LOGIN"Uhmm." Impit na ungol ang kumawala sa bibig ko ng mapaghiwalay niya ang nakapinid kong mga labi at mabilis na naipasok ang dila sa loob ng bibig ko.Hindi ko mapigilan ang napalunok habang magkaugpong pa rin ang labi namin. Bumibigat ang talukap ng mga mata ko at kusang bumagsak na iyon para tuluyan akong napapikit. Ang mga kamay ko ay parang may sariling isip hanggang sa namalayan ko na lang na nakapulupot na iyon sa leeg niya."Uhmmmp." Muli akong napasinghap ng mahuli niya ang dila ko at sipsipin iyon.Para na akong kakapusin ng hininga sa baga dahil sa mapangahas na halik niya. Hanggang sa namalayan ko na lang ulit na tumutugon na ako mismo sa mga halik niya.Kung paano gumalaw ang labi niya. Kung gaano iyon kapusok. Kapangahas."Mi amore." Narinig ko pang bulong niya ng pakawalan ang labi ko pero muli din akong hinalikan na agad ko ding tinugon."Uhmm... Vienn.. " napapasinghap ako. At mabilisang humuhugot ng hangin sa baga. Mawawalan pa yata ako ng hininga. Hindi ako sanay sa g
Nakatingin na lang ako sa papalayong imahe niya hanggang sa tuluyan siyang makapasok sa silid niya.Muli akong nagpakawala ng buntong hininga.Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa mga tauhan ko."Yes boss. Anong atin?""May ipapasa akong larawan sayo. Make him suffer but don't kill him. Gusto ko ng malinis na trabaho. Huwag mag iiwan ng kahit na anong trace na magtuturo sayo.""Yes boss. Makakaasa ka." Agad kong pinatay ang cellphone ko. Kinalkal sa email ko ang mga larawan ng buong pamilya ng tiyahin niya at ipinasa nga dito ang larawan ng pinsan niyang lalaki.I clenched my fist that almost crushed my phone that I am holding.Kung pinalampas lang niya iyon dahil sa tiyahin niya. Pwes, ako. Hindi ko palalampasin ang bagay na iyon.¤¤¤Napasandal ako sa mismong pintuan ng maisara ko iyon. Hinihingal dahil sa kakaibang tibok ng puso ko dahil sa naging halikan namin ni Vienn.Pangalawang beses ko ng nararamdaman ito. Para akong nakikipaghabulan dahil sa lakas at bilis ng t
Hanggang sa maglayas siya.Ang ang isa sa nalaman ko pa sa ipinakalap kong impormasyon tungkol sa kanya ay ang tiyahin niya ang tumatanggap ng buwanang padala ng mga magulang niya pero walang nakakarating ni isang salapi sa kanya. Hanggang sa tumigil na sa pagpapadala ang mga ito ng pera dahil napag alaman na din nilang wala na siya sa poder ng mga ito. Hindi din makabalik ang mga ito sa pilipinas ngayon dahil nahuli sila ng government ng Hongkong dahil naging illegal na ang pagtatrabaho nila doon. Walang visa at expired ang passport. At iyon ang ginagawan ko na ng paraan ngayon para mapauwi ko ang mga magulang niya dito sa Pilipinas."Ginawa nila akong alila. Nagsarili ako ng sikap para makapag aral ako. Kaya heto ako ngayon. Nakapagtapos bilang isang journalist.""Good for you. Pero bakit ka pala lumayas sa inyo? Dahil ba ayaw mo na ng alilain ka nila?" Muli kong tanong.Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Nakita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak niya sa tumbler ni
"Ang bilis naman."Hindi maitago sa mga mata niya ang pagkamangha ng matapos lang ng isang buong araw ang pag rerenovate ng bago niyang opisina na may kasama pang coffee shop."I told you, money can make their work faster than you think." sagot ko sa kanya.Pasado alas nueve na ng gabi at nag pa-overtime ako sa mga manggagawa para wala ng babalikan pa sa umaga. Tanging pag di-display na lang ang gagawin sa mga gamit para sa coffee shop. Inutusan ko na din ang secretary ko sa opisina na kumuha ng business permit para wala ng magiging hadlang pa sa pagnenegosyo niya. At inutusan ko na din itong maghanap ng nagtatrabaho sa coffee shop at makakasama na din niya.Mainam na nandito siya malapit sa kapulisan kung saan ako nagtatrabaho para tanaw lang siya ng mga mata ko at hindi na ako mag alala pa sa kakaisip kung ano ang mga ginagawa niya sa tuwing nandito lang ako sa kapulisan.Weird pero gusto ko lang siyang laging nakikita kahit na busy at maraming mga kasong dumarating na kailangan nam
