paliwanag niya habang mangiyak-ngiyak. "Nag-iisang design lang 'yan noon kaya gusto kong malaman kung saan galing 'yan."Halos mapakurap-kurap naman ako at napayuko para tignan ang pendant ng kwintas ko. Bahagyang napakunot ang n

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 102:

    Hindi ko alam kung hanggang ano'ng oras ako sa resto-bar na kakwentuhan si Mr. Rocco. Ang sabi niya ay kauuwi niya lang ulit dito mula sa Europe matapos ang isang dekadang taon na lumipas. Na-kwento niya rin sa akin na matagal nang namatay ang asawa niya at hindi sila nagkaroon ng anak. Mag-isa na lang din siya sa buhay at tingin ko sa sobrang yaman niya ay gusto niya na lang maglibang sa kung ano-ano'ng bagay. Gusto ko rin sana itanong kung magkaibigan lang ba talaga sila ni Madame Celestine para naman mabigyan ko ng peace of mind si Rafael, pero hindi ko na ginawa dahil mukhang masyadong personal na tanong na 'yon.Magaan siyang kasama at kausap. Mahilig din siyang magpatawa kaya naman lahat ng iniisip ko ay pansamantalang nawala. Marami rin siyang naging life advices sa akin at pakiramdam ko tuloy ay nagkaroon ako ng tatay dahil sa kaniya kahit pansamantala lang. Isa pa ay naka-gain din siya ng tiwala ko nang sabihin niyang hindi makakarating sa kahit na kanino ang mga pinag-usapan

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 101:

    "Wala kang mapapala sa amin kaya kung ako sa'yo, umalis kana."Napailing ako at nanatiling nakatitig sa lalaking nagsalita. Nandito na ako ngayon sa presinto kung saan nakakulong ang dalawang salarin sa pagsunog sa bahay namin. Kanina ko pa rin sila tinatanong kung sino ang nag-utos sa kanila na gawin 'yon, pero isa sa kanila ay hindi ko mapaamin at palaging gano'n ang sagot sa akin."Kung hindi kayo makikipag-cooperate ay baka matagalan pa kayo d'yan. Kaya kung ako sa inyo ay sabihin niyo na lang kung sino ang nag-utos sa inyo!" sunod-sunod kong sabi at halos magmakaawa na ako sa boses ko.Natawa naman ang isang lalaki habang nakasandal sa pader at tamad na sumulyap sa akin."Sa tingin mo miss, ipapahamak namin ang pamilya namin para lang sa'yo?" tanong niya at muling natawa ng sarkastiko.Bahagya naman nanlaki ang mga mata ko at napaayos sa pagkakatayo dahil sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang pagkalabog ng puso ko dahil possible na tinatakot sila ng taong nasa likod nitong lahat."Ib

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 100:

    Chapter 100:Naging maganda ang dinner namin kagabi dahil nagkasama-sama ulit si Leandro, Rafael, at ang Lolo nila. Kahit na wala si Madame Celestine ay na-enjoy pa rin nila ang hapunan na pinahanda ko. Maagang umalis si Leandro at as usual ay hindi naman na siya naga-almusal sa bahay. Ako naman ay palaging nahuhuli sa pag-alis sa bahay dahil nakikisabay ako kay Don Severino sa pagkain ng almusal. Nang makatapos akong gumayak ay bumaba na ako kaagad kaya lang ay halos mapahinto ako dahil hindi ko inaasahan na maabutan ko roon si Madame Celestine na kapapasok lang din sa mansion nila.Hindi pa man ako tuluyang nakakababa mula sa hagdan ay napaangat na agad ang tingin niya sa akin. Kahit na kita ko ang pag-angat ng isang kilay niya nang makita ako ay napalihis ang tingin ko sa lalaking kasama niya na hindi rin nalalayo sa edad nila. Napaawang ang labi ko dahil parang may kakaiba akong naramdaman.Hindi naalis ang tingin ko sa lalaki at kita ko ang pagkunot ng noo niya pero napangisi ba

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 99: Held Close After a Long Day

    Halos mabuga naman ni Rafael ang iniinom niya habang natatawa kaya naman napakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa kaniya, dahil bigla akong naguluhan sa kaniya. "What's with that face, Gigi?" natatawang tanong niya pagkatapos ay napaayos sa upuan niya. "Of course, I'm just kidding." Halos makahinga naman ako nang maluwag at napairap na lang sa kaniya habang umiiling dahil akala ko talaga ay seryoso siya sa sinabi niya. Napailing na lang tuloy ako at napairap na lang sa kaniya dahil wala pa rin pagbabago sa kaniya, pero natawa na lang din ako. At least ngayon ay hindi totoo ang sinabi niya dahil kung hindi ay sigurado akong magkakagulo na naman sila ni Leandro. Gusto kong magkasundo sila ulit at ayaw kong mangyari ulit sa kanila ang pag-aaway dahil lang sa isang babae. Ilang sandali pa kaming naroon ni Rafael habang pinag-uusapan ang mga nangyari. Masaya ako na tanggap niya na kami ni Leandro, at sinabi niyang masaya siya para sa aming dalawa. Iyon lang din naman ang gusto

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status