LOGINMabilis na lumipas ang mga araw. At pasapit na ang kapaskuhan.Mula ng magkaayos kami ni Kianu ay hindi na kami muling nag away pa. At kung mayroon nga kaming hindi napagkakaunawaan ay agad naming napag uusapan at nakakapagpaliwanagan."Tara na!" aya sa akin ni Kianu ng umagang iyon ng sabado.Pupunta kasi kami ng ospital para sa check up ko. Higit isang buwan na rin ng mawala ang dinadala ko. At sinabi nga ng doctor na kung hanggat maari ay huwag na muna ako ngayong magbuntis.At ngayon ang huling check up ko para masiguro kung maayos na ang matris ko na nagkaroon ng kaunting lamat dahil sa pagkakalaglag ng pinagbubuntis ko."Okay!" hawaka kamay kaming lumabas ng bahay."Ako na ang magmamaneho, mang Loren. Magpahinga na lang kayo." sabi ni Kianu kay mang Loren ng tanungin nito kung gusto ba naming ipagmaneho niya kami."Sige po, young master."Pinagbuksan ako ni Kianu ng pinto at tulad ng nakagawian na niya ay siya na rin ang nagkakabit ng seatbelt ko bago siya iikot papunta sa kabil
"Kumusta ka na, hija."Nagmano ako sa kanyang mga magulang ng dumating sila."Maayos lang po ako, ma. Maraming salamat po.""Kami dapat ang magpasalamat sayo dahil hindi ka nakipaghiwalay sa anak namin. Ang akala talaga namin ay hindi ka na babalik dito."Napayuko pa ako at mahigpit na nahawakan ang kamay ni Kianu sa sinabi ng kanyang mama."Pumasok na muna tayo, mama."Iginiya niya ang kanyang mga magulan sa sala. Naupo at muling nag usap."Alam mo bang nag alala talaga kami sayo. Akala talaga namin ay hindi ka na masusuyo nitong si Kianu. Mabuti at nakumbinsi ka niyang bumalik dito sa inyo.""Pasenya na po kayp. Masyado lang po akong naging emosyonal at nadamay pa kayo sa pag aalala sa akin.""Asawa ka ni Kianu, hija. Kaya kami na ang pangalawa mong mga magulang. At ayaw naman namin na basta na lang masisira ang pamilyang kasisimula pa lang ninyo. Sa isang relasyon ay hindi nawawala ang pag aaway, ang mga hindi pagkakaunawaan. At nadadaan lahat iyan sa magandang usapan. Kung mayroo
"Narito ako para bisitahin si Lesie," iyon ang narinig namin habang pababa kami ni Kianu ng hagdan.Siya ang may buhat ng maleta ko habang nakasunod ako sa kanya.Pagkababa namin at lumingon pa sa akin si Kianu matapos bitawan ang maleta. Kahit hindi siguro siya magtanong sa akin ay mahuhulaan ko sa klase ng tingin niya. Iyon ay kung bakit narito si Warren na bibisita sa akin.Hindi ko naman nasabi kay Warren na makikipaghiwalay ako kay Kianu. Nasabi ko lang na umuwi ako dito sa bahay at naghinala na siya na nag away nga kami ni Kianu pero hindi ko naman sinabi sa kanya ang dahilan ng tanungin nito kung bakit ako umuwi dito sa bahay.Hindi ko naman akalain na bibisita si Warren ngayon dito at nataon pa na nandito si Kianu at iuuwi na ako sa bahay namin."Did you tell him that you want to divorce me?" Mahina niyang tanong sa akin na may paghihinala. "Let me tell you, Lesie." saka niya hinawakan ang baba ko at pinatingala ako sa kanya. "You are my wife, at ayaw kong may ibang lalaking l
"Mabuti at bumaba ka na.""Opo." maayos naman ang pagsagot ko kay papa ngunit hindi ako sumulyap kay Kianu."Maiwan ko na muna kayong dalawa. Mag usap kayo ng maayos para hindi iyong ganito." matapos sabihin iyon ni papa ay iniwan na nga kami nito ni Kianu.Naupo ako sa pang isahang sofa habang siya ay muling naupo sa kung saan siya nakaupo kanina."Nakahanda na ba ang pipirmahan kong mga papel para sa paghihiwalay natin. Nasaan na para mapirmahan ko na at ng wala na tayong pag uusapan pa." sabi ko sa kanya ngunit hindi ko siya sinulyapan kahit kaunti. Deretso lang ang tingin ko na parang nasa harap ko lang siya kahit nasa may kaliwa ko siya nakaupo."Hindi ako narito para pag usapan ang bagay na iyan...""Kung ganun ay wala na tayong dapat pag usapan pa dahil hindi magbabago ang...""Let's go home."Sa sinabi niyang iyon ay naantala ang pagsasalita ko at napalingon ako sa kanya."I never said this before but if this is what you want to hear and make you stay, I will say it.""Wala ak