Nagwalis. Nagpunas. Nilinis ko na ang ang lahat ng pwedeng linisin. Nag alis ng agiw at iba ba.And now! Kumikintab na ang buong paligid. Ang mga bintana ay malinis na malinis na at pwede nang gawing salamin.Napangiti ako. Saka ako tumingin sa mga pulis na tumulong sa akin. Humiram ako ng walis, at basahan sa kanila. Lahat ng pwedeng gamitin panlinis pero nag insist sila na tumulong at ngayon pagod na pagod sila habang ako. Wala..Relax na relax dahil hindi nila ako hinayaang mapagod.Ewan ko ba sa kanila. Sinabi ko namang hindi ko kailangan ang tulong nila pero nagpumilit sila. Tutulong na lang daw sila habang naghihintay sa resulta ng raid ng DG nila."Tubig, missy. Baka pagod ka na." Sabay abot ng isang bottled water ni SPO1 Gregor."Pagod ba ako sa lagay na ito? Wala naman akong ginawa kundi panuurin lang kayo."Ngumiti ito na sinabayan ng pagkamot ng ulo at pagpapakawala ng malalim na paghinga dahil sa pagod. Halata naman dahil pinagpapawisan ito."Hindi niyo naman kailangang g
Nakatingin lang ako sa sunod sunod na police mobile na nagsialisan ng station. Hindi na lumingon pa si Vienn simula ng lumabas siya at nagtungo sa station nila.Bakit parang kinabahan ako habang nakatingin sa kotse niyang palayo ngayon?Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at kinalma ang sarili ko, ibinaling ko sa ibang bagay ang kakaibang kaba na nabuhay sa dibdib ko. Kung hindi ko aabalain ang isip ko sa ibang bagay ay baka maghapon akong hindi mapakali sa kakaisip ko sa kanya.Muli kong nilibot ang loob ng dating kainan. Inisip kong ano ang magandang gawin.Tama nga siya. Pwedeng gawin din itong isang coffee shop. Makakapag negosyo pa ako habang nagtatrabaho ako. Doble kita sa isang araw.Pero... bakit niya ginagawa ang bagay na ito? Bakit niya ako tinutulungan ngayon? Anong gusto niyang mangyari bakit ang bait niya sa akin?Totoong lagi niya akong inaasar pero hindi maipagkakaila doon na lagi niya akong tinutulungan."Missy.”Napakakurap ako kasabay ng paglingon ko ng may narini
"Hayop kang babae ka, ahhhh." Napasigaw pa itong lalo ng muli ko itong sipain doon ngunit muntik akong natumba kung hindi ako napaatras para sumandal sa lamesa nito. Sa pamimilipit nito sa sakit, ay doon ko na inipon ang natitira kong lakas para ihakbang ang mga paa ko at lumabas ng opisina nito.
Kuyom ang kamao at nanlilisik ang aking mga matang nakatingin sa kadiliman. Nasa balkonahe ako ng aking kwarto, nagsindi ng sigarilyo para mailabas doon ang galit ko. "Hindi ako makakapayag, akin lamang si Kendrick at walang makakapigil sa akin na wakasan ang buhay ng mga taong aagaw sa kanya sa ak
"Aww! Ang lakas ng loob mong sampalin ako." Napalakas na ang boses nito kaya nakahatak na iyon ng pansin ng ibang empleyado at nagsimula ng nang usi kung ano ang nangyayari. Narinig ko pa sa bulungan na ang lakas daw ng loob kong labanan si Cecilia dahil pinsan nga daw ito ng fiance ni Kendrick. At
Namayani na naman ang mga bulungan, isa na doon ang bulungan tungkol sa pagsisinungaling nga nina Cecilia at Natalie sa pagpapakalat nila sa fiance thing na iyon. "Kendrick!" nanlaki ang mga mata ni Natalie sa hindi makapaniwala na ipinahiya nga niya ito sa harap ng maraming tao na minsan tiningala







