LOGIN"Sino ang nagbigay sa inyo ng utos para ilagay ang balitang iyon sa bulletin?" tanong ko sa kanila ng malikom na nila ang nagpakalat ng balita tungkol sa ina ni Maureen."Hindi ba totoo? Hindi ba't inaakit din ng ina ng babaeng ang iyong ama noon? Bakit ganyan na lang ang pagtatanggol mo sa anak ng ex convict na iyon? O baka naikakama mo na rin ang babaeng iyon kaya ganyan ka na lang kaconcern sa kanya?"Sa sinabi nito ay nag init ang tainga ko.Kuyom ang kamao at malakas na isinuntok iyon sa mukha nito."Hayop ka! Anong kasalanan ko sayo at sinuntok mo ako?"Akma rin ako nitong babawian ngunit mabilis na humarang ang mga bodyguard na pinasama sa akin ni mama. At ng hindi nito naituloy ang pagbawi sa akin ay muli ko lang itong sinuntok."Gago ka talaga, Hidalgo." galit na galit ito na hindi makaporma sa pagbawi sa akin."Mr. Hidalgo, kumalma ka lang. Huwag mong idaan sa kamay mo ang pagpaparusa sa ginawa nilang hindi maganda." pagpapagitna naman ni Director Corpuz."At kanino dadaan?
Talukbong ako ng kumot ng mamulatan ko siya kinaumagahan. Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakatingin sa akin."Gising ka na?"Hinila niya ang pagkakatalukbong ko ng kumot at wala akong nagawa kundi ang bitawan iyon ngunit hindi naman tuluyang naalis iyon sa katawan ko.Sumilip pa ako sa ilalim ng kunot."Napunasan at binihisan na kita kagabi kaya huwag kang mag alala." sabi pa niya na prang proud na proud pa nga na siya ang nagbihis sa akin.Nakaramdam ako ng pamumula sa pisngi ko sa sinabi niya."Nakapaghanda na ako ng agahan. Kaya mo bang tumayo o gusto mong buhatin kita?" sabi pa niya na halatang tinutukso niya ako habang sinasabi iyon."K-kaya ko. Hintayin mo na lang ako sa labas." sagot ko na halos pumiyok pa ako. Hindi ko masalubong ang panunukso niya sa akin.Ngumiti siya. Niyuko pa ako at dinampian ng halik sa noo."Okay! Hihintayin na lang kita sa labas kung iyon ang gusto mo."Napasunod na lang ang mata ko sa kanya hanggang sa tuluyan siyang nakalabas ng kwarto.Nang masigu
Naramdaman ko ang pag angat ng paa ko sa sahid.Sa higpit ng hawak niya sa baywang ko ay umangat nga ako.Muli niya akong hinalikan, dinala sa kanyang kwarto."Ugh!" napasinghap ako ng muli kong maramdaman ang paglapat ng likod ko sa malamig na pader malapit sa pinto.Muli ko na naman naramdaman ang paghaplos niya sa dibdib ko."K-kianu,"Muli niya akong hinila, dinala sa kama."Shh, it's okay." usal niya na habang nagtatanggal na siya ng kanyang damit.Kung hindi ko siya pipigilan ngayon ay alam ko na kung saan kami hahantong pero hindi ako gumawa ng hakbang para pigilan siya at pinanuog ko lang siya sa paghubag niya ng kanyang damit.Tinulungan ko pa nga siya na kalasin ang kanyang sinturon at ako na mismo ang humila nun para tuluyang matanggal sa kanyang pantalon.Matapos kung tanggalin iyon ay pinagtuunan niya ang damit ko, nagpaubaya ako ng tanggalin niya ang damit ko."Ang ganda mo, Maureen," usal niya ng napatingin sa dibdib ko na may suot pang bra. Ngunit sa tingin niya ay par
"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni tita Avery ng maikwento ko sa kanila na nakipagkita nga sa akin si mama kahapon at sinabi rin na kinuha nito ang lahat ng pera na laman ng wallet ko. Tapos nakikipagkita na naman ito sa akin para humingi ng pera."Ayos lang ako, tita Avery. Ang inaalala ko lang talaga ay ang panggugulo niya sa school.""Huwag kang mag alala, magpapagala ako ng magbabantay sa inyo sa school para hindi siya makapuslit. At kung sasaktan ka niya ay ibabalik natin siya sa kulungan,"Tumango ako.Hindi sa ayaw ko ng makita ang aking ina pero kung sasaktan lang din niya ako ulit ay mas mabuting umiwas na lang ako dito at ipaalam kina tita Avery na silang tunay na nagpapahalaga sa akin."Pero maiba tayo? Ano itong sinabi sa amin ni Kiana tungkol sa inyong dalawa ni Maureen, Kianu?" kuway tanong ni tito Kendrick na binalingan si Kianu.Napayuko ako na hindi kayang salubungin ang tingin ni tita Avery sa akin."Pa! Sinabi ko sa inyo noong bata kami na pakakasalan ko si Mauree
"Aray ko! Bitawan mo ako." napangiwi ako sa sakit ng bigla na lang may humawak sa buhok ko mula sa likod at hinila ako sa bahaging iyon ng campus.Sisitahin ko na sana ito ng bitawan ako ngunit ng lumingon ako ay ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makilala kung sino ang sumabunot sa akin."Mama!" hindi ako pwedeng magkamali.Kahit na maraming tanon na ang nakalipas ng huli ko itong makita ay hindi ko makakalimutan ng inang nagsilang sa akin na minsan kong kinatakutan at kinamuhian dahil sa pananakit nito sa akin.Kailan pa ito nakalabas ng kulungan. At paano ito nakapasok dito sa campus?Mga katanungan lang iyon sa aking isipan."Huh! Mabuti at nakikilala pa ako ng magaling kong anak. Akala ko ay nakalimutan mo na ako? At nakikita ko ngayon na namuhay ka ng maganda sa mga panahong wala ako habang ako ay naghirap sa bilangguan." may panunumbat na sabi nito sa akin.Napahakbang akong paatras palayo kay mama ngunit muli lang niya akong hinawakan sa buhok. Sinabunutan."Aw! Ara
"Morning,""M-morning,"Nagising ako na nag iisa na lang sa kama.Kung kailan pa pasyente ko siya ay nahuli pa akong nagising sa kanya.Nagmamadali na nga akong lumabas ng kwarto niya kanina para hanapin kung nasaan siya at heto, naabutan ko siya sa kusina at naghahanda na nga ng agahan namin."Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko sa kanya pero hindi niya sinagot ang tanong ko.Nakatitig lang siya sa akin."B-bakit?" tanong ko na nahawakan ko pa ang pisngi ko.Doon ko napagtanto na hindi pa pala ako nakakahilamos at hindi pa ako nakakapagmumog. At higit sa lahat ay magulo pa ang kulot na buhok ko.Hindi ko na hinintay na sabihin niya kung bakit siya napatitig sa akin. Alam ko na na ang pangit ng hitsura ko ngayon kaya nagmamadali akong tumakbo at bumalik na sa sarili kong kwarto.Deretso sa banyo at humarap agad sa salamin.Wala naman akong muta, wala ring marka ng laway ang gilid ng bibig ko. Iyon nga lang ay talagang napakagulo ng buhok ko dahil kulot nga iyon."Ahhhh!" impit kon