"Wala akong balak makipaghiwalay sa kanya, mama. Siya ang may gusto kaya bakit ko pa pananatilihin kung buo na ang pagpapasya niya." naiinis na sagot ko kay mama ng paulit ulit na lang niya akong pinapagalitan tungkol sa gustong pakikipaghiwalay sa akin ni Lesie."Ugh!" tumaas ang kamay ni mama na balak pa yata akong sampalin ngunit naiwan lang sa ere iyon na hindi naman maituloy ang pagsampal sa akin. "Wala kang balak o sadyang wala kang nararamdaman sa kanya kaya ganyan na lang kadali ang pagpayag mo na maghiwalay kayo? Sabihin mo sa akin na hindi mo siya mahal ngayon. Kung sasabihin mo sa aking hindi mo siya mahal ay hindi ko na siya pipigilang makipaghiwalay sa inyo dahil walang patutunguhan ang pagsasama ninyo."Marahas pa ang pinakawalang paghinga ni mama at hindi maitago ang gigil nito sa akin sa galit.Kahit ako ay nagpakawala ng malalim na paghinga, napatitig ako kay mama.Ano na nga ba ang nararamdaman ko kay Lesie? Mahal ko na ba talaga siya? Mga katanungan sa isip ko at ki
"Pag usapan natin iyan ng maayos kapag nakalabas ka na dito sa ospital. Sa ngayon ay kailangan mo munang ipahinga ang isip mo at higit sa lahat ang katawan mo.""Hindi magbabago ang pagpapasya ko tungkol sa pakikipaghiwalay ko sayo. Kaya kahit na sa isang araw o sa isang linggo pa ako lalabas ay ganun pa rin ang disesyon ko." sagot niya sa akin na mas lalong naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Gusto ko pang sagutin ang sinabi niya ngunit kailangan kong pigilan ang sarili ko na huwag siyang pagtaasan ng boses dahil sa pagiging emosyonal niya."Walang..." natigil ang gusto ko sanang sabihin sa kanya para pakalmahin siya ng bumukas ang pinto sa ward niya.Sabay kaming napatingin sa pinto."Anong kapabayaan ang ginawa mo, Kianu?" may galit na sumbat sa akin ni Mama ng makarating nga sa kanila ang balita na nakunan siya.Sila ni papa ang dumating kasama si Kiana."Isang buwan na pala ang dinadala ng asawa mo ngunit wala kayong sinasabi sa
"Asawa ko, noong magkasama tayo noon ng limang taon. Bakit palagi kang nasa bahay noon tuwing pasko at bagong taon? Hindi ka ba nakikisalo noon kina mama?" tanong ni Avery sa akin. "Tinatanong pa ba iyan, baby? Nasa bahay ka noon, at ikaw ang gusto kong makasama noon sa pasko at bagong taon." "Huh
"Kendrick, Avery." "Ma," halos sabay na tawag ni Avery at Kendrick kay lola. "Anong ibig sabihin nito, mama?" kunot ang noo ko ng makitang kasama ni mama si Lola na nakatali pa. "Maliwanag sa pinag usapan natin na hindi idadamay dito si lola." galit na sabi ko sa kanila ni Natalie. "Bakit mo siya
"Hahaha, natatakot ka? Huwag kang mag alala, Avery. Sisiguraduhin kang mapapanuod pa ni Kendrick kung ipapahalay kita sa mga tauhan ko. Maghintay ka lang. Wawasakin ko ang reputasyon mo sa mga mata niya." sabi pa nito na sinabayan pa ng malakas na halakhak. Marahas ang pinakawalan kong paghinga. "
"Stay still, Avery." mahina kong sabi sa kanya. Dahil magkatalikod kami ay nahahawakan ng kamay kong nakatali ang kamay niyang may tali. "Kakalasin ko ang pagkakatali sayo," Tumigil naman siya. Ilang sandali pa ay nakalas ko na ang tali sa kamay niya. "Tutulungan na kita." "Si mama ang tulungan







