Mag-log in"This is your room from now on," sumunod ako sa pagpasok sa kanya ng binuksan niya ang isang pinto.Natigilan ako at hindi ko mapigilang mamangha ng makita ko ang ayos ng kwarto na gagamitin ko habang titira ako dito sa condo niya."Huwag ka ng magtaka, si Kiana mismo ang nag ayos nito ng malaman na titira ka dito kasama ko. Inayos niya tulad ng ayos ng kwarto mo sa villa." sabi niya na tila nahulaan ang pananahimik ko dahil sa naging ayos ng kwarto na ipapagamit niya sa akin."Okay!" Tipid kong tugon na hinila na ang maliit kong maleta sa harap ng cabinet."Ayusin mo na ang kailangan mong ayusin kung mayroon ka pang gustong baguhin dito. Hindi mo kailangang madaliin ang sarili mo. Darating sina mama at Kiana ngayon para siguraduhin na sinundo na nga kita at hindi lang biro ang pagpayag mo."Muli akong tumango.Iniwan na nga niya ako.Kung hindi ko babalikan ang sinabi ni Kianu ng kausapin ako bilang maging katulong niya ay hindi ko iisipin na iyon nga ang magiging papel ko ngayon nak
"Hindi ba siya ang inampon ng mga magulang mo?" tanong ng kaibigan ni Kianu sa kanya ng lumagpas na naman ako sa kanila.Lagi ko na lang silang nakikita at nakakasalubong pero patuloy lang ako sa pag iwas sa kanya."Hindi naman siya totally inampun nina mama at papa. Kumbaga ay parang guardian lang niya ang mga magulang ko. Pero ngayong malaki na siya at kaya ng kumita ng pera ay bigla siyang umalis sa bahay namin at hindi man lang kayang bayaran ang utang na loob niya sa amin." narinig kong sagot niya sa mga kaibigan.Naikuyom ko ang kamao ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya sa kanyang mga kaibigan. At wala akong balak talikuran ang utang na loob ko sa mga magulang niya sa pagkupkop nila sa akin. At handa akong bayaran ang utang na loob kong iyon sa kanila sa kahit na anong paraan."Wala akong balak takbuhan ang utang na loob ko sa mga magulang mo, kaya huwag mong ipagkalat sa iba na wala akong utang na loob sa inyo." galit na galit akong nilingon siya.Gusto ko siyang sigawa
"Hop in."Napatingin ako sa kanya.Hinintay talaga niya ako hanggang sa matapos ang oras ng trabaho ko.Mamaya pa sanang alas nueve ako uuwi at ako na mismo ang magsasara ngunit hindi siya umalis at hinihintay niya ako dahil isasama daw niya ako pauwi sa kanila.Hindi sana ako maniniwala sa sinabi niya kanina habang kausap ko ang isa sa lalaking customer kanina ngunit nanatili naman siya at desididong maghintay sa akin.Binuksan pa niya ang pinto para sa akin. Parang ayaw ko na naman sumakay, lalo na at sasakyan niya iyon."Sasakay ka ba, o hihintayin mong buhatin kita para isakay?" tanong niya sa akin o mas masasabi ko na isa iyong tanong na may pagbabanta.Napapiksi ako ng tapikin pa niya ang hawak na pinto ng sasakyan kaya agad akong sumakay bago pa niya gawin ang sinabi niya na siya mismo ang magsasakay sa akin sa loob.Tahimik akong naupo, nagkabit ng seabelt. Iniwasan ko ang lumingon sa gawi niya ng nakasakay na siya. Itinuon ko ang mga mata ko sa labas ng bintana.Hindi na rin
Agad akong umiwas, lalagpasan ko na sana si Kianu ngunit natigilan ako ng marinig ko siyang magsalita."And where do you think your going?" tanong niya sa akin na halata naman na naiirita siyang kausapin ako.Hindi ko kasama si Kiana dahil galing ako sa trabaho ko. Papasok pa lang ako ng school at ito ang sumalubong sa akin.Ang naiiritang mukha ni Kianu na halatang ayaw akong makita."I'm sorry, hindi kita kilala." malamig ang boses na sabi ko sa kanya at muling naglakad palayo sa kanya."Anong sinabi mo?" galit na tanong na naman niya at mahigpit pang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako."Ano ba? Bitawan mo ako! Ano bang problema mo?" naiinis na rin na tanong ko sa kanya at saka ko maharas na binawi ang kamay ko na hawak niya.Napatingin pa siya sa braso ko na agad nagmarka ng pula sa higpit ng hawak niya kanina."Anong palabas iyan? Ako? Hindi mo kilala? Anong problema mo?" galit na balik tanong rin niya sa akin.Taas baba ang balikat ko sa lalim ng paghugot at pagpapakawala ko
"Kapag nagkasalubong tayo, magpanggap kang hindi tayo magkakilala."Tumatak sa isip ko ang sinabing iyon ni Kianu ng gabing iyon ng makita ko siya ngayon at makakasalubong ko siya sa bahaging iyon ng pathway ng school.Tumigil ito sa paghakbang kasaunod ng mga barkada niya.Habang ako ay agad na binawi ang mata ko sa kanya at nagpanggap na hindi ko siya nakita.Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan ko siyang malagpasa."Hindi ba siya ang kaibigan ng kapatid mo? Bakit parang hindi ka niya nakita?" narinig ko pang tanong ng isa sa mga kaibigan niya. Ngunit hindi na ako naghintay kung ano ang isasagot niya.Binilisan ko ang naging hakbang ko para tuluyang malayo sa kanila. Sigurado naman na sasabihin niyang hindi niya ako kilala tulad ng sinabi niya sa akin. At ayaw ko na ulit iyong marinig pa sa pangalawang pagkakataon dahil nakakasakit lang ng loob.Wala na akong balak lumingon at kung kailangang tuluyang lumayo sa kanya ay gagawin ko ang lahat para lang hindi na muling magsal
"Ma,"Ayaw kong tumingin kay Kiana na umiiyak nga ng maihatid ako sa apartment na lilipatan ko. Pinilipit pa ni Kiana na kausapin si tita Avery na kausapin ako para huwag ng payagang umalis sa kanila.Naging tunay na kaibigan ko si Kiana, and she treats me like her real sibling.Alanganin na tumingin sa akin si tita Avery. Sinamahan nila akong tignan ang apartment na lilipatan ko noong nakaraang araw at parang hindi nagustuhan ni tita Avery ang paligid at nag insist sa akin na tumira na lang ako sa binili nilang condo para sa akin. At sadyang ipinangalan sa akin.Pero matigas ang pagtanggi ko dahil hindi ko kayang tanggapin ang ganun kalaking bagay. Sapat na sa akin ang pagpapalaki nila sa akin at hindi ko na kailangang tumanggap pa ng pamana galing sa kanila.Habang si Kianu ang nagmaneho sa amin papunta dito.Hindi na bumaba si Kianu. Nanatili siya sa loob ng sasakyan niya. Kabaligtaran ni Kiana na pilit akong pinapanatili. Pero wala na rin itong nagawa pa."Magkikita pa naman tayo







